“Don’t you trust me, Dr. Domingo?” seryosong wika ni Rick. “Huh?” naguguluhan na tanong naman ni Kourtney. Hindi agad umimik si Rick at mataman na tinignan si Kourtney, pagkuwa’y huminga ito ng malalim saka nag-iwas ng tingin. “I heard that you went to the police station and asked for your parent’s case,” mahinang wika ni Rick. Si Kourtney naman ang napabuntong hininga ngunit nanatili pa rin ang tingin sa binata. Gusto niyang makita ang mga magiging reaksyon nito. For some reason, gusto niyang kumbinsihin ang sarili na baka hindi totoo ang lahat ng nalaman niya at may pag-asa pa na makamit ang hustisya para sa mga magulang. “Iniisip mo ba na hindi ako nagsasabi ng totoo sayo dahil tatay ko ang pinagbibintangan mo?” sabi pa ni Rick. Muli siyang hinarap nito at kitang-kit

