Chapter 11

3352 Words
(Daks' POV) NAKATULALA lang ako habang nakatingin sa mabagal na pag-ikot ng ceiling fan sa kisame. Wala namang partikular na dahilan kung bakit ako nakatulala, medyo wala lang talaga ako sa mood magtrabaho ngayon. Hindi ko sure kung dahil ba sa biglaang recitation kanina sa klase o dahil ba sa hindi namin pagkikita ni Vassy? Ilang araw na kasi ang nakalipas pero hindi pa rin nya ako tinatawagan or tinetext para makipagkita, nag-aalala ako dahil baka mamaya ay nakalimutan na nya ang gwapo kong mukha kakasama doon sa punggok nyang fiance na ilang taon na syang pinaghihintay ng kasal. "Mas gwapo at mas macho ako doon eh..." Bulong ko tsaka bumuntong hininga. I don't know pero parang mas nasi-stress ako kakaisip kay Vassy kaysa sa mga assignments ko. Tanggalong yan. Bakit kasi sa kanya lang tumatayo 'tong junjun ko? Dati naman ay hindi ako ganito, konting tapik at himas nga lang dati ng mga kliyente ko ay active agad si junjun and ready to fight. Nag-malfunction lang talaga simula ng makilala at magkatikiman kami ni Vassy. Hays. Isang pares ng kamay ang bigla na lang humimas sa magkabilang pisngi ko, doon humarang sa paningin ko ang mukha ni Cassidy, yung spoiled brat na kliyente ko. Magda-dalawang taon ko ng kliyente 'tong si Cassidy at pangalawa sya sa listahan ko ng mga galanteng VIP's. Anak kasi ng mayamang negosyante at NBSB, isa pa ay ka-edad ko lang rin kasi sya kaya isa sya sa mga kliyenteng kumportableng serbisyohan. Ang ganda ng pagkakangiti nya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Maganda naman talaga sya eh tsaka seksi pa, kaya nagtataka talaga ako kung bakit hanggang ngayon ay wala syang syota. "What are you thinking that's making you sigh so deeply?" Kuryusong tanong nya. "Wala ka pa rin bang boyfriend, Cassidy?" Tumabingi ang ulo nya tsaka nangunot ang noo sa naging tanong ko. Ilang minuto pa muna ang lumipas bago naningkit ang mga mata nya at nginusuan ako. "Why? Ayaw mo na ba sa'kin?" "Hindi naman sa ganoon. May itatanong sana ako eh, kaso wag na lang. Pang may jowa o f**k buddy kasi 'tong itatanong ko." Lalong tumulis ang nguso nya. "Don't tell me you're thinking of somebody else while you're with me?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa mga hita nya at agad na hinarap sya para sapuin ang mukha nya. Pinisil-pisil ko na rin yung malambot nyang pisngi kaya mas lalong ngumuso yung mapupula nyang labi. "Nagtatampo ka ba?" Mahina ang boses na tanong ko habang nakatingin sa labi nya. "H'wag kang magtampo, nakakapangit yan." Agad na namula ang pisngi nya matapos kong sabihin yon. See? Konting bola at ka-sweetan ay kinikilig agad sila sa'kin, bakit si Vassy hindi? Parang ang hirap nyang pakiligin at pangitiin ng sinsero? Bibihira ko syang makitang ngumit at tumawa ng totoo, laging peke yung pinapakita nya sa'kin tsaka sa ibang taong nakakasama namin. "Daks naman... Why are you doing this to me?" Napapakagat labing bulong ni Cassidy. "I want you... Please?" Hindi na nya hinintay yung sagot ko at basta na lang akong hinalikan ng marahas. Tulad nga ng sabi ko ay dalawang taon ko ng kliyente si Cassidy at NBSB, kaya nga alam kong hanggang ngayon ay wala pa rin syang talent sa paghalik. Okay lang, sa ibang bagay naman sya magaling eh. Kinailangan ko pang hawakan ang panga nya para lang bahagyang ibuka ang mga labi nya, doon ko pa lamang naipasok ang dila ko at tuluyang nalasahan ang alak na ininom nya kanina bago kami nagkita. Pati ang strawberry flavor ng chapstick na gamit nya ay nalasahan ko matapos kong sipsipin ang ibabang bahagi ng labi nya. Sa ganitong klase pa lang ng halikan ay normal na sa akin ang tayuan, pero ngayon? Kahit na kanina pa nakahagod at pumipisil si Cassidy sa p*********i ko ay hindi man lang ako nakakaramdam ng init. Tokneneng talaga oh. Mukhang napansin yata ni Cassidy na hindi tumitigas yung p*********i ko kaya huminto sya sa paghalik sa'kin at ibinaba ang paningin sa pants ko. Kunot-noo nyang binuksan ang zipper at naguguluhang tinitigan si junjun na mahimbing pa rin ang tulog sa loob ng brief ko. Hindi nya pa tuluyang nahahawakan si junior ay wala sa sariling hinawakan ko ang dalawang kamay nya ng mahigpit para pigilan sya. Nanlaki ang mata nya sa gulat, pero syempre ay mas malaki ang mata ko. Aba! Pati kamay ko may sariling buhay na! "W-what are you doing?" Anya tsaka inagaw ang sariling kamay. "Seryoso, Daks?" "Uy, reflex lang yun. Sorry." Iwas tingin kong sagot tsaka tumayo at kunwaring hinilot ang sentido ko na parang sumasakit ang ulo ko. Pati ako ay nagulat rin talaga sa ginawa ko. Bigla na lang kasing sumagi sa isip ko yung seryoso at inis na mukha ni Vassy kaya kusang gumalaw ang kamay ko. "Are you gay, Daks?" Ngumiwi ako sa naging tanong nya at marahas na napalingon. "Talaga? Sa dalawang taon nating magkakilala eh talagang ngayon mo pa naisipang magtanong ng ganyan?" "Why not? Ilang weeks kang hindi nagpa-book and then nabalitaan ko na lumipat ka sa stage para mag-entertain, ngayon naman na available ka na ulit ay wala ka naman ni isang clients na nasa-satisfy." "Huh? Paano mo nalaman? Confidential information yan hah!" Totoong confidential yun, aba! Halos lahat ng kliyente ko this week eh binigyan ko ng refund dahil wala naman akong na-satisfy ni isa dahil nga panay ang sulpot ni Vassy sa isip ko. Kasi naman 'tong si miss Vassy ni isang text hindi ako sine-sendan! Napa-praning na ako dito oi! "We, your VIP clients, have a group chat." Sagot ni Cassidy na nagpalaki sa butas ng ilong ko. "Bakit kayo may gc about sa'kin? Doon nyo 'ko tsinitsismis 'no? Bina-backstab nyo siguro ako doon." "Hindi 'no! We communicate with each other to know our availability and to settle our schedule with you." Umirap sya bago tumayo at inayos ang sarili bago kunin ang branded bag. "Anyway, they are right. Looks like wala ka nga sa kondisyon para mag-serbisyo sa'min. I'll just go downstairs to the bar to spend the rest of my night drinking. Don't worry, honey, I'm not gonna ask for a refund." Lumapit sya sa'kin at humalik sa labi ko bago naglakad patungo sa pinto, ngunit bago pa man tuluyang makaalis ay huminto sya at nilingon pa akong muli. "By the way, whoever that person that you're thinking about, just text or chat with them directly. Lalo ka lang mag o-overthink kung hindi ka magri-reach out sa kanila." Tumaas ang kilay ko sa naging payo nya. "Wow, saan galing yan? May boyfriend ka na 'no? Sino yan?" "Ugh, I'm still NBSB you dork. If I had a boyfriend, I would have not been here trying to have s*x with you." Irap nya ulit sabay alis. Ngumuso ako. Parang nagtatanong lang eh, ang sungit talaga. Bumalik ako sa paghiga sa kama at muling tumitig sa kisame. Bakit naman ako ang magri-reach out kay Vassy, aber? Ang bilin ng aking master na mala-dyosa ang alindog at ganda ay sya ang magti-text sa'kin kung kailan nya ako kailangan. Kaya nga sya ang master eh, kasi sya ang masusunod-pero aaargh! Kailan naman sya magti-text ulit? Kailan nya ba ako kailangan ulit? Kasi inip na inip na ako! Niyakap ko ang unan at doon sumigaw-sigaw. Paano kung hindi na nya ako kailangan kaya hindi na sya nagti-text? Paano kung nakalimutan na nya ako? Paano kung kinasal na sya sa punggok nyang fiance ng hindi ko alam? Side chick na lang talaga ako? Wala na talaga? Paano na si jun-jun ko? Never na syang tatayo? Ipa-putol ko na lang ba 'to? Tutal eh wala naman na syang silbi kung hindi rin naman sya tatayo. "Anong katangahan 'yan, Alexander?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Rose. Nakahalukipkip sya habang may hawak na sobre, walang ibang suot kundi ang paborito nyang itim na bathrobe. Malamang ay katatapos nya lang sa pagsasayaw. "Roseee~" Tumayo ako at niyakap sya. "Sa tingin mo ba, dapat lang na i-text ko ulit si Vassy?" Pinagtaasan nya ako ng kilay. "Bakit? Hindi na naman kayo nagkikita?" Umiling-iling ako kaya bumuga sya ng hangin. "Alam mo, bakit hindi mo na lang muna asikasuhin yung pag-aaral at trabaho mo? Mamaya ay busy lang rin sya sa trabaho nya, di'ba nga event coordinator sya? Mayaman sya so malamang in demand sya sa trabaho nya." "Sa tingin mo talaga busy lang sya?" Saglit nya akong tinitigan bago nangunot ang noo na para bang may nakikita syang masamang espiritu sa mukha ko. "Teka nga, bakit ba sobrang bothered ka dyan kay Vassy? Eh f**k buddies lang naman kayo. If ever naman na busy sya sa ibang bagay eh wala ka naman na doon, may jowa na rin yun eh." "Ih kahit na! Syempre kahit papano ay-" "May gusto ka ba kay Vassy?" Nabato ako sa naging tanong nya at agad na umawang ang labi sa gulat. Ako? Magkakagusto kay Vassy? No way! Bakit ako magkakagusto kay Vassy? f**k buddies lang kami, 'no! Pera lang at katawan ni Vassy ang habol ko sa kanya kaya bakit ako magkakagusto sa kanya? Mukhang pera ako, oo, pero hindi ako in love! "Tangina, may gusto ka nga sa kanya." Saad nya na para bang yun na ang pinakamasamang balitang nalaman nya kaya nanlaki ang mata ko. "Hoy! Ang kapal ng mukha mo, paano mo naman nasabi, huh? Eh hindi pa nga ako sumasagot! Tamang hinala ka." "Hindi mo na kailangang sumagot. Pagkatanong ko pa lang nag-react ka na agad eh. Kitang-kita sa mukha mo eh." "Anong nakita mo sa mukha ko!?" "Mukhang tanga." Sinundot nya yung ilong ko. "Nga pala, sabi ni mamang eh mag-ayos ka raw bukas at may bago kang VIP client. Galante raw." Ngumuso ako. "Aanhin ko yang VIP na yan kung hindi naman si Vassy yan?" "Puro ka Vassy! Naririndi na ako sayo, letse!" Reklamo nya sabay hampas ng puting sobre sa dibdib ko kaya nagtataka iyong tinitigan. "May pera pa ako, ano 'to, baon ko sa school?" "Hindi, tanga." Sumilay ang ngiti sa labi nya, yung sinserong ngiti na bibihira ko lang makita. "Tapos na ako dito." Naguguluhan ko syang tinitigan pero imbes na linawin ang sinabi nya ay ngumuso lang sya sa sobreng iniabot nya sa akin. Naghihinala ko yung binuksan at inilabas ang papel na laman non. Kunot ang noo kong binasa ang nilalaman 'non, maya-maya pa'y hindi ako makapaniwalang nilingon sya. Nakangiti pa rin naman sya pero ngayo'y may kasama ng luha. "Hindi na ulit ako sasayaw para kumita ng pera, Daks. Tapos na ako sa lahat ng mga utang ko kay boss." "Sobrang saya ko para sayo." Saad ko nang yakapin ko syang muli. Sumisinghot-singhot sya habang mahinang tumatawa. "Salamat." Sabay hampas sa dibdib ko. "Ikaw? Malapit ka na rin bang matapos sa utang mo kay boss?" "Oo naman." Pagsisinungaling ko tsaka nakitawa sa kanya. "Pero h'wag kang mag-alala, syempre balang araw eh aalis rin ako dito." *** "LOOKS like someone's gonna be left behind in this hell hole." Huminto ako sa pagsusuot ng jacket nang marinig ko ang boses ni Duke, ang kanang kamay ni boss. Of course, alam ko naman na mainit ang dugo sa'kin ng taong 'to kaya ngumiti ako para mas kumulo pa lalo ang dugo nya sa'kin. Mukhang success naman dahil nawala ang ngisi nya at napalitan ng pagtatagis ng ngipin. "Good morning, Duke! Alas tres na ng umaga ah, kaka-out ko lang. Ba't nandito ka pa? Hinihintay mo ko 'no?" "Kahit kailan ay nakakadiri ka, Alexander." "At kahit kailan nakakairita ka pa rin, Duke." Sinuot ko na ang jacket ko at inabot ang helmet para isuot na rin. "Hindi ko alam kung bakit trip na trip mo 'ko, pero sana h'wag muna ngayon." Sarkastiko syang natawa sa sinabi ko pero hindi ko na lang pinansin. Sumakay ako sa motor ko at ini-start ang makina pero hindi pa ako tuluyang umaandar ay humarang sya sa mismong daanan habang nakahawak sa manibela ng motor ko. "Wow, naiirita ka rin pala?" Banat nya habang hindi inaalis ang titig sa'kin kahit na nakababa ang tinted na salamin ng helmet ko. "Why? Is it because you still have a long way to go before you could finally leave this hell?" Sumimangot ako. Baliw ba 'to? Bakit ba ako lagi ang trip neto? "Matagal pa naman talaga akong magta-trabaho kay boss. Wala pa sa kalahati yung nababayaran kong utang ko kaya malamang sa malamang ay baka mga sampung taon pa akong magbebenta ng laman bago ako makabayad ng buo—" "Why did you do that?" Putol nya sa sinasabi ko na nagpataas ng kilay ko sa iritasyon. Bastos rin talaga eh. "Ang alin?" "H'wag kang magpatay malisya dahil alam kong kinuha mo ang natitirang taon ni Rose dito sa bar. You took half of her debt, right? Don't deny it, alam kong ganon rin ang ginawa mo kay Kyle." "So? Anong pake mo?" Umirap ako gaya ng pag-irap na ginawa sa'kin ni Cassidy kanina. "Duh, wala ka ng pake sa kung anong ginagawa ko. Kung naiinggit ka at gusto mo rin magpakabayani, kunin mo rin yung kalahati ng utang ko tas sabay tayong magpaka-bulok sa lugar na 'to." "What did you just s—" "Waaaah wala-wala! Wala akong naririniggg~ Blah bleh blih bobo ka ang bulaklak, bye!" Putol ko rin sa kanya tsaka mabilis na pinatakbo ang motor ko. Naririnig ko pa syang pinagmumura ako pero anong pakielam ko? Alas tres na ng madaling araw, inaantok na ako at nasi-stress pa ako sa trabaho at kay Vassy tapos dadagdag pa sya? Eh ano naman kung kinuha ko yung kalahati ng utang ni Rose at Kyle? Ano naman kung maiwan ako sa bar? Anong kagalit-galit doon? Parang ewan talaga yung taong 'yon. Aba, peste sya. Mas gwapo ako sa kanya kaya hindi ako papayag na ma-stress ako lalo ng dahil sa kanya. Si Vassy lang ang may karapatan na maging dahilan ng stress ko. Speaking of Vassy, ano kayang ginagawa nya ngayon? Tulog na kaya sya—ay engot, malamang! Madaling araw na eh! Umiling-iling ako. "Shet, bahala na. Maghihintay na lang ako kaysa magalit sya." (Vasselisa's POV) HOW come the sky still looks beautiful even without the moon and stars? It looks so calming and refreshing kahit na purong dilim lang ang nakikita ko. I wish my mind was just as clear as the sky. No thoughts or anything, just emptiness. Nangunot ang noo ko nang mapansin ang isang star na bigla na lang sumulpot. As in nag-iisa lang yung star na nasa langit and it's strange because it's shining so bright, parang gusto na nyang palitan ang moon sa sobrang tingkad ng pagkaka-shine nya. Bida-bida. "He's like Daks..." Bulong ko tsaka mahinang natawa. Si Daks na pasulpot-sulpot rin sa isip ko. I did not reached out to him these past few weeks pero active naman sya sa isip ko, hindi sya napapagod tumakbo. Minsan, even though may ginagawa ako ay bigla ko na lang syang maaalala. I don't know why pero mas lamang ang curiosity ko sa kung anong ginagawa nya habang hindi kami magkasama. I felt the blanket sliding down my shoulder when an arm circled on my waist. Mas lalong humigpit ang yakap nya sa'kin kasabay ng pagbaon lalo ng mukha nya sa batok ko kung saan sinimulan nyang humalik-halik kaya natigilan ako sa pagtawa. "Why are you still awake?" Jerome whispered. "It's three AM in the morning, Vassy. You should sleep more." "I know. Naalimpungatan lang ako." Mahinang sagot ko. Hindi naman sya sumagot kaya akala ko ay matutulog na ulit sya, ngunit nagulat ako ng bigla syang bahagyang bumangon at iniharap ako sa kanya. Napakapit tuloy ako sa kumot na nakabalot sa hubad naming katawan. Jerome smiled while caressing my hair, trying to comb it with his fingers. I took that opportunity to stare at his handsome face, trying to memorize every line and corner of his skin as if I'm gonna forget it anytime soon. "I love you." He said. There's this tingling feeling that I always feel in my stomach whenever he says the word 'I love you' to me. It turns me on, it makes me feel flustered, it makes my cheeks burn. That feeling has been consistent ever since we got together. It's strange. I don't feel anything. "Hey, are you okay?" Hinimas nya ang pisngi ko habang nag-aalalang nakatitig sa mga mata ko. "You're spacing out." Humugot ako ng malalim na hininga bago nagpakawala ng pekeng ngiti tsaka umiling-iling. "I'm fine, I just remembered something about work." Nagsalubong ang mga kilay nya. "Seriously? Sa ganitong oras, work pa rin?" Hindi na ako sumagot at basta na lang tumayo. I didn't even bother to cover my naked body since Jerome already saw everything about me. Dumiretso ako sa banyo at binuksan ang gripo ng bathtub para mag-ipon ng tubig. Alam kong sumunod si Jerome sa'kin dahil narinig ko ang pagsara ng pinto ng banyo. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang init ng buong katawan nya ng yakapin nya ako ng mahigpit mula sa likuran. His hands reached for my breasts and started fondling it. I can't help but to shut my eyes close and let the pleasure ignite inside me, nararamdaman kong nagsisimula ng mamasa ang gitna ng mga hita ko. "Kung aagawin kita sa kanya, magpapa-agaw ka ba?" I gasped and opened my eyes after hearing Daks' words in my mind. Wala sa sariling napalayo rin ako kay Jerome na ngayo'y gulat rin na nakatingin sa'kin. Pareho kaming bahagyang nanlalaki ang mata dahil sa hindi inaasahang reaksyon ko, ngunit sa kanya ay sinabayan ng pag-awang ng labi pagkatapos nyang mapansin na tinatakpan ko ang sarili ko. "What? What is it?" He tried to touch my face pero mabilis akong nag-iwas at lumayo sa kanya. Confusion is written all over his face. "G-get out, Jerome. I want to take a bath by myself." Saad ko tsaka sya pinagbuksan ng pinto. "Get out, please." He's still gaping at me in disbelief. "What the hell, Vassy? I've seen your whole body a hundred times, kabisado ko na ang bawat sulok ng katawan mo and we just had s*x earlier a couple of times!" "Just get out, okay? I want to be alone for a moment!" "What the—" He didn't even finish his sentence because I pushed him out of the bathroom. Naririnig ko pa ang mga reklamo nya sa kabilang side ng pinto pero hindi ko na lang pinansin at basta ko na lang nilublob ang sarili ko sa bathtub na ngayo'y nag-uumapaw na ang tubig. What the f**k is happening to me? Daks is not just invading my mind, pati s*x life ko pinapakialaman na nya! The hell? This never happened before, I mean mahal ko pa si Jerome so I shouldn't think of Daks while having s*x with him right? There's no reason for me to think of him, he's just a boy toy. He's just a fling, a side chick sabi nga nya. He's nothing special to me. Nag-inhale, exhale ako para kalmahin ang sarili ko. This can't be happening to me? I'm not yet ready! He's twenty four! That's an eight year gap! We may have s*x a couple of times but that doesn't mean he has a special place in my heart! Umarte akong pinapaypayan ko ang sarili ko. "Chill, Vassy. You shouldn't stress yourself about him. This is not a big deal, he's not a big deal—" Natigilan ako at bahagyang tumabingi ang ulo habang unti-unting lumilinaw ang imahe ng p*********i ni Daks sa isip ko. The image of him lying naked inside my office bed room while his d**k is wrapped around with a pastel pink ribbon just like the last time. "He... He is big... So.... He's a big deal. He's not nicknamed as Daks for nothing." Lumunok ako tsaka sinabunutan ang buhok ko. "Damn, Vasselisa. What are you doing?" Muli kong inilublob ang ulo ko sa tubig habang umiiling, iba't ibang version na kasi ni Daks ang nagsa-slideshow sa utak ko and I need to remove that. This is not good, not good at all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD