“I want to go home,” mahinang wika ni Kourtney habang naglalakad sila patungo sa park na sinasabi ni Avery. “Saan?” tanong naman sa kanya ni Kim na kasabay niya sa paglalakad. “Sa Metro,” tipid na sagot niya dito at bumuntong hininga. Parang bigla siyang nawalan ng gana sa mga nalaman. Para bang gusto na lamang niya umuwi at magkulong sa kuwarto niya at doon umiyak ng umiyak. Kahit na sinabi ni Atty Ruiz na hindi na nila mabubuksan pa ang kaso ay nakiusap pa rin siya na makita ang case file para tignan ang nilalaman niyon. Ilang beses niyang binasa ang file at pinaliwanag din sa kanya iyon ni Kenneth at doon niya napatunayan na totoo ang mga sinabi sa kanya ni Rick. Walang pumatay sa mga magulang niya at aksidente lamang ang lahat, pati na rin sa mga magulang ni Kim. Hi

