Your Highness, You're My Slave
Chapter Eleven
"DUDE, sa leisure room tayo." Pag-aaya ng dalawa kay Zenwel matapos ang klase. Tango lang ang isinagot niya rito tska pumasok sa loob ng leisure room.
Sa loob noon ay balik buhay mayaman siya. May aircon, malambot na mauupuan, malinis at mabangong hangin at higit sa lahat maraming pagkain. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiard ng mapansin ng dalawa na hindi mapakali siya mapakali. Para siyang nababaliw na bigla nalang sisigaw ng 'Hindi pwede 'to!' at saka guguluhin ang sariling buhok.
"Natatae kaba, dude?"
"H-Huh?" Napabaling siya kay Nieder.
"Kanina ka pa hindi mapakali d'yan, dude. May kuto ba si Alexis at nahawaan ka niya?" Panghuhula naman ni Nieder pero hindi niya pinansin ito at dumiretso sa refrigerator.
"I'm going to take this." Sabay kuha sa mga pagkaing nasa loob ng refrigerator. Sumunod sa kanya ang dalawa.
"Bakit Zen? Gutom ka pa ba?"
"Basta!" Nang makuntento sa nakuha ay saka akmang aalis.
"Saan ka pupunta, dude?"
"Uuwi kana ba, Zen?" Pahabol ng dalawa niyang kaibigan pero hindi niya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas.
***
"NASAAN na kaya ang isang 'yun?" Kanina pa kaseng nililibot ni Zenwel ang buong school pero hindi niya makita ang sadya niya—si Alexis.
"Shit." Mura niya nang makita si Alexis na nasa labas na at nakasakay na sa bisikleta nito. "H-HEY!!" Kumaway siya at hinabol ito.
Asar na asar siya nang hindi niya ito naabutan.
Agad siyang nakipagkita kina Kyle at Nieder para makahingi ng pang-taxi para makauwi siya. Hindi niya pa kase talaga kabisado ang bahay nila Alexis kaya nagtaxi na lang siya. Pagdating sa bahay ay nandoon na si Kia. Halos magkasunod lang silang dumating.
"Nakauwi ka na pala, kuya." Maligayang bungad sa kanya nito. Naghahalungkat ito ng makakain sa maliit na kusina. "May ibinigay sa 'kin kaninang umaga si Alexis ng pangkain natin kaya—"
"H'wag na, may dala akong pagkain."
"Talaga?"
At inilapag niya ang mga dala sa maliit na mesa.
"Wow! Ang sasarap nito!" Halos kuminang ang mga mata ni Kia sa mga nakikita.
"Why? Hindi ka pa ba nakakakakain niyan?" Ang mga pagkaing dala niya kasi ay pangkaraniwang kinakain nila sa bawat araw.
"Nakakain na, nung nagtrtrabaho ang kapatid ko sa isang handaan bilang waitress. Palaging may tira kaya naiuuwi niya." Nakangiting ito habang sinasabi iyon, pero siya namang pagkunot ng noo niya.
Hindi niya kase maintindihan dahil para sa kaniya nakakaawa na ang kalagayan ng dalawang magkapatid pero bakit parang wala lang sa mga ito.
"Baka waiter?" pagtatama ni Zenwel at pilit na natawa naman si Kia.
"Oo nga pala, hehe. Magsasaing na muna ako para makakain na tayo." Dagdag na lang nito at ginawa ang sinabi.
Maaga pa para sa hapunan kaya naman ginawa ni Zenwel ang ibang gawaing bahay. Nagprisinta siya pero pinigilan siya ni Kia.
"H'wag na, kuya. Ang sabi ng kapatid ko, mag-aral ka na lang daw ng mag-aral para makagraduate ka na," Nakangiti pa ito sa kanya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa sinabi nito. 'Ganoon na ba kasabik ang Alexis na iyon na mapaalis ako sa bahay na 'to?' Hindi naman siya nakakarinig ng salita na pinalalayas na siya pero ano ba ang dapat niyang isipin doon?
Ilang sandali ay napansin ni Zenwel na mag-aalas-otso na pala.
"Kain na tayo." Pag-aaya ni Kia at tumayo na para maghain.
Napatingin si Zenwel sa may pinto. "Ahmm.. hindi ba natin hihintayin si Alexis?" Ewan niya ba pero nasanay na siya na sabay-sabay silang kumakain.
"Eh? Hindi ba't sinabi niya kanina na tutuloy na siya sa trabaho niya? Didilihensya daw siya kasi bukas na 'yung araw ng bayaran namin sa iskul kaya baka mamayang alas-tres pa 'yun uuwi. "
"Paano kapag hindi nakadilehensya 'yung kapatid mo?"
"Hindi ako makakasama sa listahan ng mga gagraduate." Nakita ni Zenwel ang lungkot sa mukha ni Kia pero agad din iyong nawala. "Pero alam ko hindi ako bibiguin ng kapatid ko."
Napabuntong hininga si Zenwel at minabuti niya na ibahin nalang ang usapan.
"Bakit hindi mo tinatawag na kuya ang kapatid mo?" Dati pa itong napapansin ni Zenwel pero ngayon lang siya nakahanap ng tyempo para itanong ang bagay na iyon.
"Huh? Ahmm kasi.. ahh.. hindi sa wala akong galang kay Alexis. Na.. nakasanayan ko lang talaga." Palusot na lang nito at sinamahan pa ng matamis na ngiti na kumimbinsi naman sa kanya.
"KUMAIN na kaya 'yung kapatid mo?" Muling niyang naitanong. Nagliligpit na si Kia ng hapag.
"Hmm.. hindi ko alam. Bakit ba kuya? Nag-aalala ka ba?"
"Hindi ah!" Defensive na sagot niya kaagad at tinawanan lang siya ni Kia. "Hindi nga sabi!" Pagmamatigas niya pa.
"Alam mo kuya.. bagay kayo ng kapatid ko."
"What the fvck, Kia! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" Natawa na naman si Kia sa naging reaksyon niya at halos mag-init naman ang kanyang mukha sa sinabi nito.
Mabilis lumipas ang oras at ngayon nga'y tulog na tulog na ang lahat maliban kay Zenwel. Iniisip niya kung ano na ang pinag-uusapan ni Alexis at ni Joe. Paano pala kapag nagtapat ng nararamdaman iyong si Joe kay Alexis tapos tanggapin iyon ni Alexis?
"Urg! No way!" Nasigaw niya bigla sa lalim ng iniisip pero pero agad ding napatakip ng bibig ng kamuntikan ng magising si Kia. Inis na napapadyak nalamang siya at nagpaypay.
***
KINABUKASAN ay tahimik sina Zenwel at Kia habang nakatingin kay Alexis. Puno ito ng pasa sa mukha at sa iba't ibang bahagi ng katawan.
"Nagawan ko ng paraan, nabuo ko ang pambayad mo sa school, Kia pero, tangina! Nahodap pa ko! Kung hindi lang sana sila madami, malamang ay nabawi ko pa iyon." Gigil na gigil si Alexis habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Kagabi habang papauwi kase ito ay hinarangan ito mga lalaki. Kasama sa sa mga lalakeng iyon ang tatlong binatilyo na nang-snatch ng mga gamit noon ni Zenwel pero this time armado ng kung anu-anong delikadong armas ang mga ito.
Ang sabi ng mga 'to sa kaniya ay oras na raw ng paniningil. Malaki na raw ang nawala sa grupo ng mga ito dahil sa pangingialam ni Alexis.
"O-Okay lang 'yun. Dapat ibinigay mo nalang kaagad, 'di ka na sana lumaban pa." Naiiyak nang turan ni Kia dahil awang-awa na ito sa kalagayan ng kapatid. Niyakap nito si Alexis at sinisisi ang sarili.
Napakuyom nalang si Alexis sa panggigigil. Kung tutuusin ay kaya naman ni Alexis ang mga lalaking iyon. Nanlaban ito nung una, kaya nga marami itong natamong pasa sa mukha. Hindi lang ito nakapalag ng huli nang tinakot ito ng mga lalake na idadamay ang mga taong nasa loob ng bahay nito. Dahil do'n, walang nagawa si Alexis kundi ang sumunod.
"Let's report this! Namukhaan mo ba kung sinu-sino ang mga 'yun?" Kita ang galit sa mukha ni Zenwel. Ito ang unang beses na nakita niyang ganito si Alexis. Hinang-hina, puno ng pasa at umiiyak.
Nanlalambot ang tuhod niya sa nakikitang tagpo. Nag-aalab ang galit sa puso niya para sa mga taong gumawa nito kay Alexis.
"Kuya Zenwel, saan ka pupunta?!" Sigaw ni Kia ng nagmadaling umalis si Zenwel pero hindi ito nagpapigil. Naiwan ang magkapatid sa loob.
"Don't worry Kia, gagawa pa rin ako ng ibang paraan para makagraduate ka." Ani Alexis at pinunasan ang luha sa mga mata.
"Okay na ate. H'wag na.. okay lang naman kahit hindi na ako makaakyat ng stage eh. Magwowork na muna ako tas bayaran natin kapag may pera na para makuha ko nalang 'yung report cards ko."
"Hindi, aakyat ka pa rin sa stage. I promise." At umalis din si Alexis.
***
"ZENWEL, ano na naman bang ginagawa mo rito?"
"Crystal, please... I beg you!"
"Uulit na naman ba tayo? Sinabi ko na, hindi ko ibabalik sa'yo ang lahat hanggang hindi ka natututo!"
"Wala akong pakialam kung hindi na maibalik sa 'kin ang lahat! Hindi ako nandito para roon!"
"What?! Eh, anong ginagawa mo rito?" Nalilito na napakunot noo si Crystal.
"Nandito ako para pakiusapan kang kausapin ang prinsipal ng school na pinag-aaralan ng kapatid ni Alexis."
"Anong sinasabi mo? Bakit ko naman gagawin 'yun?"
"Please... pakiusapan mo lang na bigyan pa ng panahon ang magkapatid para makabayad. May isang buwan pa naman before the graduation 'di ba?"
"Nakikiusap ka para sa ibang tao? Para... kay Kia?"
"Oo! Tangina, paulit-ulit?!"
Hindi makapagsalita si Crystal. Ito ang unang pagkakataon na nakiusap si Zenwel para sa kapakanan ng iba. Ito ang unang beses na inisip nito ang iba bago ang sariling pride.
"I-I'm sorry But I can't do that. May sariling rules ang bawat private school. Kung isa sa rules nila na hindi makakagraduate hanggang may expenses na hindi mababayaran wala tayong magaga--"
"That's bullshit!! H'wag mo akong bigyan ng ganyang dahilan!!"
"Kasi nga Zenwel hindi naman pwedeng gagamitin mo ang kapangyarihang mero—"
"Kung ayaw mong tumulong ako nalang ang gagawa ng paraan!! Wala ka talagang kwenta!!" Litanya niya bago balibag na sinara ang pinto.
Naiwang tulala si Crystal. Hindi ito makapaniwala sa nangyayari. Naging masaya ito dahil nakikita na nito ang pagbabago ni Zenwel.
***
"PLEASE po, nagmamakaawa na ako sa inyo! Paakyatin niyo na po sa stage ang kapatid ko kasama ng ibang gagraduate. Babayaran ko po kayo, hindi pa siguro ngayon pero magbabayad kami! Kahit dagdagan ko pa po basta makaakyat lang ang kapatid ko sa araw ng graduation!" Pakiusap ni Alexis sa Dean ng Dream High Academy.
Binaba niya na ang lahat ng pride na meron siya para rito. Alang-alang sa kapatid niya ay gagawin niyang lahat.
Isang matandang bakla ang dean ng eskwelahang. Wala sa mukha nito ang awa. Kapag wala kang pera basura ka lang sa paningin niya. Walang awa-awa sa taong kaharap ni Alexis kaya sa huli ay tinanggihan padin siya nito.
"I'm sorry, but I can't do that. Kapag pinalampas ko ang bagay na 'to sa unang pagkakataon ay mauulit ito ng mauulit. Gagaya ang iba at doon na masisira ang maayos na pamamalakad ng paaralang 'to. Ayokong masira ang reputasyon na meron kami."
"Pero sir, please.. magbabayad naman kami."
"Kung ganun nasaan? Kung magbabayad ka bukas o sa makalawa ay makakagraduate naman ang kapatid mo. Ang pinagkaiba nga lang 'di siya makakaakyat ng stage. Okay na 'yun! Halos wala namang pinagkaiba 'yun."
"Pero mahalaga 'yun sa 'min." Halos mangilid na ang luha ni Alexis sa ginagawa. Ang dami talagang ganitong klase ng tao sa mundo ngayon. 'Yung pera ang sinasamba.
"Tama na, sinasayang mo lang ang oras ko." Akma na sana itong tatalikod pero hinawakan ito ni Alexis.
"Please.. nagmamakaawa ako," senserong bigkas ni Alexis at akmang luluhod na sa harap ng baklang matandang dean pero hindi 'yun natuloy nang may humawak sa braso ni niya para pigilan siyang gawin iyon.
"Ako nga hindi ka napaluhod tapos ito, luluhuran mo?" Tiningala niya ang taong nagsalita at nakita niya si Zenwel na nanlilisik sa galit ang mata na nakatingin sa Dean.
Hinila siya patayo ni Zenwel at itinabi sa gilid nito. May kinuha ito sa bulsa at marahas na hinampas iyon sa mukha ng Matandang Baklang Dean ng iskul.
"Ayan! Isaksak mo 'yan sa baga mo!" Kinuwelyuhan ni Zenwel ang bakla upang mas malapit na masabi sa mukha nito ang gusting sabihin. "Remember this face! Cause one day, you'll gonna see this again! And I will make sure that you two! With your f*****g reputation in this school will be buried down to hell if you won't change your f*****g filthy rules! That I can assure of! Because I am, Zenwel Ashfortz!" May diin sa bawat salitang binigkas ni Zenwel dito at marahas na binitawan ang dean na napaupo na lamang sa lapag dahil sa panghihina nang marinig ang pangalan nito.
"Z-Zenw-wel A-Ashf-fortz?" Garalgal ang boses na nasabi ng Dean.
Agad naman na hinila ni Zenwel si Alexis paalis sa lugar na iyon nang makalayo na sila ay hinarap siya nito.
"Why did you do that?" Bulyaw sa kaniya nito. "I don't wanna see you begging to anyone! Don't let them step on you! I don't like to see you weak!" Asar na asar talaga si Zenwel. Napanood kase nito kung paanong magmakaawa do'n si Alexis at hindi nito talaga nagustuhan iyon. Hindi tuloy nito alam kung kung kanino ba talaga ito nagagalit.
"Hindi ko na kasi alam 'yung gagawin ko. 'Yun nalang ang naiisip kong paraan para sa kapatid ko." Aniya pa at pumiyok sa huling salita.
Nang bigla siyang lingunin ni Zenwel ay automatic na nawala ang galit nito nang Makita siyang umiiyak na. Hindi niya naman iyon sinasadya.
Sa 'di malamang dahilan ay lumapit ang binata sa kanya. Hinigit siya nito bigla at ikinulong sa kandungan nito.
"Shssh. Stop crying. From now on, wala ng mang-aapi sa'yo. I'll protect you." Masuyong turan nito sa kanya at niyakap pa siya nang mahigpit. Napapikit na lamang si Alexis sa ginawa nito at mas lalong napahagulgul ng iyak. All this time, sinarili niya ang paghihirap at problema; pero ngayon, may isang tao na walang kahirap-hirap na binubura ang mga kalungkutan niya sa puso. At sa hindi inaasahang tao pa iyon.
"AKO na magpipidal." Prisinta ni Zenwel at hindi na nakipagtalo pa si Alexis. Kakatapos lang ng yakapan scene nila at may ilangan sa pagitan nilang dalawa. Umangkas sa likod si Alexis pero nakatalikod siya sa nagpipidal.
"Bibilisan ko ang pagpidal, mas mabuti siguro kung hahawak ka sa.. ahmm.. b-bewang ko." Hindi magawang makatingin ni Zenwel habang sinasabi iyon.
"Sige bilisan mo, wala naman kaso sa 'kin 'yun." Nayabangan siya sa naging turan ni Alexis kaya binilisan niya nga ang pagpipidal.
Ilang sandali..
"'Yun na ang tinatawag mong mabilis?" Pang-aasar ni Alexis; pilit nitong inaalis ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa.
Gusto sana bumilis pa ni Zenwel pero wala na siyang mas maibibilis dahil pagod na siya kakapidal. "Ang hina ng resistensya mo, p're! Pa'no ka makakatagal niyan?"
"Tumigil ka nga! Ayaw ko lang na malaglag ka!" Pagpapalusot niya at nagulat siya ng bigla ay gumalaw ito sa likuran niya. "A-Ano ba! Mamamatay tayo!!" Saway niya rito dahil nagpagewang-gewang na siya. Nagulat na lang siya ng magbago na ang pwesto ni Alexis sa likod.
"Ayan, tignan nga natin ang bilis mo." Agad na nag-init ang mukha niya ng maramdaman niya ang mahigpit na paghawak nito sa bewang niya.
"W-wait! T-Tsansing ka, ah!!" Pagkwan ay pagrereklamo niya. Natawa naman si Alexis.
"Ewan sa 'yo! Puro ka palusot!" Kaya tinanggal nalang nito ang pagkakapit sa bewang niya na ikinasanhi naman ng kanyang pagsimangot.
"Why did you let go? You'll fall!" Kunware ay palusot niya.
"Matagal na," makahulugan na sagot ni Alexis.
"Huh?"
"Matagal na akong nafall."
Mas lalong nag-init ang mukha ni Zenwel sa sinabi nito at hindi na talaga siya makalingon. Nagpasalamat talaga siya na hindi niya kaharap ang kausap.
"Tungkol nga pala sa kanina," dagdag pa ni Alexis na mas lalo niyang ikinataranta.
"Ahhm.. hindi ko ginusto iyon, ah! Niyakap lang kita kasi umiiyak ka! Para kang bakla d'yan. Ang lalaki hindi dapat umii—"
"Hindi 'yun ang tinutukoy ko." Mababakas ang inis sa boses ni Alexis at napakagat labi nalang siya. Nag-assume, napahiya. "Thank you doon, ah. Don't worry babayaran kita ng paunti-unti."
"W-Wala 'yun. Hindi ko naman ginawa iyon para sa 'yo. Para iyon kay Kia. Para ko na rin siyang kapatid at isa pa tinutulungan niya ako sa studies ko. Hindi mo na ako kailangan pang bayaran." Paliwanay niya. Pareho na naman silang naiilang. Hindi kasi sila sanay na nag-uusap ng ganito kaseryoso.
"S-Saan mo kinuha ang perang pinambayad mo?"
"'Yun ba? Wala 'yun." Naalala ni Zenwel bigla ang mamahali niyang relo na ibinenta lang niya sa halagang 15k. Nagmamadali na kasi siya at kailangan niya agad ng pera. 'Yan tuloy naibenta niya ng mura. Ang relo pa namang iyon ay galing pa sa grandma niya. Pero ayos na rin. Atleast ngayon masaya na ang magkapatid. Wala na silang problema.
"PAHIRAM ng cell phone," 'yun kaagad ang ibinungad ni Zenwel kina Kyle at Nieder sa loob ng leisure room ng mag-break time kinabukasan.
"Ano na naman ba't mukha kang badtrip?" Si Kyle na inabot naman ang cell phone sa kanya.
Nagdial ng numero si Zenwel. Tatawagan niya si Angelica! Feeling niya nagtataksil na siya sa kasintahan dahil sa mga nararamdaman niya lately sa isang tao.
Walang sumasagot sa kabilang linya. Para bang patay ang phone nito kaya hindi siya makakonekta. Bakit gano'n? Nag-aalala siya. Sa tagal ng umalis ni Angelica, malamang na tapos na ito sa pagpapaopera. Marahil ay magaling na ito o hindi nagtagumpay ang operasyon. Kung negatibo nga ang resulta, kailangan niyang mapuntahan ito kaagad. Kailangan siya nito.
"Hep!" Pigil ni Kyle ng akmang ibabato ni Zenwel ang phone nito. "Cell phone ko 'yan, eh." Inagaw na nito ang sariling cell phone. "Sino ba kasi ang tinatawagan mo?"
"Si Angelica. Wala na akong balita sa kanya matapos ang huling pag-uusap namin sa phone." Napairap sina Kyle at Nieder sa pagkakarinig sa pangalang Angelica. Hindi gusto ng mga ito si Angelica. Ang totoo ay mabait lang kasi ito kapag si Zenwel ang kaharap, pero kapag nakatalikod na ito, ayun! Lumalabas ang sungay.
"Huhulaan ko, Dude. Sinabi mo sa huling pag-uusap niyo na tinanggalan ka ng mana, ano?"
"P-Paano mo nalaman?"
Natawa sina Kyle at Nieder at nagawa pang mag-apir kaya naasar siya. "Pinagtatawanan niyo ba si Angelica?" Galit ang ekspresyon ng mukha niya nang ibaling sa dalawa ang tingin pero, hindi man lang natakot sa kanya ang mga ito at nagtawanan pa.
"Zen, hindi. Ikaw mismo ang pinagtatawanan namin." Seryoso ang boses ni Kyle pero nandoon ang mapang-asar na ngiti nito.
"Ako ba ginagago mo?"
"Nakakatawa ka kasi, Zen. Ikaw na si Zenwel Ashfortz na kinatatakutan ng lahat ay nagagawang maging tanga dahil lang sa isang babae."
"Tumigil ka Kyle kung ayaw mong basagin ko ang mukha mo!" May pagbabanta sa boses niya. Hindi niya gusto na sinisiraan sa kanya si Angelica. Ito madalas ang pinagtatalunan nilang tatlo at ngayon, nag-uumpisa na naman si Kyle.
"Edi tumigil." Nagtaas pa ng dalawang kamay si Kyle na animo'y sumusuko. "Sana lang magising ka na sa katangahan mong 'yan. Zen, hindi mo kailangan magpakatanga sa kanya. Hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nalumpo."
"Enough, Kyle."
"Sige, kung ikaw nga talaga ang may kasalanan, Zen, bayad ka na. Sa dami ng ginawa mo para sa kanya? Sobra-sobra ng kabayaran—"
"Sinabing tama na!" Agad na lumanding ang kamao ni Zenwel sa pisngi ni Kyle.
"Dude! Kyle!" Agad na dinaluhan ni Nieder si Kyle na kanina ay naglalaro ng Mobile Legend sa cell phone.
"Zen, hindi ka in love sa kanya. Awa lang ang nararamdaman mo!" Dagdag pa nito habang hawak-hawak ang pisngi na sinuntok niya.
"Tama na sabi, eh!" Muling sinugod ni Zenwel si Kyle at walang nagawa si Nieder ng maging ito ay masuntok din.
"Ginagamit ka lang ng babaeng 'yun, Zen! Para makuha ang lahat ng gusto niya! Tama na, Zen! Tanga ka!" Ilang beses pang nakatanggap ng suntok si Kyle pero sige pa rin ito sa pagsasalita hanggang sa si Zenwel na rin ang napagod.
Duguan ang mukha ni Kyle sa nangyari.
"f**k you!!" Malutong na mura ni Zenwel at saka ito iniwan.
"Letse naman Kyle! Ang daldal kasi, eh! Alam namang bulag sa pag-ibig 'yung tao!" Inis na sambit ni Nieder habang tinutulungan itong tumayo.
"Kung ang pagpapasuntok ko sa kanya ang gigising sa kanya. Okay lang." At nagawa pa nitong ngumiti kahit pa hirap na ito. Umiiling na lang si Nieder dito.
***
"ALEX!!" Nagulat si Alex ng bigla siyang salubungin ng yakap ni Crystal pagkapasok na pagkapasok niya sa office nito. Pinatawag kasi siya.
"Thank you so much, Alex! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya!" Kitang-kita sa mga mata ni Crystal ang labis na kasiyahan.
"H-Hindi ko po m-maintindihan."
"What I mean is nagtagumpay ka! Nagawa mong baguhin ang kapatid ko. Naturuan mo siya ng tama. Alam mo ba na nagpunta siya sa 'kin para humingi ng tulong para sa inyong magkapatid. Nagmatigas ako at hindi ko siya tinulungan pero kahit ganun ay nakagawa pa rin siya ng paraan. Hindi ko talaga maisip hanggang ngayon na ganoon ang ipapakiusap niya. Akala ko magpupumilit na naman siya na ibalik ko na ang lahat sa kanya pero 'yun pala, para sa inyo ang ipapakiusap niya. I knew it, Alex! Ikaw talaga ang makakapagpalambot sa batong puso ng kapatid ko!"
"P-po?" Nahihiya na si Alex sa mga naririnig mula kay Crystal at magpasahanggang ngayon hindi rin siya makapaniwala sa ginawa ni Zenwel.
"Alam mo, kung ganyan ang ipapakita ni Zenwel palagi ay hindi na ako magdadalawang-isip na ibalik na siya sa amin. Isa nalang talaga ang hinihintay ko. Ang makita ang improvement ng mga grades niya sa mga subjects niya. Kapag nagkataon hindi na talaga ako magdadalawang isip pa na ibalik na ang lahat sa kapatid kong 'yun," Nagpantig ang tenga niya sa narinig.
'Si Zenwel... babalik na...?'
***
"K-KAMUSTA na resulta ng mga quiz mo?" Isang gabi ay natanong ni Alexis kay Zenwel habang kumakain sila. This time tatlo na ang plato nila. Kaya sabay-sabay na silang nakakakain.
"Ahh.. okay lang."
"Bagsak ka, 'no?" Ani Alexis. Dapat hindi siya natutuwa sa nangyare pero ba't ganun? Bakit gusto niyang hilingin na sana bumagsak sa lahat ng test si Zenwel. "Kung ganun wala kang electric fan, ah." Sabi nalang niya. Nagkaroon kasi sila noon ng usapan na kapag naipasa ni Zenwel ang lahat ng test and quizes bibilhan niya ito ng electric fan.
"Okay lang," ani Zenwel at napadiin siya ng hawak sa kutsara't tinidor.
Matapos kumain ay nagpaalam na si Alexis ng sunduin siya ni Joe. Sabay na daw silang pumunta ng bar.
"TSK! Hindi ba kaya ng kapatid mo pumuntang mag-isa sa bar? Ba't kailangan niya pa ng sundo?" Umuusok na naman ang ilong ni Zenwel nang makaalis ang dalawa. Natatawa tuloy sa kaniya si Kia. Pero may-maya lang ay natahimik si Zenwel. Kanina pa siyang ganiyan, malalim ang iniisip.
"Kuya.." nilapitan siya ni Kia. "Okay lang 'yun, nasa sa 'yo pa rin naman ang boto ko eh."
"Talaga?"
"Oo naman po. Mas bagay kaya kayo ng kapatid ko." Nakangiting ani Kia kaya kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ni Zenwel at tila nakalimutan pa na lalake ang pinag-uusapan nila.
"Kia, okay lang ba na iwan kitang mag-isa rito? Isara mo ang pinto at bintana pagkaalis ko."
"Bakit kuya? Saan ka pupunta?"
Hindi sumagot si Zenwel. Binigyan niya lang ng ngiti ang batang babae at saka ito akmang tatalikuran.
"Teka kuya."
"Bakit?"
"Nakita ko 'yung resulta ng mga test at quizzes mo," napatanga si Zenwel sa sinabi nito. "Babalik ka pa ba kuya?" May lungkot ang mga matang pagtatanong ni Kia sa kanya. Kahit papaano ay napamahal na si Kia sa kanya.
***
MADILIM pa ng umuwi si Alexis. Pero kinagulat niya ang nakaupong kapatid sa harap ng pinto na wari'y naghihintay.
"Kia, anong ginagawa mo diyan?" Pagtatanong niya rito. Binitawan niya ang mga dala-dala at sinuri ang kapatid. Okay naman ito bukod sa malalim na mga mata na mukhang wala pang tulog. "Bakit hindi ka natutulog?"
Pumasok sila sa loob ng bahay at inilabas naman ni Alexis ang bagong electric fan mula sa kahon nito. "May bintilador na tayo, napanalunan ko 'to sa raffle kanina. Na saan 'yung kuya mong maarte?"
Pero, hindi sumagot si Kia.
"Kia, kinakausap kita." Medyo irita ng banggit niya dahil sa hindi nito pagsasalita. Nilingon niya 'to pero ibinungad nito sa mukha niya ang mga test paper na nakapangalan kay Zenwel.
"Ano 'to?" Naitanong niya ng kunin ang papel. Sinulyapan niya si Kia at nakita niya ang malungkot nitong ekspresyon ng mukha. Agad siyang nakaramdam ng kaba at napatingin sa hawak niyang papel.
Lahat ng items ay nakacheck. Wala kang makikitang ekis o kahit ano pa mang marka ng mali. Sa kanang bahagi ng papel ay nakasulat ang 100/100 gamit ang pulang tinta at nakabilog pa iyon.
Napasalampak si Alexis sa lapag. Napapikit ng madiin habang nakaawang ang bibig at nalukot ang papel na hawak.
"Ate.. umalis na si Kuya Zenwel" At doon na rin bumuhos ang luhang kanina pang pinipigilan ni Kia. Bigla nalang kasing nag-alsabalutan si Zenwel kanina. Una ay nagpaalam ito na aalis pero ang sabi, babalik din naman kaagad. Bumalik nga ito pero hindi para magstay kundi para kunin ang mga gamit nito sa kanila at ayun.. umalis ng walang pasabi.
"Tangina.." malutong pero mahinang napamura si Alexis.
Hindi niya talaga gusto iyong feeling na naiiwan.
"H'wag ka ngang umiyak!" Saway niya kay Kia na ngayon kung makaiyak ay parang noong iniwan sila ng mga magulang nila. "Hindi iniiyakan ang mga taong umaalis ng walang paalam.." makahulugang ani Alexis at nahiga na ng nakatalikod sa kapatid.
***
NATIGILAN si Alex sa pagmamop ng hallway ng marahas na sipain ng isa sa tatlong babaeng estudyante ng Wilford Academy ang balde ng tubig na gamit niya. Hindi pa nakuntento ang mga 'to, binato pa siya ng mga kung anu-anong pagkain na hawak ng mga 'to.
"You deserved that! Nang dahil sa 'yo hindi na namin nakikita si prince Zenwel!!"
"Oo nga!! Anong karapatan mong maging slave siya?! Dahil sa 'yo naghihirap ang prince Zenwel namin!!"
"Kasalanan mo talagang lahat ng 'to!! I realy miss prince Zenwel!!" At sa huli ay binuhusan pa siya ng mga ito ng tubig sa mukha bago umalis.
"Tsk! Kainis! Pagbuhul-buhulin ko kaya kayo?" Naaasar na bulong niya na lang ng makaalis ang mga ito. Ang dumi-dumi na naman niya. Simula ng mawala si Zenwel ay madalas na siyang pag-initan ng mga estudyante ng Wilford. Ilang araw na ba ang lumipas? Isang Linggo? Dalawa? Hindi niya na alam.
Paalis na sana si Alexis para ayusin ang sarili niya pero natigilan siya ng marinig ang matitinis na tili ng mga babae. Nagkagulo ang mga ito at nagtumpukan sa main door ng building na kinalalagyan nila.
Mula sa kumpol ng mga tao ay nahati ito at iniluwa doon ang taong.. pamilyar na pamilyar sa kanya pero minabuti niyang kalimutan.
Nagtagpo ang mga mata nila.
Para namang nag slow motion ang taong nasa ginta ng nagkukumpulang mga estudyante. Nakangiti ito sa kanya at patungo sa kanyang direksyon. Ngunit, pinatigas niya ang kanyang puso at walang sali-salitang tinalikuran ang lalake.
***