Your Highness, You're My Slave
Chapter Ten
NAKARATING sila sa Wilford Academy at hindi mapigilan ng mga estudyante ang mapatingin sa kanila nang sabay silang naglalakad papasok ng campus.
"Saan ka ngayon?" Pagtatanong ni Zenwel rito.
"Gaya ng nakagawian, pupunta ako sa locker room para magbihis at kunin ang mga cleaning materials." Diretso ang tingin sa daan na sagot ni Alexis. Napa-ahh naman si Zenwel. "Ikaw?" Tanong naman nito sa kanya.
"Papasok ako at makikinig sa guro ko. Mag-aaral akong mabuti."
Nilingon siya ni Alexis na blangko lang ang mukha. Pero saglit niyang nasilayan ang kakaibang lungkot sa mgamata nito. "Why you asked?"
"Wala, galingan mo nalang! Para kapag nakatapos ka na.. ay makawala ka na rin sa pagiging alipin mo sa 'kin.." Natigilan sa paglalakad si Zenwel pero nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Alexis papunta sa paroroonan. Nakatingin lang siya rito habang palayo ito.
Bakit ganoon? Bakit nagdulot ng kirot ang sinabing iyon ni Alexis sa kaniya?
Isinantabi niya na lang ang lahat ng tanong at tinungo ang unang klase. Gaya ng dati ay marami pa ring nakatingin sa kaniya at lahat ay nagbubulungan kapag nakakaalpas siya sa mga ito. Nandoon pa rin naman ang ibang estudyante na umiiwas sa kaniya. Mabuti naman at mukhang makukuha niya pa rin ang paggalang mula sa mga ito.
NAGTUTURO ang guro at taimtim na nakikinig si Zenwel at isang himala na nagsulat siya sa notebook. Wala siyang ballpen at notebook kanina kaya inagaw niya ang gamit ng estudyanteng katabi niya. Wala namang nagawa ang seatmate niya.
Lumipas pa ang dalawang subject na tigwa-one and a half hour at nanatiling nakaupo roon si Zenwel at nagsusulat ng mabuti. Isa na namang himala dahil madalas ay tinatayuan niya ang mga ito lalo na kapag boring ang itinuturo o kaya'y naiirita siya sa mukha ng professor.
Matapos ang subject ay agad siyang lumabas ng room. Hindi pa tapos ang klase pero bakante siya ng dalawang oras. Kapag ganitong bakante siya ay sa Leisure Room ang punta niya pero mukhang malabo na makapasok siya roon.
"Nasaan kaya ang dalawang kumag?" Pagtatanong niya sa kaniyang sarili. Hindi kasi nagsipasok ang dalawa. Ang alam niya, classmate niya ang dalawa sa lahat ng subjects na meron siya dahil siya mismo ang pumili ng schedule niya dahil irregular siya.
Dahil walang patutunguhan ay doon niya lang nalibot ang campus. Marami pa palang lugar ang pwedeng mapuntahan sa loob ng school. Hanggang classroom, leisure room at ang office ng ate niya lang kasi ang napupuntahan niya bukod pa sa gymnasium at soccer field.
Napahinto siya sa paglalakad nang makitang nasa harapan niya na si Alexis. Nagmamop ito ng sahig kaya hindi siya napansin. Umismid siya upang makuha ang atensyon nito kaya naman napatingin ito sa kaniya.
"Oh? Tapos na ang klase?" Tanong agad nito sa kaniya. Tango lang ang sinagot niya rito. Lumapit siya at tinignan ang mga materials na ginagamit nito sa paglilinis.
"Tapos ka na maglinis?" Natanong niya nang makitang nagsisimula nang magligpit si Alexis ng gamit. Nagkibit balikat lang ito at sinundan niya ng tingin ng itinabi nito ang mga gamit.
"Oh!" May hinagis ito sa kaniya na siya namang muntikan niya ng hindi masalo.
Umakyat sa malapit na puno si Alexis at doon naupo. Napatingin si Zenwel sa binato sa kaniya ni Alexis. Isa iyong biscuit. Voice combo biscuit ang nakalagay sa balot. Tiningala niya ang babae sa isang puno at nakitang prenteng nakaupo doon habang kumakain ng biscuit.
"Masarap 'yan, chocolate ang palaman." Turan nito ng dungawin siya nito sa baba. Since hindi marunong umakyat ng puno si Zenwel ay naupo na lamang siya sa ilalim ng punong inakyatan ni Alexis.
"H'wag kang maarte, hindi ka pa ba nagugutom? Masarap 'yan," saad muli nito.
"Ayoko ng chocolate o kahit na anong sweet na pagkain."
"Kaya pala bitter ka at palaging galit sa mundo." Nasabi nito at tumawa. Tiningala niyang muli si Alexis pero sumeryoso na ulit ang mukha nito. Sayang at hindi niya ito nakitang nakatawa. Siguro ay maganda rin ito gaya ng magandang tunog ng tawa nito.
Nagulat siya ng biglang tumalon sa harapan niya si Alexis mula sa taas. Kinuha nito ang hawak niyang biscuit at binuksan tska muling inabot sa kaniya. "Subukan mo lang. Hindi ka naman mamamatay sa isang kagat." Pang-iingganyo nito.
Noong una ay nag-aalinlangan siyang kumagat sa inaabot nito pero noong kakagat na siya ay bigla ba namang.. "Hawakan mo kaya, nangangalay ako, eh." Ani Alexis at inis na inagaw niya na lang mula sa kamay nito ang biscuit upang mapagtakpan ang kahihiyan niya.
"Masarap 'di ba?" Nang magsalita si Alexis ay doon niya lang nalasan ang nasa bibig. Oo, masarap.
"Okay lang," tipid na sagot niya at naglihis ng tingin. "Ito lang ba ang.. miryenda mo?" Naitanong niya bigla.
"Bakit? Kulang pa ba 'yan sa 'yo? Heto pa oh." Ibinigay pa nito sa kaniya ang kinakain kaya napailing-iling naman siya.
"What I mean is.. nabubusog ka ba nito?" Sa dami ng trabaho ng taong ni Alexis, biscuit lang ang kakainin nito?
"Oo, panglaman tiyan lang naman."
"Kung sa bagay kakain ka pa naman mamayang gabi."
"Hindi, tuloy na ako sa trabaho. Since Coffee shop at bar naman ang pinagtatrabahuhan ko, doon nalang ako kakain." 'Yung mga tirang pagkain ang tinutukoy ni Alexis.
Napatingin si Zenwel kay Alexis na nakaupo na ngayon sa damuhan. Medjo malayo na ito sa kaniya at binubunot nito ang mga damo doon. Marami siyang gustong itanong rito pero hindi niya mahanap ang tamang tyempo kung paano iyon uumpisahan.
"Saan punta?" Naitanong niya ng tumayo na naman ito at magpagpag.
"Trabaho na ulit." Kinuha nito ang mga gamit na itinabi nito kanina at naglakad papuntang kabilang building. Siya naman, sa 'di malamang dahilan ay sumunod dito.
Nagmamop na ng sahig si Alexis habang nakaupo naman sa isang tabi si Zenwel. Nasa hallway ngayon ang dalawa at pinagmamasdan niya lang ito.
Pinagtataka niya dahil hindi man lang siya inuutusan nito. Hindi ba't siya'y slave na nito? Kung siya ang nasa kalagayan nito, malamang ay hindi na mabilang ang mga inutos niya rito.
"M-Madali lang ba 'to?" Tumayo siya at kinuha ang isa pang mop. Napamura siya ng lingunin siya ni Alexis. Bakit kasi hindi mo nalang diretsuhin, Zenwel?
Nagawa na ng mga kaibigan niyang sina Kyle at Nieder ang pagmamop noon, noong unang araw ni Alexis sa trabaho at mapagkamalan silang mga janitor nito.
"Oo. Madali lang."
"I'm bored, so can you teach me?" Pagpapaligoy niya pero ang totoo gusto niyang tulungan si Alexis.
"Wala ka pa bang klase?"
"Maaga pa."
Napalabi si Alexis. "H'wag na, iabot mo nalang sa 'kin ang mga kailangan ko."
"Why not?!"
"Kasi may klase ka pa mamaya.. madudumihan ka."
"Tsk!"
Nanlaki ang mga mata ni Alexis ng hubarin ni Zenwel ang coat niya. Sunod niyang tinanggal ang neck tie at ang white long sleeves hanggang sa nakawhite sando nalang siya sa pang-itaas.
"Now, can you teach me?" May diing turan niya rito at nakita niya kay Alexis ang pag-iwas ng tingin sa kanya.
"Bahala ka," simpleng nasabi lang nito kaya ginaya niya ang ginagawa ni Alexis. Nagtatanong siya rito at sinasagot naman nito kung ano ba ang tamang gagawin.
Habang ang mga estudyante naman na nakakakita sa kanila ay napapahinto at nagbubulungan. Mukha ngang totoo na, ang kanilang Prince Charming na si Zenwel ay isa na ngayong nobody at isang slave ng janitor. At ngayon nga ay kinakawawa siya ni Alexis dahil pinaglilinis siya nito.
"Hoy, iabot mo naman sa 'kin iyong basahan." Utos ni Alexis na siyang kinainis niya. Kasalukuyan kasi siyang nagpupunas ng bintana ng isang classroom, pero wala rin siyang nagawa sa huli kundi ang iabot ang ipinapakuha nito.
Tinulungan na nga, abusado naman! Mukhang nasasarapan na maging slave siya!
"Oh," inabot niya ang basahan dito. "Salam--" nahinto ito sa sinasabi dahil bigla itong napahagalpak ng tawa.
"Whats funny?" Iritabing turan niya. Naconcious tuloy siya sa itsura niya.
"Ang dumi mo. Mukha ka ng gusgusing prinsipe!" Hindi parin matigil si Alexis sa pagtawa. Agad niyang pinunasan ang mukha pero mas lalong natawa si Alexis dahil kumalat lang iyong dumi sa mukha niya.
"Fvck! Stop laughing at me!" Pikon na siya at umuusok na sa galit, pero hindi parin tumigil sa kakatawa si Alexis kaya sa inis ni Zenwel ay pinunasan niya narin ng dumi ang mukha nito na siyang kinatigil ni Alexis sa pagtawa. This time, siya na naman itong tawa ng tawa.
"Badtrip ka, ah! Ba't mo ginawa 'yu--" nilagyan niya ulit ng dumi ang mukha nito kaya mas lalong lumakas ang tawa niya hanggang sa naggagantihan na silang dalawa sa paglalagay ng dumi sa mukha.
Nadulas si Alexis sa paghahabulan nila kaya halos mamataymatay sa kakatawa itong si Zenwel.
Masama ang pagkakabagsak ng pwet ni Alexis kaya napapangiwi ito imbis na matawa rin.
Nagulat nalang si Alexis nang nasa harapan na si Zenwel at naglahad ng kamay para tulungan siyang makatayo. Nandoon pa rin ang malaking ngiti nito na abot hanggang tenga.
Hindi naiwasan ni Alexis ang mapatulala sa mukha ni Zenwel. Kaya naman palang ngumiti ng isang ito pero bakit laging nakasimangot at nakasalubong ang dalawang kilay nito?
*KRIIING!!
Nabalik si Alexis sa sarili ng tumunog na ang bell hudyat na magsisimula ng muli ang mga klase sa hapon.
Binawi na ni Zenwel ang kamay niya kaya ito na mismo ang mag-isang tumayo. Hinubad ni Zenwel ang suot na sando at iyon mismo ang pinamunas sa pawisang katawan.
Muli ay napatitig si Alexis sa katawan niya.
Mabato ang katawan ng lalaki; ang mga muscles ay nagrereflex sa bawat paggalaw; ang abs, ang triceps, biceps at ang broad shoulders and chest.
Nawala sa iniisip si Alexis ng maisuot na niyang muli ang puting long sleeves at ang coat. "Papasok na ako," hindi makatinging sabi niya at balik na naman sa pagiging seryoso. Patalikod na sana si Zenwel pero tinawag siya ni Alexis.
Nagtatanong ang mukha niya nang lumapit si Alexis. Mayamaya lang ay may hinablot ito sa bulsa—panyo at tska pinahid ito sa kanyang mukha.
Wala sa sarili na napatitig siya kaagad dito.
"May dumi ka pa kase." Hanggang leeg niya lang si Alexis kaya nakatingala ito sa kaniya. Mukha talaga itong babae sa malapitan. "'Yan, wala na." Ngumiti ito sa kanya at siya namang iniwasan niya kaagad. Hindi niya alam kung bakit.
Walang sali-salita na naglakad siya patungo sa gamit niya at saka nilingon si Alexis. "Geh!" Tumango siya sabay talikod dito.
Ilang beses niyang minura ang sarili pagkatapos. Kailan pa siya natutong magpaalam? At ano ba itong nararamdaman niya? Bakit gano'n nalang siya kasaya kanina at magpasahanggang ngayon?
Malutong siyang napamura.
Nakipaghabulan siya sa lalaki?! Nakakadiring skenaryo! Hindi siya pwedeng magkaganito! Hindi pa siya nasisiraan ng ulo. Kailangan niyang maidivert kaagad ang atensyon niya.
Kinapa niya ang cell phone sa bulsa at tinignan kung may text o tawag man lang galing sa girlfriend niyang si Angelica, pero wala itong text o missed call man lang. Nagtry siyang tawagan ito habang papunta siya sa next class niya pero mukhang pati ang post paid niyang sim ay pinaputol na rin ng kaniyang ate. Napatiim bagang nalang siya.
PAGPASOK sa class room ay sinalubong siya nina Kyle at Nieder.
"Dude, buhay ka pa!" Akma pa siyang yayakapin ni Nieder; ang bunso niyang kapatid pero isinalubong niya sa mukha nito ang kaniyang palad upang hindi ito tuluyang makalapit sa kaniya.
"Zen, masaya akong makita ka!" Tinapik ni Kyle ang balikat niya.
Si Kyle ang nag-iisang tao na nakakalapit sa dalawang lalaking Ashfortz. Siya lang kasi itong kayang tiisin ang mga kabaliwan nila. "Akala ko hindi ka na papasok sa school. Pero narinig namin sa mga estudyante sa labas na pumasok ka nga raw." Tanging tango lang ang isinagot niya rito.
"Dude! Namiss talaga kita!!" Ngawa pa ni Nieder pero nilagpasan lang nila Kyle at dumiretso sila sa upuan.
Marami pa sanang gustong itanong ang mga ito kay Zenwel pero hindi na iyon nangyari dahil dumating na prof nila.
Matapos ang klase ay doon na siya kinulit ng dalawa. Sinabi niya naman ang nangyari sa kaniya at humingi ng pasensya ang dalawa dahil ayaw ng mga ito na madamay at naiintindihan naman niya iyon.
"ANG tahimik ni Dude." Napansin din ni Nieder ang pagiging balisa ng kuya niya.
Oo nga, inaakala nila'y gugulpihin sila nito dahil sa ginawa nilang hindi pagsagot sa tawag ni Zenwel noong tumatawag ito.
"Zen, kung gusto mo sa condo ka muna." Pagpiprisinta ni Kyle. Naaawa it okay Zenwel, hindi ito sanay na maghirap.
"No, I'm fine." At nanlaki ang mga mata nila Nieder sa gulat ng nagging tanong nito. "Pwedeng makitawag?" mayamaya ay tanong nito.
"Ah sure!" inabot kaagad ni Kyle ang cell phone sa kaibigan. "Sino ba ang tatawagan mo?"
"Si Angelica," agad na naging sagot nito tsaka nag-dial. Pareho namang napatango ang dalawa. Si Angelica pala ang pinoproblema ng kaibigan nila.
Nagkausap ang dalawa pero saglit lang. Nagkakamustahan lang. Marami pa sanang sasabihin si Zenwel pero mukhang binabaan ito ni Angelica.
"Anong sabi?" Curious na natanong ni Nieder.
"Busy raw, bukas na ang operation niya," malungkot na sagot ni Zenwel. Kita dito ang pag-aalala sa dalaga.
Nagtagal pa sila sa pagkukwentuhan sa Leisure room. Welcome na welcome pa rin doon si Zenwel. Nag-abot pa nga ng pera sina Kyle at Nieder pero tumanggi ito.
"ZEN, saan ka ngayon?" Natanong ni Kyle nang paalis na si Zenwel.
"Huh?"
"Gusto mo ihatid ka na namin?" Kasalukuyan ng nakasakay sina Nieder at Kyle sa sarili nilang mga kotse. Somehow, Zen miss his own car too.
"No, I'm fine," Pagtatanggi parin ni Zenwel sa kanila at wala ng nagawa sina Kyle at Nieder kundi ang mauna na nga. Wala silang ibang magagawa para kay Zenwel.
"Just text or call us kapag kailangan mo ng tulong." Pahabol pa ni Kyle.
"Papasahan kita ng load, dude. 'Yung may internet para may pang nood ka ng x-video," sigaw naman ni Nieder.
"Gago!" mura ni Zenwel dito kaya nagtawanan ang dalawa.
NANG makaalis na ang dalawa ay naiwang mag-isa si Zenwel sa harap ng Wilford.
"Ngayon, saan ako pupunta?" Naitanong niya sa sarili. Wala siyang ibang pupuntahan.
Si Alexis kaagad ang pumasok sa isip niya. Nakakahiya ng bumalik sa bahay nina Alexis. Oo nga't hindi naman siya pinaaalis doon pero nakakahiya naman na magstay pa siya doon lalo pa't puro kasamaan ang pinaggagagawa niya sa mga ito noon. Tsaka sa oras ngayon? Mukhang nakaalis na si Alexis ng Wilford dahil kanina pa natapos ang shift nito.
Maglalakad na sana si Zenwel papunta sa kabilang daan ng natigilan siya nang makitang may nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Nagulat siya nang makita 'to.
"Ang tagal mo naman." Turan ng taong iyon at umayos ang pagkakatayo. Nandoon pa rin ang gulat sa mukha ni Zenwel.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
"Hinihintay ka! Wala kang ibang mapupuntahan, right? Sa bahay ka na muna." Nauna na itong maglakad matapos sabihin iyon. Agad naman siyang sumunod dito habang hindi parin makapaniwala.
"Wala kang trabaho?" Ang akala niya ay tutuloy agad ito sa trabaho nito.
"Sinabi ko na hindi ako papasok ngayon sa cafe."
"Bakit mo pa kasi ako hinintay!"
"Baka alam mo papunta sa bahay! Tsaka sa tigas ng ulo mo, alam kong hindi ka pupunta sa bahay. Ako ang master mo, slave kita. Ibig sabihin responsibilidad kitang hinayupak ka!"
"Aba't talagang! Minura mo pa ako, ah!"
"Gano'n talaga kapag totoo sinasabi mo, may murang kasama."
"Gano'n? Kung gano'n ang panget mong siraulo ka!"
"Ang arte mo namang gago ka!" Hindi rin nagpatalo si Alexis.
HINATID ni Alexis si Zenwel sa kanilang bahay. Nandoon na nga ang kapatid nitong si Kia at nagulat pa dahil sabay silang dumating. Mas natuwa pa ito ng malaman na mananatili parin si Zenwel pansamantala sa kanila.
Muli ay napangiwi si Zenwel sa hinaing pagkain sa harapan nito. Dilis daw ang tawag doon. Maliit na mga isda at nadoon na naman ang paboritong sawsawan ni Alexis na pinaghalong, toyo, kalamansi, hiniwang sibuyas, kamatis at siling labuyo. 'Yun lang ang ulam pero sapat para sa kanya. Buhay na siya ng gano'n.
"Hindi ka pumasok, ate—xis?" Tanong ni Kia na kamuntikan pang madulas at matawag siyang ate. Buti na lang at pinandilatan niya kaagad ito ng mata bago paman nito maituloy ang sasabihin.
Napabaling siya kaagad kay Zenwel, buti na lang pala at wala sa kanilang dalawa ang atensyon nito.
"Kumain ka na, h'wag kang maarte diyan." Aniya kay Zenwel nang mapansin na naman ang nakakunot na noo nito.
"D'you have spoon and fork?" Ininguso naman agad ni Alexis kung saan nakalagay ang kutsara't tinidor. Lumapit si Zenwel at tinignan muna ang kutsara at tinidor; mukha namang malinis pero duda parin ito. Baka may germs pa. "Na-sanitized ba 'to?" Paninigurado nito. Si Kia ang sumagot dito.
Samantalang nagpipigil namang sumabog ni Alexis.
"O-Okay." Sumubo na si Zenwel na parang napipilitan lang kumain.
Mayamay pa ay nagsalita itong muli. "Painom ako," anito kaya pinagsalin naman ni Alexis ng tubig si Zenwel at inilapag ito sa harap. Napangiwi ito. "Wala bang ibang baso?" 'Yung baso kasi na sinalinan niya ay iyong parehong baso na ininuman niya mismo.
"Wa.la," pabalang pero may diin na sagot ni Alexis kase kaunti na lang ay mapupuno na siya.
Walang nagawa si Zenwel. Kinuha na lang nito ang basong may laman na tubig at pinunasan nalang ang bunganga ng baso gamit ang laylayan ng damit nito. Napairap nalang si Alexis sa nakita.
Tingin ba ng isang 'to na may sakit siya? Tss!
Maya-maya pa ay natapos na siyang kumain. Pumasok siya ng cr at pagkalabas ay kinuha ang backpack.
"Saan ang punta mo?" Curious si Zenwel. Napaiwas lang ito ng tingin sa kanya nang binalingan niya ito para sagutin.
"Sa bar," dalawang salita na nagpa-angat muli ng tingin kay Zenwel.
"Kia, ilock mo ang pinto bago ka matulog, ah." Bilin niya kay Kia, sunod ay bumaling kay Zenwel. "Ikaw naman, gawan mo ng masama ang kapatid ko, patay ka sa 'kin. Kahit saang sulok ka magtago hahanapin kita, tandaan mo 'yan!"
"Tsk!" 'Yan lang ang nasabi ni Zenwel.
"Hugasan mo 'yang pinagkainan, ah." Dagdag niya pat at muling binalingan si Kia. "At ikaw, h'wag mong tutulungan ang isang 'to. Turuan mo lang kung paano."
"Aye, sir!" Nakasalute pa ito sa kanya bago siya hinatid palabas ng bahay.
MATAPOS ngang kumain ay nagpaturo si Zenwel kung paano maghugas ng pinagkainan nila. Nabasa ang damit niya dahil doon pero tuwang-tuwa naman siya ng magawa niya iyon ng tama. Sana lang talaga ay nandito si Alexis para makita siya nito na gumagawa ng tama. Ipagmamayabang niya na lang iyon bukas.
"ANG talino mo pala" puri ni Zenwel kay Kia.
"Oo naman, para kay ate lahat ng ginagawa ko ngayon kase alam kong naghihirap din siya makatapos lang ako ng pag-aaral."
"Where are your parents?"
"Wala na sila. Tatlong taong gulang daw ako ng mawala sila."
"I'm sorry to hear that." Wala na palang magulang ang mga ito. Kaya pala lumaking basagulero ang isang iyon.
"Pero kahit ganoon, masaya pa rin naman kasi magkasama kami ng kapatid ko."
"Bakit ba ang isang 'yun... trabaho ng trabaho? Araw at gabi talaga? Hindi naman kayo nag-uulam ng masarap, squatter lang kayo kaya wala kayong binabayarang lupa. Bakit? Anong ginagawa niyo sa pera?"
"Pambayad sa utang sa school. Naipon kase ng naipon ang utang ko sa school simula pa noong first year high school ako at ngayong gagraduate na ako hindi pwedeng may maiwang expenses. Kailangang mabayaran iyon para makasama sa list ng graduating."
"Magkano?"
"15 thousand pesos pa, kuya Zenwel."
"What?! Gano'n lang kababa?"
"Anong mababa? Ang laki kaya nun! Sa liit ng kinikita ni Alexis mahihirapan siyang makaipon ng gano'n kalaking pera." Natahimik si Zenwel. Gusto niya sana magbigay nalang ng pera dito ng matapos na ang problema nila pero saan naman siya kukuha? Pare-pareho na pala silang mahirap at pabigat pa siya.
"Kaya ba p*****n kung magtrabaho ang kapatid mo?"
"Opo, naaawa na nga ako dun. Kaya nga ginagalingan ko nalang sa school para sa college makakuha ako ng scholarship."
"Tama 'yan. Kapag nakuha ko mana ko at naibalik na sa 'kin ang lahat ako pa mag-isponsor sa 'yo."
"Talaga kuya?"
"Of course! I promise!"
" Pramis 'yan ah?" At nakipagpinky promise pa si Kia na siya namang tinanggap ni Zenwel.
"Siya nga pala, anong trabaho ng kapatid mo sa bar?" Natanong niya mayamaya. Sa umaga kasi ay isa itong tagahatid ng dyaryo at gatas sa isang subdivision. Matapos ang taekwondo class sa mga bata, janitor sa Wilford. Nagtatrabaho din sa isang coffe shop at ngayon sa gabi. Na-kucurious tuloy siya lalo.
"Bouncer siya doon."
"BOUNCER?" Hindi makapaniwalang napasigaw siya.
"Makasigaw ka naman kuya. Rinig ka sa kabila."
"Ow, sorry. Ikaw kasi, eh. But, seriously, bouncer siya roon?"
"Opo." Tango na lang ang isinagot niya dito. Kung sa bagay sa lakas non pwede nga itong maging bouncer.
Malinis naman pala ang trabaho nito. Buti naman.
"Wala ka bang gusto sa kaapatid ko, kuya?" Halos mabilaukan si Zenwel sa biglaang tanong ni Kia sa kanya.
"s**t! Hindi ako bakla ano! Hindi kami talo!!"
"Ay! Oo nga pala nakalimutan ko." Napakamot pa sa batok si Kia sa nasabi.
"Nakalimutan mo ang alin?"
"N-Nakalimutan ko na dapat na tayong matulog. Magagalit ang kapatid ko kapag naabutan niya pa tayong gising."
"Bakit? Anong oras ba ang uwi nun?
"Alas tres pa ng madaling araw."
Nahiga na sila sa banig. Hindi maiwasan ni Zenwel ang mapatingin sa space sa tabi niya. Hindi siya makatulog.
Alas tres pa ang balik ni Alex? Paano kung may masamang tao itong makasalubong sa daan? Oo nga't palaban iyon pero paano kung may dalang baril o kutsilyo?
Napaparanoid si Zenwel kakaisip. Hanggang sa hindi niya namalayan na alas-tres na nga. Sakto ang dating ni Alexis ng oras na iyon at nagtulog-tulugan siya ng dumating ito.
Naramdaman niyang pumasok ito sa loob ng cr. Hindi nito binuksan ang ilaw. Nakarinig siya ng pagbuhos ng tubig rito at ng idilat niya ng konti ang mata ay sakto lumabas si Alex, nakapagpalit na ito ng damit.
Diretso itong nagtungo sa space sa gitna nila ni Kia.
Sa bawat paggalaw nito ay naririnig niya ang bawat pagdaing nito ng mahina. Parang sakit na sakit ang buong katawan nito. Dahan-dahan siyang kumilos upang harapin ito. Hindi nga siya nagkamali at himbing na himbing na ito sa pagtulog. Nagulat na lang siya ng gumalaw ang braso nito at yumakap sa kanya at mas lalo pang simiksik. Biglang tumibok nang malakas ang kanyang puso.
Napatingin siyang muli sa mukha ni Alexis. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang mga pisngi. Hindi niya mawari kung bakit ganito ang ipekto ni Alexis sa kanya lalo na ngayon, sobrang bilis ng pintig ng puso niya.
Bigla niyang naalala ang pag-uusap nila ni Kia. Napa-isip siya. Ayaw niya ng makita si Alexis na halos kitlin na nito ang buhay kakatrabaho para makaipon ng pera. Sawa narin siya kakasunod sa pride niya. This time, gagawa siya ng paraan para makatulong sa magkapatid.
***
"SALAMAT talaga, Joe, ah? Malaking tulong ito sa 'kin." Ani Alexis habang kausap ang kaibigan nitong si Joe sa labas. Narinig ni Zenwel ang pangalan ng lalaki kaya sumilip ito sa may pintuan.
Nakita niyang nag-uusap parin ang dalawa. Nag-init tuloy ang ulo niya.
"Okay lang, Alex. Malakas ka sa 'kin, eh. Maliit pa ngang kabayaran 'yan para sa mga nagawa mo para sa 'min ni Inay." Anito at tinap ang ulo ni Alex na syang hudyat para labasin ni Zenwel ang dalawa.
"Erm!" Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Joe at agad na nagsalubong ang mga kilay nito matapos siyang makita.
"Oh? Akalain mong gising ka na? Ang aga pa, ah." Komentaryo ni Alexis.
"Akalain mong may manliligaw ka na? Ang aga pa, ah!" Dretso ang sagot a titig na titig kay Alex at ginaya pa ang tono ng boses nito sa nang magsalita ito kanina.
"Teka, ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Inis na turan ni Joe at umabante pa sa kanya. Nagkasukatan agad sila ng tingin ni Joe. Parehong ayaw nila sa isa't-isa.
"Nakatira ako rito at MAGKASAMA kami, ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Nakangisi niyang turan pagkatapos in-emphasized pa ang salitang 'magkasama'.
"Ano?!" Hindi makapaniwalang anang ni Joe.
"Joe, pare, 'tsaka ko na ipapaliwanag sa 'yo ang lahat. Sa ngayon, sige na. Mauna ka na, 'di ba may trabaho ka pa sa palengke?"
"Pero Alex, 'yang lalaking 'yan!"
"Bakit?! May problema ka ba sa 'kin?" Pagkuway bored na napahikab si Zenwel na siyang kinainis pang lalo ni Joe.
"Tangina! Pumasok ka nga sa loob!" Asik ni Alexis sa kanya.
"Ah, nakakaistorbo pala ako sa mala-bromance love story n'yo!"habol niya bago pumasok sa loob. Nagawa pa niyang ibagsak nang marahas ang pinto ng isara iyon.
"Wala talagang modo ang isang 'yun!" Pagkuway sabi ni Alex nang bumaling kay Joe. "Joe, pagpasensyahan mo na ang isang 'yun, ah? May saltik sa utak 'yun, eh."
"Alex, ba't nandito siya? Ayokong nandito 'yun! Ayoko sa kanya!! Nagsasama na ba talaga kayo?"
"Woah! Easy lang, pare. Mali ang iniisip mo!" Pagpapakalma agad ni Alex dito. Nakakagulat kasi na ganito nalang ito kung makareak nang makita si Zenwel. "Hindi naman talaga siya magtatagal dito, pansamantala lang ngayong wala siyang matitirhan."
"Pero, Alex.."
"Tama na Joe, sige na. Mahuhuli ka na, eh. Basta mamaya nalang ulit tayo mag-usap sa bar."
"Sa bar? Sige, magkita tayo sa bar."
"Oo."
UMALIS na din si Joe 'di kalaunan at pumasok sa loob si Alexis at agad niyang naabutan ang nakabusangot na mukha ni Zenwel na nakasandal sa gilid ng pinto. Napa-awang ang bibig niya. Kanina pa pala ito nakikinig sa usapan nila.
"At magkikita pa talaga kayo, ah? Sa bar?"
"Zenwel pwede ba? Magkatrabaho kami doon kaya talagang magkikita kami."
"Tss! Anong pag-uusapan niyo?!"
"Paki mo ba? H'wag ka ngang umasta na parang tatay ko!"
"Bakit ba nagsisigawan na naman kayo?" Natigilan lang silang dalawa ng lumabas si Kia mula sa cr. Nakauniporme na ito pampasok.
Hindi sila sumagot at nagsukatan na lang ng matalim na tingin sa isa't isa. Sa huli ay siya na ang sumuko. Hindi niya alam kung bakit ganito kung umasta si Zenwel. Alam na ba nito na si Joe ang isa sa mga riding in tandem na nagnakaw sa bag ni Angelica no'n? Pero wala naman talaga itong alam dahil ang pinaniniwalaan nito ay siya ang nagnakaw ng bag.
Kumakain palang sila ni Zenwel nang magpaalam na si Kia na mauuna na ito. Pero maya-maya din ay natapos na siya at naghanda narin para umalis.
"Wait! Aaalis ka na?" Pigil sa kanya ni Zenwel. Tinaasan niya ito ng kilay. "Sasabay ako, hintayin mo ako, saglit lang 'to!" At dali daling pumasok ng cr.
Walang siyang nagawa kundi ang hintayin nga ito. Mabilis na natapos maligo si Zenwel. Nang makalabas sila ay napangiwi si Zenwel matapos makita ang bike ni Alexis.
"Magbabike ako, angkas na!" Tska ay minuwestra ang likuran kay Zenwel. May upuan doon na bakal para maangkasan.
"What?! Gusto mo akong umangkas d'yan? Paano kung malaglag ako?"
"Sa laki mong 'yan malalaglag ka pa? Oh, eh, kung ayaw mo diyan dito ka sa harap umangkas." At itinuro naman niya ang harapan. Dahil doon ay agad nag-init ang mga pisngi ni Zenwel. Na-iimagine kase nito ang ayos nila ni Alexis kapag naka-angkas ito sa harapan pero agad din itong umiling-iling nang makabalik sa sarili.
"N-No way!" Pasinghal na sigaw nito bigla.
"Edi maglakad ka," inis nang sabi niya sa kaartihan nito at akmang magpipidal na pero hinawakan ni Zenwel ang hood ng suot niyang sleeveless jacket.
"Fine! Aangkas na nga!" Nakakunot ang noo na singhal ni Zenwel sa kanya at pumwesto sa kanyang likuran. Pinili ni Zenwel na umangkas sa likod. Naupo ito roon na parang babae. Natatawa tuloy si Alexis sa itsura nito. Ang laki kasi nitong tao tapos pinagkasya nito ang sarili doon sa angkasan ng bike.
"Humawak ka," puna niya nang makaayos na ito ng upo.
"No way!"
"Geh, bahala ka." Pumidal si Alexis at halos malaglag si Zenwel, kaya bigla itong napayakap sa bewang niya nang mahigpit. Namura pa siya nito ng ilang beses pero tinawanan lang niya ito.
MAYA-MAYA'Y natahimik na sila. Tiningala ni Zenwel ang nakatalikod na si Alexis. Nakasumbrero ito gaya ng nakagawian pero kahit gano'n ay hinahangin ang maikli nitong buhok. Alam niyang walang kahit na anong pabango na ginagamit si Alexis pero bangong-bango siya rito kaya napapikit siya at palihim itong sininghot-singhot.
"Ano naman ngayon kung may gusto nga ako kay Alexis?Pakialam mo?!"
Bigla ay pumasok sa isip niya ang sinabing iyon ni Joe nang minsan ay magkasagutan silang dalawa, noong mga panahong hindi pa siya slave. Naiirita talaga siya kapag naaalala niya iyon.
Nawala siya sa pag-iisip at nasubsob sa likod ni Alexis nang bigla ay dumaan sila sa may humps.
"Bullshit!" Malutong na mura niya ng halos tumalon siya sa pagkakaupo.
"Humawak ka kasi ng maayos." Natatawang naman si Alexis. Doon lamang niya napansin na masyadong maliit ang bewang nito para sa isang lalaki. Lalaki ba talaga itong patpating mayabang na ito?
"Baba na, hoy!" Nawala siya sa pag-iisip. Hindi niya napansin na huminto na pala ang bike at nandito na sila.
Bumaba na nga siya at gaya ng kahapon ay tinuruan ni Alexis ang mga bata sa taekwondo. Nag-eenjoy talaga si Zenwel sa panonood kay Alexis at sa mga bata. Iyon nga lang masyado atang natrauma si Zenwel dahil halos magtatakbo siya kapag lumalapit ang mga bata sa kaniya. Tawa tuloy ng tawa sina Alexis at ang mga bata. Jinojoke lang naman kasi siya ng mga ito.
Pagkatapos ng klase ay agad silang dumiretso sa Wilford Academy. 'Di tulad kanina na banayad ang pagpipidal ni Alexis sa bike. This time ay binilisan nito ang pagpipidal. Mahuhuli na sila.
Halos magsuka si Zenwel pagkababa na pagkababa ng bike habang tawa parin naman ng tawa si Alexis sa kanya.
"Una na ako, pagkatapos ng klase mo. Umuwi ka na."
"Bakit?"
"Tutuloy na ako sa Coffe Shop. Alam mo naman na siguro ang pauwi ng bahay 'di ba?"
"Oo."
"Edi mabuti. Sige na." Paalam nito at nauna ng pumasok sa loob ng campus. Ipapark pa kase nito sa gilid ang bike.
***