For the record, sa tingin ko, ito ang araw na umaapaw ang aking saya. My husband, Trevor, is so charming. Lalo pa kanina, hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tuwing pinagmamasdan ko ang ngiti niya para sa akin. It looks sincere, and deeply in love with me. Marahil tama nga ang mga kaibigan ko at pamilya ko. Masuwerte nga siguro ako dahil si Trevor Vendalle ang napangasawa ko. Isang lalaking mahal na mahal ako at hindi ako magagawang lokohin. At kahit papaano, masuwerte rin naman ako sa aking biyenan. May ibang mga tao kasi ang nagsasabi na kapag masuwerte ka sa asawa mo ay malas ka sa biyenan mo, kapag naman masuwerte ka sa biyenan mo ay malas ka sa asawa mo. Masaya ako na masuwerte ako sa pareho. Ilang buwan na ang lumipas at masasabi ko namang maayos at mabuti ang pag trato sa akin

