CHAPTER ONE

1021 Words
"Good morning Amsterdam, Netherlands!" Aki said while stretching her both arms. Yeah, you read it right. She's in Amsterdam, Netherlands. Well, coming in this country was not easy for her aba! Marami siyang pagod at gastos bago makapunta sa bansang ito. "Hey, aalis na kami," ani Taira sa kanya, kapwa pilipino niya ang mga ito. Ngumiti siya sa babae at sa kasama pa nito na si Monic. "Okay ingat," aniya na napatango pagkaraan ay lumabas na ng apartment ang dalawa. Sina Taira at Monic, isama na din si Angela na tulog-mantika pa ay mga katrabaho niya sa isang sikat na restaurant dito sa City of Amsterdam na kung saan isang Filipino-Dutch ang may-ari. Kasama din niya ang tatlo sa apartment, Napatingin siya sa labas ng bintana at nakita niyang maaga pa. Gusto pa niyang matulog dahil mamaya pa ang shift nila ni Angela, kaso di na siya ina-antok kaya naman tumayo na siya ng tuluyan para magligpit. Napakabilis pala ng araw at mag iisang buwan na siya sa Netherlands, so far napaka-saya niya. Nagbunga ang pagod at gastos niya para lang makapunta sa bansang ito. Sana nga dito sa bansang ito niya makita ang swerte niya, gusto niya talagang maiahon sa hirap ang pamilya niya. Mabigyan ng magandang buhay ang nanay niya, mapagtapos sa pag aaral ang dalawa niyang kapatid at maka-pundar ng sariling negosyo. Wala na kasi siyang tatay, maaga silang iniwan kaya bilang panganay, siya ang may responsibilidad na gawin ang naiwan ng kanyang ama. I miss you, tay. Aniya na napa-tingin sa kawalan. Mabilis niyang ipinilig ang ulo para maalis ang lungkot at pangungulila na biglang lumukob sa kanya. Kapag nag-isip siya nang kung ano-ano baka kainin siya ng homesickness at mabigo niya ang mga naiwang pamilya sa Pilipinas. Sa estado ng buhay niya kailangan siyang maging matatag. - - - - - - ---------------------- "Gela! Bilisan mo na," sigaw niya kay Angela. Kanina pa siya nasa maliit na sala at bihis na bihis, samantalang si Angela ay nagme-make up pa ata. "Coming," sigaw nito mula sa kwarto.  Pang-ilang beses na ba niya narinig ang ' coming ' na yan? "Maglalakad-lakad na ako. Habol kana lang," aniya, hindi na niya hinintay ang sagot nito at lumabas na siya.  Walking distance lang ang La Resto Red mula apartment nila, walking takes 15 minutes. Tinignan niya ang wrist watch at may isang oras pa bago ang shift nila ni angela. 4pm to 12am ang kanilang shift, "Wait for me." Dinig niyang sigaw ni angela na ngayon ay humahabol sa may likuran niya. Napalingon siya dito at natatawa sya sa hitsura ng dalaga. Pangit pa lang tignan kapag naka uniform sila tapos tumatakbo. Isang red uniform, black na palda, at itim na pang paa ang uniform nila. Nakatali ng hairnet ang mga buhok nila, ayaw man niyang mag make up pero required iyon sakanila. "Ang bilis mong maglakad. Kaasar ka talaga!" Ani gela ng makasabay sakanya. "Mabagal ka lang talaga," aniya na natatawa. "Bakit ganun?" Out of the blue tanong ni Gela. "Ang alin?" Aniya na kunot-noong napa-tingin sa dalaga na nakasimangot. "It takes me an hour to do my make up, i exert so much effort at ito lang ang kinaya ng mukha ko. Nakakapika!" Anito na pinadyak padyak ang pa ang mga paa habang naglalakad. "E maganda ka naman ah? And your make up suits you," aniya, totoo naman yun eh maganda si Angela.  Akmang akma ang pangalan nito sa kanya. "Yeah right," anito na tila ayaw maniwala.  "You know what's pissing me off big time?" Anito na hinarap siya at nameywang. "N-no?" Aniya na napangiwi. "You," anito na napanguso. "Huh? Me? Bakit?" Aniya na natatawa. "Yes. You! You just put powder, light blush-on and lipstick and yet you looked so damn pretty!" Sabi nito sa eksaheradong tinig. "My God! You haven't take 5 minutes to do that and yet." Tsaka siya minasdan at ngumuso, "And yet, you're slaying," dugtong ni gela na tila bata.  Humagalpak siya ng tawa at kinurot ang pisngi nito. "You're so cute Gela," sabi niya dito at naglakad na ulit. "Yeah, you're just saying that para pampalubag loob ko. Tse!" Ismid nito at ngumuso. Tumawa nanaman siya, "Keep doing that, bagay sayo." Natatawa niyang sabi, na ang tinutukoy ay ang pag nguso nito. Dahil sa pagkukwentuhan nila na ewan ay di nila namalayan na nasa restaurant na sila. Pumasok sila ni Angela at nakita nilang madami ng tao, tumuloy sila sa employee's room para mag retouch at mag-in na rin. "Hey pretty ladies," bungad ni Oscar na halatang tapos na ang shift. "Ilang percent ng pretty ang akin oscar?" Ani Angela habang itinatabi ang bag. "Amh. 25% Gels, and the rest ay kay Aki na," Ani Oscar na natatawa, binato ito ni Gela ng basahan na nakita sa mesa. "Raulo! Wag ka na papakita sakin kahit kailan," sabi ni angela na kunwari galit. "Inaano kita?" Balik ni Oscar na ngayon ay sinusuot na ang bag. "Oh Oscar, inaano mo nanaman si baby ko?" Boses ni Toby na pumasok sa may pintuan.  Si Toby ang No. 0 fan ni Angela dito sa La Resto Red. Ang sweet di ba? "Baby mo mukha mo!" Sabi ni Gela sa binatang kadarating. "Aray naman," ani Toby na hinawakan pa ang tapat ng puso. Napapailing na lang na lumapit siya lalagyan ng mga timecard para mag in. Napapangiti siya sa mga kasama na maiingay at tila enjoy sa kanya-kanyang ginagawa at iyon ang gusto niya, kahit pagod ang trabaho basta lahat sila magkakasundo. Masaya siya at nasa unang stage na siya sa pagkamit ng kanyang pangarap, para sa sarili niya at sa pamilya niya. Sayang nga lang wala na ang kanyang ama upang masaksihan ang lahat ng ito. Sobra-sobra na ang pagkamiss sa kanyang ama, ang lalaking iniidolo niya at mamahalin hindi lang ngayon, kundi hangang sa mawala na rin siya dito sa mundo. Hayaan niyo po itay, ipagpapatuloy ko yung pangarap mo para sa amin nina nanay. Ako na ang bahala sa kanila, basta bantayan mo kami lagi huh?  Sabi niya sa kanyang isip, ang ama niya ang isa sa pinaka ginawa niyang inspirasyon para mangarap pa lalo, kahit hindi nakatapos sa college gagawin ang lahat para matupad ang mga dating pangarap ng ama para sa kanila. Akala niya iyon na ang simula para sa pangarap nila. Pero hindi niya alam doon na mag uumpisa ang pinaka masakit at di makakalimutan na journey niya. Ang journey na magtuturo sa kanya sa lahat ng bagay, 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD