Nahanap sila ng mga magulang ni Kenneth matapos ang ilang buwan nila na pagtatago at dahil iyon sa pumayag siya na magpunta ang binata sa lugar nila. Kung naniwala ba siya sa mga paalala ni Kourtney na hindi naman kailangan magpunta doon ng ama ng anak niya, mahahanap pa kaya sila ng mga magulang nito? “Hindi mo ba kami papapasukin, Miss Domingo?” dinig niyang tanong ng Daddy ni Kenneth. Huminga siya ng malalim at pilit na pinatatag ang kalooban saka nagsalita. “Ano po ang kailangan niyo?” seryoso na tanong niya sa mga ito. “Hindi kami nagpunta dito para maghanap gulo kung iyan ang iniisip mo. We’re here because we found out that you just gave birth to a healthy baby boy,” sagot naman ng Mommy ni Kenneth na mababakasan ng nakakairita na tono ang boses. “Hindi ko

