Your Highness, You're My Slave
Chapter Twelve
LUMIPAS ang ilan pang araw at nanatiling malamig ang pagtrato ni Alexis kay Zenwel. Palagi tuloy mainit ang ulo nitong si lalaki kaya lahat ay nadadamay lalo na ang dalawang sina Nieder at Kyle.
"Alam mo dude, nagkaganiyan ka simula nung bumalik ka, eh. Ano ba ang nangyari? At saan ka ba galing?"
"Mind your own business." Diretso ang tingin na sagot niya.
"Uy, si Alex oh!" Banat ni Kyle habang nakatingin sa labas ng bintana at natawa siya ng mapatayo kaagad si Zenwel para makitingin sana. "Joke, pare." Nakapeace sign pang bitaw ni Kyle kaya nakatanggap siya ng malutong na konyat mula kay Zenwel kaya tawa naman ng tawa si Nieder sa kaniya habang bumalik sa pagkakaupo ang mas lalo pang nabadtrip na si Zenwel.
"Tara na nga lang, mag-uumpisa na ang klase. Ito pa naman ang huling araw ng pagsusulit." Pag-aaya ni Kyle at tumayo na ang tatlo papunta sa kanilang room.
Nasabihan na si Zenwel ng ate niya na pwede niyang maitake ang mga namissed na exams. Wala na siyang problema pa basta maipasa niya lang lahat ng iyon gaya noong unang exam.
Habang naglalakad sa hallway ay agaw pansin na naman ang tatlo. May mga nag-aabot ng mga simpleng regalo pero wala silang tinatanggap sa mga 'yun. Busy kasi sina Kyle at Nieder sa pag-uusap.
"Nagrereview ka na ba, Kyle? Next week, hell week na, ah." Tinutukoy ni Nieder ay ang isang Linggong pagsusulit. Final examination na nila. Hindi rin kasi nagsipagtake ng test ang dalawa dahil kay Zenwel. Gusto kasi nila itong sabayan. Blessing in disguise pa nga ang pagkawala ni Zenwel dahil ayaw talaga nila na mag-exam.
Pag natapos na ang exam ay magsisimula ng magcompute ng grado ang mga guro para malaman kung sino ang mga nasa list ng graduating students.
"Hindi, mangongopya lang ako kay Zenwel." May malokong ngiting ani Kyle at biglang inakbayan si Zenwel. "Zen, pakopya ako sa long quiz ngayon ah?" Paglalambing niya pa rito.
"Bahala ka."
"Yes! Sabi mo 'yan ah!"
"Uy, dude.. pakopyahin mo rin ako!"
"Bahala kayo."
"'Yun oh! I love you na talaga, dude." Akma pang hahalik 'tong si Nieder pero nakailag si Zenwel sa paghalik nito kaya sila ni Kyle ang nagkahalikan.
"Yuck! Kadiri ka Nieder! Sinasabi ko na nga ba't may pagnanasa ka sa 'kin!" Diring-diring ani Kyle habang todo punas sa pisngeng nahalikan ng kaibigan.
"Bakit Kyle? Anong masama kung meron nga akong gusto sa 'yo? Halika nga Kyle honey, pakiss ulit!" Pilit na nagtangkang humalik muli si Nieder kay Kyle at todo naman ang pagpupumiglas ni Kyle.
Nagbibiro lang naman si Nieder sa mga sinasabi at alam din naman iyon ni Kyle. Natigilan lang ang dalawa sa malabromance scene ng mga ito nang mapansin nila na nakatitig na pala si Zenwel sa kanila. Buong akala nila ay nauna na ito.
"Bakit dude?" Nakayakap pa rin ang braso ni Nieder sa leeg ni Kyle ng mga sandaling natigilan sila.
"O-Okay lang ba talaga kung.. magkagusto sa lalaki?" Namumula ang mga pisngi ni Zenwel nang itanong iyon.
"TUNGUNU!!" Napamura ng sabay sina Nieder at Kyle at nakailang hakbang paatras kay Zenwel. May mababasang pandidiri sa mukha ng dalawa.
"Don't tell me Zenwel, pati ikaw may gusto rin sa 'kin?" Banat pa ni Kyle.
Nabwiset naman si Zenwel sa naging reaksyon ng mga kaibigan. "Gago!" At tinalikuran na lang ang dalawa.
Naiwan sina Nieder at Kyle na nakatingin ng seryoso sa papalayong si Zenwel.
"Kyle, si dude ba talaga iyong nakakaperfect ng exam noong mga nakaraang Linggo? Bakit hanggang ngayon 'di niya pa rin alam na babae si Alexis? To the point na magkasama naman sila sa iisang bahay sa loob ng halos mahigit isang buwan."
"Spell, tanga! Nieder."
Hindi tulad ng iba, sina Kyle at Nieder ay alam na sa umpisa palang na babae si Alexis. Nakita kasi nila ito pinagtatrabuhuang coffe shop na nakasuot ng frensh maid costume. Itinago lang nila iyon dahil na rin sa pakiusap ni Alexis sa kanila.
***
NASA labas ng school gate si Zenwel dala-dala ang isang bouquet ng bulaklak para sana kay Alexis. Balak niya sana itong salubungin para makapag-usap sila pero doon niya pa lang naisip na bakit naman may pa-bulaklak bulaklak pa siyang nalalaman, eh hindi naman babae ang bibigyan niya? Napakamot siya ng ulo at itinapon na lamang sa basurahan ang biniling bulaklak.
Sumandal na lamang siya sa pader at ibinulsa ang mga kamay. Mayamaya lang ay natatanaw niya nang paparating si Alexis na nagpipidal ng bike.
Bigla na lang siyang kinabahan at pinagpawisan ng malamig habang tanaw ang paparating. Kahit medjo malayo pa ito ay malinaw na malinaw sa kanya ang mukha nito. Hindi niya alam pero talagang ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
"f**k. Am I in love with him? Am I a gay now?" aniya na wari nakikipag-usap sa hangin.
Tumayo siya nang maayos nang nasa harapan niya na si Alexis. "Ah, umm.. good morning?" bati niya pero hindi parin siya pinansin nito. Bumaba na ito sa bike at tinulak iyon papasok ng Wilford.
"Hey, can we tal—"
"Ayoko makipag-usap sa mga taong nang-iiwan na lang basta-basta," diretsong saad ni Alexis nang hindi man lang siya binalak tignan. Naiwang nakatunganga si Zenwel.
"Fvck! Ba't hindi ka kasi nagpaalam, Zenwel!" Sermon niya sa sarili.
***
"IHAHATID mo ako, Alex ah! Wala ng bawian 'yan!" Malambing ang tono ni Joana habang sinasabi iyon. Ito ay isa sa kaibigan ni Alexis sa pinagtatrabahuang Coffee Shop.
Pinulupot nito ang kamay sa braso ni Alexis. Ang lapad ng mga ngiti nito habang naglalakad na sila paalis ng shop. "Alam mo, Alexis? Kung naging lalake ka lang talaga, nako! Baka nainlove na ako sa'yo! Akala ko talaga no'ng una tayong magkita, lalake ka! Lalo pa't pati buo mong pangalan, panlalake! Ano bang nakain ng mga magulang mo't ganyan ang ipinangalan sa'yo?" Hindi niya sinagot ang kaibigan at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kaya lang, natigilan siya nang biglang silang harangin ng isang lalaki.
Sumimangot agad siya nang harapin ito.
"Wow! Ang gwapo!" Nasambit bigla ni Joana sa pagkakita kay Zenwel. Manghang-mangha ito sa lalake.
Magkasalubong ang mga kilay nito at matalim ang tingin sa kanya. Hindi alintana na mayroon siyang kasama. Iiwasan niya sana ito pero bigla na lamang siyang hinila ni Zenwel.
"Aray! Tangina!" Halos masabit si Joana nang mabitawan siya nito. "Bitiwan mo nga ako!" Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ng binata pero sadyang ayaw siya nitong bitawan. Naiwan namang ngingiti-ngiti ang kaibigan niyang si Joana.
"Lovers quarrel, ah! Ibalik mo na lang ang kaibigan ko pag-okay na kayo!" kumakaway ito sa kanila. Napamura na lamang siya sa kagagahan nito.
"Tangena! Saan mo ba ako dadalhin?! Bitawan mo nga ako, bwisit ka!!" Pilit na pumipiglas si Alexis pero hindi parin siya makawala. Patuloy si Zenwel sa pagkaladlad sa kanya at hindi pinapansin ang pagsisisigaw niya.
Diretso lang ito papunta sa kotse nito. Nang tuluyan na silang makalapit doon, ay binuksan nito ang pintuan pero napadaing na lang si Zenwel sa sakit ng kagatin niya ang kamay nito para makawala siya.
"Aaahh!! f**k! Mother fucker!!" Daing ni Zenwel at nabitawan siya kaagad.
Agad na bumalik si Alexis sa pinanggalingan pero napahinto siya sa pagtakbo nang malakas na sumigaw si Zenwel.
"BULLSHIT!! WHY ARE YOU AVOIDING ME?! PAGKATAPOS MO AKONG BALIWIN SA 'YO GANITO NALANG?! PANAGUTAN MO NAMAN AKO!!"
Gulat na gulat si Alexis sa narinig. Automatic na namula ang kanyang mukha sa sinabi nito at kumabog nang malakas ang kanyang puso. Akala niya ay hanggang do'n na lang iyon pero laking gulat niya nang biglang hilahin siya ni Zenwel mula sa likod paharap, at agad sinunggaban ang kanyang mga labi. Nanlaki ng sobra ang kanyang mga mata sa ginawa nito.
Isang halik na nagpahina kay Alexis dahilan para mablangko ang isip niya.
***
HINDI na nalaman pa ni Alex kung gaano nagtagal ang halik na iyon. Basta nang maghiwalay ang labi nila ni Zenwel ay nakaramdam siya ng pagkakulang sa sarili.
Pinaglapat ni Zenwel ang kanilang mga noo at saka ito pumikit nang madiin. " s**t this love! Danielle Alexis Gonzales! I don't care anymore! I don't care if how people may look at me right now! I know, it's crazy! But, I can't deny this feelings anymore! I beg you, stop hurting me. Don't leave me!" Mariing sabi nito sa kanya at muling dumilat tska tumitig ng diretso sa mga mata niya. Iyong titig na tatagus talaga sa kaluluwa niya.
Doon nakita ni Alexis ang sinsiredad sa mga sinabi nito. Hinila siya ni Zenwel papunta sa sasakyan.
Walang sapilitang naganap dahil kusang siyang pumasok doon.
SA loob ng sasakyan, hindi namalayan ni Zenwel na hawak parin pala nito ang kanyang kamay. Wala namang kaso iyon kay Zenwel at sa kanya pero napabitaw na lang silang dalawa sa pagkakahawak ng kamay nang mapansin sila ni butler Levy na nakatingin sa kamay nila mula sa rearview mirror ng sasakyan.
SA harap ng bahay nila Alexis.
Walang nagsasalita sa kanila. Hindi rin sila makatingin sa isa't isa.
"Ahh... goodnight?" Patanong na saad ni Zenwel.
"Okay," balewalang ani Alexis. Ngayon medyo nakakabawi na siya. Pero bakit ba siya hinalikan ni Zenwel? Dahil daw gusto siya nito? Pero imposible namang magkagusto ito sa kanya. Imposible iyon na mangyari. Langit at lupa ang pagitan nila, eh.
Akmang papasok na sa loob si Alexis ng pigilan siya ni Zenwel. "W-wait! D'you--d'you have a minute?" pigil nito na syang nagpaharap sa kanya.
"Ano? May sasabihin ka pa ba?"
"Err, uhmm. I'd like... uhmm... tomorrow... for? If you... have...okay?" Zenwel is supposed to say 'I'd like to invite you tomorrow for a date. If you have time. Is that okay?' Nabubulol lang talaga ito dahil hindi nito alam kung paano e-compose ang sarili. Para kase itong natataranta at tila parang nakalimutan na kung paano magsalita.
"Ha? Hindi kita magets. Nilalamok na tayong pareho rito. Magsalita ka nga ng maayos."
Hindi malaman ni Zenwel kung papaano i-eexpress ang sarili kay Alex. Ang dami kasing pumapasok sa isip nito lalo pa't hindi nito alam kung liligawan siya dahil akala parin nito na pareho silang lalaki.
"L-lets... umm.. kita tayo bukas!" Sa wakas ay nasabi nito at nagmadaling umalis.
Naiwang nakatanga roon si Alexis. 'Di niya mawari ang kinikilos nito. Nabaliw na nga yata ng tuluyan.
***
KINBUKSAN, malaki ang pagkakangiti ni Zenwel habang papunta sa bahay nila Alexis. Nasalubong pa nga ni Zenwel ang kaaalis lang na si Kia. Ang sabi nito nasa bahay nila si Alexis.
Pagdating niya sa bahay nito ay naabutan niyang nasa loob pa ito ng cr. Nakaisip ng kalokohan itong si Zenwel; ang balak niya sana ay gulatin ito paglabas nito kaya hindi siya gumawa ng ingay at nag-stay sa isang sulok.
Ngunit natorete siya nang lumabas na ito ng cr na nakatapis lang ng twalya. Naging slowmotion sa paningin ni Zenwel ang bawat paggalaw ni Alexis. Basang-basa ang buhok nito habang nakatapis ng twalya mula sa dibdib. Parang tuod si Zenwel sa gilid na tila ba parang nakalimutan ng huminga dahil sa mga nakikitang tagpo sa harapan.
Pinakatitigan niya ang bawat kilos na ginagawa ni Alexis mula sa paglalakad nito patungo sa nakahandang mga damit; sa pagsuot nito ng undearwear, sa pagtanggal nito ng twalya matapos iyong maisuot at sa pagkumpul sa buhok nito.
Maraming peklat sa katawan ni Alexis. May mahaba rin itong pilat sa bandang likurang balikat na parang isang alupihan ang naging itsura. Pero hindi nabawasan ang karisma nito dahil mas nakadagdag pa nga iyon. Sa nakikita ni Zenwel ay unti-unti siyang nag-iinit na nanlalamig. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Hanggang sa nakaramdam siya ng mainit na likido na dumadaloy mula sa ilong niya. Hinawakan niya iyon at nakita niya mula sa kanyang daliri ang kulay pula; dugo.
Sunod na sinuot ni Alexis ang pantalon na maluwang at ang t-shirt na maluwang din. Akma na sana itong magpapatong ng sleeveless na jacket nang mapansin nito ang prisensya niya.
"ANONG GINAGAWA MO DIYAN?!" Gulat na bulalas ni Alexis at napayakap sa sarili.
"B-Ba.. b-ba.. ba.. ba.. e.. k-ka?" At hayun! Nawalan ng nga malay si Zenwel dahil hindi niya kinaya ang nakita at nalaman.
***
PAGDILAT ni Zenwel ay malalim na ang gabi. Hindi na nga nakapasok pa si Alexis sa trabaho nito sa Coffee Shop. Napaupo si Zenwel mula sa pagkakahiga. Bumungad sa kanya ang nakahalukipkip na si Alexis. Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
"A-Alex.." bigkas niya at bumalik sa ala-ala niya ang mga nakita kanina bago himatayin.
Napatingin siya sa bandang dibdib ni Alexis. Maluwag ang damit nito na pinatungan ng sleeveless na jacket. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi niya nahalata ang dibdib nito.
"Kung sa bagay maliit naman kasi talaga," nai-vocal niya pa ang nasa isip kaya mas lalong dumami ang angry veins ni Alexis at nagawa siya nitong masampal sa mukha.
"FVCK!!" daing niya at napahawak sa pisnging sinampal.
"Bastos ka talagang gago ka!!"
"Bakit kailangan mong manampal!?" Inis na sigaw niya habang sapo ang ang pisngi niya.
"Pasalamat ka nga't 'yan palang ang inaabot mo! Sa dami ng ginawa mong pambabastos sa 'kin?!"
"Binastos kita? Kailan, huh?!"
"Nung kagabe!! Hinalikan mo ako ng walang paalam! Tapos ngayon... ngayon... binusohan mo ako!!"
"Gusto ko ba ang mga nakita ko? Halos wala nga akong nakita parang katawan naman ng lalaki sa pagkaflat!"
"Bastos ka talagang hayup ka!!" Mabilis na sinugod ni Alexis si Zenwel para hambalusin sana pero natigilan ito bigla. Sasalag kasi dapat si Zenwel pero maling parte ng katawan nito ang nahawakan niya. Nasapo ng isang palad niya ang dibdib nito at doon niya nga napatunayan na totoo nga... babae si Alexis. 'Di niya napansin na napisil niya pa ang dibdib nito habang iniisip ang mga iyon. Natauhan lang siya nang makita ang nag-aapoy sa galit na si Alexis.
"MANIAC!!!"sigaw nito at pinaggugulpi na siya.
"FVCK! s**t!! OUCH!! STOP IT!!" Puro salag at daing lang ang nagawa niya.
"Walang hiya ka! Mamatay ka na! Bwisit ka! Manyakis ka!!" sigaw parin nito sa galit habang pinaghahampas siya nito sa katawan. Hindi niya na kayang maatim ang panggugulpi ni Alexis sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang hapitin ang bewang nito palapit sa kanya. Para namang naging tuod si Alexis sa ginawa niya dahil natigil ito at napatingin sa kanya.
"I'm so happy! I'm not a gay!" Tuwang-tuwa na napasigaw pa si Zenwel at nagawa pang isiksik ang mukha sa leeg ni Alexis. Pulang-pula naman ngayon si Alexis. Ito ang unang beses na may lalaking nakalapit sa kaniya ng ganito.
Kumalas sa pagkakayakap si Zenwel at hinarap siyang muli. Nagtagpo ang mga mata nila at kitang-kita ni Alexis ang saya sa mga mata nitong kumikinang pa. "Pa'nong nangyareng.." hahaluan ng pagtataka ang saya sa mukha nito.
Napaiba ng tingin si Alexis. Guilty siya sa ginawa niyang pagsisinungaling. "Forget it! Ano pa man ang dahilan mo it's okay. Ano man ang kasariaan mo, babae ka man o lalaki. I still.. love you!"
Dahil sa sinabi ni Zenwel ay napalundag ng mataas ang puso nito. Muling napatingin ang dalaga sa mga mata ni Zenwel na hanggang ngayon ay kumikinang parin sa saya. Ito ang pinaka-unang beses na makita siya nitong masayang-masaya.
"You're mine, Alexis. Walang kahit na sino ang maaaring umagaw sa'yo sa'kin," at walang sabi-sabing sinakop muli nito ang mga labi ni Alexis.
Napapikit narin ito sa kanyang ginawa. Dinama ang mainit niyang halik.
***
KINABUKASAN ay ilang na ilang si Alexis kay Zenwel. Hindi niya alam kung bakit pumayag na namansiyang mahalikan nito. At higit sa lahat magkayakap silang natulog kagabi! Tsaka ano ba ang pinagsasasabi nito kahapon? Totoo kayang lahat ng iyon?! Parang ang imposible parin sa kanya. Baka panaginip lang ang bahaging iyon.
"Tara na, Alexis." Nakangiting pag-aaya sa kanya ni Zenwel. Hindi niya alam kung anong trip ng isang ito ngayong araw. Katatapos lang ng klase niya sa taekwondo.
"Saan ba tayo pupunta?" Kunwari'y iritang umangkas siya sa likod ng bike. Si Zenwel ang nagprisintang magpidal.
"We will have a date." Nakangiting nilingon pa siya nito. Saglit lang ay may pumarang magarang kotse sa harap nila at doon bumaba si butler Levy.
"Sakay na po, Young Master," bati ni Levy na nagbukas ng pinto para sa kanilang dalawa.
Iginiya ni Zenwel ang pinto para sa kanya. Nag-aalangan siyang pumasok nung una kaya tinulak na lang siya ni Zenwel sa loob. Ang harsh talaga nito!
"Ako ng bahala mula rito," rinig niyang sabi ni Zenwel sa butler nito at naman nito ang susi ng sasakyan bago ito pumasok sa kotse.
Bakit ba nagkakaganito siya? Dati naman hindi nakakaariba si Zenwel sa kanya ng ganito tapos ngayon lahat ng sabihin nito ay parang batas na kailangan niyang sundin. Nag-umpisa lang naman ito no'ng unang beses na halikan siya nito.
Hindi namalayan ni Alexis kung saan sila nagpunta. Basta ang alam niya huminto sila sa isang mall. Isang malaking mall na ang tayog-tayog ng gusali.
"Lets go," aya sa kanya ni Zenwel nang maipark ang sasakyan.
Paglabas palang ay agad na hinawakan nito ang kanyang kamay. Binabawi niya ito pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak ni Zenwel sa kamay niya. Hanggang sa pagpasok sa mall ay magkahawak kamay pa rin sila. Hiyang-hiya na siya sa lagay nila dahil halos lahat ng taong masasalubong nila ay napapatingin sa kanilang dalawa. May ibang matatawa, magbubulungan at napapakunot ang noo.
"Anong tinitingin-tingin niyo?!" Asik ni Zenwel sa mga ito at agad na naglihis ng tingin angmga tao. Nilingon siya nito at masamang pinagmasdan ang buo niyang katawan tapos biglang napapailing.
"Bakit kasi ganyan ka mag-ayos? Mukha tuloy tayong magbromance." Puna ni Zenwel sa kanya at bigla siya nitong hinila sa isang beauty salon.
"Goodmorning, Young Master. Magpapa—"
"Not me, itong kasama ko." Prente siya nitong itinuro. "Pagmukhain niyong babae, ah. Mas maganda rin siguro kung.." tinitigan siya ni Zenwel at hinawakan ang maiksi niyang buhok. "..lagyan niyo ng extension ang buhok niya."
"Yes, Young Master Zenwel."
"T-Teka, ano ba 'yang pinagsasabi mo?! Hala!! Bitiwan niyo nga ako!!" Baling niya sa mga babaeng kumaladkad na sakanya. "Zenwel ano 'to?! Hoy puta! Zenwel!!"
Nagpupumiglas si Alexis pero 'di siya nakapalag sa mga taong humila sa kanya. Ayaw niya namang makapanakit ng inosente. Kung may gusto man siyang saktan ngayon ay si Zenwel iyon. Kung anu-ano kasi ang naiisip gawin sa kanya.
***
MATAGAL na nag-intay si Zenwel. Mabuti na lamang at may magazine doon kaya hindi siya masyadong nainip.
"Okay na po ang lahat, Young Master," Ani ng isa sa mga beautician na nag assist kay Alexis at napaangat siya ng tingin. Humawi ang mga ito at iniluwa noon ang isang babae. Halos hindi niya inasahan ang nakikita sa kanyang harapan. Alam niyang dati nang maganda si Alexis sa paningin niya pero ngayong naayusan na ito, hindi niya maiwasang mapamura sa isip. Alex looks so stunning kahit pa boyish parin ang suot nitong damit. Hindi niya tuloy alam kung paano ipapaliwanag kung gaano ito kaganda ngayon.
"Ano ba naman kasi 'to? Ayoko nito!! 'Tsaka ito pa!!" Hinawakan ni Alex ang medyo kulot na extension hair na inilagay sa buhok nito at iyong head band na sobrang cute pero para kay Alex, mukha itong tanga.
"Don't pull that! Mahal binayad ko dyan!" Saway niya kaagad dito pero malaki ang ngiti niya. "Just shut up. You're perfect! You're indeed stunning, Alexis. " Napasimangot si Alexis sa sinabi niya pero ang totoo, pinipigilan lang nito ang mapangiti.
"May kulang pa! Come here!" Muli na naman niyang hinila si Alexis sa kung saan. Sa loob pa rin ng mall pero this time sa isang boutique na.
***
NARINIG ni Alexis na inutusan ni Zenwel ang mga tagabantay sa boutique na ilabas ang mga bago nitong collection. Laking pagtataka niya nang maglabas nga ang mga ito ng mga magagarang damit pangbabae.
"Teka sandali! Ipapasuot mo ba sa'kin ang mga 'yan?! No way! Hindi mo ako mapapasuot niyan!" Protesta niya kaagad.
"Susuotin mo o ako ang magsusuot sa 'yo?!" Pagbibigay ng choices ni Zenwel kaya masama ang tingin na pumasok siya sa loob ng malaking dressing room kasama ang dalawang customer assistants.
Kada labas niya suot ang iba't ibang damit ay nagpapatulala kay Zenwel pero maya-maya ay iiling at may ituturong iba pang damit. Ginawa siya nitong barbie doll na binibihisan. Pagod na pagod na talaga siya kapag ang suot niya ay hinihindian ni Zenwel. Gustong-gusto na tuloy niyang bangasan ito.
Asar na lumabas siya sa loob ng dressing room suot ang isang simpleng itim na dress.
"That's better!" Nakangisi na turan nito sa kanya at humarap sa isang sales lady, "I'll take everything she tried on," ani Zenwel bago lumapit sa kanyang nakangisi habang siya ay inis na inis.
"Your beauty stuns me... Danielle Alexis Gonzales." Bulong nito sa kanya nang makalapit ito. Ang inis na bumabalot sa kanya kanina ay parang bula na biglang nawala. Sa isang iglap parang may nag-uunahang mga kabayo sa dibdib niya sa lakas ng kabog niyon.
Magkahawak kamay silang lumabas ng buotique na iyon. Kung kanina na pinagtatawanan sila ng mga taong nakakakita sa kanila, ngayon ay todo ang bulungan ng mga ito. Kyuryoso kung sino ang magandang babae ang kasama ngayon ng sikat na sikat na panganay na lalaki ng pamilyang Ashfortz.
***
"ALEX! I-ikaw ba talaga 'yan?!" 'Di makapaniwalang bulalas nina Kyle at Nieder. Sunod kasing dinala ni Zenwel si Alex sa Wilford para inggitin ang dalawa.
"Hep! Bawal lumapit at mas lalong bawal humawak!" Bakod kaagad si Zenwel habang si Alex naman ay hiyang-hiya sa ayos nito. Pakiramdam nito, nabawasan ang angas nito dahil sa bagong anyo.
"Damot mo, dude! 'Di pa naman sa 'yo 'yan!" Naka-pout na turan ni Nieder sa kapatid.
"Tss! A-Anong hindi?! Sa'kin na 'to!" Pagmamalaki ni Zenwel tska ikinulong sa bisig niya si Alexis.
"H-Hindi ah, hindi naman ako pumayag na—"
"WHAT?! Pero nagkiss na tayo! Dapat mo akong panagut—uhmmm!" Tinakpan kaagad ni Alexis ang bibig ni Zenwel. Hiyang-hiya na ito na para bang gusto nalang nitong lamunin ng lupa.
"Congrats, Zen. Your lucky to have her. Nagsisisi tuloy ako dahil hindi ko pinormhan si Alex nung una," tukso ni Kyle na ang ganda ng ngiti kay Alexis.
"WHAT?! You assholes! Kaya ba isinekreto niyo sa 'kin na babae si Alexis nung una palang?" Gigil na gigil si Zenwel habang itinatago sa likod niya si Alexis. Takot na maagawan ito.
Nagkatinginan sina Nieder at Kyle at nagkasundong pagtripan si Zenwel. "Oo," walang kagatol-gatol na sagot nung dalawa at agad na tumakbo. Hinabol naman sila ni Zenwel. Habang si Alexis ay napapangiti nalang na pinapanood 'yung tatlo.
***