Kabanata 14 Sa araw na ‘yon, saktong pagkatapos ng aking duty ay yinaya ako ni Simon na manatili muna aniya’y nais nyang magluto kaming dalawa. Gusto nya kasi talagang makita kung ano ang pamamaraan ko sa pagluluto. Ayoko syang biguin kaya pumayag ako. Tumungo na ako sa kusina ng restaurant at nadatnan ko na doon si Simon na ngayon ay abalang tumitingin sa pantry, mukhang nag-iisip kung ano ang mgandang lutuin naming dalawa. Napangiti sya kaagad nang sakto palang nya ako lingunin. Maligaya ang naging bungad nya sa akin. “Hi,” aniya, Lumapit pa ako, ang dating palaging ilang na nararamdaman ko sa tuwing kinakausap o kahit linalapitan ko sya ay para bang naglaho na iyon ngayon, dahil siguro’y naging malapit kaming na dalawa. Hindi ko alam kung tama ba ito? Nasa isip ko pa rin kasi na

