Kabanata 39 Maaga akong pumasok kinabukasan, sa pagkakataong ito hindi pa din pumasok si Simon. May family matters sya kaya naiintindihan namin iyon lahat. Kaya ang sous chef as usual na muna ang namahala sa lahat ng mga dishes na gagawin naming ngayon. “Andrea, do we have a reservation for today?” tanong ni Cody eksaktong pagpasok pa alang namin sa kitchen lahat. “Hm none chef,” dismayadong sagot naman ni Andrea. Lahat kami ay naging dismayado na din. Ibang hatak din kasi ang nabibigay ng mga nagpapa-reserve dahil sure customers na ang mga iyon. Bumuntong hininga si Cody. “Alright, wala tayong magagawa. Hopefully, mamayang dinner ay merong magpa-reserve,” aniya. Tumango ako bilang pagsang-ayon. “Hopefully,” mahinang ani ko. Nagsimula na kami sa paghahanda sa trabaho mga side dishes

