Prologue

823 Words
Janine "What the hell were you thinking?!" Dumagundong ang boses ng taong nagligtas sa akin dahilan para mapaangat ang tingin ko sa kan'ya. Sumisipa pa rin siya sa ilalim ng tubig habang nakakulong naman ako sa kan'yang mga bisig. Tenebrous, menacing and fiery eyes met mine. His eyes were like forest fires and the ferocity of his anger was so evident in his interesected, dark brows. Napaawang ang labi ko pero hindi na ako nakapagprotesta nang dalhin niya ako sa ilalim ng tulay at marahas na pinasampa sa haligi nito. Sobrang higpit ng hawak niya sa aking baywang at nanghihina akong napaupo sa sementadong pillar ng tulay kung saan hanggang ngayon ay rinig na rinig ko ang tunog ng mga sasakyang dumaraan. Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa kan'yang damit nang mabilis siyang umahon at naupo sa aking tabi. "Tell me what the hell were you thinking, Nine?! Why the hell did you jump?" Sobrang bigat ng kan'yang mga kamay sa aking balikat nang paharapin niya ako sa kan'ya at yugyugin na parang inaalog pa ako upang bumalik sa katinuan. My lips tremble and my body quivered from the mixture of cold and fear as dawn realization hit me. Sinubukan kong magpakamatay sa tulay at muntik na akong mamatay! I jumped from the bridge that connects two cities together only to drown in the dark waters! Napakurap-kurap ako at napatingin sa kan'yang mga matang mas lalong nagdilim sa mga ilaw na sumasalamin sa malinaw na tubig mula sa siyudad hindi kalayuan. "H-Hindi ko alam..." Napakagat-labi ako at mahinang umiling. "H-Hindi ko alam k-kung bakit..." Dumaloy ang masagana at maiinit na luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. "You are insane! You are f*cking insane, wife! F*ck!" Ikinulong niya ang aking mukha sa kan'yang mga palad habang pilit niyang hinuhuli ang aking mga mata. "Did you not think what will happen if I did not come?!" "H-Hindi ko a-alam..." was all I can say. Nakulong ako sa mga mata niyang walang kasingdilim. Bakit gan'yan ka, Nat? "Hindi mo man lang ba n-naisip kung ano'ng mangyayari sa akin kapag nawala ka? Huh? Nine?! Tell me what the hell were you thinking and you jumped from... from the f*cking bridge!" Ang bahagyang panginginig ng kan'yang boses ang pumukaw sa aking atensiyon. His eyes turned desperate. Nangingintab ang mga iyon sa nagbabadyang luha sa sulok at mas lalo lang nanikip ang dibdib ko sa sakit at pagsisisi. "Wala ka n-namang... pakialam sa akin..." I whispered hoarsely as I pushed his chest away but I was too weak to do so. "You judged me harder this time, wife. Harsher... Way ruthless..." He let out a dead laugh and I was too stunned to react. "F*cking hurts. You really love it, huh?" "Tigil na, Nat..." "Why? Afraid?" Halos nalasahan ko na ang dugo sa diin ng pagkakagat ko sa'king labi. "When you didn't think how afraid I am that I'd lose you when..." "Tigil na." I caught a glimpse of his disheveled hair and unmade coat and tie wetly damped in his masculine chest and ripped biceps. Tumutulo pa rin ang tubig sa kan'yang buhok at gano'n din ang sa akin. Mas lalo lang akong nilamig sa simoy ng hanging panggabi at alam kong mas malaki ang posibilidad na magkasakit ako. "You didn't even let me explain." "Hindi ko alam, N-Nat... Kailangan ko ng... pahinga. Sa lahat-lahat." Sa nanginginig na mga kamay ay inabot ko ang kan'yang pisngi at marahang hinaplos. Iniligtas niya ako at iyon lang ang mahalaga. Kahit papaano, may pakialam pa rin siya sa akin kahit tungkol lang 'to sa pera o kung ano pa'ng walang kinalaman sa pagmamahal. "Masakit..." "I can't let you go, Nine. Not you. No... Not you, wife." Mariin akong napapikit nang hapitin niya ako palapit ulit. Nadikit nang tuluyan ang aking katawan sa kan'ya at ramam na ramdam ko ang init na hatid no'n. Something that shrugged off the cold all of a sudden. "Nat..." "No, I won't let you. You will not leave me, okay? You'll stay just right here... No leaving, no space... No far away, wife." Halos hindi na ako makahinga sa pinaghalong higpit ng kan'yang pagkayayakap na parang ikinukulong na naman ako, pati na rin ang sakit na dulot ng pagmamakaawa sa kan'yang boses. Sa lahat ng taong pakakasalan mo, Nash Trevor Laxamana… bakit ako? Bakit kailangan mo akong saktan nang ganito gayong gusto ko lang namang sumaya sa piling mo? Wala naman akong hinihiling pang iba, gusto lang kitang makasama pero bakit ganito kasakit? Parang kang isang punyal, pero handa akong hawakan ka kahit alam kong sugat lang ang aking matatamo. Kung hihilingin mo pa, kaya kong mas diinan. Gano’n kita kamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD