Fourteen

3604 Words
Your Highness, You're My Slave Chapter Fourteen  "WOAH! Ang cute ng mga dolphin, oh! Ayun! Super cute ng isang nandoon. Ang liksi-liksi niya at ang bilis-bilis lumangoy. 'Di ba, Zenwel?" Nilingon ni Angelica ang katabi niya pero nakatunganga lang ito. "Zenwel?" Nakatingin nga ito sa nagpeperform na mga dolphins pero tulala naman ito at tila ang layo ng iniisip. "Zenwel!" Pag-ulit niya at doon na siya nito nilingon. "W-What? May masakit ba sa 'yo?" "Wala." Wala na sa mood na sagot niya. "Nauuhaw? Nauuhaw kana ba? Nagugutom? Sawa kana sa show? Lipat tayo sa iba?" "Zenwel, hindi. Relax, okay?" "I-I'm sorry. Ano nga iyong sinasabi mo?" Ilang saglit na 'di nakapagsalita si Angelica. Kilala niya na si Zenwel. Alam niya kapag may mali rito. "I said to look at the dolphins! They are so adorable!" Pagsasawalang bahala niya na lang. Alam niya naman na kapag handa na si Zenwel ay magsasabi ito sa kaniya. Lahat ng hinanakit nito sa mundo ay sinasabi nito sa kaniya. "Yeah.. She's adorable," parang nawala sa sarili na nagsalita si Zenwel at nakikita sa imahinasyon ang nakangiting mukha ng babaeng hindi mawalawala sa puso nito. Matapos manood ng dolphin show ay naglibot pa sa loob ng Ocean Park ang dalawa. Tulak ni Zenwel ang wheelchair niya. Hanggang sa napagod sila at nakapagpasyang maglatag sa minipark doon at doon na kumain ng baon nila. Kwento ng kwento si Angelica pero tahimik lang na tumatango si Zenwel. Hindi tulad ng dati na nakikipag-unahan pa itong magkwento. "Zenwel, may problema ba?" Napalingon sa kaniya si Zenwel at bahagyang ngumiti. "Nothing, I'm just tired. Ang dami nating ginawa ngayong araw." Ngiti lang din ang naisagot niya sa sinabi nito. Nagulat pa siya ng biglang tumayo si Zenwel. "Alexis," narinig niyang bigkas nito at may tinatanaw sa mga dumadang mga tao. "Sino 'yun, Zenwel?" Tska tiningala ang tinatanaw nito pero hindi man lang siya inatubiling pansinin ni Zenwel. "Babalik ako!" Pagkuway sabi ni Zenwel at nagmamadaling umalis. Hindi niya na ito nagawang pigilan dahil malayo na ito. Nag-aalala na naiwan doon si Angelica. "Para namang makakalis ako rito." Malungkot na aniya at napatingin sa mga paa niya. *** "It's her!!" Tuwang-tuwa si Zenwel nang makita nga si Alexis. Lalapitan niya sana ito pero biglang may lumapit na lalaki rito at nag-abot dito ng ice cream. Nakita niya na ngumiti si Alexis kay Joe at inakay ng lalaki ang huli para dalhin sa isa sa mga atraksyon sa park. "Tinatanong mo ako kung mahal ba kita 'diba? P'wes ang sagot ko, h-hindi. Hindi kita mahal. Tapusin na naatin 'to." Naalala niya bigla ang huling sinabi nito sa kaniya at bumalik na naman siya sa pagiging matamlay. Kahit gustong-gusto niya nang sugurin si Joe ay hindi niya ginawa. Palihim niyang sinundan ang dalawa. Nalaman niya na hindi lang pala silang dalawa ang nandito. Kasama pati sina Kia at Joana. Pero kahit gano'n ay naiinis pa rin siya lalo na't dikit ng dikit si Joe kay Alexis at ginagatungan pa 'yun ni Joana. *** "ZENWEL! You come back! Akala ko iniwan mo na talaga ako!" Bungad ni Angelica sa kararating lang na si Zenwel. "May iba ka pa bang gustong puntahan? Pasensya kana kung iniwan kita rito. Ayos ka lang ba?" "I'm okay. Ikaw? Ayos ka lang ba? Mukhang hindi ka okay. Gusto mong magkwento? Makikinig ako." Masuyo niyang tinignan si Zenwel. Malalim naman itong bumuntong hininga. Biglang napaluhod si Zenwel sa harapan niya at mahigpit siyang niyakap. "Ang sakit. Ang sakit-sakit na Angelica," parang batang sumbong ni Zenwel at pumiyok pa ito sa huling salitang sinabi. "Hindi ko kaya, Angelica. Hindi ko kayang mawala siya sa 'kin." Agad na nahabag sa kaniya si Angelica. Sinasabi niya na nga ba't may dinadala ito at hindi niya alam na ganito na iyon kabigat. "Makikinig ako. I'll listen." Ani Angelica at hinaplos pa ang buhok ng lalaki. *** "DI-DITO tayo, Alex!" Naiinis na si Alexis. Kanina pa kase siyang hinihila ni Joana sa kabilang dako. "Ano? Galing na tayo d'yan. Sabi mo dito ang may magandang pwesto! Dito nalang tayo." "Hindi, panget pala don!" Sige pa rin ang hila ni Joana sa kaniya pero hindi na siya nagpadala. Natigilan kase siya sa tagpong nakikita 'di kalayuan sa pwesto nila. Nakayakap si Zenwel sa isang babaeng naka-upo sa wheelchair. Napakagat siya nang labi at agad tumalikod. Hindi niya pa kakayanin kung makikita niya pa ng matagal ang tagpong iyon. "Panget nga dito." Nasambit niya na lang at siya na mismo ang kumaladkad kay Joana palayo roon. SA KWARTO ni Angelica ay kinwento lahat ni Zenwel ang mga nangyare habang pareho silang nakahiga sa kama ng magkatabi. Naikwento niya ang lahat-lahat dito. Kung paaano niya nakilala si Alexis at kung anu-ano ang mga pinagdaanan niya habang wala 'to. "Ikaw, Zenwel, ah. Tinu-time mo ako. Habang tayo ay nililigawan mo pala ang babaeng 'yun? I hate you na!" Pagkuwan ay pagtatampo pa nito. "H-Hindi.. Angelica naman." Natataranta naman 'tong si Zenwel. 'Di niya alam kung paano magpapaliwanag rito. "Joke! Alam ko naman. Naiintindihan ko. 'Di ba, sabi ko sa 'yo na kapag nakahanap kana ng babaeng mamahalin, you are free. Ayaw mo kasi maniwala sa 'kin na hindi mo ako, love." "I love you, my Angel. I really do." "But not the love that you feel for Alexis," natahimik si Zenwel sa sinabi ni Angelica. Tama kasi ito. "Pero, walang magbabago Angelica. Tulad ng ipinangako ko, palagi parin akong nasa tabi mo. 'Di kita iiwan." "You're free, Zenwel. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala kang pananagutan sa'kin.. Ginusto ko ang nangyare at kahit paulit-ulit pa na mangyare 'yun ay paulit-ulit pa rin kitang ililigtas mula sa nasusunog na bahay." Nakangiting saad ni Angelica. "At isa pa.. may sorpresa ako sa 'yo." Bumangon si Angelica mula sa pagkakahiga sa kama. Ganun din ang ginawa ni Zenwel. "Angelica," pag-aalala ni Zenwel nang subukan nitong tumayo. Nagawa nga nitong makatayo at makalakad ng ilang hakbang papalayo sa kaniya bago siya hinarap ng nakangiti. "See? Am Fine! Nakakalakad na ako! Bago pa ako umuwi rito ay nakakalakad na ako." Ngumiti sa kaniya si Zenwel. "I know," anito na siyang kinagulat ni Angelica. "What? Alam mo?" "Pumunta ako noon sa States nung unang beses na naibalik sa 'kin ang lahat. Pinuntahan kita Angelica. Nakita kitang nakakatayo. Nagsasayaw ka pa nga sa loob ng bar kasama ang isang lalaki." Mapang-husgang tinignan niya si Angelica. "Ikaw ah, ikaw pala itong nagtataksil sa 'kin habang nasa states ka." "NO!! I was just.. ahmm.. having fun." "Just kidding." "Ikaw talaga! Nasira tuloy iyong surprise ko sa 'yo. Pero alam mo na pala! Pero mas pinili mong dumito sa tabi ko kaysa kay Alexis." Naniniwala kasi si Angelica na nandito si Zenwel sa tabi nito dahil until now ay guilty siya sa nangyare rito. Kaya nga ginawa ni Angelica lahat para magpagaling sa state dahil gusto niyang maging masaya si Zenwel. Ayaw na nitong maging pabigat sa lalake. 'Yung hindi na siya babangungutin sa gabi dahil naaalala nito ang nagdaang sunog. Mula sa pagkakahiga ay naupo si Zenwel at napasuklay sa sarili niyang buhok. "Dahil sinabi niya na hindi niya ako mahal." "And you believe her?" Gusto siyang batukan ni Angelica sa katangahan nito. Umiling si Zenwel bilang sagot. "Oh, 'yun naman pala eh! Ano pang hinihintay mo? Magaling na ako, you can leave me now para suyuin si Alexis!" "Pero paano si tita Masey? Alam niya na ba ang tungkol sa paggaling mo? Nag-aalala siya sa 'yo." Sumimangot si Angelica at nalungkot. "Actually, si mom ang may gustong magpanggap ako. She wants you to marry me. Alam niya na may kinababaliwan ka ng ibang babae rito sa Pilipinas nung nasa state palang kami kaya pinilit niya ako na gawin ito. I'm sorry, Zenwel. Dahil sa 'kin nahihirapan ka. Nahihirapan kayo." "Kaya ba hindi ka kumakain at nagtangka pang magsuicide?" "Its was all for show. Ayaw kasing makinig sa 'kin ni Mom. Sinabi ko na hindi natin mahal ang isa't isa pero mapilit siya." "Kahit na! Hindi mo dapat sinasaktan ang sarili mo. Pinag-aalala mo kami. Ako!" "Okay fine. 'Di na mauulit. Basta ngayon ang mahalaga puntahan mo na si Alexis. Ako na ang bahala kay mom. 'Di naman ako kayang tiisin nun, eh." "You're a bad angel," tudyo pa ni Zenwel pero nagbelat lang si Angelica. *** NAPAIRAP sa hangin si Alexis nang mabungaran sa pinto si Zenwel. "Alex—" magsasalita pa lamang si Zenwel ay may sumingit na rito. "ALEX!" Nilingon niya ang masiglang tumawag kay Alexis at agad na gumuhit ang inis sa kaniya nang makita si Joe. Todo porma ang binata pero, natatawa lang si Zenwel sa suot nito. "Handa ka na ba para sa date natin?" Nagpantig ang mga tenga ni Zenwel sa narinig. Nung isang araw lang ay nakita niya na magkasama na ang dalawa sa Ocean Park ngayon ay magsosolo pa ang mga ito sa labas? "Kanina pa ako nakaligo, magpapalit lang ako saglit. Pasok ka muna." Nilakihan ni Alexis ang pagkakabukas ng pinto at agad na pumasok si Joe. Para lang hangin na dinaanan ni Joe si Zenwel. Walang may paki sa presensya niya na siyang mas kinainis niya lalo. Saglit pa na natulala si Zenwel sa harap ng pinto. Nagpalipas ng inis bago pumasok sa bahay nila Alexis kahit walang paanyaya. Naabutan niya roon si Joe, nakaupo habang nagkakape. Nakangisi ito sa kaniya na wari'y nang-aasar. "Nandito ka pa? Akala ko'y umalis kana." Mapang-asar na anito sa kaniya. "Ikaw ang umalis dahil hindi sasama sa 'yo ang girlfriend ko." Malutong na ani Zenwel rito. Magkasalubong na ang mga kilay niya. "Girlfriend? Baka nakakalimutan mo na nakipagbreak na sa 'yo si Alex." "Hindi ko tinanggap ang break-up na 'yun kaya kami pa rin!" "Pwede ba, tumigil na kayong dalawa!" Saway ni Alexis sa kanilang dalawa. Sa loob palang ng banyo ay rinig na nito na ang maaanghang na sagutan nilang dalawa. Agad na lumambot ang mukha ni Zenwel nang hinarap niya si Alexis. "Alexis, mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako." "Tumigil ka na, Ashfortz! Wala ka ng dapat na ipaliwanag pa." Imbis na si Alexis ang magsalita ay si Joe ang sumagot. Lumapit pa ito kay Zenwel para tabigin ito palayo kay Alexis. "Hindi ikaw ang kausap ko! H'wag ka ngang sabat ng sabat! Umalis ka na rito dahil nakakagulo ka!" Sigaw ni Zenwel kay Joe. Naiirita na talaga siya sa panghihimasok ng lalaking ito. "Ang tigas din ng mukha mo, 'no? Para magdemand ka pa ng gan'yan. Sino ba ang nagloko? Sino ba ang may girlfriend na tinatago sa ibang ban—" hindi natapos ni Joe ang mga sinabi dahil bigla niya na itong kinuwelyuhan. "Wala kang karapatang magsalita ng ganiyan dahil hindi mo alam ang buong nangyare." Tiim bagang na sambit niya dito. "Joe! Zenwel! Ano ba! Tumigil na nga kayo!" Pero hindi siya nakinig sa pagsaway nito sa kanila. Nagpatuloy silang dalawa sa pagpapalitan ng maaanghang na salita at matatalim na tingin. "Alam ko ang lahat, ako pa nga ang nagsabi kay Alexis ng tungkol doon sa lumpo mong girlfriend kaya nakipagbreak siya sa 'yo." Sa sinabing iyon ni Joe ay naputol ang pagtitimpi ni Zenwel at ginawaran ng malakas na suntok si Joe. "Joe!" Agad na gumitna si Alexis sa pagitan ng dalawa. Tinabig siya ni Alexis palayo sa duguan ng si Joe. "Joe, okay ka lang ba?" "'Yang gago kasing 'yan! Ayaw pa tanggapin na wala na kayo. Pilit na isinisiksik ang sarili niya rito." Panduduro pa ni Joe sa kanya. "Gusto mo ng isa pa?! Ikaw itong umeepal sa 'min ni Alexis! Ba't hindi ka nalang umuwi sa inyo?!" "ZENWEL! Tama na!" Buong lakas nang sigaw ni Alexis kaya natahimik na silang dalawa. "Pwede ba umalis ka na?! Hindi ka naman kailangan ditto, eh. Ano pa bang gusto mo? Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na hindi kita gusto. Hindi kita mahal!" Pagdidiin pa ni Alexis. Sinagad niya na kase ito. Pinilit nitong masabi ang mga gano'ng salita. "Pero Alexis.." Agad na nangilid ang luha sa mata ni Zenwel. Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Alexis pero diretso ang tingin nito sa kaniya habang sinasabi 'yun. Na para bang muhing-muhi ito sa kanya. "Tama na.. buong akala ko mawawalan na ako ng sakit ng ulo noong ibinalik na sa 'yo ni Miss. Crystal ang lahat pero ang kulit mo! Tapos ngayon pati si Joe sinaktan mo pa." "Your lying.." napapailing na nasambit niya. Napaatras siya hanggang sa napahawak siya sa dingding na kahoy. Kailangan niya 'yun bilang suporta. Nanghihina kasi siya sa mga naririnig mula kay Alexis. "No, I'm not." Matigas na wika nito. "Umuwi ka na at h'wag na h'wag ng babalik. H'wag ka ng manggulo dahil okay na kami, eh. Okay na ako nang mawala ka." Agad na pinunasan ni Zenwel ang luhang tumulo na sa kanyang mga mata pero patuloy parin ang pagbuhos niyon sa pisngi niya. Masakit. Mas masakit pa ito sa naramdaman niya nong iniwan siya ng kaniyang ina sa pangangalaga ng kaniyang ama kapalit ng malaking pera. Anak kasi siya sa labas. Half-brother and half-sister niya lang sina Crystal at Nieder kaya hindi niya maibigay ang buong tiwala sa mga ito lalo pa't ang ina ng mga ito ay sobra ang muhi sa kaniya habang ang kanilang ama ay wala namang inatupag kundi ang business nila. Lumaki siya na nag-iisa. Lumaki siya na may problema sa pagtitiwala sa mga taong nakapaligid sa kaniya. At ngayong nakahanap siya ng babaeng tunay na nagpakita sa kaniya ng pag-aalala ay sasabihin nito ngayon na sakit siya sa ulo? Napamura na lamang siya. "Umalis na tayo, Alex." Inakay na ni Alexis si Joe papalabas ng bahay. Nalagpasan siya nang mga ito nang magsalita siya. "Narinig ko. Narinig kong lahat ang mga sinabi mo sa tricycle nung hinatid mo ako." Panimula muli ni Zenwel na siyang kinatigil ni Alexis. Gulat ito sa sinabi niya pero hindi siya humarap. "Okay na ang lahat, Alexis." Pahayag niya. "Damn! Kaya ayaw ko sa mga independent, eh!" Bulong niya pa sa sarili na wari'y nahihirapan. "Kung kaya mo Alexis.. paano naman ako? Hindi ko kayang mawala ka. Kung may Kia na maiiwan sa 'yo. Paano naman ako? Mabubuhay ulit ako ng mag-isa." Halos bulong nalang ang banggit niya sa huling mga salita pero narinig iyon ni Alexis. "Bakit iniisip mo ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili mong desisyon mo? Bakit hindi ako ang isipin mo? H-Hindi ko nga kasi kakayanin ng wala ka!" May hikbi na ang bawat panunumbat na iyon ni Zenwel. Mas pinili ni Alexis na h'wag siyang harapin dahil sa mga sandaling iyon, maging ito ay lumuluha na rin. Nararamdaman nito ang sakit na nararamdaman ngayon ni Zenwel. Gustong-gusto siya nitong yakapin pero kinalimutan na lang nito iyon. "Hindi ba't nakiusap na ako sa 'yo na layuan si Zenwel? Gusto mo pa ba na umabot ang lahat sa malaking gulo? Anak ng isang Ashfortz si Zenwel at ikaw.. mahirap ka lang! Malaking gulo ang pwedeng mangyare kapag umabot ito kay Mr. Ashfortz. Mapapahamak si Zenwel. Maaaring mawala sa kaniya ang lahat ulit. Maaaring itakwil siya ng dahil sa 'yo. Kaya please lang.. para sa ikabubuti ng lahat. Layuan mo na siya. Ipaubaya mo na siya sa anak ko!" Naalala ni Alexis ang mga sinabi ng ina ni Angelica nang mabalitaan nito na nakikipagkita parin si Zenwel dito. Dahil doon ay mas lalong nabuo sa isip ni Alexis na h'wag na siyang harapin. "P'wes kayanin mo, Zenwel." Hinarap ni Alexis ang nanlulumong binata. Akma na sana nilang ipagpapatuloy ni Joe ang pag-alis nang muli ay magsalita si Zenwel. "Sabihin mo muna sa 'kin diretso sa mga mata ko na hindi mo na talaga ako mahal. Na hindi mo na ako kailangan. H'wag na akong magpapakita pa sa 'yo dahil mas okay ka kapag wala ako." Hamon ni Zenwel dito. Huminga ng malalim si Alexis at pasimpleng pinunasan ang basang mukha. Nang makaipon ito ng lakas ng loob ay saka siya nito hinarap muli. Agad nanghina si Alexis nang makita ang nakakaawang kalagayan ni Zenwel. Bakas sa mukha ni Zenwel na sobra na siyang nasasaktan at hindi na niya kaya pang tanggapin ang kung ano pang masasakit na sasabihin nito sa kanya. Pulang-pula na ang mga mata niya at namumugto pa iyon. "Hindi kita mahal. Sakit ka lang sa ulo kaya laking tuwa ko nang kunin ka na pabalik ni Miss Crystal sa'kin. Alam mo ba? Na binayaran ako ng malaking halaga ni Miss Crystal para matuto ka sa buhay? Lahat ng pinakita ko sa 'yo ay pakikisama lang. Ang lahat ng iyon ay para lang sa pera!" Napamaang si Zenwel at tila parang mahihimatay na ano mang oras matapos marinig ang sinabi nito. "N-no." "Totoo 'yun, kahit tanungin mo pa ang kapatid mong si Crystal! Sasabihin niya sa 'yo ang bagay na ito." Napapailing si Zenwel at wari'y nanghina ang mga tuhod niya sa mga naririnig kaya napahawak siya ng mahigpit sa kahoy. All this time pala, ang inaakala niyang babae na inaakala niyang nagbigay ng totoong pagpapahalaga sa kaniya at pagmamahal ay binayaran lang ng pera. Isa palang malaking kasinungalingan ang lahat ng pinakita nito sa kaniya. "Hindi kita mahal, Zenwel. Kayang-kaya kong mabuhay ng wala ka! Kaya please lang.. tantanan mo na ako!" Tska ay tumalikod na ito. Pinipigilan nito ang sarili na mapahikbi. Pagtalikod na pagtalikod ni Alexis ay tumulo ng sunod-sunod ang mga luha sa mga mata nito. "Tara na, Alex." Inakbayan ito ni Joe. Mabuti nalang at nandito ang kaibigan nito. "Don't leave me, Alexis." Napahinto pa sila ng muli ay higitin ni Zenwel ang braso nito. "I don't care if your into my money. Sa 'yo ng lahat ng pera na meron ako! Just—just stay with me, please? H'wag kang sumama sa kanya." Nababaliw na nga si Zenwel sa pinagsasabi niya to the point na wala na siyang pakialam kung ang pera lang niya ang habol nito. Mas lalong nanikip ang dibdib ni Alexis sa winika niya. Gano'n niya ito kamahal. Pero nanatili itong nagpabingi-bingihan kahit kulang na lang ay mahihimatay na ito sa sobrang sakit. Nagpatuloy Alexis at Joe sa pag-alis. Narinig pa nito ang garalgal na boses na pagmamakaawa ni Zenwel pero kinalimutan nalang nito ang binata. *** DINALA si Alexis ni Joe sa pinakamalapit na Playground. Naghihisteria na siya sa pag-iyak. Ang sakit sakit ng dibdib niya at parang may kung ano pang bumabara sa lalamunan niya. "Alex.." Tinignan siya ni Joe. Kita sa mga mata nito na nag-aalala ito ng husto sa kanya. Maging ito ay nasasaktan na makita ang babaeng mahal na nasasaktan. Mahal ni Joe si Alexis pero may mahal naman siyang iba. Ang saklap pero wala na talaga siyang pag-asa. "Joe, bakit kailangang maging ganito kakumplekado ang lahat? Bakit kailangan na merong Angelica? Bakit kailangang mahirap ako at siya mayaman? Kahit kalian hindi ko kinahiya ang pagiging mahirap o magreklamo pero p*tangina naman kase, eh! Naiinis ako ngayon dahil mahirap ako! Kung mayaman sana ako mas magiging madali para sa'min ang lahat!" Paglalabas ng hinanakit ni Alexis habang parang bata na humihikbi. Mabuti nalang talaga at walang masyadong tao ngayon sa playground na napuntahan nila. Luma na kasi iyon at sira na halos lahat ng mga kagamitan. "Alex, hindi mo naman kasalanan na mahirap ka, eh. Ang sisihin mo si Zenwel. Kung pinanganak sana siyang mahirap hindi sana ganito." Natawa naman ng bahagya si Alex sa sinabi nito. "Loko, isisi ba kay Zenwel lahat." Kinalma na niya ang sarili matapos siyang painumin nito ng tubig sa mineral water. "Kasalanan ko naman. Nung nakaramdam ako ng kakaiba sa lalaking iyon, sa pala dapat lumayo na ako. Hindi dapat nangyare 'to. Hindi ko sana siya nasasaktan ngayon. Malamang hindi na talaga magpakita 'yun sa 'kin dahil sa mga sinabi ko." "Totoo ba? Na binayaran ka ng babaeng Ashfortz?" "Oo, pero hindi ko iyon tinanggap. Pumayag ako na maging alipin ko si Zenwel hindi para sa pera. Nung una gusto ko lang makabawi at pahirapan siya pero kinatagalan gusto ko na siyang alagaan at protektahan. Hindi totoo na isang pagpapanggap lang ang mga pinakita ko sa kaniya. Lahat 'yun totoo. Totoong mahal ko siya." Napayuko si Joe sa narinig mula kay Alexis. Kumirot ng bahagya ang kaliwang dibdib nito. "Thanks Joe, ah? Mabuti talaga at dumating ka kanina. Kung wala ka roon baka hindi ko kinaya ang lahat." "Okay lang 'yun. Ikaw pa ba? Malakas ka sa 'kin, eh." At bahagyang ngumiti si Joe sa kanya. *** "OH MY GOD!" Nilingon ni Alexis si Joana nang sumigaw ito. Kanina pa nito hawak ang sariling cell phone. "Ano ba 'yan at kanina ka pa diyan nakatutok? 'Ni hindi mo ako tinutulungan sa paglilinis rito." Magsasara na kasi sila sa Coffee Shop. "A-Ano lang kasi.. iniinstalk ko kasi ang f*******: ni Nieder nang makita ko ang picture niya together with his brother.. Zenwel." Pagkarinig palang ng pangalan ng lalaki ay agad niyang inagaw ang cell phone sa kaibigan. "H'wag, Alex! H'wag mong tignan!" Saway sa kaniya ni Joana pero huli na. Nakita na ni Alexis ang larawan. Magkakasama sa larawan sina Nieder, Kyle at Zenwel. Nandoon din sa larawan si Angelica at hindi nakaligtas sa mata niya ang nakapalupot na kamay ni Zenwel sa bewang ng babae at ang kakaibang ngiti nito sa larawan. Mukha itong nasa isang party dahil sa pormal ang mga suot ng mga ito. Ang gwapo pa rin ni Zenwel at mukhang masayang-masaya na ito ngayon kumpara nung huli niya itong makita. Halos mag-iisang buwan na kase ang lumipas matapos ang huli nilang pagkikita. "Oh, sa'yo na." Binalik ni Alexis ang cell phone nito. "Sabi kasi sa 'yo h'wag mong tignan, eh." Naguguilty si Joana pero hindi nagsalita si Alexis. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD