Your Highness, You're My Slave
FINAL CHAPTER
WALA sa mood si Alexis nang pumasok siya sa bar. Siya ang kaisa-isa at kauna-unahang bouncer na babae sa pinagtatrabahuan kaya lahat ay kilala siya. Lahat ay ilag sa kaniya dahil nababalot na naman siya ng itim na aura.
"Mukhang wala sa mood, ah."
"Letse ka, Joe!" Bulyaw niya kaagad dito.
"Halika, inom muna tayo! Wala si boss at nandiyan naman si Big J para magbantay." Panghihikayat pa nito. Tinignan ni Alexis si Big J na nagthumbs up naman sa kaniya kaya naupo nga siya sa inukupahang table ni Joe.
"Isang bucket nga rito!" Sigaw kaagad ni Alexis. Hindi nagsalita si Joe, hinayaan lang siya nitong uminom.
Maya-maya lang ay magkukwento na naman siya rito kaya hinanda na ni Joe ang sarili para sa maririnig nito mula sa kanya. Alam nitong masasaktan na naman ito sa mga ikukwento niya na patungkol pa rin kay Zenwel, pero wala siyang magagawa. Lihim na nagmamahal, eh.
"NAIINIS ako Joe! Wala pa namang isang buwan simula nung huli naming pagkikita, ah. Halos magtatatlong Linggo pa nga lang pero namimiss ko talaga siya!" Pag-uumpisa ni Alexis sa pagkukwento matapos tunggain ang sariling chaser. Nakatatlong bucket na sila bago bumigay si Alexis.
"Akala ko ba kaya mong wala siya?" Wala pang tama si Joe dahil halos si Alexis lang naman ang umubos ng dalawang bucket.
"Kaya ko nga!" Sigaw niya pabalik ditto pero nawalan din ng lakas sa sunod na sinabi, "ang hindi ko kaya ay ang makita siya na masaya sa iba! Bakit gano'n? Sabi niya mahal niya ako pero kung makangiti siya doon sa picture ang saya-saya niya pa tapos nakahawak pa siya sa bewang ni Angelica! Pusang iyon!" Umismid pa siya.
Napabottoms-up si Joe bago ito nagkumento. "Ikaw pala itong talo. Lakas pa ng loob mo na itaboy iyong tao no'n, ikaw naman pala itong susuko sa huli. Selos ka 'no?"
"Oo!" nakalabing ani Alexis at natulala. Bumabalik sa alaala niya ang ngiti ni Zenwel sa picture. Asar na asar siya. Gusto niya itong sugurin at sumbatan sa maraming bagay pero wala siyang karapatan para gawin iyon. Pinakawalan niya na, eh.
Nagresign na nga siya sa Wilford bilang janitor. Hindi siya napigilan ni Crystal sa naging desisyon niyang iyon. Gusto niya kasing putulin ang lahat ng nagkokonekta sa kanila ni Zenwel para madali niya itong makalimutan.
"Anong plano mo ngayon?" Pagkuway natanong ni Joe.
"Wala, alangan namang puntahan ko iyong gago at magmakaawa na bumalik sa 'kin? Ginusto ko 'to kaya pangangatawanan ko nalang ito!"
"Kahit alam mo na nakakalakad naman pala iyong si Angelica at nagpaawa lang iyong nanay niya?" Ani Joe. Kamakailan lang ay nalaman nila na nakakalakad pala si Angelica. Nakita kasi nila ito sa isang interview sa tv.
"Oo," maikling sagot ni Alexis.
Makikita sa kanyang mga mata na lasing na siya dahil namumungay na ang kanyang mga mata.
"Kahit na alam mong boto sa inyo ang babaeng Ashfortz at tutulong siya sa pag-iibigan niyo nung gagong lalaki kapag tumutol man ang tatay nila?" Dagdag pa ulit ni Joe at napabuntong hininga naman si Alexis.
"Tama na, Joe. Huling kita ko sa larawan nung gago masaya na siya. Hayaan nalang natin."
"Hayaan na magpakasaya siya habang ikaw lugmok?"
"Kasalanan ko naman lahat. Tinaboy ko 'yung tao. Hindi ko pinaglaban."
"Kahit na! Ginawa mo 'yun para sa kapakanan niya!"
"Galit na galit, Joe? Hayaan mo na sabi. Pero alam mo? Kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon para sa'ming dalawa? Pinapangako ko na this time, gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Hindi ko iisipin ang mga tao sa paligid namin. Ipaglalaban ko siya sa lahat!" Ani Alexis bago tumumba sa sobrang kalasingan.
Napailing-iling na lang si Joe bago tinungga ang natitirang alak sa baso bago tumayo para buhatin si Alexis.
"Iuuwi ko na, Big J." Paalam ni Joe sa kasamahan at tumango naman ito sa kanila.
Buhat ni Joe si Alexis na parang prinsesa. Mahimbing na ang pagkakatulog niya habang naghihintay ito ng tricycle na masasakyan.
"Hmmm.." ungol ni Alexis at sumiksik sa dibdib ni Joe. Napangiti si Joe sa nangyari nawala rin nang magsalita siya ulit. "Zenwel.. miss na kita. Bumalik ka na please.." at nakita nito ang pagtulo ng luha niya. Hanggang sa pagtulog ay hindi siya napapanatag.
May pumara ng tricycle sa harap nila nang mapansin ni Joe ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Madalas itong nakikita ni Joe dati pa na nakamasid mula sa malayo.
Maingat na ipinasok ni Joe ang natutulog na si Alexis.
"Wait lang kuya, ah, may kakausapin lang ako. H'wag mong pababayaan 'yan ipapahunting kita kay Big J." Pananakot pa ni Joe sa driver. Triple ang laki ni Big J sa pangkaraniwang laki ng tao kaya takot ang lahat doon.
***
"s**t! Bakit ka ba umiiyak diyan?" Nagising si Alexis sa malakas na pagngawa ni Kia. Ang sakit-sakit pa naman ng ulo niya dahil ang dami niyang nainom kagabi. Hindi niya na pinagtaka na nakauwi siya. Malamang si Joe na naman ang naghatid sa kaniya papauwi.
"Ate, 'yung scholar ko para sa college. Inurong nila." Ngawa ni Kia na siyang kinagising ng diwa niya.
"ANO?! PUTANGINA!" Ang lutong ng mura ni Alexis. "Bakit daw? Ako ba ginagago nila?"
"H-Hindi ko po alam. Alam mo daw po kung sino ang sisisihin sa mga nangyare." Ani Kia na maluha-luha pa rin at napakunot noo naman si Alexis. Agad na pumasok sa isip niya ang pangalan ng isang tao. Walang pwedeng gumawa nito kundi ang siraulong 'yun!
"Ate sandali, saan ka pupunta? Sasama ako!" Agad na sumunod si Kia sa nagmamadaling si Alexis.
***
HINDI alam ni Alexis kung matutuwa siya o maiinis sa pagkakakita sa taong miss na miss niya pero sa pagkakataong ito ay naiinis talaga siya sa pagmumukha nito.
Ang yabang pa nitong maglakad habang nakapamulsa. Nasa tabi nito si Angelica at sina Nieder at Kyle ay nakasunod din dito.
Nakangisi itong huminto sa harapan niya. Nagmamalaki ang awra na dala nito. "Kung nandito ka para magmakaawa. Umalis ka na dahil hindi kita—"
*Boogss!!
Ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ang namayani nang suntukin ni Alexis si Zenwel sa mukha at hindi ito pinatapos sa sinasabi. Tumumba sa lapag si Zenwel at napahawak sa pisngi na nasuntok niya.
"Ah! Hanggang ngayon ang lakas mo pa ring sumuntok." Daing ni Zenwel at agad na tumayo. Imbis na magalit ito sa kanya ay mukhang natutuwa pa ito.
"Ano na naman ba ito? Ako ba pinagloloko mo?!" Asar na bulyaw ni Alexis kay Zenwel. Mas nadadagdagan ang iritasyon niya sa tuwing nahahagip ng mata niya si Angelica sa gilid.
"Alam kong kahit anong gawin kong pagpapahirap sa 'yo ay mababaliwala lang dahil matigas ka kaya si Kia na ang pinagdiskitahan ko. 'Yan ang parusa mo para sa mga ginawa mo sa 'kin. Dahil sa pagsisinungaling mo sa 'kin."
"Anong pinagsasasabi mo? Nananahimik na kami ng kapatid ko pero heto ka't nanggugulo pa na naman!" Naiinis talaga siya sa taong kaharap. Heto't bumabalik na naman ang masamang ugali nito. Akala pa naman niya ay nabago niya ito ng tuluyan.
"H'wag ka ngang magmaang-maangan pa, nagnakaw ka na nga, nagsisinungaling ka pa."
"Nababaliw ka na," pagsuko ni Alexis. Hindi niya maintindihan ang mga ibinibintang nito. "Wala akong ninakaw sa 'yo!" Hanggang ngayon ba ay ipipilit nito na siya ang nagnakaw ng bag noon ni Angelica kaya galit na galit na naman ito sa kaniya?
"Anong wala?! Mahalaga iyon sa 'kin at ninakaw mo 'yun!"
"Pwede ba diretsuhin mo ako! Hindi kita naiintindihan."
"Ninakaw mo lang naman ang.. puso ko!" Nakangisi ito ng sinabi iyon sa kanya. Kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Samantala, napaawang naman ang bibig niya sa sinabi nito.
Habang ang mga nanonood naman ay napahagikgik sa kilig habang sina Kyle at Nieder ay napahagalpak sa tawa.
"Puta! H'wag nga kayong tumawa!" Bulyaw ni Zenwel sa dalawang kupal pero hindi tumigil ang mga ito kaya asar na asar siya.
"Pwede ba, kung gusto niyo ng mapaglalaruan, h'wag ako! H'wag kaming magkapatid!" Madilim na ang mukha niya dahil galit na galit na siya.
"Hindi ako nakikipaglaro! Ilang beses ko bang sasabihin na seryoso ako sa 'yo!" Pagbibigay diin ni Zenwel.
"Yun oh!" Ani pa ni Kyle.
"Go, Zenwel!" Cheer pa ni Angelica.
Napakunot noo si Alexis at hindi niya na talaga naiintindihan ang mga nangyayare.
Clap! Clap! Clap!
Napalingon ang lahat sa taong pumalakpak. Si Crystal, nakangiting lumalapit sa kanila.
"It's nice to see you again, Alexis. Lalo ka atang gumaganda." Puri ni Crystal sa kanya at nahiya naman siya ng bahagya. Medyo mahaba na kase ang buhok niya at kahit papaano ay natuto na siyang mag-ayos sa sarili.
"Ahm.. maraming salamat po." Napayuko pa siya ng bahagya sa kagalang-galang na babaeng Ashfortz.
"I heard what happened. Ikaw talaga, Zenwel hindi ka na nadala! Bakit mo naman tinanggalan ng scholarship ang kapatid ni Alex? Napakamo talaga!" Saway ni Crystal kay Zenwel pero nakakatakang nakangiti rito.
"Danielle Alexis Gonzales," tawag ni Crystal kay Alexis na tumugon naman agad.
"Bakit po?" Parang nangyare na dati ang tagpong ito, ah. Bigla siyang kinabahan.
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Please, be his owner.. Again. From now on, you will be his master and he will be your slave.. Again" Ito ang mga katagang sinabi ni Crystal na kinabagsak ng mundo ni Zenwel noon. Pero ngayong naririnig ito ng binata ay talagang natutuwa ito.
Sige lang, handa itong maging alipin ni Alexis. Handang pagsilbihan ni Zenwel si Alexis kahit pa panghabang-buhay.
"Yes please.. Crystal." Tangu-tango pang sabat ni Zenwel habang nangingiti ng tagumpay.
"From now on, si Alexis na ang bahala sa 'yo. Siya na ang magiging amo mo at pagsisilbihan mo siya habangbuhay. 'Yan ang parusa mo dahil hindi ka na naman kasama sa mga graduating student! Walangya ka talaga sinama mo pa sa pagbagsak mo sina Kyle at Nieder!" Heto at totoo na ang sermon ni Crystal kay Zenwel.
"What? Sila itong kumopya sa 'kin, eh. Kasalanan ko ba 'yun?" Pagtatanggol ni Zenwel sa sarili.
"Malay ba namin Zen na may plano kang ibagsak lahat ng tests? Sana sinabi mo para hindi kami nangopya sa 'yo!" Pangangatwiran pa ni Kyle at pakunwaring nagpunas ng luha na para bang nasira ni Zenwel ang kinabukasan nito.
"Oo nga, dude!" Isa pa itong si Nieder na siyang umakbay kay Kyle at kunwaring nagsisiiyak.
"Kayo ang mga walangya, eh!" Asar na bulyaw ni Zenwel sa dalawa.
"Anyways, is that okay with you, Alexis? Don't worry, ibabalik ko sa kapatid mo ang scholarship na nararapat para sa kaniya. Pasensya kana sa ginawa sa iyo ng kapatid ko, ha?" Pagpapatuloy ni Crystal at napapamaang lang talaga siya sa mga nangyayari.
"Mawalang galang na pero ayoko sa lalaking 'yan." Nasabi niya nang makabawi at siya namang kinagulat ng lahat.
"ANO?! Aarte ka pa? Ikaw na nga ang magkakaroon ng gwapong alipin, ayaw mo pa?" Mas lalong naasar si Zenwel dahil sa sinabi niya.
"Sinabi ko na, ayoko. Ibalik niyo nalang ang scholarship sa kapatid ko at kakalimutan ko na ang lahat ng ito." Matigas niyang sabi.
"Pero, ate! Plano itong lahat nila kuya Zenwel! Alam kasi nila na hindi ka basta makukuha sa simpleng pagsuyo lang kaya—"
"Alam mo ang lahat ng kalokohang ito, Kia?" Inis na binalingan ni Alexis ang kapatid na siyang napayuko.
"H'wag mo ngang pagalitan si Kia. Ako ang nakiusap sa kaniya na gawin 'yun." Dahil sa sinabing 'yun ni Zenwel ay ito ang binalingan niya ng masamang tingin. "Bakit ba ang tigas-tigas mo, Alexis? Hanggang kailan ka ba magkakaganiyan? Akala ko ba kung bibigyan ka ng isa pang pagkakataon ay hindi mo na iisipin pa ang iba? Na ipaglalaban mo ako sa kahit na kanino?" Nagulat si Alexis sa mga katagang lumabas sa bibig nito.
Humakbang papalapit si Zenwel kay Alexis. "Nagulat ka ba dahil alam ko? Nandoon ako, Alexis. Lagi akong nakamasid sa 'yo. 'Di ba sinabi ko sa 'yong hindi ko kaya ng wala ka? Kaya kahit malayo, kahit hanggang tanaw lang ay kontento na ako." Nagtagumpay na makalapit si Zenwel kay Alexis at nagtitigan silang dalawa.
"Ano pa bang pumipigil sa 'yo, Alexis? Angelica already gave her blessing to us. Crystal explained na binayaran ka nga niya pero bilang pasasalamat lang sa ginawa mong bagbabago sa 'kin at hindi para magpanggap na mahal mo ako. Nalaman ko rin na hindi mo naman tinanggap ang pera. At kung bakit tinataboy mo ako? Natatakot ka na mawala sa 'kin ang lahat ng mana na matatanggap ko. Hindi ako interesado doon. Kung interesado ako doon dati palang sana pinasa ko ng lahat ang mga subjects ko para makuha ko na ang mga 'yun. Wala akong pakialam kung mawala ang lahat ng meron ako basta nasa 'kin ka, Alexis." Hinaplos pa ni Zenwel ang pisnge niya habang sinasabi ang mga salitang iyon, pero natigilan ito nang makitang pumapatak ang kanyang mga luha.
"H-hey? Stop crying?!" Natatarantang kumuha si Zenwel ng panyo sa bulsa at pinunasan ang luha sa pisnge niya. Natawa naman si Alexis sa ginawa nito.
"Alex, sige na. Tanggapin mo na ulit si dude! Ayaw na namin sa kaniya kasi pinakopya niya kami ng mali." Udyok pa ni Nieder.
"Oo nga, Alex. Kunin mo na 'yang ungas na 'yan. Maging kami ay kayang ibenta niyan kay kamatayan makuha ka lang." Si Kyle.
Napalingon naman ang dalawa sa mga espesyal na tao na nasa likuran lang nila.
"Ate, ito na iyong panahon para isipin mo naman ang sarili mong kaligayahan. Karapatan mo 'yun, Ate." Si Kia.
"Ahmm, Alexis. Hindi mo alam kung gaano naging mesirable si Zenwel nang nawala ka. Ayoko ng makita siyang gano'n kaya please.. take care of him," wika naman ni Angelica.
"Alex, alipin na sa pag-ibig si Zenwel. Pumayag kana na maging master niya ulit. Baka magpakamatay pa 'yan! Masasayang pa ang oras namin sa pag-aasikaso sa libing," puna naman ni Crystal na nagpatawa sa lahat. Si Zenwel lang itong hindi natuwa sa biro nito.
"Oo nga, Alexis."
"Tanggapin mo na."
"Ayaw na namin diyan!"
"Puta kasawa. Kunin mo na!"
Kaniya-kaniya ng udyok ang lahat para lang mapasang-ayon si Alexis. Muli siyang hinarap ni Zenwel. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisnge at pinaglapit ang kanilang mga mukha.
"Paano ba 'yan? Wala na namang gustong tumanggap sa 'kin?" Malambing na binulong nito iyon sa kanya. "Dahil ikaw ang master ko, responsibilidad mo na naman ako."
Kumawala si Alexis sa pagkakahawak sa kaniya ni Zenwel. Ilang na ilang na kase siya sa ginagawa nito sa kaniya, ang dami kayang tao.
"Pwede ko bang gawin ang lahat ng gusto kong gawin sa 'yo?" Pagtatanong niya rito.
"It's my pleasure," bukal sa loob na wika nito.
"Kung ganoon," panimula ni Alexis. Hinintay ni Zenwel ang susunod niyang sasabihin. Pero, umatras siya ng bahagya mula sa lalake dahilan para magtaka ito.
Matamis siyang ngumiti kay Zenwel at nagbigay ng galang dito sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo at paglagay ng kanang kamay sa dibdib na para bang nagbibigay galang sa harap ng isang Royal Prince; sabay bitaw ng mga katagang gustong marinig ni Zenwel.
"Your highness, you're my slave!"
Ang sarap ng tawa ni Zenwel at bigla niyang nabuhat si Alexis sa sobrang tuwa at pinaikot-ikot pa siya. Napatili tuloy siya sa takot na baka mabitawan siya nito.
"Ibig bang sabihin noon pumapayag ka na?" Ani Zenwel ng ibinaba siya. Bakas ang sobrang tuwa sa mukha nito. Tumango-tango naman si Alexis at muli siyang niyakap ni Zenwel.
"Mahal na mahal kita, Zenwel. Binabawi ko na ang mga sinabi kong kaya ko na wala ka kasi hindi ko talaga kaya."Naiiling pa na wika niya.
"Eh 'yung sinabi mong sakit lang ako sa ulo, 'di mo babawiin?"
"Hmm.. hindi. Sakit ka naman talaga sa ulo!"
"Alexis naman!" Parang batang turan agad ni Zenwel. Magbubunganga pa sana ito pero natigilan ito sa sasabihin nang sinalubong niya ng halik ang labi nito. Saglit lang ang naging halik nila dahil sa dami ng nanonood sa paligid nila.
Nakaakbay si Zenwel kay Alexis nang hinarap nila ang nagpapalakpakang mga tao. Bakas ang tuwa sa mukha ng mga taong nagmamahal sa kanila.
"I love you, my slave." Bulong ni Alexis kay Zenwel.
"I really love you too, master." Sagot naman ni Zenwel nang nakangiti.
The End
05/22/2017