Kabanata 44 Kakarampot lang na tiyansa ang sinabi ng doctor sa akin tungkol sa operasyon ni Angel pero ang kakarampot na pag-asang iyon ang syang nagbibigay kahit papaano sa akin ng pag-asa. Tanging ang kailangan ko lang gawin ay ang magtiwala sa may kapal na malalagpasan din ng kapatid ko kung anuman ang kanyang dinaranas ngayon. Matiyaga kong hinintay ang surgery ni Angel. Parang nahulog ang aking puso nang makita ko ng lumabas na si doctor Tamberi mula sa operating room na nagtatanggal nang face mask. Hinawakan ni Raven ang kamay ko at halos patakbo na kaming lumapit sa doctor. “Como sta I’operazione dotorre?” Bumungad ng Italyanong salita si Raven. Hindi ko iyon maintidihan sa pagkagigil na magtanong ay nagsalita na rin ako. “How’s my sister doctor?” “Mi dispiace tanto ma I’ op

