CHAPTER 6

1139 Words
HARMONY POV NAKATINGIN ako sa ceiling ng kʼwarto ko. Gusto kong matulog, pero hindi ako makatulog dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ramdam ko na ring namamaga ang aking magkabilang mata dahil sa pag—iyak ko. “Ha!” Malakas akong bumuga at naupo ako sa kama habang nakatitig sa kawalan, hanggang naalala kong kailangan kong magbakasyon. Kinuha ko ang aking laptop at saka binuksan ito para makapag—book na ako. Gusto kong pumunta sa Lazaro Beach Resort, isa ito sa gusto kong puntahan sana si Ethan, pero ako na lang pala ang pupunta rito. Nakita ko ang website ng Lazaro Beach Resort. Isang exclusive beach resort na kilala sa ganda ng view, tahimik na paligid at private cabins. Mahal nga lang per night, but sobrang worth it. “Siguro... Ito na iyong tamang panahon na mahalin ko ang aking sarili,” sabi ko sa aking sarili. Mabilis kong binuksan ang booking website at naghanap ako ng available na cabin, pero wala na. Hotel room na lang ang available kaya iyon na lang binook ko. Isang beachfront hotel room ang kinuha ko. Three days and two nights ang binook ko. Hindi na ako nagdalawang—isip pa kahit may kamahalan pa. Pinidot no na ang confirm booking. Ilang segundo lang ay may nag—email na sa akin na, Booking Confirmed. Nakangiti ako nang bahagya nang makita ko iyon. Kahit mahal ang binayad ko as long as makapag—heal ito sa aking puso, ayos lang. Tumayo na ako at inilabas ko ang malaking maleta na mayroʼn ako. Doon ay isa—isa kong inilagay ang mga summer dress, swimsuits, two sunglasses, sandals, sunblock, waterproof bag, at iba pang gamit na kailangan ko sa beach. I need to enjoy it. Pagkatapos kong mag—impake ay isinara ko na ang maleta at inilagay sa tabi ng pinto para madali kong makuha, maging ang gagamitin kong small bag, nandoon ang ibang kailangan ko lalo na sa aking skin care. Huminga na akong malalim at tumingin sa full body mirror. Nakita ko kung paano mamaga ang aking magkabilang mata, kaya pinahid ko muli ang aking mga mata at tumingin ako na may tapang doon. “Hindi matatapos ang buhay ko dahil lang sa dalawang cheater na iyon!” madiin na sabi ko sa aking sarili. “Hindi ko hahayaan na sirain nila ang future ko. Hindi ako papayag!” Pinunasan ko ang natitirang luha sa magkabilang pisngi ko. “This trip...” Huminga akong malalim. “...is not about running away. Itʼs about finding myself again. Iyon ang gagawin ko.” sabi ko at pinilit kong ngumiti nang malaki. At sa unang pagkakataon matapos ang pinaka—masakit na araw ng buhay ko ay handa na ako magsimula muli na wala silang dalawa. Kinagabihan, bumaba na muli ako para kumain ng hapunan, alam kong makikita nina Mama at Papa na mamamaga ang aking mga mata, pero may dahilan na ako sa once na magtanong sila sa akin. “Bumaba ka na pala, Harmony—” Napahinto si Mama sa kanyang sasabihin habang nakatingin siya sa akin. “Magiging okay rin ang lahat, anak. Alam kong magiging okay rin kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon.” Nakangiting sabi niya sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi ni Mama sa akin. “S—salamat po, Mama. G—gusto ko naman pong sabihin kung anong nararamdaman ko po... S—sa susunod na lang po kapag kaya ko na po,” nauutal na sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nagulat ako nang niyakap ako ni Mama nang mahigpit. “Wala iyon, anak. Kapag kaya mo na, nandito kami ng Papa mo para pakinggan ka. Tandaan mo, mahal ka namin. Handa kaming ipaglaban ka kahit kanino. Kaya kapag kaya mo na, makikinig kami sa sasabihin mo sa amin,” mahabang sabi ni Mama sa akin habang hinahaplos niya ang aking likod. “Tama ang Mama mo, anak. Kapag ready ka na to talk to us. We can listen to all the time...” Hinawakan ni Papa ang pisngi ko at maging ang mata ko. Umalis na sa harapan ko si Mama. “Kumain na tayo ng dinner. Mabuti na lang ay masarap ang niluto ko ngayon gabi,” nakangiting sabi ni Mama, pero hindi naman todo ang ngiti niya. “M—masarap naman palagi ang luto ninyo, Mama,” mahinang sabi ko at halos basag ang aking boses. “Alam ko naman iyon, anak. Sa susunod nga ay balak na rin namin magtayo ng kariderya sa may palengke,” sabi pa ni Mama sa akin. “Tapos ang mga tinda namin ay puro may chicken ang sahog! Siyempre mahalin natin ang ating produkto! Chicken ang tinitinda natin sa palengke!” malakas na sabi naman ni Papa. Alam kong pilit nila akong pinapasaya, pero hindi ko magawa dahil sa sakit na nararamdaman ko pa rin. “Dapat lang po talaga, Mama at Papa. S—suportahan natin ang tinitinda nating mga manok...” Napasinghot muli ako. “A—ang sarap ng pagkain na niluto mo, Mama. Sobrang sarap po.” sabi ko sa kanya at hindi ko na naman napigilang hindi tumulo ang aking luha sa mga mata ko. “Kumain na lang nang kumain, anak. Kami na bahala ng Papa mo sa lahat,” sabi ni Mama sa akin. Iyon na lang ang ginawa ko kung ʼdi kumain na rin. Kailangan ko na rin talagang kumain para bumalik ang lakas ko. Kailangan kong kumain para sa sarili ko at hindi para sa kanila. Kailangan kong kumain dahil may susunod pang araw. Hindi lang dito natatapos ang lahat. Kailangan kong mabuhay para sa akin at hindi sa Alina at sa Ethan na iyon. Hindi sa kanila iikot ang buhay ko. May mga pangarap pa akong kailangang tuparin. Kaya hindi sila ang magiging dahilan kung bakit mawawala ang pangarap ko. Ipapakita ko sa kanila ang version 2.0. Ipapakita ko sa kanila na kaya kong mabuhay na wala sila. “M—Mama at Papa, huwag po kayong mag—alala... Hindi ako magpapa—apekto sa nararamdaman kong ito. Lalo aking magiging malakas para sa inyo at sa sarili ko. Pangako po. Pagkatapos nitong vacation ko, babalik ako sa rati!” sabi ko sa kanilang dalawa. “Dapat lang, anak. Sarili mo lang ang kakampi mo, pero huwag mo ialis sa isipan mo na nandito rin kami ng Mama mo, ha? Maliwanag?” Napatingin ako kay Papa at nakita ko ang mukha niyang nakangiti sa akin. Nakita ko rin ang pag—abot ni Papa ng tissue sa akin, kinuha ko iyon at pinunasan ang aking mukha. “O—Opo, Papa! Maraming salamat po sa inyo ni Mama!” nakangiting sabi ko sa kanila at muling kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD