CHAPTER 7

1338 Words
HARMONY POV MAAGA pa lang ay gising na ako. Nag—alarm ako kagabi, sinet ko iyon bago mag—alas singko ng umaga para hindi ako mahuli sa terminal papunta sa Lazaro Beach Resort. Gusto ko talaga munang mag—relax. Kailangan ko ito. Tumayo na ako sa aking kama at iniligpit ito. Chinarge ko na rin ang dalawang phone ko at at saka ako naligo para maging handa na at i—che—check ko muli ang maleta ko kung maayos na ba talaga ang lahat at wala akong naiwan. Tahimik ang buong bahay nang bumaba ako at dumiretso sa banyo namin. Malamig ang tubig pero hindi na ako nagpainit dahil makatutulong din para magising ang diwa ko. Tumapat na ako sa shower at naramdaman ko ang malamig na tubig sa katawan ko kaya gising na gising na ang aking diwa. Nang matapos na rin akong maligo ay mabilis akong lumakad paakyat sa kʼwarto ko. Hindi pa rin gising sina Mama at Papa. Nang makabalik sa kʼwarto ay sinuot ko na ang damit ko, pants and shirt. Nang matapos akong mag—asikaso ay chineck ko muli ang aking maleta at inisa—isa ko muli ito habang siniguradong kumpleto ang lahat ng gamit na dala ko. Mga damit. Toiletries. Power bank. Camera. Dalawang cellphone na naka—charge pa rin. At ang wallet kong naglalaman ng IDs at isang card ko. Nang makasiguro aking wala na akong naiwan, isinara ko na muli ang aking maleta at lumabas na sa silid mo, pero nagulat ako nang makita ko si Papa sa tapat ng kʼwarto ko. “Good morning, anak,” nakangiting bati niya sa akin. “Good morning po, Papa,” nakangiting bati ko rin sa kanya. “Handa na ba ang lahat ng gamit mo, anak?” Napatingin siya sa maletang ilalabas ko na sana. “Ilan ba ang dala mo? Hetong maleta lang ba?” tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Ah, opo, Papa. Tapos po hetong small bag ko,” sagot ko sa kanya at pinakita ko iyon. “Lahat ba nandʼyan na?” Tumango ako sa kanya at nagulat akong kinuha niya ang aking maleta at small bag ko. “Ako na bahala rito, anak. Mauna ka ng bumaba dahil naka—ready na ang breakfast mo roon. Niluto ng Mama mo.” dagdag niyang sabi sa akin. “Okay po, Papa.” Nauna na akong bumaba sa living room namin at doon ay nakita ko si Mama na nakaupo na sa dining table namin. Mabilis naman siyang tumayo at nilapitan ako. “Good morning, anak. Handang—handa ka na sa vacation mo. Bago ka umalis ay kumain ka muna,” sabi niya sa akin. Hinawakan niya ako para ipaupo na. “Kumain ka nang marami.” Tahimik na akong nakaupo at sinadukan ako ni Mama, then narinig ko na rin si Papa na nakababa na rin dala ang maleta and small bag ko. Pilit akong ngumingiti habang kumakain ako, pero alam kong napapansin pa rin nina Mama at Papa na pinipilit ko lang ang lahat dahil bakas pa rin sa mga mata ko ang mugto dahil sa pag—iyak ko. Pagkatapos kong kumain ay agad na rin akong tumayo. “Ma... Pa... Aalis na po ako at baka maiwan ako ng shuttle papunta sa Lazaro Beach po,” mahinang sabi ko sa kanya. Ngumiti si Mama sa akin. “Mag—iingat ka roon, anak,” sabi niya sa akin at hinaplos ang buhok ko. “Oo, anak. Donʼt forget to enjoy your vacation,” dagdag na sabi ni Papa at binuhat ang maleta. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. “I will, Mama at Papa. See you after ng ilang araw po,” sabi ko sa kanila at sinamahan nila akong lumabas. Paglabas ng bahay ay agad akong nag—book ng car papunta sa terminal ng shuttle service ng Lazaro Beach Resort. Hindi rin nagtagal ay dumating rin ang sasakyan kaya nagpàálam na ako kina Mama at Papa. Ang maleta ko naman ay inilagay na ng driver sa compartment bago ako sumakay sa kotse. “Enjoy roon, anak!” “Mag—update ka sa amin, Harmony!” Ngumiti ng tumango ako sa kanilang dalawa. “Opo, Mama at Papa! Mag—a—update po ako sa inyo!” sabi ko at sumakay na sa kotse. Sumakay na rin ang driver at saka pina—andar ang kotse. Nakita kong lumalayo na ang sasakyan sa aming bahay, kaya tumingin ako sa bintana at hindi ko napigilang mapangiti. “This is it...” bulong ko sa aking sarili. “Iʼll leave everything behind.” Inabot ako ng isang oras papunta sa terminal ng shuttle service na papunta sa Lazaro Beach Resort, mabuti na lang ay umabot pa ako. Akala ko talaga ay maiiwan na ako. Pumasok na ko sa loob ng shuttle bus at may iilang kasama na ako rito. Hindi rin naman nagtagal ay umalis na rin ang sinasakyan namin. Naging mahaba ang byahe namin papunta sa Lazaro Beach Resort. Mga walong oras ang naging byahe namin na siyang pagsakit ng puwet ko. Walong oras na naman akong nakaupo. Huminto na rin nang tuluyan ang shuttle bus namin, bandang two in the afternoon kami dumating sa resort. Isa—isa na kaming bumaba sa bus at kinuha ang aking maleta na nasa ilalim ng bus. Ang backpack ko naman ay hawak ko sa loob ng bus. Kahit nasa parking pa lang kami ng resort ay natatanaw kong sobrang ganda rito. Nang matapos makuha ang lahat ng mga gamit ng mga kasabay kong tourists ay lumakad na rin kami papasok sa loob ng resort na ito. Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki nang makita ang paligid, ang daming tao na naglalakad sa paligid at ang buhangin ay napaka—puti at pino. Hindi ako makapaghintay na maglakad—lakad sa pampang. Napansin mo rin ang mga matatayog na puno ng niyog sa buong lugar habang tanaw ang napakalawak na dagat na kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw. Inalis ko muna ang tingin ko roon at lumakad kami sa loob ng hotel. Pagkapasok namin doon ay sinalubong kami ng isang staff. “Welcome to the Lazaro Beach Resort, Maʼam and Sir!” masigla at magalang na bati ng receptionist sa amin. Napangiti ako at mahinang nagsalita, “thank you.” Matapos ang ilang minutong pagsasalita ng receptionist sa amin ay ibinigay na sa amin ang aming key card. Hawak ko na ang key card at may staff na umalalay sa amin papunta sa elevator. Hawak ko nang mahigpit ang aking key card hanggang bumukas na ang elevator sa 8th floor. Lumakad na ako palabas at hinanap ang aking room number, doon ay nakita ko agad kaya pumasok na ako. Pagpasok ko pa lang sa loob ng silid ko ay agad akong napahinto. “Woah...” mahinang sabi ko habang naglilibot ang aking mga mata. Malawak ang kʼwartong nakuha ko. May king size bed. Modern ang interior. At ang pinaka—maganda sa lahat... Ay ang floor-to-ceiling glass window na direktang nakaharap sa dagat. Nasa beach front ang room ko. Nilagay ko sa gilid ng bed ang maleta at backpack ko. Lumakad ako palapit sa balkonahe, binuksan ko ang glass window at doon ay humaplos sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Naririnig ko ang rin ang banayad na hampas ng alon, nakikita ko sa pʼwesto ko ang kalmadong dagat, maraming naliligo at nag—wa—water activities sa labas. “Lahat sila ay nagsasaya. Iyon din dapat ang gawin natin habang nandito tayo, Harmony.” Napapikit ako at napangiti nang malaki dahil sa unang pagkakataon na matapos ang problema ko kina Alina and Ethan, nakaramdam ako ng pagkagaan sa akin puso. “This is beautiful... Deserve ko ang bagay na ito,” mahinang sabi ko sa aking sarili at muling nakatingin sa dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD