Your Highness, You're My Slave
Chapter Eight
"OH? Akala ko ay aalis ka na matapos kumain? Ba't nandito ka pa?" Pagtatanong ni Alexis nang mabungaran niya si Zenwel na nakaupo pa rin sa upuan. Malinis na ang lamesa at naghuhugas na ng mga pinagkainan si Kia.
"Eh, gabi na po kase! Dito na natin patulugin si Kuya Zenwel." Singit ni Kia.
Hindi na lang nagsalita si Alexis. Kung sabagay ay mas makakabuti ito dahil kung may mangyayaring masama ditto sa labas ay siya ang mananagot dahil nasa kaniya ang responsibilidad na pangalagan ang taong ito.
Tumuloy siya sa kabinet at inilabas ang banig, kumot at unan. Agad siyang naglatag.
"Hey, what are you doing?" Nagtatakang tanong ni Zenwel sa kanya. May hinuha na ito sa ginagawa niya pero hindi lang talaga nito matanggap.
"Naglalatag, tanga!" simpleng sagot niya at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Don't tell me, dyan ka matutulog?"
"Dito 'tayo' matutulog." Siya naman itong nagdiin sa salitang 'tayo'.
"WHAT?! Seriously?! Wala ba kayong kwarto? O kama man lang?"
"H'wag ka ngang maarte! Isa pang pag-iinarte mo matutulog ka sa mahabang upuan sa labas!" Asar na saway niya na rito.
"Maluwag pa naman kuya, kasya tayong tatlo rito." Ani Kia na katatapos lang maghugas. "Tulungan na kita," at tumulong nga sa paglatag ng matutulugan si Kia.
Matapos maglatag ay nahiga na si Alexis. Nakapwesto siya malapit sa pader at nandoon naman sa tabi niya si Kia.
"Dito ka na matulog, kuya." Naglagay ng isa pang unan si Kia sa tabi nito na kinuha mula kay Alexis.
"Ano ba?! Tandayan ko 'yan, eh." Reklamo niya kaagad. Hindi siya sanay na walang tandayan kapag natutulog.
"Pero walang unan si Kuya Zenwel. Kawawa naman siya." Nakapout ng saad ni Kia. "Ano kuya? Mauupo ka na lang ba dyan? Akala ko ba inaantok ka na?" Napipilitang lumapit si Zenwel at naupo na sa banig. "Higa ka na kuya, tabi tayo," ani Kia na syang kinapantig ng tenga ni Alex. Akmang hihiga na sana si Kia nang gumulong si Alexis papunta sa higaan nito. "Waah! Dyan ako, eh!" Pagpoprotesta ni Kia.
"Doon ka sa gilid!" Pinanditaan niya ng mata ang kapatid. "Kilala ko ang galaw ng bituka ng isang ito, eh. Baka kung ano pang gawin nito sa 'yo."
"Hmp! Baka naman ako itong gawan mo ng kung ano." Ani Zenwel at naglaban na naman ng masamang tingin ang dalawa.
"Tama na nga! Matulog nalang tayo." Asar na si Kia at patalikod na nahiga. Lihim itong napapangiti. Naaayon sa plano nito ang lahat. Kahit madalas magsigawan ang dalawa at magpalitan ng matatalim na tingin alam nitong may chemistry ang dalawa.
Noong una ay hindi pa nahiga si Zenwel. Nakaupo lang ito. "Patayin mo ang ilaw kung handa ka ng matulog," Ani Alexis dito at saka pumikit para matulog na. Maaga pa siya bukas.
TULOG na ang dalawang magkapatid habang si Zenwel ay yakap ang dalawang tuhod at hindi mapakali dahil panay ang kagat sa kanya ng mga lamok. "s**t! What kind of place is this?!" mahinang mura niya pa. "I can't believe this." Nandidiri pang saad nito. Sana pala ay umalis nalang siya tutal parang wala rin naman pinagkaiba ang kalsada sa bahay na kinalalagyan niya ngayon.
"Ano ba!" Nagulat siya ng bigla nalang bumangon si Alexis. "Hindi ka pa ba matutulog?" Kita niya ang pagkairita sa mukha nito.
"Inaano ba kita? Matulog ka na kung gusto mo!"
"Paano ako makakatulog kung bukas ang ilaw? Ang likot mo pa. Puro ka hampas diyan! Ang ingay mo!"
"Eh, ang daming lamok, eh. Kita mo? Puro na pula 'yung skin ko." Pinakita pa nito ang balat na may mga pulang pantal. Napakamot naman ng ulo si Alexis. Tumayo ito at lumabas ng bahay. Pero ilang saglit ay bumalik ito na may dala na.
"What is that thing?" Pagtatanong ni Zenwel. Sinilip pa nito ang ginagawa niya. Nagsindi siya ng isang bilog na bagay.
"Katol 'to, taong bundok," turan naman sa kanya nito at inilibot ang usok sa buong bahay saka inilagay sa paanan nila pagkatapos.
"Hayan, wala ng lamok. Matulog ka na please... maaga pa ako bukas." At nahiga ng muli si Alexis.
"Alex kasi... It's so f*****g hot. Wala ba talaga kayong aircon o kahit electricfan man lang?" Napasabunot si Alexis sa sariling buhok. Napu-frustrate na talaga ito!
"Bahala ka! Papatayin ko na ang ilaw. Magpatulog ka kung ayaw mong matulog." Pinatay na nga nito ang ilaw bago pa man makapagprotesta si Zenwel. Agad na nilamon ng kadiliman ang buong bahay.
"s**t! Its so dark! I can't see anything!" Naramdaman nito ang nanginginig niyag boses pero hindi na lang siya nito pinansin.
"Matutulog na ako. Madalas kasi na may dumadalaw na multo rito at kinukuha ang mga taong gising pa sa dis-oras ng gabi." Pagpaparinig nito at natawa sa naging reaksyon ni Zenwel.
"For real?! Why you didn't tell me?!" Natatarantang naman siyang tumabi agad dito.
Sa wakas at makakatulog na rin si Alex dahil madilim na pero mukhang malabo. Naririnig kase nito ang uneasy na paghinga ni Zenwel at ang likot-likot pa nito.
"Ano ba?!" Napabangong muli si Alex. "Ang likot mo naman, eh!" Saway na nito sa kanya pero ng balingan siya nito ay nakapikit na pala ang mga mata niya. Tulog pero hindi mapakali dahil kamot ito ng kamot at halos maligo na sa sariling pawis.
Napabuga ng malalim na hininga si Alexis. Tumayo ito at kumuha ng kapirasong karton na pwedeng ipamaypay. Bumalik sa higaan at pinaypayan ang 'inyong kamahalan'. Maya-maya lang ay naging kalmado na siya. Nahiga na rin si Alex habang pinapaypayan pa rin siya at minsa'y pinapaypayan rin ang kapatid na si Kia.
Payapa na ang mukha at mahimbing na ang tulog ni Zenwel. Doon lang nito muling natitigan ang lalaki. Ang gwapo niya nga naman talaga at mukhang anghel kapag hindi nagsasalita. Sana lang talaga ay palagi nalang siyang tulog. Baka magkasundo pa talaga sila.
***
MAAGANG nagising si Kia at agad na nagningning ang mata niya sa tagpo na namulatan. Nakatanday lang naman ang hita't paa ng kanyang ate sa legs ni Zenwel habang ang isang kamay nito ay nakayakap sa bandang dibdib nito. Nakayakap din pabalik ang kamay ni Zenwel sa kanyang ate.
Sweet. 'Yun ang masasabi niya. Maya-maya lang ay nagising na rin si Alexis. Nagulat pa ito sa naging ayos nila ni Zenwel. Agad itong napalayo sa binata. Mabuti na lamang hindi ito nagising.
"Hihihihi~" natatawang kinikilig naman si Kia kaya sinamaan siya ng tingin ng ate niya.
"Tumigil ka nga diyan!" Utos ni Alexis sa kanya at agad syang sumunod.
Agad na pumasok si Alexis sa cr upang maghanda sa trabaho at siya naman ay naghanda ng kanilang agahan. Nagsangag lang siya ng kanin na natira kagabi at nagluto ng tuyo at scrambled eggs na nilagyan ng kamatis at sibuyas. Habang ang 'inyong kamahalan' ay mahimbing pang natutulog.
Nang paglabas ni Alex ay naabutan parin nitong tulog si Zenwel, kaya inis nitong sinipa ang binata ng pa-ulit ulit para magising.
"Ate! Anong ginagawa mo? Natutulog 'yung tao, eh!" Pigil agad ni Kia.
"Anong oras na? Tanghali na, oh!" Sagot nito sa kanya.
"Pero alas singko palang. Hayaan mo muna si Kuya Zenwel. Anong oras na 'yan nakatulog, eh."
"At paano mo nalaman aber?"
"Kasi kung hindi mo naman siya pinaypayan hindi siya makakatulog 'di ba?" Pang-asar niya na siyang kinapula ng mukha ni Alexis. "Ayeee! Si ate, nagbablush!" Dagdag pang asar niya.
"T-Tumigil ka nga! Itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong kurutin kita sa singit."
"Si ate naman, joke lang eh."
Pumwesto na ang dalawa sa hapagkainan para mag-almusal. Tinirhan nalang nila si Zenwel ng makakain ng sa gayun ay may aalmusalin ito.
"Kia, heto ang baon mo." Binigyan siya ng ate niya ng bente pesos.
"H'wag na ate, may pera pa naman ako rito. Maglalakad nalang ako since maaga pa naman."
"Okay, bahala ka. Basta pagkatapos ng klase umuwi ka kaagad, maliwanag?"
"Aye, sir!" Nakasaludo na sagot niya. "Pero ate, ano naman ang gagawin natin sa isang 'yun?" Pagtukoy niya kay Zenwel na ngayon ay tulog na tulog pa rin.
"Mag-iwan ka ng note para sa kanya. Siguro naman pagdating natin mamaya ay wala na 'yan d'yan 'di ba?"
"Aalis na talaga siya ate? Pero 'di ba ay wala na siyang mapupuntahan kasi tinanggal ng ate niya ang lahat sa kanya?" Sagot ni Kia. Sinabihan na kase siya ng ate niya kung anong nangyari at bakit nito dinala ang binata.
"Hayaan mo siya. Hindi naman natin siya pinapalayas kaya hindi natin siya kargo de konsensya." Matigas na ani parin ni Alexis pero deep inside, nag-aalala rin naman ito kahit papaano.
Umalis na nga si Alexis para mag-arkila ng bike sa kapitbahay para may magamit sa paghahatid ng dyaryo at gatas sa subdivision. Habang nag-iwan nga ng note si Kia para sa natutulog na si Zenwel bago siya umalis papuntang school.
***
"AH! Ouch!" Daing ni Zenwel nang magtangka siyang bumangon. Sobrang sakit ng likod niya dahil ito ang unang beses na natulog siya sa lapag na tanging banig lang ang hinigaan. Walang malambot na kama at walang mabangong kobre.
Inilibot niya ang tingin sa buong bahay. Wala na ang magkapatid pero napansin niya ang nakatakip sa mesa at nang buksan niya 'yun ay isang normal na agahan ang nakita niya. Akala niya ay kung ano na namang klase ng pagkain ang gugulat sa kanya. Mabuti't may normal na kinakain din pala ang mga mahihirap.
Hindi na muna siya kumain dahil mas inuna niya ang pagligo. Tinungo niya ang nag-iisang pinto sa loob at hindi na siya nagulat sa nakita.
Halos maliit na space lang ang naroon; walang bathtub o shower man lang at ang mas nakakainis... walang tubig! Paano siya ngayon makakaligo?
Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito. "Oh, gising ka na pala." Sarkastikong turan ni Alexis. Tapos na itong maghatid ng dyaryo at gatas at dahil maaga itong natapos sa paghahatid ay may ilang oras pa ito bago magsimula sa pagtuturo ng taekwondo sa mga bata.
Nagtuloy-tuloy si Alexis na pumasok sa loob at binuksan ang kabinet upang kunin ang pamalit nitong mga damit. Inilabas din nito ang mga labahin. Plano nitong gawin muna ang mga gawaing bahay dahil maaga pa naman.
"Anong tinatayo-tayo mo d'yan? Hayun ang pagkain kung nagugutom ka na, Ka.Ma.Ha.Lan!"
Naiinis na si Zenwel sa pagtawag nito sa kanya ng 'Kamahalan', nandoon kasi ang pagka-sarcastic sa tono nito.
"Walang tubig, gusto kong maligo." Aniya at tinaasan lang siya ng kilay ni Alexis.
Pinaywangan siya nito.
"Baka nakakalimutan mo na baliktad na ang mundo natin ngayon! Ikaw na ang alipin at ako ang iyong master. Sa tingin mo dapat ba kitang pagsilbihan?"
Nainguya ni Zenwel ang ibabang labi sa kawalan ng masabi.
"S-Saan ako makakakuha ng tubig pampaligo?"
"Tamang tama, mag-iigib ako ng tubig panglaba. Sumunod ka sa 'kin at bitbitin mo 'to." Inabot sa kanya ni Alex ang dalawang empty containers. "Tig dalawa tayo." Ani pa nito at itinaas ang hawak nitong galoon.
"Are you kidding me? Galoon lang 'yang hawak mo samantalang ako... container? Nababaliw ka na ba?"
"Pasalamat ka nga at may bubuhatin pa ako. Kung masama akong Master pinabuhat ko na ito lahat sa 'yo habang nakaangkas pa ako sa likod mo!" Pangangatwiran nito na syang kinainis niya lalo. Gustong-gusto niya ng ipamalon kay Alexis ang mga containers na hawak niya.
"Nga pala, bago tayo mag-igib. Ligpitin mo muna 'tong higaan."
"At bakit ko naman gagawin 'yun?"
"Kasi po, kamahalan, ikaw po 'tong late nagising kaya ikaw ang responsable sa pagliligpit niyan." Sarkastikong pagpapaliwanag ni Alexis sa kanya at malapad na ngumiti.
Padabog na nilapag naman muna ni Zenwel ang mga containers.
"s**t! Bakit ba ganito 'to?!" Asar na aniya dahil hindi niya matupi ng maayos ang banig at ang mga kumot.
"Ang tanga naman! Simpleng bagay hindi magawa." Pagpaparinig ni Alexis kaya matalim ang tingin na nilingon niya ito pero nagulat na lang siya ng kinakain na ni Alexis ang agahan niya.
"Teka, hoy! That's my breakfast!" Naghuhuramentadong nilapitan niya ito.
"Ooops! Sorry, hindi ko sinasadya." Ani Alexis sa kanya pakunware. Pigil ang galit na napapadyak sa inis si Zenwel at tinuloy nalang ang kanyang ginagawa.
"Ilagay mo 'yan doon sa loob ng kabinet para hindi nakakalat." Utos ni Alexis at padabog na namang sinunod niya ito.
Ikinatutuwa talaga ni Alexis ang mga nangyayari. Akalain mong napapasunod na nito ngayon si Zenwel? This completes her day!
"So, tara na mag-igib." Ani Alexis at nauna ng lumabas. Napipilitang sumunod naman si Zenwel dala ang dalawang containers.
***