“How do I request for a CT scan?” bungad na wika ni Kourtney nang makarating siya sa nurse station ng Cardiothoracic Surgery ward. “What is the patient’s name?” tanong naman agad sa kanya ng head nurse na nakaupo sa harapan ng computer at kasalukuyan na nag-u-update ng chart. Napabuntong hininga naman si Kourtney saka hindi agad nakasagot. Naupo siya sa tabi nito saka tumitig sa computer. “Kourtney Mary Domingo,” mahinang wika naman niya. “Are you sick, Dr. Domingo?” tanong naman nito na may bahid ng pag-aalala ang boses. Mula sa computer ay humarap ito sa dalagang doktora at mataman na tinignan. “I’m in pain. So much pain,” sagot naman ni Kourtney saka mapait na ngumiti. Halos ilang linggo na ang nakalipas simula nang ikasal si Avery at Red ngunit ramdam pa rin ni

