CHAPTER TWO

1465 Words
Buti na lang talaga walang mataas na heels ang mga pang paa nila, kung hindi talagang susuko siya sa trabaho niya. Halos walang upuan ang nagaganap, tumingin siya sa kanyang orasan. It's 11:34  Konti na lang mag-a-out na ko. Yes! "Hey Aki." Rinig nya ang tumawag sa kanya, lumingon siya at nakita ang isa sa mga in-assist niya. Gusto sana niyang magulat kung bakit alam nito ang pangalan niya pero bigla niyang naisip na may name plate pala sila hehe. "Yes sir?" Aniya na ngumiti.  "This is for you. Thank you, for your warmed-service," anito at binigyan siya ng tip. "Ha? Thank you sir," aniya na bahagyang yumuko. First time may mag tip sa kanya. Tumango at ngumiti ang lalaki pagkaraan ay umalis na. "Whoah. Balato naman d'yan," ani Angela na papalapit. Binelatan niya ito. "Damot neto," ani Angela na natatawa, Sa mag iisang buwan na pananatili niya sa Netherlands naobserbahan niya na 90% ng mga tao ay marunong ng salitang Ingles, at ang napansin niya ang pagiging polite ng mga tao at friendly. One time nung day off niya namasyal siya at may mga kumausap sa kanya na tila hindi siya foreign sa bansa. And everytime may makakasalubong siya, people always slightly bow their head or nod while smiling. Hay, ang sarap siguro tumira dito, kaso 3 years lang ang kontrata niya dito. ------------------ - - - - - "Hey Aki, tara na uwi na tayo." Biglang lapit ni Gela sa kanya, napatingin siya sa orasan at oras na pala para umuwi. Himala di siya inaantok, nakapag adjust na ata ang sistema niya sa puyatan. "Di ko namalayan na oras na pala," aniya na napapakamot sa ulo. "Lagi naman," sagot naman ni Gela na natatawa. "Miss ko na ang kama ko," pagkaraan ay dugtong pa nito na tila antok na antok na. "Ako parang gusto ko pa ngang gumala," sabi niya na natatawa, inirapan sya nito. "Parang kailan lang halos mangiyak ngiyak ka sa antok," puna ng kausap. Natawa s'ya nang maalala ang mga unang araw niya sa trabaho. Di kasi siya sanay sa puyat pero ngayon nakakaya na niya. "Goodmorning," sabi ng mga katrabaho nila na kadarating lang. "Morning." Tamlay na sabi ni gela samantalang sya ngumiti lang kasi di pa niya gaano kabisado o ka-close ang mga ibang katrabaho. --------------- - - - - "Ano? Salabay na kita?" Tanong niya kay Gela na parang zombie kung maglakad. "Mabubuhat mo ba ako?" Anito na tiningnan siya. "Hindi," aniyang umiling. "Tsaka ka pa nagtanong?! Tadyakan kita e." Kunwaring pagtataray ni Gela na napanguso. Natawa nalang siya at patuloy na naglakad. Nakakatuwa lang kasi tipong naglalakad ka sa dis oras ng gabi pero wala kang takot na nararamdaman kasi alam mong ligtas ang nilalakaran mo. Tsaka ang dami pang tao kahit oras na,  She is starting to love this country, the comfort of Netherlands. Napakunot-noo siya ng mapansin ang isang mamahaling sasakyan na kulay itim sa dadaanan nila. Hangang sa malampasan nila iyon nilingon pa din niya. Bakit tila may nakatingin sa kanya o guni-guni lang niya iyon? Ipinilig niya ang ulo para mawala ang mga negatibong naiisip. ------------- - - - - "Let's go Barc." Utos niya sa kanyang kanang kamay. Napangisi siya habang minamasdan ang dalawang babae na kakalampas pa lang sa sasakyan nila. "And Barc.." "What is it Mr. Van?" -Barc "Tomorrow, I need all the information about her. All about her Barc," sabi niya habang napapahimas sa baba. "Yes Mr. Van, expect it tomorrow," sabi ni barc. "Ah. Mr. Van, is she-" "Don't ever ask me. You have no right, Understand?" "Ja Mr. Van ja," ani Barc Napasandal siya sa upuan at pumikit.  "Hoe laat is het Barc?" Tanong niya muli "12:30am Mr. Van.."  "Just wake me up when we reach home--Nee, i mean house," aniya na nakapikit padin. Nadinig niyang napabuntong hininga si Barc. "Ja Mr. Van, goedemorgen." Ang huling sinabi ng matanda. *************** "Ate kamusta ka dyan?" Ani Ath ang bunso nilang lalaki na ka-videocall niya. "Okay lang. Eh ikaw? Kamusta kayo nina mama?" Aniya at dumapa sa kama. "Okay lang kami anak," Sabad ng ina niya na biglang lumitaw ang mukha sa screen. "Namimiss kana namin," sabi pa nito na ikinatawa niya  "Miss you three. Eh si Arieth po?" Aniya na nangalumbaba. Ay, miss na niya sakanila. "Nasa CR, tumatae ata." -mama niya "Mama naman, kailangan pang sabihin yun?" Aniya na natatawa. "E nagtanong ka eh," Sagot ng mama niya, natawa siya. "Mama talaga, mama liligo na ako. Tawag ako ulit bukas loveyou, missyou!" Aniya at humalik sa screen. "Mas mahal ka namin anak. Mag iingat ka palagi dyan, basta kapag di mo na kaya uwi ka na ah? Ah anak," bilin ng mama niya bago namatay ang tawag. Napabuntong hininga siya, nalulungkot siya. "Masasanay ka din Aki. Wag kana malungkot." bigla sabat ni Gela na gising na pala. Malungkot syang napangiti. "Mabuti pa ikaw may pamilyang nangangamusta sayo. Eh ako? Wala. Kaya wag kang nalulungkot dyan baka masipa kita," ani Gela at nagtalukbong ng kumot. natigilan siya sa tinuran nito. Walang pamilyang nangangamusta dito? Gusto pa niya sanang tanungin ang dalaga kaso inatake sya ng hiya, baka akala nito tsismosa siya. Tsaka mukhang ayaw nitong pag usapan iyon. "Maliligo na ako Gels, tayo kana din dyan," aniya at tumayo na. -------------- - - - - - - "Alam mo simula dumating ka wala na akong late," biglang sabi ni Gela ng naglalakad na sila. Natawa siya. "Totoo yun. Salamat sayo haha!" Ani Gels at kumawit sa braso niya. "Lol," sabi niya na napapailing. "Sa palagay mo seryoso si Toby sa ‘kin?" biglang tanong ni Gels. "Sa tingin ko, Oo," matapat niyang sagot, dahil iyon naman talaga nakikita niya. Hindi na sumagot ito at ngumiti nalang. Ayaw niyang mag usisa, gusto niya ito mismo umamin sakanya kung ano nga ba ang lagay ni Toby para dito. ---------------- - - - - - - - "Aki ipinapatawag ka ni Boss." Salubong sa kanya ni Arthur nang makapasok sila ni Gela sa employee's room. "Bakit daw?" Kinakabahan na sabi niya. Nagkibit-balikat si Arthur pero may something sa mukha nito, ayaw lang sabihin. Agad siyang nagtungo sa kanilang boss, kumatok sya ng makarating sa may pinto. "Please come in," sabi ng tinig. Namamawis sya ng malamig, alam niya may mangyayaring di niya gusto. "S-sir."  "Please have a seat Ms. Ventura," anito na agad niyang ginawa. "Sir, may problema po ba?" Aniya na inilagay ang mga kamay sa lap at pinagsalikop. "I'm really sorry Ms. Ventura, you're fired," diretsang sabi nito, pity was written all over his handsome face. Para syang binomba sa narinig, dalawang taon syang naghintay para makapunta sa Amsterdam, tapos wala pang isang buwan ay tinatangal na sya sa trabaho? Paano ang pamilya ko? Paano ang mga pangarap ko? She wanted to cry but then she hold her tears back. No! Maybe it was just a prank, a joke? Yeah, big time joke. "S-sir ano po ang nagawa ko?" Tanong niya "May hindi po ba kayo nagustuhan? Pangako po aayusin ko na just don't fire me-" "Ssssh. Listen Aki, wala kang nagawang mali. In fact, you're a great employee kahit mag iisang buwan ka pa lang," Saad nito at napahilot sa sintido. "Then? bakit po?" She said almost pleading. "He told me to, i have no choice Aki. He left me no choice," He said. "Who?" Aniya na naguguluhan. "Mr. Van Leeuwen." Teka, parang narinig na niya ang apilyidong iyon. "Bakit daw ho?" Aniya na unti unting nabubuhay ang galit sa kanyang puso patungkol sa lalaking tinutukoy nito. "Ni hindi ko nga po kilala iyon." "Alam ko soon makikilala mo din sya, Aki listen. Just a piece of advice, please leave this country as soon as you can. Leave Ms. Ventura, before it's too late," Sabi nito na tila ito pa ang nakikiusap, nakaramdam sya ng takot pero mas nangingibabaw ang galit niya. "No sir. Wala syang karapatan gawin ito sa'kin, please sir wag kang makinig sa kanya," aniya na nakikiusap. "Im sorry Ms. Ventura, kapag di kita tinangal maraming mawawalan ng trabaho." "I need to talk to him," she said full of determination. She couldn't just let that man fire her without any valid reason. "You better not. You don't know him, he can have anything he wants, he can destroy anything he wants. That's how powerful he is. so listen, Leave this country." Babala ng boss nya sa kanya na tila kilalang kilala nito ang lalaking binabanggit. "A-anong kailangan niya sakin?" Wala talaga syang maisip na dahilan, ano bang nagawa niya? Isa ba ito sa mga napagsungitan niyang customer? Sa pagkakaalam niya wala pa syang napagsungitan. "Simple. He wants you" Saad nito at tinitigan sya ng matiim na ikinabahala niya. He wants you. He wants you. Leave this country. Leave this country. You don't know him. You don't know him. He can have everything he wants. He can have everything he wants. Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa pandinig nya ang sinabi ng kanyang boss. No! Hindi dapat sya matakot, maraming paghihirap ang dinanas niya makapunta lang sa bansang ito at di sya papayag na umuwi s'ya sa pilipinas ng dahil lang sa mr. Van leeuwen na iyon! She can't let him ruin the plans she made for herself and for her family. "Aalis na po ako sir, salamat po sa lahat." magalang niyang paalam at tumayo sabay bahagyang yumuko. "I’m sorry."  Tiningnan niya ito at ngumiti para mapabatid na okay lang at ‘di sya galit dito. Sa isang tao lang siya dapat magalit at iyon ay sa Van Leeuwen na yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD