" Kailangan natin kausapin si Pia kung ano nga ba ang nangyari" Seryosong pagkakasabi ni Gobernador at talagang nag aalala ito sa kanyang anak na si Pia. " Dad nabiktima si Pia ng chasm killer at truma pa siya sa mga nangyari. Kapag maayos na siya pwede natin siya kausapin" Mahinahon na sabi ni Diego. " Tama ni Diego kailangan ng pahinga ni Pia at gagawin ko ang magagawa ko para maka usap siya ng maayos" Saad naman ni Elena. " Sino ba yang Chasm killer na Yan?" Nanggigil na tanong ni Gobernador. Nagtungo naman si Elena Kay Pia upang kausapin ito. " Si Elena ito maari ba ako pumasok?" Tanong ni Elena pagkatapos niyang kumatok sa kwarto ni Pia at binigyan naman siya ng permiso ni Pia. " Bakit mo ako tinulongan?" Bungad na tanong ni Pia Kay Elena. " Dahil anak ka ng asawa ko." Sagot na

