HARMONY POV “E—ETHAN...” Mahinang sabi ko sa pangalan ng ex—boyfriend kong cheater. Ang init ng aking katawan ay pumupunta na sa aking ulo. Biglang uminit ang ulo ko dahil sa nakikita ko. Napakuyom ang aking magkabilang kamay habang galit akong nakatingin sa lalaking nasa harap ko ngayon. “Bakit nandito ka? Anong kailangan ng Ethan na ito? Sinusundan ba niya ako?” tanong ko sa aking sarili habang hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. “Ang kapal naman ng mukha niya? Matapos niya akong lokohin... May gana pa siyang magpakita sa akin? Wow!” Nakagat ko pa ang aking ibabang labi habang hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Lalong kumuyom ang aking mga kamay nang makitang may dalawang babaeng lumapit sa kanya. “Wow! Pagkatapos niya kay Alina? Ibang babae naman. Bakit ko ba hin

