Kabanata 33 Hinihingal kaming pareho ni Raven nang makarating kami doon sa bus stop. Pinupunasan ko ng panyo ang aking basang braso nang bigla nya na lamang hinubad ang kanyang jacket. Batid kong ipapasuot nya iyon sa akin. “Isuot mo na ‘to nang ‘di ka ginawin, baka sipunin ka,” aniya. Umawang ang bibig ko dahil sa ginawa nya. Aamba sana akong hubarin sana iyon ulit ngunit nagmatigas sya. Hinila nya iyon para hindi ko ito mahubad. “Huwag na Raven, Sa simpleng ulan na ‘to hindi ako matitinag.” Alam ko sa sarili ko na palusot ko lamang ‘yon. Inaamin ko kasing hindi lang ako nagiging komportable sa mga ikinikilos nya. Ayokong bigyan ng kulay ang mga sinasabi nya at mga kinikilos nya kaya hangga’t maari ay nais ko ‘tong iwasan. “Don’t be so hard headed Lorraine,” matigas at puno ng awtor

