CHAPTER 9

1536 Words
HARMONY POV NAKATINGIN ako sa ceiling hotel room ko, heto ang first day ko sa Lazaro Beach Resort. Hindi ako gaanong nakatulog dahil nasa isip ko pa rin ang tatlong lalaki na naglalakad kahapon, pero ang tingin ko ay nakatuon sa gitna. May ka—bulto siyang katawan. Napailing na lang ako sa aking iniisip at saka na akong bumangon sa kama ko. Napatingin ako sa wall clock, doon ay nakita kong mag—a—alas sais pa lang ng umaga. Kaya bumangon ako at lumakad papunta sa balkonahe, nilihis ko ang kurtina at bumungad sa akin ang napaka—gandang tanawin ng dagat, kumikislap ito sa mga mata ko. Napangiti ako. “Good morning...” mahinang sabi ko at may nakita akong iilang tao na nagja—jogging ngayon sa pampang. Matagal—tagal na rin simula nang magising aking hindi mabigat ang pakiramdam ko. Bumalik na muli ako sa kʼwarto ko at tumungo sa bathroom. Hindi pa rin talaga ako sanay na makita ang bathroom na ganito, may bathtub kasi at nakikita ko ang mismong bed ko sa labas. Ang galing talaga. Hinubad ko na ang aking saplot at saka tumapat sa shower, doon ay nagising ang diwa ko kahit maligamgam ang tubig na bumubuhos sa akin. Hindi rin naman ako nagtagal sa shower room ay agad na rin akong umalis. Kinuha ko na rin ang simpleng floral sundress ko. Naglagay ako ng simpleng makeup sa mukha ko at sunblock na rin paniguradong magtatagal ako sa labas. Hindi na rin nagtagal ay bumaba na rin ako para makakain sa breakfast buffet. Lumakad ako roon at nakita ko ang mga taong papunta na rin buffet area. Hawak ko nang mahigpit ang aking tote bag habang naglalakad ako papunta roon. Napatingin ako sa paligid, marami pa namang bakanteng upuan. Kaya pumila na ako sa buffet, ibaʼt ibang food ang nandito kaya nalilito ako kung anong uunahin kong kainin, pero nagpasya akong mag—heavy meal. Naupo ako sa dulo ng table at kumain nang marami. May mga foreigner din na nandito at talagang sikat ang Lazaro Beach Resort. Nang matapos akong kumain ay lumabas na rin ako sa buffet area ng hotel. Lumakad ako sa may pampang at tinanggal ang slippers ko para maglakad sa pinong buhangin. Nakita ko kung paano lumulubog ang aking mga paa sa buhangin. Nilapag ko ang aking tote bag at lumakad papunta sa may dagat, nabasa ng tubig—dagat ang aking paa hanggang sa gitna ng aking binti. Gusto kong maligo, pero ayokong umitim. Gusto ko munang maglakad—lakad sa paligid. Napapikit ako nang tumama ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko Medyo tahimik pa ang paligid kaya naririnig ko pa rin ang hampas ng alon mula sa dagat. At saa loob ng ilang minuto... Nakalimutan ko ang lahat ng sakit sa aking puso. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kumukuha ako ng mga larawan gamit ang pangalawang phone ko. Ang dagat, ang mga shell. Ang mga coconut tree at ang napaka—gandang bughaw na kalangitan. “Ang ganda talaga rito,” nakangiting sabi ko sa kanya. Kaya muli akong napaupo sa putol na puno ng niyog at doon ako nagpahinga ng ilang oras, hanggang hindi ko namalayang tanghali na pala. Nakaramdam ako ng pagka—gutom. Kumukulo ang tiyan ko, nararamdaman ko iyon. Kaya tumayo ako at lumakad muli sa restaurant na kinainan ko kahapon. Umorder ako ng seafood fried rice, tropical fruits, grilled squid and sinigang na hipon. Gusto ng sabaw. Katulad kahapon ay mabilis na sinerve sa akin ang pagkain ko. Kaya tahimik akong kumakain ngayon habang pinagmamasdan ang bughaw na dagat mula sa open—air restaurant. “This is exactly what I needed,” mahina at nakangiting sabi ko. Pagkatapos ko na namang kumain, nagpasya akong hindi muna bumalik sa kʼwarto ko at sulitin ang paglalakad ko rito. Katulad kanina ay muli kong hinubad ang sandals ko. Hinayaan ko muling maramdaman ang lamig ng tubig dagat sa aking paa at maging ang puting buhangin na siyang paglubog ng aking mga paa. Napansin kong naging agresibo ang hampas ng alon, siguro dahil tanghali na. Habang naglalakad ako ay may narinig akong usapan ng ilang turista sa paligid ko. “Excited na ako sa White Party mamayang gabi! Paniguradong maraming guys doon!” “Oo nga. Sabi ng iba... Iyon ang pinaka—magandang event daw iyon dito sa resort!” Napalingon ako sa kanila, may tatlong babaeng nagku—kʼwentuhan sa tabi ko. White party? Narinig ko na iyon kahapon sa mag—couple, may white party event nga tonight. Kaya umalis na ako sa pampang at lumakad ako papunta sa hotel para makapagtanong about sa white party na naririnig ko. Nang makarating sa hotel ay lumapit ako sa reception desk para magtanong about sa white party na iyon. “Excuse me, Miss?” Nakangiting tanong ko sa kanya. Napatingin sa akin ang staff. “Good day, Maʼam. Ano po ang kailangan ninyo?” tanong niya sa akin. “May white party po ba mamaya?” diretsong tanong ko sa kanya. “Yes po, Maʼam. May white party po mamaya.” Napatango ako sa kanyang sinabi. “Ah. Open po ba para sa lahat iyon?” tanong ko muli sa kanya. Tumango siya sa akin. “Yes, Maʼam. Open po ang white party para sa lahat ng guests ng Lazaro Beach Resort.” “Anong oras po?” Curious ako. Gusto kong malaman. Gusto kong pumunta sa white party na iyon para makalimot at gusto ko rin maranasan kung paano pumarty. “Mag—uumpisa po ang white party sa ganap ng eight oʼclock tonight sa beachfront, Maʼam.” Napatingin ako sa wall clock, may pitong oras pa before the white party. “Oh, thank you! Iʼll appreciate it!” “No worries, Maʼam. Just wear white dress or white clothes,” paalala niya sa akin. “Thanks again!” nakangiting sabi ko sa kanya. Habang naglalakad ako pabalik sa aking cabin ay may nabuo na akong plano. “Tonight... Magsasaya ako ngayong gabi! Kakalimutan ko ang lahat!” Lumipas ang ilang oras ay napansin kong dalawang oras na lang before mag—8PM, kaya nagpasya akong maghilamos na para makapag—prepare sa White Party na pupuntahan ko sa beachfront. Natapos na rin naman akong maghilamos at ngayon ay nakatayo na ako sa harap ng salamin. Suot ko ang isang eleganteng white dress na hanggang tuhod ko, simpleng hikaw at puting sandals. Mabuti na lang ay may dala akong puting dress, hindi nga lang plain white dress ito dahil may design and may kasamang ibang color. Sa buhok ko naman ay kinulot ko ang dulo nito at nag—trintas ako ng iilan para maging highlights ng aking buhok. Naglagay rin ako ng light makeup at ngumiti nang malaki sa mirror. “Letʼs make new memories, Harmony!” kausap ko sa aking sarili. Kinuha ko na rin ang aking bag at lumabas na sa kʼwarto ko. Hindi ko na sinabi kina Mama at Papa na pupunta ako sa party. Ayoko rin kasing mag—alala sila sa akin. Wala rin naman akong gagawing mali mamaya sa party. Magsasaya lang talaga ako. Mag—e—enjoy. Kakalimutan ang lahat. Paglabas ko pa lang sa hotel namin ay dinig ko na agad ang malakas na tugtog at sobrang liwanag sa may beachfront. Bigla tuloy nagtaasan ang aking balahibo sa katawan ko, pero mas nanaig sa akin ang excited. Mabilis akong lumakad papunta sa beachfront hanggang bumungad sa akin ang napaka—gandang dekorasyon sa paligid. Puro puting ilaw. Mga mesa na may puting tela rin. May live band pa. At daan—sa ang turistang nakasuot rin ng puting damit or dress Hindi ko napigilang mapaindak habang sumasabay ako sa masayang tugtog ng musika. May mga sumasayaw na rin sa paligid. May nagku—kʼwentuhan. May umiinom ng wine at kumakain. Unti—unti akong nakikipag—halubilo sa ibang guests. Hindi ko napigilang makipag—kʼwentuhan sa ibang tourist mula sa ibaʼt ibang lugar, kahit hindi ko sila kilala. Ganito pala sa mga party? Banat na banat na ang aking labi dahil.sa sayang nararamdaman ko. At sa unang pagkakataon matapos ang pagtataksil nina Alina and Ethan sa akin, pakiramdam ko ay muli akong nabuhay. Makalipas ang ilang sandali, kumuha ako ng isang baso ng red wine. “Cheers!” malakas na sabi ko at nakipag—cheers sa iba. Tinungga ko ang red wine. At hindi ko namalayan kung nakaka—ilang red wine na kayo, hanggang napansin kong umiikot na ang aking paningin. Napailing ako dahil nararamdaman kong naghahalo na ang emosyon ko sa bawat lagok ko sa wine. Bigla na lang ako napatigil nang may napansin akong lalaking nakatayo sa harap ko, ilang metro ang layo niya sa akin. Matangkad, malapad ang balikat, at Moreno. Nakatalikod siya sa akin habang nakasuot siya ng puting long—sleeved polo. Napalunok ako nang sunod—sunod dahil kilala ko ang lalaking nasa harap ko. “E—Ethan...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD