Ang buong akala niya, uuwi sila agad ni Zed galing opisina. Pero nabigla siya nang itinigil ni Zed ang kotse sa isang kilalang night bar sa amsterdam. "T-teka? Anong gagawin natin dito?" Usisa niya sa kasama na ngayon ay pababa na sa kotse. Tinapunan siya ng tingin ni Zed at ngumisi. "Maglalasing ako, bantayan mo ako. Ikaw ang mag-drive kapag nalasing ako," sabi nito na ikina-tanga niya. Seryoso ba ito? "Oy! Hindi ako marunong mag-drive," sagot niya dito at sinundan si Zed na ngayon ay nakababa na sa kotse. "Then, pareho tayong hindi makakauwi this night." Natatawang sabi ng binata na nauuna ngayon sa paglalakad papasok sa bar. "Ayoko," Sigaw niya dito na hindi naman siya pansin hangang makapasok na sa bar. Tila kilala ang lalaki doon, hindi na siya nagtataka pa. Umupo si Zed sa i

