Kabanata 36 Lumipas pa ang ilang buwan at masasabi kong madami ng nangyari. Ilang araw nalang ang bibilangin ay makakauha na ako ng certificate doon sa training center school na pinasukan ko ng culinary vocational course. Halo ang emosyon kong nararamdaman ngayon sapagka’t ngayong araw na ‘to din ang araw ng pag-alis ni Anne. “Masaya ako para sa ‘yo Anne...” sabi ko sakanya ngayong narito pa kami sa dorm. Nakahanda na ang mga maleta nya na dadalhin patungong Hong Kong. I insist na din na sumama pang maghatid sa airport dahil ayaw ko sa pakiramdam. Masyadong malungkot parang hindi ko kayang ma doble pa ang nararamdaman kong separation anxiety. “Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang buhay ko Lorraine, buong akala ko makukulong na ako habang buhay sa madilim na entablado ng bar,” w

