bc

Love And Fury

book_age18+
637
FOLLOW
2.8K
READ
sex
fated
playboy
drama
bxg
childhood crush
slice of life
foodie
surrender
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

*Romance, Slice of Life Story*

Pinalayas si Lorraine at ang kanyang kapatid na si Angel na may sakit na cerebral palsy sa bahay ng kanilang Uncle. Buong buhay nya ay puro pasakit na lang ang kanyang nararanasan. Hirap din syang makahanap ng trabaho dahil high school lang ang kanyang natapos. Nagkita ulit sila ng kanyang childhood crush na si Simon. Misteryoso siya, at babaero din. Ang pagtatagpo nila ng landas ang magsisilbing bagong kabanata sa buhay ni Lorraine.

chap-preview
Free preview
Panimula:
This is a work of fiction, Names, characters, businesses, places, events and incidents are product of the author imagination or are used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual incidents are purely coincidental. Love and Fury by ketchupprince Panimula: December 2004 Malamig ang gabi habang nakaupo sa mahaba at magarbong hagdanan ng pamilya Fontanilla, ang pamilya na kung saan kasambahay si nanay. Dumungaw ako sa bandang salas at nakita ko silang masayang nag-uusap. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Marahil nakakatawa? Dahil bakas sa guhit ng kanilang mga labi ang labis-labis na kasiyahan. Umagaw din sa akin ng atensyon ang bunsong anak ni Mr. and Mrs Fontanilla, na tiyak kong kasing edad ko lamang, sa pagkakaalam ko pareho kaming nasa ika-anim na baitang palang sa elementarya. Kinarga sya ng daddy nya at pinapatong sakanya 'yong star ng christmas tree sa pinakatuktok nito. Bigla na lang gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil napakasaya nilang tignan. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot sa isang punto nakaramdam ako ng inggit, dahil matagal ko ng hinahangad ang ganitong klase ng pamilya. Bukod sa marangya na ang pamumuhay, masaya pa ito. Taliwas kasi ang buhay nila sa amin. Yinakap ko ang luma at mejo may karumihan kong manika at dahan-dahang bumaba sa hagdan. Nang makababa ako ay pinili ko paring huwag magpakita sakanila dahil nahihiya ako, ang ginawa ko nalang ay nakangiti silang pinagmamasdan at makiramdam sa bawat paghagikgik at paghalakhak nila. Nakipag apiran pa si Simon sa daddy nya, bata palang nakikitahan muna ito ng kapilyuhan sa mukha. Bagama't madalas ako dito sa bahay nila hindi ko parin magawang makipaghalubilo sakanya dahil hindi kami magkasing lebel. Nataranta at bumalik sa sarili noong makita kong bumaling sa akin si Simon. Sya lang ang tanging nakapansin sa akin. Nagtataka ang kanyang ekspresyon habang tinititigan ako, nagtataka siguro sya kung bakit ko sila tinitignan na parang isang ignoranteng manghang-mangha. Uminit ng husto ang pisngi ko nang bigla nya akong nginitian, Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa labis na pagkabog nito. Napalunok ako at agad-agad na nag-iwas ng tingin. Pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo papunta sa taas. Basta sobrang hiya ang nararamdaman ko ngayon, pero sa isang punto masaya din dahil napansin nya ako. Ewan ko kung bakit big deal sa akin ang pagpansin nya. Sa pinakita nya sa akin kanina parang mabait naman sya, Sana makipaghalubiho sya sa akin balang araw. Pero pakiramdam ko ang labong mangyari 'yon. Halatang gulat si nanay pagpasok ko ng maid's room. Binabasa nya din ang ekspresyon ko alam ko yun. "Anak, saan ka nanggaling?" Tanong sa akin ni nanay sa nanghihinang tono. Pago dang kanyang tono, Palagi nalang syang ganito kaya naaawa ako sakanya. Kahit mukhang nahihirapan na sya. Tuloy parin sya sa pagtataguyod sa akin at sa kapatid kong may kapansanan. "Sa baba po," tugon ko. Sumenyas sya na lumapit ako sakanya, mabilis ko naman syang sinunod. Pagkaupo ko sa tabi nya ay agad nya akong yinakap patagilid. "Anong ginawa mo doon?" Banayad nyang tanong. Tumingala ako sakanya. "Pinanuod ko po ang pamilya Fontanilla, inayos nila ang kanilang christmas tree nay!" paliwanag ko sa manghang tono. Hinaplos ni nanay ang buhok ko. "Oo nga pala't malapit na ang pasko, anong gusto mong regalo sa pasko anak?" tanong nya. Napaisip ako saglit, kahit mahirap lang kami palagi parin akong tinatanong ni nanay kung ano ang gusto kong regalo tuwing kapaskuhan o hindi kaya'y sa kaarawan ko. Sa katunayan etong manikang hawak-hawak ko ngayon ay regalo nya pa noong nakaraang pasko dalawang taon na ang lumipas. Ngumiti ako. "Wag nyo na po akong bigyan ng regalo nay, pambili nalang po natin ng gamot ng kapatid ko ang perang dapat pambili nyo ng regalo sa akin," Nakangiti kong tugon. Napansin kong nagtubig ang malulungkot na mga mata ni nanay. At masakit iyon para sa akin. "Napakabait mo talagang anak at kapatid," sabi nya at yinakap nya ako ng mahigpit. Ganito siguro talaga kapag namulat ka sa kahirapan. Bata palang ay alam muna kung paano umintindi. * * * * Pinilit kong huwag mapabanda doon sa pwesto ng lalaking kanina pa nakatitig sa akin. Tanging pinagtuanan ko nalang ng pansin ay ang mga customers dito sa pinakadulong parte ng club. "Ayos kalang?" ngiti sa akin ng katrabaho kong si Jade na parang hindi napapagod. Siguro ay sanay na sanay na ang kanyang katawan sa ganitong trabaho kaya hindi na nabibigla ito. "Ayos lang," sagot ko naman. "Eto pala iyong order nung mga nasa table number eleven," dagdag ko at inilahad sakanya iyong notepad kung saan nakasulat iyong mga order. Agad nya iyong inihanda, at lumipas lang ang ilang sandali ay naka-tray nya na itong iniabot sa akin. Kinuha ko iyon at lumabas ulit doon at aligagang nagtungo dun sa table number eleven. Mga magbabarka sila na puro finger foods at beer ang inorder. Pagkaserve ko sakanila nila ay umalis agad ako. Suddenly, kinulbit naman ako ni Chesca, isang katrabaho ko din. Lumingon ako sakanya para itanong kung anong nais nya. "Lorraine, tawag ka nang customer dun sa table three," bulong nya sa tenga ko. Kumunot ang noo ko at sinipatan yung table na binanggit nya, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na iyong table na iyon ay nandoon ang creepy'ng lalaki na tingin ng tingin sa akin. "B-bakit daw?" takang at may bahid na din ng takot na tanong ko. Tinaas lang ni Chesca ang kanyang balikat nababakas din sakanya ang pagtataka kung ba't nga ba ako pinapatawag nang lalaking iyon. "Ewan e, basta puntahan mo nalang, o-order siguro ulit?” kibit-balikat na ang kanyang tono. Kinilabutan ako bigla. Kung o-order pala sya, bakit hindi nalang dito kay Chesca. Ba't pinatawag nya pa ako? Nagsimula na akong kabahan. Umalis na si Chesca, at ako naman ay hesitant na lapitan iyong lalaki, pero sa huli, lumapit din naman ako ngunit di ko sya matitigan ng diretso. He look's delighted saktong paglapit ko sakanya, nawala bigla ang pagkakahilig nya sa kanyang upuan. "Oorder po ba kayo sir?" Sabi ko habang ang higpit nang pagkakahapit ko sa tray na hawak ko, ni hindi ko sya matignan ng diretso sa mga mata. Ngumisi sya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalagok ako ng bayolente. Gusto ko syang sapakin ngayon sa totoo lang. Halata na kasi ang pagnanasa sakanya. Napaka manyak. "Yes, oorder ako," wika nya. Agad kong tinanong kung ano ang mga ito. Habang naglilista ako ay sinisipat ko sya. Pinagsalubomg ko ang aking kilay nang mahuli ko syang habang binabanggit nya ang kanyang mga order ay sa dibdib ko sya nakatingin. Nakakairita sya, Napakabastos. Unang beses ko sa ganitong kamanyak na customer. "Yun lang ba sir?" Mariin kong tanong. Lumapad ang ngisi nya at dinilaan nya ang kanyang labi. Diring-diri ang nararamdaman ng sistema ko ngayon. "Yes." Sagot nya, tumalikod na ako at nagmamadaling umalis na doon. Nanginginig ang kamay ko ng inilalatag na sa mesa nya yung order nya. Hindi ko rin tinangkang tignan sya dahil kinikilabutan ako. Sumipol sya bigla at sinabing. "Can you sit here beside me first?" yaya pa nya na mabilis kong tinanggihan. "Hindi po pwede, madami pang customer ang naghihintay." Ngumiti ako ng hilaw, dahil doon ay kumunot ang noo nya. Para bang gusto nya na dapat hindi ko magreklamo na sundin ko lang ang nais nya. Tumayo sya at lumapit sa akin, dahilan upang manigas ako na parang tuod sa kinatatayuan ko ngayon. Nagsimula na nya ding haplusin ang balikat ko. Nanlamig ang aking sistema at napamura ako ng malulutong sa isip ko. Mabuti at hindi iyon lumabas mula sa bibig ko napigilan ko pa ang aking sarili. Ang nasa isip ko kasi ay hindi ko sya maaaring sungitan dahil baka ikasibak ko pa sa trabaho ‘yon kung magkataon. "Sige na," pamimilit nyang bulong-bulong at nagtangka syang hawakin ang aking baba subalit mabilis kong nahawi ang kanyang kamay. At tsaka ko sya iritang-iritang tinignan. Lumayo ako ng konti at umiling. "Sorry sir, hindi po talaga pwede," matigas kong sinabi. Sa kaloob-looban ay sobra na ang inis ko. Kung gusto nyang may makalandian bakit hindi sya maghanap ng iba? Akala ko ay titigilan na nya ng pabadya na akong umalis ngunit hindi. Hinawakan nya ang aking kamay dahilan upang matigilan ako. "Wait, ano nga bang pangalan mo?" Lumunok ako. "Lorraine," tugon kong simple at tumalikod na. Aamba na naman akong pumalayo sakanya ngunit mabilis nya na namang hinigit ang aking kamay. Pakiramdam ko ay nahaharass na talaga ako kaya hindi ko na pinigilan pa ang aking sarili. Paglingon ko sakanya ay galit na ekspresyon ko, at kulang nalang ay dumapo ang aking isang palad sakanyang pisngi. "Magkano ba ang gusto mo para mapapayag kitang makasama ngayong gabi?" mayabang nyang sabi na animo’y siguradong-sigurado sta na mapapayag ako. Sino ba sya sa akala nya? "Waitress lang po ako dito sir.” Pinilt ko pa rin ang maging kalmado dahil ayokong mapatalsik sa trabaho ko. Ayokong manlaban dahil customer sya, pinanghahawakan ko yung paalala sa amin ng aming manager na customer's are always right. Pag nilabanan ko ito, paniguradong bukas na bukas ay sibak na ako sa trabaho, at pupulutin ako sa kangkungan pag nagkataon. "Magkano ba ang gusto mo, tell me..." Mas lalo syang naging agresibo this time. Tinangka nya ring hipuin ang pwet ko. Kaya hindi ko na napigilan ang kanina ko pang nagtitimping sarili. I burst out it anger at nasampal ko na sya ng tuluyan na animo’y kusang may buhay ang aking palad at automatikong dumapo ‘yon sakanya. "Waitress nga lang ako dito! Ano ba!" Singhal ko. Tuloy-tuloy din ang marahas kong paghinga. Sa ginawa ko ay kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at nakaganti ako sakanya. Nagsimula na ang komsyon kaya naman ang mga tao ay pare-parehong napabaling sa amin. Ang manyak na customer na sinampal ko ay ngayon ay nagngingitngit sa galit habang hawak-hawak ang kanyang kaliwang pisngi na binatan ko ng sampal. Ang alab ng kanyang tingin ay sadyang nakapagpabalik sa huwisyo ko na eto na ang katapusan ko sa trabaho kong ito. Insulutong-insulto ang kanyang ekspresyon at anytime ay gagantihan nya ako. Napatili nalang ako nang makita kong aamba syang gantihan ako. Sasampalin nya din ako? Pumikit ako at hinintay na may dumampi sa pisngi kong palad ngunit wala. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, at nakita kong kaya hindi ako tuluyang nasampal nang lalaki dahil may pumigil sakanya. Umawang ang aking bibig habang pinagmamasdan iyong lalaking pumigil. Naka igting ang panga nya and his eyes are pitch black. "How dare you to harrass a woman like that? Ang sabi nya ay Waitress lang sya dito, kung gusto mo ng GRO humanap ka andami sa paligid!" galit nyang saad. Napatulala iyong lalaki at bakas sa mukaha nya ang takot. Hindi sya makasagot. Maski ako ay gulat din dahil sa nangyayari ngayon, isa lang ang nasa isip ko, malaki ang pasasalamat ko sa lalaking ito. "Sino kaba?" Parang nahimasamasan na ang lalaking nangharass sa akin. Pinandilatan nya ng mata iyong lalaki. Sasapakin nya na sana ito subalit naunahan sya, lumipad muli kaagad ‘yung kamao nang lalaking tumulong sa akin sa pisngi nya at tuluyan ng humalandusay ang manyak na customer sa sahig. "Let's get out here," utos nya sa akin. Napatigil ako saglit dahil gulo pa sa mga nangyayari. Ngunit hindi ko alam kung bakit ko sya sinunod. Hinubad ko ang apron ko at nagpahigit sakanya. Paglabas namin ng club ay dun ko lang sya nagawang kausapin. Basta’t ang ginawa ko na lamang ay ang magpatianod sakanya palabas ng club. "Uhh... Salamat sa pagligtas sa akin dun sa lalaki kanina," wala sa sariling sabi ko. Habang hingal na hingal pa rin. Natigilan sya at hinarapan nya ako, at the moment na binalingan nya ako. Ang sandaling paglingon nya sa akin ay sadyang nakapagpa-impress sa akin ng todo-todo. Ngayon ko lang nakita ng high definition ang kanyang mukha. Sobrang kisig nya. Maganda ang tabas ng kanyang mukha; naturally chizzled, makinis, matangos ang ilong at napakaganda ng mga mata. Parang syang katulad ng mga modelo kong nakikita sa mga fashion magazines. Meron din syang hikaw sa isa nyang tenga sobrang pula at sa tingin ko’y sobrang lambot din ng kanyang mga labi. Perpektong kombinasyon sya ng maamo yet hot-seductive aura. Napakurap-kurap ako at napahawak ako sa aking naghaharumentadong puso. Para itong drums ngayon na sobrang lakas ng pagdagundong. "Mabuti nalang talaga at nandoon ako," Aniya na parang lumabas sa kabilang tenga ko. Wala parin kasi ako sa huwisyo, nanatili akong titig na titig sakanya. Kalaunan ay napansin nya na ang pagkawala ko sa sarili. Kaya doon lang ako napaiwas ng tingin sakanya. Nakakahiya masyado yata akong naging tutok sakanya. Napatampal ako sa aking sarili at mabilis na umiwas ng tingin. Unti-unti na talagang gumapang ang hiya sa aking sistema at the same time hindi ko maitanggi sa sarili ko na naattract ako sakanya. "Hey... You Okay?" Hinawakan nya ang kamay ko, at parang may boltaheng nanalaytay sa akin. "Uh, oo okay lang ako, Salamat ulit pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Nahihiya kong tanong. "Simon, I'm Simon Fontanilla.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook