Kinabukasan, nagising si Aki na nasa silid nanaman ni Zed. Napangiti siya, dahil nasanay na siyang natutulog sa silid ng binata. Nasasanay na siyang katabi ito lagi, Nasaan na 'yon? Nilinga niya ang paningin sa paligid para hanapin ang binata, pero wala ito doon. Naisip niya baka pumasok na ito sa opisina dahil oras na din naman. Dali-dali siyang bumangon, at palabas na sana siya sa pinto nang biglang iniluwa nun si Zed. He was still wearing his pajamas. Tila nabigla din ito pagka-kita sa kanya, hindi inaasahan na gising na siya. "Hindi ka pa nakaalis?" Wala siyang ibang alam na itanong dito. "Halata naman di ba?" Papilosopong sagot ni Zed sa kanya. Inirapan niya ito at akmang lalampasan na pero bigla siya nitong hinila sa braso. "Why?" Nauutal niyang sabi sa binatang nakatitig lama

