***
"GOOD morning, sleeping beauty!" Bati ni ate Hennesy nang magkasabay kaming bumaba ng hagdan. "How's your lovey dovey night with your oh so loving fiancé?"
I rolled my eyes. May halong sarkasmo at pang-aasar kasi yung tono ng boses nya na mas nakadagdag sa pagkairita ko.
"I'm not in the mood, ate." Sagot ko bago naunang bumaba pero agad rin naman syang humabol sa akin.
She grabbed my arm and began clinging on it while we were still walking towards the dining room. She has this stupid face expression that she always does to annoy me, yung pinasisingkit nya yung mga mata nya habang malawak na nakangisi na para bang sinasabi nyang may alam sya na mas ikaiinis ko pa.
"Well, I just saw your fiancé walking out at 4 AM in the morning while muttering something." Inilapit nya ang mukha sa'kin habang humahagikgik. "What happened? Did you kick him out or... did something else happen?"
Huminto ako at asar na tinanggal ang pagkaka-angkla ng braso nya sa'kin.
"Yes. I kicked him out. There, happy?"
She pouted. "Okay, bakit nagagalit ka agad? I was just asking."
Ngumiwi ako. Mas naaasar ako lalo dahil boses pa-inosente at pa-kyut yung ginagawa nya na para bang hindi nya alam na nabi-bwisit ako sa mga ekspresyon nya.
"I'm not angry, just—just don't talk to me, okay? Naiirita lang ako."
"And bakit ka naman naiirita?" Ngumisi ulit sya. "Is it still about Jerome or is this about someone else?"
"Shut up."
"What? Ang init ng ulo mo, red days mo ba?"
Hinilot ko yung sentido kong nagsisimulang sumakit. "f**k, why can't you just shut up? Wala nga sabi ako sa mood makipag-usap!" Iritable kong sagot bago sya tinalikuran.
Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay napahinto agad ako nang makita kung sino ang nakatayo sa hamba ng pintuan ng dining room. She's standing right in front of us, arms crossed under her chest while looking at us sharply.
"Are you two fighting?" Mom asked as one of her eyebrows rose.
"No." Sabay naming sagot.
Kahit hindi ko nakikita ay alam kong sabay kaming umiling ni ate Hennesy, because if not, baka batuhin kami ni mommy ng tsinelas. My mom will really do it even though both me and my sister are already adults.
"M-mom, kailan pa kayo nakauwi?" I asked.
"Kanina lang umaga." Naglakad sya palapit sa aming dalawa at taas kilay pa ring pinagmamasdan. "Talaga bang hindi kayo nag-aaway? Ang aga-aga, rinig na rinig ko yung sagutan nyong dalawa. Lalong-lalo ka na Vasselisa."
Pasimple kong sinamaan ng tingin si ate Hennesy na ngayo'y patay malisyang nakangiti kay mommy, as if hindi nya ako biniwisit kanina.
"Nope, we're not fighting. It's just that Vassy is not in the mood because of her fiancé who walked out on her this morning."
"Huh, walked out on me?" Hindi makapaniwala kong saad na tinuro pa ang sarili ko. "I kicked him out, okay? Hindi nya ako nilayasan dahil ako ang nagpaalis sa kanya."
"As you should!" Sabat ni daddy na kapapasok lang galing naman sa labas.
Sabay-sabay na nangunot ang noo naming tatlo nang makita kung gaano sya kadungis. Puno ng itim na alikabok yung mukha nya, especially sa bandang ilong at mata na para bang nasabugan sya ng kung ano. Yung damit nya rin at shorts ay puro putik at parang pinahiran ng parang uling. Pati buhok nya ay ang gulo-gulo tapos may bitbit syang toolbox.
"What happened to your face? I thought you're just gonna fix something from the car?" Mom asked before wiping my dad's face.
Natatawang napakamot sa batok si daddy. "Well, looks like it needs more fixing than I thought it would. Biglang naglabas ng usok yung tambutso habang tinitingnan ko eh."
"H'wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Dalhin mo na lang agad sa mechanic."
"Yes, mahal. Dadalhin ko po mamaya after lunch." Anya sabay halik sa pisngi ni mommy bago seryosong humarap sa'kin na ikinagulat ko. "Anyway, as I was saying, tama lang na ikaw ang nagpa-alis sa lalaking 'yon. How dare he come here in my own house without asking permission from us?"
Tumaas ang kilay ko. "We're gonna get married soon but you still didn't like him?"
"Ne-vah. N-E-V-E-R. Never." Saad nya na sinabayan pa ng pag-iling bago sinapo ang magkabilang pisngi ko dahilan para mapanguso ako. "Sinong ama ang magkakagusto sa sa kanya? Ilang taon ka na nyang pinaghihintay ng kasal, anak. Ako na ama mo nga ay bagot na bagot na, ikaw pa kayang pakakasalan nya?"
I can't help but to stare at my dad's face. I can say that he's really worried about me, nakikita ko yon base sa mga mata nyang malamlam na nakatingin sa akin at sa pagkakakunot ng noo. Ganon rin si mommy na may kaparehong ekspresyon kay daddy, habang si ate naman ay nagkibit balikat lang nang malingunan ko.
Bumuntong hininga muna ako bago napalunok at sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahang sasabihin ko na nagpalaki sa mata nilang tatlo.
"Should I just cancel the wedding?"
(Third Person's POV)
MAHIGIT trenta minuto ng nakasandal si Daks sa motor nya habang humihithit ng yosi, halos naka-apat na stick na ang naubos nya pero hindi pa rin dumarating ang kliyente nya. Maski si Rose na syang nakikitambay at nakikiyosi lang kasama nya ay naiinip na rin dahil wala man lang mensahe yung hinihintay nila. Kasalukuyan silang nakatambay sa parking lot ng isang hotel kung saan nya susunduin yung bagong kliyente, medyo maselan raw kasi ito at ayaw na maraming nakakakita.
"Baka bogus naman yung kliyente mo, anong oras na wala pa rin." Anya ni Rose bago itinapon ang natirang dulo ng yosi sa sahig at inapakan. "Ang tagal. Lunes na mamayang madaling araw, di'ba may pasok ka pa sa school?"
"Oo nga eh. May essay pa akong tatapusin." Ngumiwi sya sabay buga ng usok sa hangin na agad naman nyang hinawi para hindi mapunta sa mukha ni Rose.
"Wala bang binigay na information si mamang?"
"Wala eh, hintayin ko na lang raw dito kasi magche-check in muna tapos nagpapasama raw kumain ng hapunan. Galing raw kasing trabaho at ayaw daw makita ng maraming tao."
Umikot ang mga mata ni Rose. "Ang daming kaartehan, ha? Bakit, ano bang trabaho nyan? Artista ba yan?"
Akmang sasagot pa lang si Daks nang tumunog ang elevator di kalayuan kung saan sila nakapwesto ni Rose. Lumabas doon ang isang babaeng naka-shades na medyo kinulang sa tela ang suot, blonde ang buhok at naka-four inch high heels. Sa likod nito ay ang dalawang bodyguard na sinisipat-sipat ang paligid habang nakasunod sa babaeng halos mapunit na ang pisngi sa ganda ng ngiti.
"f**k, artista nga..." Bulong ni Rose na nagpataas sa kilay ni Daks.
Artista? Itong bago nyang VIP client ay artista? Ngumuso sya. Kaya ba ayaw nito na marami ang makakita sa kanya kasi baka pagkaguluhan ito?
"Kilala mo yan?" Bulong nya na sinagot naman ng tango ni Rose.
"Yung bagong movie na ilalabas sa September, sya yung second female lead. Bagong artista lang pero maraming fans.
Agad na tinanggal ng babae ang suot na shades at basta na lang hinila ang kamay ni Daks para kamayan na hindi naman inasahan ng binata. Namimilog ang matang pinasadahan nya ito ng tingin pero hindi nawala ang ngiti sa labi ng babae, ramdam nyang pinipisil-pisil pa nito ang palad nya.
"You must be Alexander or should I call you Daks?" Makatas ang ingles na pagkakasabi nito.
Hindi nya alam kung bakit pero hindi nya magawang suklian yung ngiti ng babae, kahit na halos magsuntukan na ang mga kilay nito sa pagtataka dahil hindi man lang sya nakasagot dito.
Sorry not sorry, pero hindi nya vibes 'tong isang 'to.
"Uhm, Alexander?"
Tumaas ang kilay nya. Parang may kung anong alarm ang na-trigger sa utak nya nang banggitin nito ang pangalan nya. Bakit pag si Vassy ang bumabanggit ng pangalan nya parang huni ng anghel sa ganda ng boses nito sa pandinig nya? Itong isa, 'A' pa lang nababanggit eh naiirita na agad sya.
"Huy, tawag ka." Siko ni Rose sa kanya na nagpahimasmas sa kanya kahit papaano.
"Uh, sorry. Oo, Daks na lang." Wala sa wisyong sagot nya.
Pinipilit nyang ngumiti pero hindi talaga umaabot sa mata nya eh, kaya paulit-ulit na lang syang kumukurap. Pinipigil nya rin yung pagkakakunot ng noo nya. Baka biglang mag-back out eh tapos refund na naman, baka ilibing na sya ng buhay ni mamang nyan.
"Nice to meet you, Daks." Medyo malandi ang tono na sagot nito tsaka iniabot ang bag sa kanya. "Here. Bring my bag."
'Aba, ayos ah! Ano ako, PA?' Saad nya sa isip nya pero hindi nya naman ito tinanggihan. Kinuha nya ang bag ng babae at nilagay sa sabitan na ng motor nya. Masama rin ang loob nyang hinubad ang suot na jacket para ibigay dito, maikli kasi talaga ang suot nitong dress kaya alam nyang mahihirapan itong sumakay sa motor nya.
Ngiting-ngiting isinuot ng babae ang jacket nya. "Is this part of your service or you're just being a gentleman?"
"He. He. He." Pilit nyang tawa bago nya ibinigay dito ang helmet. "Saan tayo pupunta?"
"Are you not going to help me put this helmet on?" Tila nagpapa-kyut na anya nito na ngumuso pa kahit hindi naman bagay. "I mean, it's just a little part of the fifty thousand that I paid for tonight's five hours with you so... I think I'm not asking for too much, right?"
Medyo awang ang labing nilingon nya ito, tapos bumaling sya kay Rose na ngayon ay nakasimangot na, tapos balik ulit sa babae. Wala na syang pakialam kung masabihan syang suplado pero tumaas ang kilay nya.
Grabe, bakit parang nararamdaman nyang magiging utusan lang sya nito buong gabi? Ramdam nya na rin na magpapabuhat pa ito makasakay lang sa motor nya. Hindi pa sila nakakaalis ay napapamura na agad sya sa isip nya. Wala, sya na lang talaga ang masama pero hindi nya talaga feel 'tong client nya.
Pekeng ngumiti si Alexander bago binawi ang helmet at inayos.
"By the way, ano nga ulit ang pangalan mo?" Kunwari ay interesado nyang tanong.
Hinawi muna nito ang buhok bago puno ng kumpyansa sa sariling sumagot.
"My name is Sabrina Devon." Sabay ngisi. "But you can just call me Sab."