Kabanata 10 Hindi ako magkandaugagang makalabas na nang makapag-out na ako sa trabaho. Paglabas ko ay sinalubong ako ng malakas at malamig na simoy na hangin. Hinayaan kong dumampi iyon sa buhok ko. Hinagkan ko ang aking sarili at sumipat na ng jip na masasakyan. Sa pag-aabang ay bigla nalang akong natigilan nang may humintong magara at makintab na kotse sa harap ko. Bumukas ang salin na bintana nito at bumungad sa akin si Simon. Kinusot ko ang aking mga mata para tignan kung namamalik-mata ba o ako hindi. Subalit hindi, sya nga. Ngumuso ako at binigyan ko sya ng takang ekspresyon. "Gusto mo bang sumabay na sa 'kin?" Nagulat ako sa paanyaya nya. "Uh. Huwag na kaya, magji-jip nalang ako," sabi ko. Pinagsalungat nya ang kanyang makakapal na kilay. Tila mapupunta kami nito sa pilitan ano

