Umiiyak na sumagot ang Isa pang biktima ni attorney Paulo at Puno na rin ito ng galos sa katawan. " Pagkakatanda ko mag dadalawang lingo na ako dito. Pinatay niya na yung kasama ko at alam ko isa na sa atin ang susunod niya" Umiiyak na sabi nito at nakaramdam na rin ng takot si Pia. Wala parin nakaka alam kung nasaan nga ba si Pia at kahit si Elena ay napapa isip na rin. Magtutungo sana si Elena sa kanyang kwarto ngunit nakita niya na naka bukas ang kwarto ni Pia at nakita niya ang Kasambahay doon na naglilinis. Bahagya niyang sinilip ang kwarto ni Pia nakita niya ang litrato ni attorney Paulo at Pia. Nakita niya ang suot na jacket ni attorney Paulo sa litrato na nakalagay sa mini table ni Pia. Muling bumaba si Elena ng hagdan at nagtungo siya Diego. " Mag usap tayo" Saad ni Elena

