“Maghapon ka na lang ba matutulog, Kourtney?” “Wala kang balak kumain?!” “Magpapakamatay ka na ba?!” Hindi pinansin ni Kourtney ang mga sigaw ni Kim mula sa pinto ng kuwarto nila at nanatiling nasa ilalim ng kumot. Mariin siya na pumikit at mahigpit na niyakap ang unan niya saka pinilit muli na matulog. “Kourtney Mary Domingo! Bumangon ka diyan o hihilahin ko ang paa mo!” sigaw pa ni Kim saka naglakad patungo sa paanan ni Kourtney. Mataman na pinagmasdan ni Kim ang pinsan niya na kasalukuyan na nakabalot ng kumot. Maghapon itong hindi lumabas ng kuwarto nila kahapon at hindi rin nagawang kumain. Ngayon ay hindi pa rin ito kumikilos na kahit ang maligo o uminom ng tubig ay hindi magawa. Nagsisimula na silang mag-alala ng auntie nila kung patuloy na magiging ganito si Ko

