I was right. Sinundo nga ako ni Trevor dito sa office ko. Mabuti na lang ay wala na akong ibang gagawin at walang biglaang meeting. Kaya naman puwede na akong umalis at sumama sa kay Trevor. "Are you sure it's fine? Parang palagi ka na lang maaga umaalis sa work mo." "Don't worry, love, ginagawa ko na ang trabaho ko ng mas maaga para mapuntahan kita agad at magkaroon tayo ng time sa isa't isa. Hindi ko ito nagawa sa iyo sa loob ng dalawang taon kaya hayaan mo akong mas kilalanin ka pa bilang asawa ko. Actually napag isipan ko rin ito ng matagal. We have been together for two years pero wala pa akong alam tungkol sa iyo. Just a few, so I am making time to know you better. We will work this out, we will work this marriage together para mas magtibay ang relasyon nating dalawa." "Parang si

