HARMONY POV
NANG matapos akong makapag—relax ay muli akong pumasok sa loob ng kʼwarto ko. Naalala kong kailangan ko pa pa lang iligpit ang gamit ko at i—update sina Mama at Papa.
Kinuha ko ang aking cellphone at nagchat sa groupchat naming tatlo.
Harmony:
Mama, Papa, kumusta po kayo?
Ano po ay ayos lang po rito.
Ligtas po akong nakarating dito sa beach resort po.
Napaka—ganda po rito, Papa at Mama.
Sana sa susunod ay kasama ko na kayong dalawa.
Chat ko sa kanila at sinend ko rin ang photos na kinuhanan ko kanina, iyong tanawin ng dagat mula sa balkonahe ko.
Ilalapag ko na sana ang cellphone ko para ilagay naman ang aking gamit cabinet nang umilaw agad ito.
Nakita ko ang pangalan ni Mama sa screen.
Mama:
Ang ganda nga, anak.
Sana ngaʼt kasama mo na kami dʼyan, pero ikaw na munang mag—enjoy para sa amin ng Papa mo.
Mag—enjoy ka dʼyan at huwag mo munang isipin ang mga problema.
Love you, Harmony.
Napangiti ako sa kanyang sinabi.
Harmony:
Mag—iipon ako para maidala ko rin kayo rito, Mama.
Love you too, Ma!
Nang ma—i—send ko iyon ay aalis na sana ako sa facetagram ko nang may panibagong notification ang lumabas.
Hindi si Mama, kung ʼdi si Ethan.
Pero, napansin kong hindi ito ang main account niya.
Bagong account ito.
Paano naman kasi makakapag—chat sa amin ang main account niya, blinocked ko silang dalawa ni Alina.
Napalunok at napailing ako habang nakatingin sa pangalan niyang Ethan Only.
Ayoko man buksan ang message niya, pero curious ako kung anong chat niya sa akin. Binuksan ko ang message niya.
Ethan Only:
Harmony, please.
Kausapin mo naman ako.
Hindi ako titigil hanggaʼt hindi mo ako pinapatawad.
Mariin akong napapikit dahil sa nabasa ko. Pinapakalma ko ang aking sarili at iniisip ko na once dumilat ako ay wala akong message na makikita from him.
Pagmulat ko muli ng mga mata ko, nandoon pa rin ang chat niya sa akin. Huminga akong malalim at walang pag—aalinlangan sa aking mukha na pinindot ang kanyang profile at walang pagda—dalawang—isip na pinindot ang Block User.
“There...” mahinang sabi ko. “Enough. Kayo pa ang may ganang magsabi na patawarin kayo. Really? Manigas kayong dalawa! Kadiri!”
Pinatay ko ang aking main phone at inilagay iyon sa backpack ko para hindi ko makita. At tanging pangalawang cellphone ko lamang ang gagamitin ko for picture taking and pag—update kina Mama at Papa, i—te—text ko na lang sila.
“From now on... This second phone is for me.” Ngumiti ako habang binubuksan ang camera ng second phone ko.
Inilapag ko muna sa bed ang second phone ko and pinagpatuloy ko ang pagligpit ng aking gamit sa cabinet. Nang matapos ako ay muli akong pumunta sa balkonahe at kinuhanan muli ng picture ang dagat, ang mga puno ng niyong sa paligid at ang bughaw na kalangitan.
Hindi lang iyon dahil hindi ko rin napigilang mag—selfie habang ang background ko ay mapayapang dagat. At sa unang pagkakataon ay may bahagyang ngiti na muli sa aking labi.
Hindi pa man tuluyang naghihilom ang sugat sa puso mo, handa na akong gumawa ng mga bagong alaala na wala sila.
Mga alaalang wala nang Ethan.
Wala nang Alina.
Kundi ako na lamang at ang bagong buhay na unti—unti kong sisimulan na wala sila.
Nang matapos na akong mag—asikaso ng aking gamit at tignan ang buong paligid ng hotel room ko ay nagpasya na rin akong lumabas ng kʼwarto ko. Naka—summer dress ako na pink, nagpalit ako ng damit.
Lumakad na ako papunta sa elevator at pinindot ang lobby button. Mahigpit kong hinawakan ang tote bag ko na waterproof at nang bumukas iyon ay lumabas na rin ako.
Napasilaw ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Kaya kinuha ko ang sunglasses at inilagay sa aking mata.
Lumakad na ako palabas lalo naʼt tapos na ang buffet for breakfast. Lumubog ang aking slippers sa buhangin, ganoʼng ka—pino ang buhangin sa buong resort.
Tumingin ako sa restaurant na mayroʼn dito hanggang nakita ko ang grilled restaurant. Kaya doon na ako pumasok lalo naʼt wala ring gaanong tao lalo naʼt nagugutom na ako.
Umorder ako ng seafood fried rice, grilled squid and grilled chicken inasal, good for two ito pero kaya ko naman ubusin dahil sa gutom ko.
Hindi rin naman nagtagal ang pagkain sa plato ko, naubos ko na rin iyon. Sobra akong nabusog kaya halos hindi ako makalakad.
Kaya napatingin muna ako sa paligid at doon ay nakita ko ang ilang tourists na nakasabay ko sa shuttle bus. Napansin ko ang kanilang mukha na sobrang saya, ibang—iba sa nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko napigilang mapabuntong—hininga habang nakatingin sa paligid at bigla na lang umiwas ang tingin ko dahil na rin bigla akong nalungkot.
Huminga akong malalim at tinapik nang mahina ang aking magkabilang pisngi. “Harmony, okay lang ito. Kaya tayo nandito sa beach resort para makalimutan sila. Kaya iyon dapat ang gawin natin,” kausap ko sa aking sarili.
Tumayo na ako sa restaurant na ito dahil alas—singko na rin ng hapon. Hindi na gaano mainit sa labas.
Napapatingin ako sa paligid nang may mag—jowa naghahalikan. Hindi ba sila pʼwedeng humanap ng room?
Kadiri!
Inilihis ko na lang ang aking tingin sa ibang bagay at lumakad papunta sa pampang. Doon ay may nakita akong nakasakay sa banana boat.
Kaya ko rin kayang gawin niyan?
Kaninong naman ako sasama na group?
Napailing na lang ako sa aking iniisip. “Nevermind. Pumunta lang naman ako rito para ma—clear ang isipan ko at hindi sila maalala. Iyon lang. Kaya kahit hindi na ako mag—water activity ay ayos lang sa akin,” sabi ko muli sa aking sarili.
“Miss? Excuse me?”
Napitlag ako nang may marinig na boses. Nakita ko ang mag—jowa kanina na naghahalikan.
Anong kailangan nila sa akin?
Napatingin ako sa paligid. “Uh, ako ba?” tanong ko sa kanila at tinuro ako.
“Ah, yes, Miss! Kasama ka namin sa shuttle bus, right?” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Pʼwede bang magpa—picture sa iyo?” Nakangiting tanong ng babae sa akin.
Napangiwi ako sa kanyang sinabi, pero hindi ko pinahalata. “Uh, okay po.” sabi ko at kinuha ang phone niya.
Naging photographer pa ako.
Kinuhanan ko silang dalawa, ginandahan ko pa rin kahit naiirita ako.
Sino ba ang hindi maiirita kung kagagaling ko lang sa break up tapos mag—jowa ang nasa harap ko ngayon?
Sino?
“Um, heto na.” Binalik ko ang phone ng babae.
“Thanks, Miss! Gusto mo rin bang picture—an kita? Napansin ko kasing wala kang kasama.”
Wow! Mabait naman pala siya.
“Ah, sure. Thanks too!” sabi ko at inabot ang second phone ko.
Nahihiya naman akong mag—pose pero ginawa ko pa rin.
“Thank you,” sabi ko sa kanya nang matapos niya akong picture—an.
“Ah, oo nga pala, Miss. Hindi namin alam kung alam mo na ang tungkol dito... Narinig lang namin kanina, may party raw rito tomorrow!” sabi niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. “Hindi ko pa alam about doon,” sabi ko sa kanya.
“Now you know! Sige na, Miss! Mauna na kami sa iyo!” saad niya muli.
Nakita ko ang pagkaway niya sa akin kaya kumaway rin ako sa kanila pabalik.
Party tomorrow?
“Hindi rin naman ako pupunta—”
“Waaah! Ang gwapo nila!”
“Sino kaya sila?”
“Mukhang bachelor sila rito sa Beach resort?”
“Lazaro kaya sila?”
Nakatingin lang ako sa tatlong lalaking nakatalikod sa aming paningin.
Sino naman kaya ang mga iyon?