Nine

3462 Words
Your Highness, You're My Slave Chapter Nine  PAGDATING sa poso n***o ay napakahaba ng pila at ng lingunin ni Alexis ang alaga niya? Ayun! Parang bakla na nag-iinarte sa ilalim ng sikat ng araw. Pinagtitinginan din ito. Biruin mo mag-iigib lang ng tubig, nakasapatos pa? At hello! Wala ba itong normal na damit? Bakit sobra namang porma nito, eh dito lang naman kami sa tabi para mag-igib? "Ano? 'Di ba uso sa mayayaman ang tsinelas? Ano drama mo?" Mahinang aniya kay Zenwel ng makalapit ito sa kanya. "Tsk! Saan na ba ang tubig?" Naiinip na anito at napakamot na sa iba't ibang bahagi ng katawan. Natatawa tuloy siya. Ang dungis kasi tignan ni Zenwel kumpara noon kapag nakikita niya ito na halos kuminang sa itsura pero infairness gwapo pa rin at hindi man lang iyon nabawasan. "Why they're all looking at me?" Na-aawkward na bulong sa kanya ni Zenwel. Sanay na itong palaging nakakakuha ng atensyon pero kakaiba kasi ang tinginan ng mga tao rito. "Kasi ngayon lang sila nakakita ng naglalakad na shokoy." "What?! Sinong shokoy?!" "Ikaw." At nagpatuloy na naman sa pagtatalo ang dalawa. Hanggang sa wakas! Sa hinaba-haba ng pila ay turn naman nila. "Oh, ano na? Isalo mo na rito 'yang container." Ani Alexis at ganoon nga ang ginawa ni Zenwel pero ang pinagtaka niya ay wala namang tubig na lumalabas. "Zenwel, ano pang sinisilip mo diyan? Hindi maghihimala ang poso. Kailangan mong kabigin 'to pataas at pababa." Ani Alexis at ginawa ang sinasabi at ganoon nalang ang pagkamangha ni Zenwel ng may lumabas na tubig. "Ang galing!" Ani pa nito pero agad na napaclear throat tinignan niya ito. Para bang ang babaw ng kaligayahan niya. "Ako na nga diyan." Pagbobolontaryo nalang nito at pumwesto sa pwesto niya kanina. Buong akala ni Zenwel ay madali lang iyon dahil ng ipakita ni Alexis ang ginawa ay sobrang easy lang tignan pero nagkamali pala ito. Ang bigat ng bakal na kailangang ibaba't taas! At kailangan na patuloy mo iyong gagawin upang hindi matigil ang paglabas ng tubig. "Ano, kamahalan? Ganyan nalang tayo? Ang dami pang gustong mag-igib. Ang tagal nating makapuno." Sita niya ng magpahinga si Zenwel. "Eh kung ikaw kaya rito ah?! Kung makautos ka parang ang simple lang nito ah!" "Simple naman talaga! Ikaw lang 'tong--hayy!! Alis na nga diyan." Tinulak niya na si Zenwel at wala naman itong nagawa. "See? Ang dali lang 'di ba?" "H-Hindi pa kasi ako nag-aamusal kaya mahina ako. 'Yung isa kasi diyan swapang! Kinain 'yung pagkain na para sa iba." "Nyenye, wala akong naririnig." Naasar si Zenwel sa naging turan niya dito. "Buhatin mo na nga lang 'yan ng makaligo ka na. Bukod sa mabaho ka, mabaho pa ang mga lumalabas diyan sa bibig mo!" Saad niya at nauna ng maglakad dala ang dalawang galoons. Napabuga naman ng hininga si Zenwel sa tapat ng palad nito. "Hindi naman mabaho, ah." Napaling nalang ito at tinignan ang dalawang containers na puno ng tubig. Hinawakan nito ang hawakan at nag-ipon ng lakas bago akmang binuhat; pero nang iangat ng kaunti ay bumagsak ulit. "Urg! Why so heavy?!" Inis niyang bulong sa hangin at napatingin sa ibang tao na easy lang kung buhatin ang dalawang container sa magkabilang kamay. Pinilit ni Zenwel na buhatin ulit ang containers pero kada naibabagsak nito ang mga iyon ay natatapon ang iba nitong laman. Wala kase iyong mga takip. Kung magpapatuloy ang ganito, pagdating sa bahay nila Alexis ay baka wala na itong laman. "Sinasabi ko na nga ba," napaangat ng tingin si Zenwel sa nagsalita. "Ang weak mo talaga. Bakla kasi eh!" Si Alexis. "Aba't sinong bakla? Ikaw kaya 'tong bakla!" "Bakla? May bakla bang kayang gawin 'to?" Aniya at pinakitaan niya si Zenwel. Walang kahirap-hirap na binuhat nito ang dalawang container at ito na mismo ang nagbuhat ng mga ito papunta sa bahay. "OH hayan! maligo ka na! Inyong kamahalan!" Sarkastik na saad niya sa binata. Halatang pikon na ito pero mas pinili nitong hindi siya pansinin. "Bilisan mo diyan, kamahalan! May ipapagawa pa ako sa 'yo." Narinig ni Zenwel ang sigaw niya mula sa loob na ng banyo; kinasimangot naman ito ng binata. Ang sikip kase talaga ng cr at hindi ito sanay. MATAPOS maligo ay napagdesisyunan ni Zenwel na suotin iyong isa niyang damit kaya nang lumabas siya ay nakangiwing nakatingin sa kaniya si Alexis. "What?" Asar niyang tanong dito. "Bakit ganyan ka? Para kang palaging aalis. May lakad ka ba? Wala ka bang pambahay man lang?" "Pambahay? What? Baka ang ibig mong sabihin ay pangmahirap na damit?" "Ang yabang talaga." Bulong nito. "Halika nga't magpalit ka!" Sambit nito at nagkalkal ng damit sa aparador. Halos puro's panlalaki ang mga damit ni Alexis. Iyong iba ay galing sa mga kaibigan nitong mga lalaki. Mahilig din naman kase ito sa mga panglalaking damit dahil para dito ay komportableng suotin at maluwang. "Heto, suotin mo." Inabutan siya ni Alex ng puting sando at isang jersey black short. Maarteng niyang inabot iyon at tinignan. "H'wag kang maarte kalalaba ko lang niyan." Muli, paglabas ni Zenwel ay suot na nito ang sando. 'Yung sando na maluwag kay Alex ay saktong-sakto lang sa kanya. Kapit na kapit ito sa katawan niya at halos kumurba ang mga abs niya. Kitang kita din ni Alexis ang biceps and triceps niya plus, ang tattoo na nasa kaliwang braso. Hindi na pala namamalayan ni Alexis na nakatulala na pala ito sa kanya. "Stop drooling at me! You look gross. Hindi tayo talo!" At inismiran ito. "A-SA! Nagulat lang ako kasi pwede ka naman pala magmukhang tao. Maganda 'yang ganyan para hindi ka mukhang baliw palagi." "Pasalamat ka at gutom ako't wala akong gana na patulan ka!" "Oo nalang. Halika rito. Tulungan mo akong maglaba." "Maglaba? Ako tutulungan kang maglaba?" Tumayo si Alexis at pinameywangan siya. "Bakit? Gusto mo ba ikaw na ang gumawa?" Nagdilim ang mukha ni Zenwel sa sinabi nito at napatiim bagang nalang. Oo nga pala, wala siyang ibang choice kundi ang sumunod sa kaniyang master. "Kunin mo na roon 'yung pinaghubaran mo ng maisabay na sa paglalaba." Dagdag pa nito at muling hinarap ang labahin. Ginawa naman niya agad ang utos nito ng padabog. Naupo na rin sa harap ng planggana si Zenwel kaharap si Alexis at naghintay sa sasabihin nito na dapat niyang gawin. "Oh heto, pinaghiwalay ko na ang dekolor sa puti." Panimula ni Alexis at itinuro ang mga puti na nakababad sa kabila at 'yung dekolor na nasa harap nila na planggana. "Sabunin at kusutin mo ito bago mo pigain at ilagay doon sa container, maliwanag?" Dagdag nito at saka tumayo. "Oh? Akala ko ba tutulong lang ako? Saan ka pupunta?" Pagtatanong ni Zenwel sa kaniya. "Nagbago na pala ang isip ko. Ikaw lang ang gagawa niyan at ako? Magpapahinga." Nakangising nang sabi nito at saka siya tinalikuran. Dahil sa inis ni Zenwel ay nadampot niya ang brush at binato kay Alexis na sakto namang tumama sa ulo nito. Malutong na napamura ang babae. Sinalubong niya ito nang matalim na tingin ngunit hindi nagpatalo si Alexis at dinampot ang tabo at siya namang binato nito sa kanya na saktong tumama rin sa ulo niya. Humalakhak naman ng malakas si Alexis sa ginawa nito sa kanya. "Bakit mo ginawa 'yun? Paano kapag nagkabukol ako?" Singhal niya rito. "Edi maganda. Lalabas na ang isa mong sungay. Gusto mo palabasin ko pa ang isa?" Asar nito sa kanya at saka siya muling tinalikuran at nagtuloy sa loob. Badtrip na napahampas sa tubig si Zenwel pero siya rin ang naperwisyo nito dahil natalsikan siya ng bula sa buong mukha. Mas lalo tuloy siyang nabadtrip. SINCE wala namang magagawa si Zenwel ay naglaba na nga siya. Gaya ng ibang mayayaman na hindi alam ang mga ganitong bagay ang naging ganap niya. Hindi niya alam kung paano magkusot at magbrush ng damit at kung paano ito pipigain. Kaya naman naghanap siya ng damit na maliit lang na siyang magpapadali ng trabaho niya. Nakapa niya sa ilalim ang isang.. "The fvck! Panty?" Nandidiring aniya. Maarteng itinaas niya ito para tignan. Cheap na panty iyon na ang design ay isang cartoon character na si Stitch. Inisip niya na kay Alexis iyon dahil masyadong malaki kung kay Kia iyon. Lalo niyang nakumpirma na kay Alexis 'nga iyon nang wala naman siyang makita kahit isang brief sa labahin. Malakas siyang humalakhak ng tawa. "He wears panty?!" Aniya pa habang tawa ng tawa. Naghanap pa siya ng bra dahil iniisip niyang nagsusuot din ng gano'n si Alexis pero wala siyang nakita kundi baby bra at sando bra na supporter. Pero kahit ganoon ay natatawa pa rin siya. "Hoy!" Nahinto siya sa pagtawa ng dungawin siya ni Alexis sa bintana. "Nabaliw ka na ng tuluyan?" Ani pa nito pero napangisi lang siya. 'Yung ngisi na kaiinisan ni Alexis. Pinasadahan ni Alexis ang pinaggagagawa ni Zenwel at tulad ng inaasahan nito ay halos wala mang lang itong nagawang tama kaya napabuga ito ng malalim na hininga. "Pumasok ka na nga rito sa loob!" Umalis ito sa pagdungaw sa bintana at nilapitan ang binata. Tumayo naman si Zenwel at sumandal sa hamba ng pinto. "Paano ang mga panties mo?" May pang-aasar sa tono ni Zenwel at agad na nanlaki ang mga mata ni Alexis. Biglang nag-init ang magkabilang pisngi nito nang mag-sink in sa utak nito ang sinabi niya. "I like your undies! It so cute! Lalo na iyong may print ni Snitch!" Nakangising turan niya dito at humalukipkip. "Bastos kang hayup ka!" Angil ni Alexis sa kanya. "Bakit nagagalit ka? Dahil ba nakita ko ang mga undies mo? Naks! Akalain mong nagpapanty ka pala?" "Ano bang masama sa pagsusuot ng panty? Paki mo ba? Eh, sa doon ako komportable, eh!" "Hmp! Kung sabagay, kung tititigan ka mukha ka namang babae! Tomboy nga lang.. amazonang tomboy!" Saad ni Zenwel at sinundan ng malakas na pagtawa. "Nye nye nye nye nye.. Amazonang Tomboy, hoy!" Parang bata na inaasar si Alexis. "Pag 'di ka pa tumigil diyan ako ang kakain ng mga ito!" Napatigil sa pang-aasar si Zenwel at nagningning ang mga mata nang makitang may nakahain na pagkain sa lamesa. "Akin 'to?" Aniya at agad na naupo sa harap ng mesa. "Hindi, sa 'kin talaga 'yan!" "Kumain ka na, eh! Napakasiba mo talagang, amazonang tomboy ka! Ang panget panget mo!" Anito at nagpout pa. Napakaisip bata talaga. "Isa pang pagsasalita mo, ako na talaga ang kakain nito." May diin sa pagsasalita ni Alex kaya agad na tumigil si Zenwel. "Joke lang! 'Di ka naman mabiro. Gets ko naman! Marami rin naman akong nakilala na mga lalaki na nagsusuot ng panty, eh. Sabi nila komportable daw kasi, try ko nga minsan, haha," tska sinunggaban ang pagkain. Pero natigilan siya nang makita kung anong klase ng pagkain iyon. "What the ef is this food?! Ewww!" Agad siyang nandiri lalo na ng maamoy ito. "Alamang 'yan! H'wag ka ngang maarte! Masarap 'yan 'no!" Ani Alexis. Niluto nito iyon at sinahugan ng laman ng baboy imbis na taba lang sana. "Oh, heto ang tikman mo." Inilagay ni Alexis ang isang hiwa ng baboy sa plato ni Zenwel. "No! My gosh! That's gross!" "Masarap 'yan, ano ka ba!" "No! I don't want to ea—" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng pinasakan ni Alexis ang bibig niya ng kutsarang may lamang kanin at kapiraso ng baboy. "H'wag mong idudura 'yan babangasan kita!" Pagbabanta nito sa kanya. Akmang maduduwal na siya pero pinanlisikan siya ng mga mata ni Alexis. "Ngayon, nguya!" Walang ibang nagawa si Zenwel kundi ang sumunod. Masama ang timpla ng mukha niya at mangiyak-ngiyak pa habang nginunguya ang pagkain pero kinatagalan nang malasahan niya na ang pagkain ay agad na umaliwalas ang mukha niya. "It's.. It's delicious!" Komento niya at muling sumubo. Ang bilis niyang kumain na para bang aagawan siya. Para siyang patay gutom na ngayon lang nakakakain. INIWAN ni Alexis si Zenwel at hinarap ang labahan. Siya na mismo ang nagpatuloy dito at isang bagsakang tinapos niya iyon. Konti lang naman kasi iyon. Kapatid niya nalang ang magsasampay at magbabanlaw ng puti. Mabuti nalang talaga at hindi siya pinaghihinalaan ni Zenwel na babae talaga siya. Paano pag nagsumbong ito? Mawawalan siya ng trabaho. Sayang iyon! Malaki pa naman ang kinikita niya bilang janitor sa Wilford. "Amazonang tomboy, naubos ko 'yung—" "Magbihis ka na. 'Di ba papasok ka pa?" Nagulat si Zenwel sa sinabi niya. "Maaga pa." Nasagot naman nito nang sumulyap sa relo. "Kung ganoon maiiwan ka rito? Aalis na ako para pumunta sa trabaho ko." Napapikit ng ilang beses si Zenwel. Namamangha na naman ito sa kanya. Pagod pa siya sa paglalaba tapos papasok na kaagad sa trabaho? "Sa Wilford?" "Hindi, doon sa taekwondo class ko." Napatango naman si Zenwel at muling pumasok sa loob para magbihis ng uniporme. PAGLABAS ni Zenwel ay feeling niya ang yaman-yaman niya na naman dahil sa suot niya ulit ang uniporme ng Wilford but this time, isang tipikal na uniporme lang ang suot niya; iyong usual na uniporme na suot ng mga normal na estudyante ng Wilford. Ang suot niya kasi dati ay iyong pang upper class na uniform tulad kina Nieder at Kyle. Paglabas niya ay naabutan niya si Alexis na handa ng umalis. Napatingin pa ito sa kaniya paglabas ng cr. Napayuko siya dahil baka ipamukha sa kaniya nito kung ano na ang sitwasyon niya ngayon. Pero laking gulat niya ng wala man lang itong sinabi imbis ay nagtanong. "Maaga kang papasok?" "H-Hindi.." Natahimik siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ayaw niyang pumunta agad sa Wilford dahil alam niyang kukutsain siya roon ng mga estudyanteng alam niyang mas nakakataas na ngayon sa kaniya. Hindi naman siya magpapaapi pero dinadalaw talaga siya ng takot. Feeling niya, heto na karma niya. Parating na. "Kung ganoon, sumama ka nalang muna sa 'kin. Para sabay na tayo pumuntang Wilford." Hindi niya nakita ang mukha ni Alexis ng sinabi iyon dahil bigla nalang itong tumalikod para mauna ng lumabas. Natuwa siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Feeling niya, safe siya kapag si Alexis ang kasama niya. PAGDATING nila sa maliit na private school para sa Taekwondo class ni Alexis ay bumungad sa kanila ang mga batang tinuturuan nito. He hate kids. Maiingay kase at makukulit. "Master! Master!" Paulit-ulit na naririnig niya na tawag kay Alexis. Nagsisiunahan ang mga bata at masayang-masaya na niyakap si Alexis. "Kamusta na kayo, ah?" Malapad ang ngiti ni Alexis na tanong nito sa mga bata. Nasa hamba lang ng pintuan si Zenwel, hindi na siya nagtangkang pumasok pa sa loob. "Assemble na. Mag-sstart na tayo." Agad na nagsipila ang mga bata ng maayos at nagsimula na nga si Alexis. Tinuro na agad nito ang mga moves na dapat matutunan sa araw na ito. Nasa pito ang estudyante ni Alexis at hands-on ito sa pagtuturo sa mga bata. Buong pagtuturo ni Alexis ay nakatingin lang si Zenwel. Sa pagpapalit ng mga facial expresson nito, ang pagiging seryoso nito, ang pagngiti nito sa mga bata para hikayatin na kaya nilang gawin ang moves at ang pagiging kwela nito para makipagharutan sa mga bata; sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam na napapangiti na pala siya. Nagulat nalang siya ng bigla ay ituro siya ng isang bata, kaya nabaling ang tingin niya rito pati si Alexis. Hindi niya inaasahang magtama ang mga mata nila dahil doon. Nagclear throat naman siya at tumayo ng tuwid. "Sino ba ang panget na 'yun?" "Boyfriend mo ba siya, master?" "Ayoko sa kaniya! Mukha siyang monster!" Aba't! Loko 'tong mga batang ito, ah. Isip-isip niya. Nagsign si Alexis na lumapit siya kaya iyon ang ginawa niya. Naglayuan ang mga bata dahil sa kaniya kaya sinamaan niya lalo ng tingin ang mga 'to. Nakakabadtrip kase. "The monster you're calling is Zenwel. Alipin ko siya. H'wag kayo matakot, 'di siya nangangagat." Siniko niya si Alexis dahil doon pero sinamaan lang siya nito ng tingin. "Bumati ka sa kaniya Zenwel," bulong nito sa kanya pero nagmatigas siya. Hindi niya kaya ang maging friendly. Ayaw niyang makipagplastikan. "I don't like him! He looks like, Chucky! The killer doll I've watched before!" Saad ng isang cute na batang babae habang nangingilid na ang luha nito dahil sa takot sa kanya. "Ganoon ba? Long lost brother kasi siya ni Chucky, eh." Nilapitan ni Alexis ang batang babae at sinuyo ito. " H'wag ka ng matakot, baby. 'Di naman 'yan na ngangagat, eh." "Hey, who's Chucky?" Bulong niya rito pero hindi siya sinagot ni Alexis. "Since wala tayong punching bag, siya ngayon ang magiging punching bag niyo. Ayos ba 'yun?" "YEY!" Tuwang-tuwang nagtatalon ang mga bata. "What? No way!" Pagtanggi niya kaya agad na nawala ang saya sa mga mukha ng mga bata. Nakita ni Alex ang paglambot ng kanyang ekspresyon kaya palihim itong napangiti sa kanya. "Pasensya na mga bata ah, ayaw pala ni kuya na maging punching bag eh." Kunwari pa ay nalulungkot na ani Alexis kaya napapadyak naman sa inis si Zenwel at napilitang pumayag. "Fine, fine! Here's goes nothing!" "YEHEY!!" Muling nagtatalon sa tuwa ang mga bata and this time niyakap ng mga ito lahat si Zenwel. Nainis siya sa umpisa dahil halos matumba na siya sa pagkakadumog ng mga ito pero natatawa na rin siya sa huli. Pero nawala ang ngiti't tawa niya noon ng nakatali na siya upang maging punching bag. "Alexis! You did this on purpose! Isinama mo ako rito para talaga maging punching bag!" Akusa niya sa dalaga pero nginisihan lang siya nito. Para tuloy isang demonyo si Alexis sa imahinasyon niya at nakikita niya ang mga sungay nito. Napangiti siya ng pang-asar kay Alexis nang makitang isang nerdy little boy ang susuntok sa kaniya. Para pa itong bakla kung kumilos, ang lambot-lambot. Akala ba ng Alexis na iyon na masasaktan siya sa pagiging punching bag? Eh, kita mo naman ang susuntok sa kaniya, ang lamya! Para lang siyang kakalabitin ng isang bata nito. Nginisian lang din siya pabalik ni Alexis at sumenyas sa batang si Benji na umpisahan na. Isa 'to sa mahiyaing estudyante na meron si Alexis. "Ump!" Ungol nito ng sumuntok. "Lakasan mo ba, Benji. Para ka namang nangingiliti niyan, eh." Natatawang ani Zenwel dito. "Sigurado ka ba talaga kuya?" Ang cute cute nito habang nagtatanong. Parang takot na takot itong makapanakit. "Yes, give me your best shot!" "Yah!" Sumuntok nga ng malakas si Benji at halos maduwal si Zenwel sa naging suntok nito sa sikmura siya. Akala niya, iyon na 'yun pero bigla pa itong humakbang paabante at pumorma na susuntok ulit. Nanlaki ang mga mata niya at umiling-iling dahil ayaw niya na, pero huli na ang lahat. "YAAAHHH!!" Buong pwersang sumuntok ulit ang bata sa mukha niya kaya nawalan na siya ng malay. *** NAGISING si Zenwel ng buhusan siya ng malamig na tubig ni Alexis. Agad siyang napabangon at napatingin sa paligid. "W-Where is Shipu's son?" Takot na takot na aniya at nagtago agad sa likod ni Alexis. "Huh? Sinong Shipu? Naalog ba ang utak mo at mas lalo kang nabaliw?" "'Y-Yung si Benji ang tinutukoy ko. Lalambot lambot tas' ang lakas palang sumuntok." Napahalakhak si Alexis. "Hamunin mo ba naman 'yung pinakamagaling kong estudyante, eh. Napala mo ngayon?" Naglahad ng kamay si Alexis kay Zenwel na siya namang tinanggap ng huli para matulungan siyang tumayo. "Tara na, para hindi ka mahuli sa klase." Nauna na itong lumabas. Tapos na siguro ang klase; wala na kasi ang mga bata. Sasakay sila ng tricyle para makapunta sa Wilford. "Are you serious?! D'yan tayo sasakay?" Paghaharumentado niya nang makita ang sasakyan nila. "Oo, pasalamat ka nga at tricycle ang napili kong sakyan natin. Dati nagjijeep lang ako o kapag talagang kapos.. naglalakad lang." Saad naman ni Alexis sa kaniya na nauna na sa loob kaya wala siyang nagawa kundi ang sumakay na. "Seryoso ka na naglalakad ka lang?" Mayamaya ay tanong niya dito. "Oo nga." "Eh bakit sasakay tayo ngayon? Nakakaluwag ka?" "Hindi. Alam ko kasing mag-iinarte ka kapag naglakad tayo. Ang tirik pa naman ng araw." Balewalang sabi ni Alexis pero nagdala ng kakaibang feelings iyon kay Zenwel. Bakit? Bakit ganito nalang siya kung tratuhin ni Alexis? Una ay iniligtas siya nito sa mga masasamang loob at dinala sa kanilang bahay. Oo nga't sinigaw-sigawan siya nito pero iyon ay dahil sa mga kaartehan niya. Pero bakit gano'n? Bakit siya pa rin ang inaalala nito at bakit ang bait nito sa kaniya? Tinitigan niya ito nang palihim. Mahahaba ang pilikmata nito, pointed ang ilong at merong maninipis na labi. Kahit bilad sa araw ay mamula-mula ang kutis nito. Mukha talaga itong babae sa malapitan. Pero hindi eh.. Lalo na kapag kumilos na't magsalita. Lalaking lalaki. "Nakatingin ka? May dumi ba ako sa mukha?" Napaiwas siya kaagad ng tingin dahil sa pagsasalita nito. "Hindi kaya kita tinitingnan." Pagtatanggi ni Zenwel at hindi nalang nagsalita si Alexis. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD