One

2220 Words
Janine "Ja... Ja, apo, gising na." Napaungol ako. Ang ngiti ni lola agad ang bumungad sa namumungay kong mga mata kaya wala sa sariling napangiti rin ako. "'La... ano’ng oras na po ba?" Nag-inat kaagad ako at dahan-dahang naupo sa kama saka napatunghay kay Lola na nakatayo lamang sa dulo. Ang lumang bestida ay hindi nagbigay-hustisya sa kagandahang hanggang ngayon ay taglay pa rin niya. Lola has soft and regal features that she inherited from her father who was a Spanish soldier. Maputi si lola, magaganda ang hugis ng mga mata, ilong, ng labi at lalo na ang kan'yang mukha. Nakita ko ang litrato niya noong kan'yang kabataan pa lamang at kahit ako ay nahigit ang hininga. "Mag-aala-sais na, apo. Baka mahuli ka na naman sa klase," paalala niya kaya halos takbuhin ko na ang pagitan ng aking kama at banyo para lamang makaligo. I even heard lola laughing at what I did. "'La! Ako na po ang magliligpit sa higaan. Mamaya na po pagkatapos kong maligo!" sigaw ko mula sa loob ng banyo. Ayokong napapagod si lola kahit na sabihin pa niyang maliksi pa siya. Gusto kong wala siyang inaalala kun'di ang kan'yang sarili lamang. "Nako apo, ako na. Talagang mahuhuli ka kung magliligpit ka pa," aniya kaya halos kutusan ko na ang sarili. Why do I always wake up late when I sleep the earliest possible? Ayun tuloy at si lola ang nahihirapan. Hindi bale, babawi na lang ako mamaya. Mabilis akong naligo saka nagbihis. Nang maayos ko ng suotin ang uniporme at sapatos ay bumaba kaagad ako sa hapag. Nakahain na roon ang aming agahan. Natagpuan ko si nanay sa mesa kasama si lola at kumakain. Nang dumapo ang paningin niya sa akin ay napaismid kaagad siya. "Kay aga-aga, ang batugan mong bata ka." Hindi na lamang ako umimik dahil hindi naman siya makikinig. Tahimik akong sumalo sa kanila, sinusubukang bilisan ang pagkain para wala ng ano pang hindi magandang usapan ang bumasag sa katahimikan ng aming agahan. "Hinay-hinay nga sa pagkain diyan, para kang patay-gutom," inis na wika ni nanay kaya halos mabulunan ako. "Ano ka ba, Nina. Kumakain siya nang mabilis para mabilis siyang matapos at nang hindi na siya makaabala pa sa'yo," saway ni Lola. Tumaas lamang ang kilay ni nanay habang nakatutok pa rin ang paningin sa akin. "So kailangan ko pa siyang pasalamatan kasi ginagawan niya ako ng pabor? Ganoon ba, ma?" I can't help but bit my lower lip. no matter how I try my best to give her a favor, she always misunderstand it. Ano pa nga ba’ng aasahan ko? Malabo namang gustuhin niya ang anak na kagaya ko lalo na at hindi naman ako kasama sa mga plano niya sa buhay. Aksidente lang naman ang nangyari kaya ako nabuo mula doon sa isang foreigner na kasintahan niya. Wala naman sana iyong problema, kaya lang nang malaman nitong ipinagbubuntis niya ako ay agad itong bumalik sa ibang bansa at hindi na bumalik pa. Kahit pantustos lamang sa amin ay wala itong ibinigay kahit kusing. I want to blame that man for the relationship I have with my mother right now. If he could've been a responsible father to me, I wouldn't receive such treatment from her even once. Kaya lang, iniisip ko rin na baka may rason ang lahat ng bagay. Kung hindi rin naman nangyari iyon ay hindi ko makakasama ang napakabait kong lola ngayon. Sa edad na dise nuebe, estudyante ako ng isang pampublikong paaralan hindi kalayuan. Senior high school na ako, graduating na rin sa strand na pinili ko, ABM. Hindi naman kasi ako magaling sa siyensa, o kaya ay sa pagsusulat. Hindi rin para sa akin ang Technical Vocational Livelihood education kasi wala naman akong kakayahang aayon do’n. Gusto ko lang namang mag-analisa ng mga grapika at tsart. Pwede ring magtinda… o ano pa man siguro. Basta ako lang taga-sukli. My thriftiness made me a good budgeter so it isn’t really a big deal. "Nina..." Mukhang magsisimula na naman sila sa kanilang argumento. "T-Tama si nanay, 'la. Kasalanan ko naman po at nahuli ako sa paggising. Patawad po," hinging patawad ko kay nanay. Napabuntong-hininga si lola at napaismid ulit si nanay bago ibinagsak ang kubyertos. "Mabuti at alam mo. Aalis na ako, nakawawalang-gana," aniya saka padabog na umalis. Naiwan kami ni lola tulad ng pang-araw araw na eksena. "Huwag mo na mas’yadong pansinin ang iyong ina, Ja. Hayaan mo na lang iyon at magpokus ka sa pag-aaral. Baka sakaling kapag patuloy kang makakuha ng malalaking marka ay matuwa rin iyon. Oks ba, apo?" She even gave me a thumbs up with a hopeful look in her face. Ngumiti na lamang ako at tumango kahit naninikip ang dibdib ko. Baka tama talaga si Lola. Kapag magsisikap ako, matatanggap din ako ni nanay. Hindi na niya iisiping isa akong walang kwentang anak lalo na kapag maiiahon ko ang aming pamilya. Sana nga. "Ayan, ngumiti ka lang, apo. Anuma’ng mangyari, kahit gaano man kahirap... 'wag mong kalilimutang ngumiti. You'll be more beautiful and positive. Ang mga taong palangiti ay parang araw na nakasisilaw." Saka niya hinaplos ang pisngi ko. "Opo, lola. Tatandaan ko po iyan," tanging tugon ko saka tumayo at humalik sa kan'yang pisngi. Hindi naman talaga walang puso ang mundo. Kung tutuusin, masyado na akong pinagpala dahil buhay pa rin ako ngayon, dagdag pa na may isa akong mabait at mapagmahal na lola. *** "Ja!" sigaw ni Veil, ang nag-iisa kong bestfriend. As usual, nakangiti na naman siya, naka-braid ang mahabang buhok at may hairband na suot. Magandang-maganda talaga siya, lalo na at kutis-porselana at matangkad, idagdag pang mayroon silang pera. I smiled at her before walking towards our chair. Magkatabi kasi kami sa likurang bahagi simula pa lamang ng school year kaya napalapit kami sa isa't isa. "Mabuti naman at hindi ka na-late," bungad niya nang naupo ako sa aking upuan. Isang tawa lamang ang namutawi sa labi ko saka inayos ang aking bag. "Kung makapagsalita ka ay parang palagi akong late," iiling-iling kong saad saka siya hinarap. Inirapan niya ako. "Bakit? Hindi ba? Halos araw-araw nga eh. Hindi ko talaga alam kung anong kapal ng mukha mayroon ka at hanggang ngayon ay hindi ka pa natitiris ni ma'am," litanya niya na ikinasimangot ko. Amin naman ako sa katotohanang madalas talaga akong ma-late pero hindi naman araw-araw. Nilalakad ko lang kasi ang distansiya sa paaralan galing sa aming bahay para makatipid ng pamasahe. Veil on the other hand has no problem with that because she has a service for God's sake. Mayaman sila at walang problema ang mga bagay-bagay sa kan'ya. Nakukuha niya lahat ng gusto niya. Hindi katulad sa akin na kailangan munang mag-ipon nang sobra para lang may pambili ng pangangailangan ko. Kung iisipin ay pwede naman akong humingi na lamang kay lola kasi may inaasahan naman kaming paupahang lupa sa may siyudad na ipinamana ng papa niya pero ayaw kong umasa roon. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinibigay ni lola. Pinapakain niya ako, binibihisan, ipinagtatanggol kay nanay at pinag-aaral pa. I don't want to abuse it. "Alam mo naman kung bakit, saka nagpaliwanag na ako kay ma'am at naiintindihan niya. Kapalit ng pag-iintinding iyon ay obligasyon ko ang paglilinis sa ating palikuran, hindi ba?" Nangunot ang noo niya. "Ja, I told you already that I can ask manong to pick you up too. Para naman hindi masayang iyang ganda mo sa paglalakad at paglilinis ng cr," simangot niya. I sighed. Kaytagal na niya itong pinipilit. Simula pa lamang nang nakilala niya ako bilang si Janine Rivera, may isang mabait na lola at inang walang pakialam sa akin… saka hindi rin kayamanan at mas lalong walang kakayahang makihalubilo nang sobra-sobra sa mga kaklase, hindi na niya ko tinantanan. "Ano ka ba? Ayaw ko namang isipin ng iba na ginagamit lang kita para maging komportable ang buhay ko, 'no." Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata. She did the same like we are battling with something very important. "Ano ba'ng pake nila? Eh sa ako ang nagvo-volunteer. Hindi ko naman kasalanang anghel ako at kalahi kita kaya gusto kitang tulungan," napalakas pa ang boses niya kaya napalingon sa amin ang iba naming kaklase. "Sus. Huwag na talaga, Veil. Okay na iyong pinapautang mo ako kapag kailangan ko. Ayaw ko nang mang-abuso." Humarap na lang ako sa board upang hindi na siya maka-retort pa. Minsan napipilitan talaga akong manghiram sa kanya lalo na kapag ang mahal ng kailangan naming bayaran. Haist. Public school naman ito pero minsan may mga teachers talaga na kung maka-demand eh parang ang yayaman namin. But I pay for my debt. I always make it sure even though how much she says she doesn't need it. Hangga't maaari, ayaw kong hindi nababayaran lahat ng pabor ng mga tao sa akin. "Bahala ka nga diyan. Desisyon mo ‘yan," pagsuko na lamang niya at umayos ng upo. Eksakto namang dumating ang aming adviser na first period din namin. *** "Veil, huwag mo na kasi akong hintayin. Kaya ko na ito. Umuwi ka na kasi kanina pa naghihintay si manong," pamimilit ko sa kan'ya habang sinasabnan ang kubeta. Hindi naman iyon mas'yadong marumi kasi dinidisiplina naman kami ni ma'am sa paggamit ng cr. Araw-araw ay ganito ang routine ko. Papasok sa eskwela, makikinig sa guro at maglilinis sa palikuran bago umuwi. Madalas akong hintayin ni Veil pero ako na mismo ang nagpapauwi sa kan'ya. Minsan kailangan na talaga niyang umuwi kaya mas mabuti iyon. Nakakahiya naman kasi sa driver niya. "Aish. Basta tapusin mo kaagad iyan, ah? Tapos umuwi ka. Dapat no scratches, oks?" may pag-aalala sa boses na paalala niya. She always reminds me of my lola. Sa galaw, sa sigla at kahit sa mga pananalita pa. One thing they really go along is their concern to me. Nakatutuwa lang na minamahal nila ako nang ganito kaya kahit masama ang trato sa akin ni nanay, okay lang. "Opo, ma'am. Kaya pwede bang mauwi na kayo kasi hindi biro ang maghintay?" Nilingon ko siya na prenteng nakatayo sa tapat ng palikuran. "Fine. Aalis na ako. Bye, Ja. See you tom. Mwah!" Nag-flying kiss pa siya bago umalis. Naiwan akong mag-isa sa classroom. Ako ang nagla-lock sa pinto araw-araw. Pinagkatitiwalaan naman ako ng aming adviser kaya walang problema sa kan'ya na ako ang maiwan mag-isa sa room. Pinagpatuloy ko na lamang ang paglilinis. Mag-aalasingko na ng hapon nang matapos ako. When I made sure the door is secured, I went out of the campus and started walking home. May mga sasakyang dumadaan sa kalsada at lulan noon ang mga estudyanteng nag-aaral din sa kaparehong public school. Some of them, especially boys whistle at me and all I can do is act like I didn't hear them. Mas'yadong bastos pero hinahayaan ko na lang. Napahinto ako saglit nang tumapat ako sa natatanging private school dito sa amin. Malaki iyon at halatang puro mayayaman ang nag-aaral, dagdag pa na senior at tertiary education lamang ang ino-offer dito. Natanong ko na si Veil kung bakit hindi siya rito nag-aaral pero sabi niya wala daw siyang balak makihalubilo sa mga taong ang alam lamang ay magpataasan. Hindi naman siguro lahat. Saglit akong napatitig doon pero nang makitang may papalabas na grupo ng estudyante ay mabilis akong naglakad paalis. Mas’yado lang yata akong maraming iniisip kaya pagpihit ko paharap ay may nakabangga ako na mukhang tatawid sa pedestrian lane diretso sa paaralan. "Patawad po, hindi ko po sinasadya," hinging paumanhin ko saka bahagyang yumuko. The woman who looked like she's at her early twenties looked at me from head to toe. "Where do you study?" Pinagkrus niya ang mga braso. "D-Diyan po sa Comprehensive high school," sagot ko. Sa tingin pa lamang niya ay halatang bigatin siya. Mukhang mamahalin ang mga gamit niya pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. "A public school girl, huh? Ano’ng ginagawa mo rito?" Napakapit ako sa saya ko. Bakit parang tunog nang-iinsulto siya? Ano’ng mayroon sa pagiging isa kong estudyante ng Dolores National High school, o kahit pa ang Dolores Elementary School noong nasa elementarya ako? "Napadadaan po ako rito bago makauwi." Tumaas lamang ang kilay niya saka ko pinasadahan ng tingin. Lihim akong napalunok sa takot kasi nakakatakot naman talaga ang tingin niya. Parang may nagawa akong masama… gayong wala naman eh. "Tsk tsk. Hitting two birds with one stone, eh?" Hindi ko siya maintindihan kaya awtomatikong nangunot ang aking noo. "Po?" "Dumadaan ka rito... saka libreng tingin sa mga anak mayayaman. Do you think you can catch even a single fish in this sea just because you have that face?" Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko sa lito. "Hindi ko po kayo maintindihan," was all I can say. Umirap siya. "Hay, ang bobo naman. But anyway, huwag ka nang umasa. Hindi low class ang habol ng mga estudyante rito, mas lalong hindi katulad mong mas’yado pang bata. So, get lost, kid." Saka niya ako nilagpasan, halos banggain pa ako kung hindi lang ako nakausog nang kaunti sa gilid. Nadali ng mamahalin niyang damit ang braso ko at medyo masakit nga iyon. Naiwan akong naguguluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD