Pagkalabas ni Avery sa bathroom ay agad na nabungaran niya doon si Red na nakaupo sa malaki nilang kama at kanina pa na naghihintay sa kanya. Mahigpit na itinali niya ang suot na bathrobe nang lumingon ito sa kanya. Hawak-hawak nito ang cellphone at kasalukuyan na naglalaro ng online games. “Bakit?” takang tanong niya dito. Gusto niya sana itdugtong kung bakit ito nandoon gayong nasa baba na ang mga bisita nila which is sina Kourtney, Kim, Rick, Kenneth at mga magulang nila at stepmother ni Red. Wala na silang ibang inimbitahan dahil as much as possible ay ayaw nilang ipagsigawan na kasal na sila, kahit pa binalita na iyon sa ilang news portal at magazine. Hindi ito sumagot kaya nag-iwas na lamang siya ng tingin. Kinuha niya ang towel na nakasabit sa rack nang maramdaman ang pagtu

