Marahan na mga tapik sa mukha ang nagpamulat kay Aki, marahan niyang iminulat ang mga mata at tumambad sa kanyang harapan ang mukha ni Zed. Awtomatiko siyang napangiti. "We're here," bulong ni Zed, umayos siya ng upo at tumanaw sa labas mula sa bintana ng kotse. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga talaga siya sa ganda ng kanyang nakikita ngayon. Dali dali siyang bumaba sa kotse at nawala sa isip niya na katabi lamang ang binata na may simpleng ngiti sa mga labi habang minamasdan ang masaya niyang mukha. "Is it real?! Oh my God!" She exclaimed. Nakatambad ngayon sa harapan niya ang tulips farm na sa picture lamang niya noon nakikita. Napakalawak ng taniman ng tulips na iyon, different varieties of tulips are there, since ang tulips ang pambansang bulaklak ng netherlands. Iba't ibang

