Kabanata 24 Pakiramdam ko ay bahagyang nagulat din si Raven pagtagpo ng mga mata namin. Pinasadahan ko naman ng tingin iyong eleganteng babae na kasama nya. Nakasuot sya ng isang pink na skirt at office-type blazer tsaka din sya nakasuot ng bonggang malaking kupya. She is screaming wealth. Para syang may-ari ng isang hotel o isang golf club; ganoon ang aura nya. Napansin ko din na may pagkakahawig sya sa kay Raven kaya naman agad na pumsaok sa isip ko na nanay nya ito? Napalingon lang akong muli kay Simon noong pinisil nya ang kaming kamay mas tumindi ang paghawak nya doon ngayon. “Who is she?” tanong nya. Pinupunto nya ay iyong babae kase kilala nya naman si Raven. “Oh Hi,” bungad sa amin ni Raven. Magalang akong tumango at kinawayan sya pabalik. “Hello,” sagot ko. Nagmamadali sy

