Kabanata 1

1968 Words
Kabanata 1           Mataas ang sikat ng araw pero determinado akong lumabas ng aking dorm para makahanap ng trabaho, Kailangan na kailangan ko kasi talaga dahil wala na akong katulong sa buhay dahil ulilang lubos na ako at may kapatid pa akong may kapansanan, kaming dalawa nalang sa buhay pati kasi ang kamag anak naming ay pinalayas kami sa puder nila. At simula na noon ang kalbaryo ko sa buhay kung paano maka-survive.     Wala akong sinayang na oras. Pagkatapos kong maligo at kumain ng konti ay agad akong humanap ng maayos-ayos na maisusuot para sa pag-aaplyan ng trabaho.           Pagkatapos noon, ay nagtungo ako sa malapit na computer shop upang gumawa at magpa-print ng resume, Nang matapos 'yon, ay sumakay ako ng jeep para magpunta sa iilang mapaga-applyan ko ng trabaho.         Habang nasa byahe, ay seryoso kong binabasa ang classified ads ng dyaryo na binili ko kanina. Sabi dito, madaming tindahan ang nangangailangan ng iba't-ibang trabaho.         First stop ko ay isang botique, ayon sa dyaryong nabasa ko kailangan daw nila ng sales lady. Sa kinasamaang palad, ganitong klaseng trabaho lang ang maa-applyan ko dahil high school lang naman kasi ang aking tinapos. Tama lang itong klasing trabaho ang aking pinag-aralan.           Tinignan ako ng guard ng botique habang ngumunguya ng chewing gum.         "Anong kailangan mo miss?" Ngumisi sya nang itinanong iyon.           "Mag-aaply po ako ng trabaho dito, diba po hiring sila ng sales lady?" Tumango sya at pinapasok nya na ako sa loob pagkatapos, ay pinapunta ako doon sa opisina ng manager ng botique na ito.             Pagtama ng mga mata ng manager sa akin ay hindi ko alam kung bakit bigla na lamang syang umirap, na tila ba may nagawa na agad akong hindi nya gusto.         Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nanatili ng ilang segundo ang kanyang titig sa aking maduming sapatos.       Para syang nandidiri sa akin, bakas iyon sakanyang ekspresyon ngayon.         Na-concious ako bigla at inayos ang gusot kong blouse.         Bumuntong hininga ang manager at humalukipkip sa harap ko. "Anong maipaglilingkod ko sa 'yo?" Pinagtaasan nya ako ng kilay.           "Nabasa ko po kasi na hiring kayo dito, mag-aaply po sana ako bilang sales lady," sagot ko at iniabot sakanya yung aking resume. But she stops me, Umiling sya at sinabing. "Walang hiring dito."       Natigilan ako. "Pero sabi don sa dyar-"       "Wala nga miss, nakakuha na kami kahapon pa, hindi na kami hiring ngayon, sa iba ka nalang, o kaya dun kanalang sa club, mukhang don makukuha ka," Aniya sabay talikod sa akin. Naiwan akong tulala. Bakit kailangan nya pang sabihin iyon? Hindi ko alam kung ma o-offend ba ako o ano doon sa sinabi nya.         Hindi ako naniniwalang hindi na sila hiring, siguro ayaw nya lang talaga sa akin? Napaka-harsh nya. Pero ano namang magagawa ko hindi ba?         Lumabas nalang ako doon, at naghanap nalang muli ng ibang mapag-aaplyan.           Nagpatuloy ako, sinubukan ko ang isang fastfood chain, agad kong kinausap ang isang crew upang hanapin ang manager. "San iyong manager nyo miss?" Magalang kong tanong.         Sinagot nya naman ako at itinuro iyong opisinang for authorized people only. Natigilan pa ako nang dito ako itinurong papasukin noong empleyado kasi nga for authorized lang ito. Sinunod ko parin sya sa huli. Kumatok at Pumasok ako doon tsaka ko kinausap ang manager, sinabi ko na mag-aaply ako bilang crew, unfortunately, ay hindi na rin sila tumatanggap ng aplikante ngayon.         "Sorry miss ha? Hindi kasi kami hiring ngayon," May bahid ng awa sakanyang tono. Bumagsak ang enerhiya ko, bakit yata ang malas-malas ko ngayon? Makakahanap pa kaya ako ng trabaho? Kasi pag hindi malamang sa malamang sa bangketa nalang ako matutulog.             "Ganun po ba? Salamat nalang ho." Yan lamang ang aking nasabi at tumalikod na.         Habang palabas ako ay aksidente akong napatingin sa mga maligayang customer na kumakain ng malulutong na fried chicken at ma-sarsa na spaghetti. Kumalam ang aking tiyan, at nabatid na wala pa palang laman ang sikmura ko. Alas dos na ng hapon at ang huling kain ko pa ay kagabi pa, isang sardinas lang at kakarampot na kanin.         Napalunok ako nang maamoy ang halimuyak ng bagong lutong manok na sine-serve ng crew sa customer. Mas lalo akong ginutom.             Tumingala ako sa mga menu ng fast food chain para tignan kung magkano ang kanilang mga itinitinda. Sa huli, ay wala akong napili na kaya ng aking budget, lahat ay puro mahal para sa akin, kaya ang ginawa ko nalang ay lumabas nalang upang hindi na matakam pang muli.         Paglabas ko ay pinagtiyagaan ko nalang ang nilagang mais na itinitinda sa may side walk, mabigat ito sa tiyan kaya paniguradong mabubusog agad ako dito, at isa pa, eto lang ang kaya ng aking budget na   makakapagsatisfied sa kumakalam kong sikmura.               Inabot ako ng alas dos at wala parin akong nahanap ng maa-aplyan.           Tumigil ako saglit ng makakita ako ng isang club. May nakapaskil sa kanilang pintuan na nangangailangan sila ng waitress. Pwede na ito, masubukan lang..         Pero last shot na ito, kapag hindi parin ako natanggap ay bukas nalang ulit.         Tumingala ako at binasa ang pangalan ng club na nakapaskil sa pinakatuktok nito. Humihip ang malakas na hangin dahilan upang sumaboy ang napakahaba kong buhok.           Huminga ako ng malalim bago ako naglakad papasok sa club. Chineck kaagad ng guard aking bag.         "Nandito kaba para mag-apply miss?" Usisa ng guard.         "Opo," sabik kong sagot.       "Okay, pumasok kalang sa opisinang 'yon." Itinuro nya sa akin iyong opisina na I guess nandun iyong may-ari?           Tumango ako at sinunod iyong direksyon na kanyang sinabi. Natigilan ako bigla ng may makasalubong akong grupo ng mga kababaihan na panay ang bungisngis at pagbubulungan na animo'y may pinag-uusapan silang interesante.         Ang kakapal ng mga make-up nila, ke-tanghaling tapat. Parang nahihinuha ko na kung anong trabaho ang inaplayan nila.         Namutla ako ng maisip ko na paano kung guest relation officer ang kababagsakan ko? Napailing ako at sinabi sa sarili na waitress ang aaplayan ko. Hi-hindi nalang ako kung sakaling offerin nila akong maging ganon.           Tinulak ko na ang pintuan ng opisina at nakapasok na ako sa loob. Isang lalaking makisig ang bumungad sa akin na nakaupo sakanyang upuan habang abalang inaayos ang mga papel na nasakanyang lamesa.       Ganun din iyong babaeng kasama nya, I guess na sekretarya nya ito? na ngayon ay abala din. 'di nila mapapansin ang presensiya ko kung hindi ako tumikhim.         Unang napalingon sa akin iyong babae, napatigil sya sakanyang ginagawa at sinabing; "Yes?"       Napalunok ako, at nagsimula na kong dapuan ng tensyon. "Mag-aaply po ako ng trabaho," sabi ko at hindi ko napigilan ang panginginig ng aking labi. Ngumisi ang babae at bumaling dun sa lalaking nakaupo, kaya napabaling din ako sakanya.       Magkasiklop ang kanyang mga daliri sa kamay habang seryoso akong minamasdan.           He c**k his head at the one side at tinignan ako ng mabuti. "Anong pangalan mo?"           "Lorraine po, Lorraine Anne Casimsiman." Maagap kong sagot. Nawala ang kaba kong nararamdaman nang ngumiti sya. Kanina intimidating syang tignan ngunit nawala iyon ngayon.         "Anong aaplyan mong trabaho miss?" Tanong nya.         "Mag-aaply po sana ako bilang waitress, nakita ko po kasi na hiring daw po kayo ng waitress ngayon," Wika ko.           Iginiya ako ng sekretarya nya, at pinaupo ako sa silya na kaharap ng silya ng lalaki. Umupo naman ako agad doon at iniabot iyong aking resume.         Tinanggap iyong noong lalaki at binasa ng maiigi ang lahat ng mga nakasulat doon.             "Nangangailangan nga kami ng waitress, pero paano mo ako makukumbinsi na ia-hired kita." Nagliwanag ang aking mukha, at kahit hindi pa man tanggap ay maligaya kong sinagot iyong bawat tanong nya sa akin.         It seems that's she's convinced, panay kasi ang kanyang pagngisi at tango.           Nang matapos nya akong tanungan ay pinagsiklop nyang muli ang kanyang mga daliri at ngumiti ng malapad. Kitang-kita ko ngayon ng high definition ang kanyang mga puting-puting ngipin.         "I like you. I'm convinced, I gonna hire you." Nanlaki ang mga mata ko, and joyfullness strikes me. Totoo ba iyong mga narinig ko?         "Talaga po ba sir?" Hindi makapaniwala kong saad at napahawak pa ako sakanyang kamay.         Tumango sya. Pagkatapos ay ibinilin nya sa akin ang mga dapat ko munang ipasa bago ako magsimula.       Pagkatapos ay umalis na ako doon ng maligayang-maligaya. Mabuti nalang talaga at nakahanap na ako ng trabaho! Mabuting balita ito na tiyak na ikakatuwa din ng kapatid ko, kaya pupuntahan ko sya ngayon.           Lumabas ako ng tuluyan. Masaya dahil nakahanap nadin ako ng trabaho sa wakas. Masyadong mabilis ang pagtanggap nila sa akin. Hindi ko na ke-questionin iyon, ang mahalaga ay tanggap at sa wakas ay may hanap buhay nadin ako. Kahit papaanp ay masasagot ko na ang problema kong pang-pianasyal.             Bago ako tuluyang umuwi sa inuupahan ko ay napagdesisyonan ko munang dalawin ang kapatid ko, ang masaklap lang ay wala akong maipasalubong man lang dahil as for now ay walang-wala pa ako. Pinaalaga ko sya sa sa isang center na kun g saan mga social workers ang umaasikaso sakanya, may sakit kasi sya o masasabi ko na rin na kapansanan. Sya ay may cerebral palsy. Disability yon sa utak bago pa sya isilang. na kunng saan impaired ang mga muscles nya dhilan, kung bakit nahihirapan sya sa pagsasalita.           Naging sandali lang pagbisita ko kay Angel. I'm glad dahil maayos ang lagay nya doon at talagang naaalagaan sya ng mabuti. Kung kasing mananatili sya sa puder ko, paano ako makakahanap ng trabaho hindi ba?         Mukhang masaya naman din sya doon, pero nasabi nya sa akin kanina na gusto nya nandun din ako, pero ipinaliwanag ko sakanya na hindi muna sa ngayon. Pinangako ko din na palagi ko naman syang bibisitahin.             Tumigil ako sa tindahan na malapit sa tinutuluyan ko, bumili ako ng isang kilong bigas at isang lata ng corned beef. Sapat na 'tong isang lata, para sa hapunan. Sa ngayon, magtitiis muna ako sa mga delatang pagkain, tsaka nalang ako kakain ng masarap pag sumweldo na ako.           Maligaya akong pumasok na apartment. Tahimik doon, wala si aleng Hilda. ang landlady ditto sa saobrang liit na kwarto kong inuupahan.       Pumunta muna ako sa kusina para ilagay muna doon yung mga binili ko. Aakyat muna ako sa kwarto ko upang magbihis, maya-maya nalang ako magluluto.           Umakyat ako sa aking tinutuluyang kwarto at mejo nagulat noong makita kong hindi nakasara ang pintuan, Sa pagkakaalam ko sarado ito, binuksan kaya ni aleng Hilda?         Nag kibit-balikat ako, wala naman akong dapat ikabahala dahil, wala naman silang mananakaw sa akin.         Tinulak ko ang pintuan, at halos mapatalon ako nang makita kong may isang babae na na nanalamin.         Natigilan sya at napalingon sa akin, ako naman ay gulat na gulat. "Sino ka?" tanong ko.       Umismid sya at humarap muli sa salamin, linagyan nya ng lipstick ang kanyang labi at pabalik-balik itong dinilaan, nang matapos nya iyong gawin ay doon nya palang sinagot ang tanong ko.         "Ako nga pala si Anne, nagulat ba kita?" Aniya at inaayos ang kanyang sobrang ikling dress na kumikinang-kinang.       "Uh.. Mejo, bakit ka nga pala nandito?" tanong ko. Naguguluhan.         Ngumisi lang sya. "Nangungupahan din ako dito teh, dito ako pinatuloy ng may-ari, boardmates tayo I guess," Wika nya.         Tumango nalang ako, so from now on may makakasama na ako dito sa aking kwarto. Nagkangitian kami, Mukhang hindi naman masama ang ugali nitong babaeng ito. Ngunit, nagtataka lang dahil bakit ganito sya kung manamit? Marahil ay dahil sa trabaho nya?           "Ganun ba, ako nga pala si Lorraine," Nagpakilala ako at naglahad ng kamay.         Mabilis nya naman itong tinanggap. "Nice meeting you," Sambit nya. Pagkatapos ay nagmamadali nyang sinuot ang kanyang pumps pagkatapos ay kinuha nya din ang kanyang bag. Madaling-madali sya na animoy may hinahabol na oras.         "Sige, alis na ako ha? Bukas nalang tayo magchikahan ha? May trabaho pa kasi ako," paalam nya. Pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.         Gumuhit ang ngiti sa aking labi pagkaalis nya, siguro maiigi nadin itong may kasama ako. Ang boring naman kasi kung ako lang mag-isa dito at walang makausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD