Thirteen

3717 Words
Your Highness, You're My Slave Chapter Thirteen LUMIPAS ang ilan pang araw na naging Linggo. Nakasanayan na rin ni Alexis ang palaging pagdalaw ni Zenwel sa bahay nila. Madalas 'tong bumuntot sa kaniya sa kung saan. Kapag nasa Wilford para maglinis ay nakasunod din ito at tinutulungan pa nga siya. Inamin niya na rin kay Crystal ang tunay niyang kasarian at natanggap naman siya nito. Noong una palang daw ay nahalata na nito iyon. Hinihintay lang nito na umamin siya. "I'll escort you to your taekwondo class today." Hindi na siya nagulat nang makita na naman ito sa labas ng bahay nila. Hindi na siya nakipagtalo kasi hindi naman ito titigil hanggat hindi nasusunod ang gusto kaya hinayaan niya nalang. Pagkalabas niya ay naghihintay na ito sa tapat ng bike niya. Si Zenwel na naman ba ang magpipidal? Palihim siyang ngumiti nang umangkas siya sa likuran. "H'wag ka diyan, dito ka sa harap para alam ko kung mahuhulog ka na," pigil nito sa kanya. "Ay, matagal ka na nga palang na fall." Malokong bawi ni Zenwel kaya inirapan niya naman 'to. Kailan nga ba? Kailan nga ba siya nakaramdam ng kakaiba kay Zenwel? Ahh oo.. simula nung makita ni Alexis si Zenwel noon na kasama ang isang babaeng nakawheelchair. Kumirot ang puso niya nun nang makita kung paano alagaan ni Zenwel iyong babae. Nagulat siya at nawala sa iniisip nang biglang sumulpot si Butler Levy. May dala itong malambot na upuan na pwedeng ilagay sa katawan ng bike bilang upuan. "Dito ka," inalalayan pa siya ni Zenwel paupo at nang mag-umpisa ng pumidal ay wari natuod na siya. Nakakulong siya sa mga braso nito at amoy na amoy niya ang panlalaki nitong pabango na gustong-gusto niya. Napamura tuloy siya sa isip. Pagdating sa eskwelang pinagtatrabahuhan ay agaw pansin talaga silang dalawa. Well si Zenwel lang naman talaga. "I gotta go, I still have to attend my special classes. I'll get back here and bring you to work to the coffee shop" Kinindatan pa siya ng binata. "Hindi mo naman kailangang gawin pa 'yun, at please sana tigilan mo na rin ang pagpapadala sa bahay ng mga kung anu-anong bagay." Napaangat ng tingin sa kanya si Zenwel. "What the--f! Why are you so mean to me? Why do you have to reject all the things I want to do for you?!!" Nanunuot ang didbdib na sambit nito. Napayuko na lang si Alexis sa sinabi nito. Ayaw niya lang naman tumanggap ng kahit na ano mula rito dahil ayaw niyang may masabi ang iba. "Fine, I'll go. I'll see you tomorrow," Biglang nagging malamig ang tono ng boses nito bago tuluyang umalis. Wala na, nasira niya na naman ang mood ng jowa niya. Imbis na may sundo siya mamaya.. see you tomorrow siya tuloy. *** MATAPOS ang klase ni Alexis ay kinagulat niya nalang nang dumugin siya ng iba pang mga guro na babae na nagtuturo sa mababang paaralang pinagtatrabahuhan. "Alexis! Alexis!" Hinila pa siya ng isa sa mga ito. "Sino ba 'yung kasama mo palagi na lalaki?" "Si Zenwel Ashfortz ba 'yun?!" "Kanina ko lang napagtanto na si Zenwel Ashfortz 'yun dahil sa ayos niya kanina. Kapag kasama mo kasi 'yun dati gwapo naman pero mukha kasing gusgusin. Akala ko kamukha niya lang." "Boyfriend mo ba 'yun?" Hindi alam ni Alex kung alin sa mga tanong nito ang unang sasagutin niya. "Imposibleng boyfriend ni Alexis 'yun, ang alam ko may girlfriend na 'yun eh." Ani nung isa na nagpapantig ng tenga niya. "Oo, nabasa ko rin 'yan sa magazine. Angelica pa nga ang pangalan ng babae. Angelica Montrey!" Angelica Montrey? 'Yun nga siguro iyong babaeng nakawheelchair. Iyong babaeng naging dahilan ng matinding galit ni Zenwel no'ng inakala nito na siya ang nagnakaw ng bag ni Angelica. "Nabasa ko rin 'yan! Ang alam ko hinihintay nalang ni Zenwel si Angelica para magpakasal sila. Hindi pa rin kasi umu-oo ang babae." Lihim na may kumurot sa dibdib niya. Ikakasal na sila? "Naku! Kung ako sa kanya yes na yes na kaagad ako! Sayang kaya! Baka magbago pa ang isip nun kawawa siya." "Alexis! Ano na?!" "Kayo na ang nagsabi, imposible na maging boyfriend ko 'yung tao." "Awww... kung sa bagay." Dismayadong ani ng mga ito. "Pero sure may gusto ka roon 'no? Kaya pala gumaganda ka this past few days, ah. May pinapagandahan ka na pala!" tinukso pa siya ng isa na agad namang sinabayan ng iba. "Wala akong gusto sa kanya." Nawala ang tuksuhan kay Alexis nang magsalita siya. "Sino ba ang magkakagusto sa ganoong klase ng lalaki? Mayaman at gwapo nga masama naman ang ugali. Mas maarte pa siya sa babae. Napakatigas ng ulo at napaka-isip bata. Kung magkakatuluyan kami para na rin akong pumulot ng bato na ipupukol ko sa ulo ko!" Walang hinga-hingang puna niya. "Kahit na. Swerte pa rin ang makakatuluyan nun, 'di ba?" "Akala talaga namin may affair kayo. Sayang naman." Tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula ng muli ang klase kaya natatarantang nagsibalik ang mga babaeng guro sa kanilang klase. Naiwang mag-isa si Alexis na nakayuko. Nagbabadya ang mga luha niya pero agad siyang tumingin sa taas para pigilang tumulo ang mga ito. Nang maging okay siya ay humakbang na siya paalis pero kinagulat niya kung sino ang nakita niya na nakasandal sa isa sa mga pader ng classroom; Si Zenwel. Akala niya ba ay bukas pa ito magpapakita sa kanya? Bigla siyang kinabahan. Narinig kaya nito ang mga sinabi niya? Walang emosyon na tumayo ito sa harapan niya. Ngumiti ito ng mapakla sa kanya at saka napayuko. "Siguro nga... sakit lang talaga ako sa ulo." Nasabi nito at agad na tumalikod. Pero bago iyon ay hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagtulo ng mga luha ni Zenwel. Gustong-gusto niyang habulin ito upang magpaliwanag pero hindi niya nagawa nang may isang matandang babae ang humarang sa daan niya. Sa itsura nito ay mukhang may kaya ito sa buhay. Kahit matanda na ay napakaganda pa rin nito. *** "HOY! Ayusin mo nga ang itsura mo! Kaya wala tayong costumer eh, nakatalumbaba ka jan!" Saway ni Joana sa kaibigang si Alexis na nasa counter. Naka-on duty sila ngayon sa Coffee Shop. "Pinoproblema mo pa rin ba iyong jowa mong gwapo na may fiance naman pala?" "H-Hindi ah." "Hindi raw. Sana kasi hindi ka nagsalita ng kung ano! 'Yan tuloy 'di na nagpakita sa 'yo! Nasaktan 'yun panigurado." Napabuntong hininga nalang si Alexis. Halos isang Linggo nang hindi nagpapakita sa kaniya si Zenwel. Tumunog ang bell sa pinto hudyat na may costumer sila. "Joe!" Masiglang bigkas niya nang makitang pumasok ang kaibigan. "Ano order mo? Ako bahala sa 'yo." "Talaga? Dahil libre 'yan hindi ko na tatanggihan 'yan, ah." Naupo na si Joe malapit sa counter at habang inaasikaso siya ni Alexis ay siya namang pagdating pa ng iba pang costumer. "Welcome—" Ang masiglang bati ni Alexis ay naging mahina nang makita niya kung sino ang pumasok. Sina Nieder, Kyle at Zenwel. Tuloy-tuloy na pumasok sa loob si Zenwel matapos silang sulyapan ni Joe habang sina Kyle at Nieder naman ay huminto sa counter. "You look so adorable, Alex baby!" Nakangising bati ni Nieder sa kanya kaya nahiya siya dito. hindi pa siya nakikitang ganito ni Zenwel. Napatingin tuloy siya sa gawi nito na ngayon ay nakadikwatrong upo doon sa table sa gilid at masama ang tingin sa kanya. "Ahh, doon na muna kami ahh. Bubuga na ng apoy ang dragon, eh." Paalam ni Kyle at agad nilang pinuntahan si Zenwel. Maya-maya pa ay may tatlong babaeng costumer na pumasok. Mukhang kakilala ni Nieder kaya iyong mga babaeng iyon ay nakishare ng table sa mga ito. "Ikaw na mag-serve nito, Joana. Baka pag-ako ang lumapit ay ibuhos ko ito sa mga mukha ng malalanding babaeng 'yon eh," nagpipigil sa galit na turan ni Alexis habang nakatingin sa table nila Zenwel. Hinatid nga iyon ni Joana pero nakasimangot na bumalik ito. "Alex, ikaw daw mag-serve eh. Sorry." "Okay lang, salamat." Kinuha ni Alexis ang tray at badtrip na nagserve. "HERE'S your order," aniya habang nilalapag ang mga orders ng tatlo. "Salamat, Alex." Nakangiting ani Kyle at Nieder nang matanggap ang mga orders nito. Napaismid tuloy 'yung dalawang babae na katabi nila. "Ano bang ayaw mo sa mga babae?" At aba! Mukhang hindi napansin nina Zenwel at nung babae na nandito na ang orders nila. Busy sila sa getting-to-know-each-other-stage. Wow! "I don't like independent girls. Gusto ko iyong babaeng, hindi kayang mawala ako sa kanya. Iyong babaeng, hindi masyadong matapang. Iyong babaeng hahanaphanapin ako at kailangan ako. Kung kasalungat sa gusto kong babae ang makakatuluyan ko, para na rin akong kumuha ng batong ipupukol sa sarili kong ulo." Pahayag ni Zenwel at makahulugang tumingin sa kanya. Napaawang tuloy ang bibig niya sa narinig. Iritang bumalik si Alexis sa counter at dahil sa presensya ng mga iyon ay nawala na siya sa pokus sa pagtatrabaho. Habang nagseserve siya sa kabilang table ay hindi sinasadyang matapon ang mainit na kape. "Ahh!" Napaso ang kamay niya dahil doon kaya agad niyang inilapag ang tray sa table. To the rescue namang napatayo si Joe para lapitan siya. "Napaso ka, Alexis!" Nag-alalang turan ni Joe habang hawak ang kamay niyang napaso. "A-Ako na ang bahala rito, Alex." To the rescue rin si Joana at agad namang napatango si Alexis. Nagpunta lang siya sa likod para basain ang kamay niyang namumula na. "Halika, Alexis. Lapatan natin ng paunang lunas." Akmang aalalayan na siya ng kaibigan papuntang sa likod ng coffee shop, pero pareho nilang ikinagulat ang biglang paghablot sa kanyang kamay ng isang lalake. Parang naging slow motion pa ang lahat sa kanya. Kitang-kita niya ang galit na galit na mukha ni Zenwel habang mahigpit na hawak siya nito sa mismong kamay niya na napaso. Nasasaktan tuloy siya lalo. "Walang pwedeng humawak sa girlfriend ko!" Maawtoridad na puna ni Zenwel kay Joe. Nabigla naman si Joe sa sinabi ni Zenwel. Ngayon lang nito nalaman na may relasyon na pala ang dalawa. Hinila ni Zenwel papunta sa likod ng Coffee Shop si Alexis. Malaki ang naman ang pagkakangiti nila Nieder at Kyle sa napanood. Ang plano, si Alex ang pagseselosin pero mukhang baliktad ang nangyare. "Tangina! Bitawan mo nga ako!!" Sigaw niya sa lalakeng kumakaladkad sa kanya. Ang laki kase ng mga hakbang niya kaya napapatakbo-lakad tuloy siya. Naghanap talaga ng lugar si Zenwel na makakapag-usap silang dalawa kaya nang makakita ito ng restroom ay agad siya nitong pinasok doon. Walang salisalitang kinulong siya nito sa mga braso habang nakasandal ang likuran niya sa dingding. Mabuti nalang talaga walang tao sa loob. "Ano na naman ba 'to Zenwel?!" Bulyaw niya kaagad habang hawak ang kamay na may paso. Lamog na lamog na iyon. Pero kinagulat niya ang biglaang pagyakap nito sa kanya nang mahigpit. "I miss you!" Tatlong salita na nagpatigil sa kanya. Mas lalo niya pang naramdaman ang paghigpit ng yakap nito at ang pagsiksik ng mukha nito sa leeg niya. "I want you to miss me! But it turned out the other way! I thought you'll get jealous if I do that but, I gave in and ended angry when that bastard touched you. I hate it! Hindi kita matiis, Alexis. Why are you so mean to me?! You make me crazy!" Mahina pero sakto lang para marinig niya ang lahat. "Z-Zenwel..." nabigkas niya. Gumalaw na ang kamay niya pataas para yakapin din sana ito pero pinigilan niya ang sarili na gawin iyon. Hinayaan niya ang lalaki na yakapin siya hanggang sa ito na rin mismo ang kumalas. "Magkaalaman na tayo Alexis. Gusto mo ba ako? O kahit saglit man lang ba nagkagusto ka sa 'kin?" Masuyo siya nitong pinakatitigan sa mga mata. Magsasalita na sana siya nang tumunog ang cell phone ni Zenwel. Pareho nilang nakita sa screen ang pangalang.. My Angel. Nabaling muli ang tingin ni Zenwel sa kanya at nakita nito ang lungkot sa mga mata niya. Pinili nitong hindi sagutin ang tawag na iyon at ibinalik sa bulsa ang cell phone. "N-Nasaan na nga tayo?" Pagbabalik nito sa usapan. "Tama na, Zenwel. Tapusin na natin 'to." "What?! I-I don't understand?" "Tinatanong mo ako kung mahal ba kita 'diba? P'wes ang sagot ko, h-hindi. Hindi kita mahal. Tapusin na natin 'to." Hindi makatingin na sagot niya rito at agad lumabas ng cr. Durog ang puso ni Zenwel na naiwan doon. *** "UY, Alex-babe, kamusta?" Salubong ni Nieder kay Alexis pero pareho silang natigilan ni Kyle nang makitang umiiyak ang babae. Sumunod na lumabas ay si Zenwel. "Zen, what happened?" Nag-aalalang tanong naman ni Kyle dito pero nagtuloy-tuloy itong lumabas ng shop at nasuntok pa nga nito ang lalaking nasalubong papasok. "Anong nangyare? Akala ko magkakaayos na ang dalawa! Mukhang mas naging malabo ata?" Nalulungkot na komento ni Nieder at napakamot sa batok. *** "WHERE'S my angel?" Tanong agad ni Zenwel nang makapasok sa mansion ng mga Montrey. "She's in her room. Puntahan mo na siya dahil malaki ang pagtatampo niya sa 'yo dahil buong akala niya ay susunduin mo siya sa airport." Ani ng ina ni Angelica. "I-I'm sorry, tita Masey," hingi niya ng tawad at agad umakyat sa kwarto ni Angelica. Lugmok siya nung mga panahon na umuwi si Angelica dahil sa break-up nila ni Alexis kaya hindi niya ito nasundo. Hanggang ngayon nga ay gusto niyang magkulong lang sa kwarto niya pero kinukulit siya ng nanay ni Angelica na puntahan niya ang anak nito. Kumatok si Zenwel bago pumasok sa loob ng kwarto ni Angelica. Nagulat siya nang salubungin siya nito ng nakawheelchair pa rin. "Zenwel!" Masayang salubong nito sa kaniya. Nang makalapit ito ay agad siya nitong niyakap sa bewang. "I miss you," paglalambing nito at tiningala siya. "I-I'm sorry. Natagalan ako makauwi dahil hindi naging successful ang una kong operation at inulit 'yun kaso failed pa rin. Kaya heto.. hindi pa rin ako nakakalakad." Tumalikod ito sa kanya pagkatapos. Mababakas sa boses nito ang lungkot. "I-It's okay. Nandito pa rin naman ako. Hindi kita iiwan." Hinarap niya si Angelica na may ngiti. "I'm lucky to have you, Zenwel. I can't live without you." Muli siya nitong niyakap at yumakap din siya pabalik dito. *** "ALEXIS! Wait! Can we talk?" Habol ni Zenwel kay Alexis. Inabangan niya talaga ito sa labas ng bar. Madaling araw na, tapos na ang trabaho nito. "Ano pa bang pag-uusapan natin? Hindi mo ba naintindihan ang mga sinabi ko noon sa 'yo? Gusto mo bang ulitin ko?!" "Hindi ako naniniwala na iyon nga ang nararamdaman mo! Gusto mo ko! Mahal mo rin ako!" Pagpupumilit ni Zenwel at natawa naman ng bahagya si Alexis. "Mahal? Bakit, ikaw ba ang nakakaramdam ng nararamdaman ko? Paano mo nasasabi 'yan?" Napayuko si Zenwel sa sinabi nito. Gusto niya talaga na magkaayos na sila ni Alexis. Hindi niya kaya, ayaw niyang mawala ito sa kaniya. "Because.. I can feel it. Naramdaman ko iyon, Alexis. I love you and I believe you love me too." "Mahal mo ako? Tsk! Sabihin mo nga sa 'kin. Ano ba sa 'yo 'yung pagmamahal? 'Yun ba iyong manliligaw ka ng babae at pasasagutin habang ang totoo ay meron kang girlfriend sa ibang bansa? 'Yun ba 'yun, huh?" Asar na asar ang tono ni Alexis at hindi naman makapaniwala si Zenwel sa mga sinabi nito. "Nagulat ka ba na alam ko? Hah! Ang lakas ng loob mo na pagsabayin pa kami. Hayup ka! Kung gusto mo ng mapaglalaruan, h'wag ako dahil hindi ko porte ang maglaro!" "Alexis, let me explain!" Panunuyo niya at inabot ang kamay ni Alexis pero pumiksi ang dalaga. "Tama na, Zenwel! Matuto kang makuntento sa isa! Pinauubaya na kita sa kaniya tutal mas kailangan ka ng lumpong iyon." Biglang nagpantig ang mga tenga ni Zenwel sa narinig nitong tawag kay Angelica. "H'wag na h'wag mong sasabihan ng ganiyan si Angelica!" Tumaas ang tono ni Zenwel na siyang kinagulat ni Alexis. Huli na ng marealized niya na mali pala ang naging turan niya. "Alexis.. no.." at naiiling na iniwan siya ni Alexis doon. "Fvck! s**t!" Walang ibang nagawa si Zenwel kundi ang mapamura na lamang. *** "HOW'S my angel?" Bungad ng ina ni Angelica nang pumasok si Zenwel sa office nito na nasa mansion lang naman. "She's fine, naubos niyang lahat ang pinahanda mo." "Salamat naman at kumain na siya," wari'y nabunutan ng tinik ang ginang. "Saan ka ba naman kasi nagpupunta Zenwel, hijo? Alam mo namang sa 'yo lang nakikinig ang batang 'yun. Please.. magstay ka lang sa tabi niya. Natatakot ako dahil baka magpakamatay na naman iyon." Nababakas sa boses nito ang takot para sa anak. "Tite Masey, mawalang galang na po. Pero, hindi ko na po kaya. M-may sarili parin po akong buhay at hindi naman po tamang 24/7 ay nakabantay ako kay Angelica." Halos makiusap si Zenwel rito pero iba ang naging dating nun sa ginang. "What? Kailan ka pa nagkaroon ng ibang priority maliban sa anak ko?! Baka nakakalimutan mo na utang mo ang buhay mo kay Angelica!" Napayuko na lang si Zenwel sa sinabi nito. Totoo 'yun. Hindi niya naman nakakalimutan iyon. "Hindi naman magkakaganun ang anak ko kung hindi dahil sa 'yo. Ikaw ang nagdala noon sa kaniya! Ikaw dapat ang sisihin dito." Ito ang unang beses na narinig niya ang mga salitang ito mula sa ginang. Buong buhay niya ay naging mabait sa kaniya ang nanay ng dalaga. Hindi siya nito sinisi kahit kailan sa nangyari kay Angelica, pero nagulat na lang siya sa inaasal nito ngayon. "Tita, it's not what I mean. Hindi ko naman po nakakalimutan ang utang na loob ko kay Angelica. I'm sorry." "Dapat lang, dahil sa 'yo nawala ang lahat kay Angelica kaya dapat lang na ibuhos mo ang buong buhay mo sa kaniya!" Napatango nalang si Zenwel at saka nagpaalam. "Babalik na po ako sa kwarto ni Angelica. Magpapaalam na po ako sa kaniya but don't worry babalik din po ako kaagad." Hindi na hinintay pa ni Zenwel na magsalita pa ang ginang at agad din siyang lumabas sa kwartong 'yun. *** PAPALABAS na ng Bar si Alexis upang umuwi nang magulat siya sa taong humarang sa daan niya. "Zenwel?" Nanlalaki ang mga matang nabigkas niya. Namumula ang buong mukha nito hanggang leeg, namumungay ang mga mata na nakatingin sa kaniya. "Alexis.." ngumiti pa ito at akmang lalapit pa ng husto sa kaniya pero natumba na ito sa sobrang kalasingan. Mabuti na lamang at agad niyang nasalo ang lalake. "Shete, ano bang ginawa mo?" "I miss you, Alexis.." halos pabulong na sabi nito bago tuluyang makatulog. "Kailangan mo ng tulong, Alex?" Lumapit sa kaniya si Big J para mag-alok ng tulong. Kasamahan ito ni Alexis sa trabaho. Bouncer din ito. "Pabuhat naman, J. Wala na akong lakas, ang bigat ng gagong 'to." Parang pusa naman na inisang-kamay ang pagbuhat ni J kay Zenwel. At parang sakong bigas na pinasan sa balikat. "Kanina pa ang lalaking ito rito. Tinatanong ko kung gusto niya bang tawagin kita pero sabi niya h'wag na raw." Kwento ni Big J habang nag-aabang na sila ng tricycle na masasakyan. Magbabike sana si Alexis pauwi pero hindi niya na magagawa 'yun dahil sa nangyare ngang ito. Habang nasa tricycle ay nagising si Zenwel. Mukhang hindi pa ito makapaniwala nasa harapan siya nito. "A-Alexis, y-your here.." bakas ang tuwa sa boses nito kahit namamaos pa. "Sa'n ang bahay mo? Iuuwi na kita." Walang emosyon na tanong niya. "No please.. let me explain first. Hindi ko gusto na lokohin ka! Hindi kita pinaglaruan. Totoo lahat ng mga sinabi ko. Totoo lahat ng ipinakita ko. Mahal kita. M-Masyado lang komplekado ang lahat ngayon pero please.. understand." Kahit hirap sa pagsasalita at hilo ay nagpaliwanag ito sa kaniya. Hindi kasi alam ni Zenwel kung magkakaroon pa ito ng gaanitong pagkakataon para makausap siya. "Lasing kana," turan niya sa lalake tska nilingon ito nang bumagsak ang ulo nito sa balikat niya. Tulog na ang gago. "Hmmm.. Alexis.." muli ay napabaling siya ng tingin kay Zenwel na nagsasalubong ang kilay. Umuungol pa ito kahit nakapikit. Mukhang hanggang sa panaginip ay hindi ito mapanatag. "Alexis.. I miss you.." muli ay ungol na naman nito. Napatitig siya sa maamong mukha nito kapag natutulog at 'yung kaninang pagod niya ay nawala nalang bigla. Napangiti siya ng bahagya at hinaplos ang mukha nito. "Naiintindihan ko naman talaga, eh. Kaya nga inilalayo na kita sa 'kin." Malungkot niyang bulong dito. Bigla ay hindi niya naging alintana ang ingay ng makina ng tricycle. Bigla ay parang naging silang dalawa na lang ni Zenwel ang nandoon sa lugar na iyon. "Zenwel, gustong-gusto kong magsumbong sa 'yo. Alam mo ba na may pumunta sa 'king matandang babae? Sabi niya sa 'kin layuan raw kita. Nagmakaawa siya sa 'kin, Zenwel. Para daw sa anak niya iyon. Kinwento niya sa 'kin ang tungkol sa inyo ni Angelica. Tangina! Ikaw nalang ang meron siya. Atleast ako, kung mawawala ka sa 'kin nandiyan pa si Kia.. sina Joana at Joe. Pero siya? Ikaw ang kailangan niya. 'Di niya kakayanin kapag nawala ka. Ako, kaya ko pa naman siguro? Kakayanin ko pala." Bahagya pang natawa si Alexis sa huli niyang sinabi. Pinunasan niya na rin ang suwail na luhang hindi niya napansing bumaba na pala patungo sa pisngi niya. Nabawi lang ang tingin niya rito nang tumunog ang cell phone ng lalaki. Kinuha niya iyon. Nagbabakasakaling si Nieder iyon pero iba ang nakita niya sa screen. My Angel Calling... "Hello," walang pag-aatubiling sagot niya sa tawag nito. "S-Sino 'to? Nasaan si Zenwel?" Nakita na ni Alexis ang itsura ni Angelica. Bukod sa mukha ay maamo rin ang boses nito. "Lasing na lasing siya. Saan ko siya ihahatid?" Nang araw na iyon ay nagkita nga ng harap-harapan sina Angelica at Alexis. Kitang-kita ang malaking pagkakaiba nila sa isa't isa. Sa estado pa lang ng buhay nito, halatang talo na siya. "Butler Ong, pakikuha naman si Zenwel. Padala na siya sa taas sa kwarto ko." Utos ni Angelica. Kinuha naman ng nakablack suit na lalake ang lasing na si Zenwel mula sa kanya. "Ahmm.. maraming salamat sa paghatid sa kaniya." Nakangiti ito at tanging tango lang ang isinagot niya. "P-pakialagaan siya para sa 'kin. Isip bata ang isang 'yan at napakaarte pero.. hindi naman siya mahirap mahalin." Maya ay nasabi niya. "I know.. kilala ko na si Zenwel mula pagkabata palang namin. Sino ka ba?" Nakucurious na tanong ni Angelica sa kanya. "Dating master niya," aniya at tuluyan ng umalis. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD