Sapphire immediately contacted Maite while preparing her clothes and put those in the luggage. Hindi na sila nag-aksaya ng oras kaya kinuha na niya ang kakailanganing mga gamit sa condo niya.
Nakabantay lang si Rhyle sa labas habang abala sa pakikipag-usap ng kung sino sa cellphone. Wala siyang kaide-ideya kung hanggang kailan sila magtatagal kaya marami-rami ang dinala niyang mga damit.
“Who is Mr. Azariah Vitaliano, Maite?” Bungad niyang tanong sa dalaga. Kinuha niya ang mga damit na nasa rack at initsa iyon sa bagahe niya. Sinunod naman niya ang pagkuha ng mga importanteng mga gamit niya at inilagay iyon sa isang backpack.
“Oh just what I expected to happen. Very well, don’t worry about it, it’s just starting. Just follow his order and you will know soon.”
“Do you think… will we succeed on this?”
“I’m sure of it. This is the only way I can help you, and I know that person will be a big help.” Tumango siya kahit hindi naman siya nito nakikita.
They talked for a while before ending the call. Isinukbit niya ang backpack at kinuha ang luggage niya. She looks like someone who will travel outside the country with her look.
“Hey, you done?” tanong ni Rhyle nang makabalik ito.
Ito pa mismo ang nag-insist na ito na ang magdala ng backpack at bagahe niya. She just let him carry those things while they head out. Halos purse lang ang dala niya hanggang mailagay na nito ang mga dala sa sasakyan.
Gentleman din pala ang isang ‘to.
“Thank you,” Pasalamat niya sa binata dahil sa pagdala nito ng mga gamit. She's impressed with how he carried all those stuff. Mukhang sanay na sanay na ito sa mga ganoong klaseng gawain.
"Ano ba ang trabaho mo?" Hindi niya maiwasang matanong sa binata. He has a nice body built that girls can drool over. Araw-araw siguro itong nagwowork-out para magkaroon ng ganiyang katawan.
He sneered before answering her question, "Aside from being a handsome racer, I'm also a 24/7 bodyguard, assistant, and whatever it may fit my role. Oh not to mention, nag-aararo rin ako gabi-gabi," ngumisi ito at kumindat sa kaniya.
That explains why he has some car skills when they are being chased, and Azariah lets him borrow one of his car collections. He knew that it would be in good hands and will be taken care well.
“Bakit ka naman nag-aararo---wait! Ang bastos mo! Magsama nga kayo ng kaibigan mong bugnutin.” Bumalot ang halakhak nito sa loob ng sasakyan at ngumisi ng nakakaloko. Madali sigurong naging matanda ang magulang nito dahil sa kakulitan nitong taglay.
“Let’s just go, baka naging bato na si Azariah sa kahihintay sa atin. Totoong bugnutin pa naman ‘yun. Baka si Lord na yung masilayan ko kapag nawalan yun ng pasensya sa’kin.” Nagpakawala ito nang mahinang tawa at napapantastikuhang tinignan niya ito.
“Kung ikaw siguro ang maging kaibigan ko baka magkasama na talaga kayo ng panginoon ngayon.” Iling-iling niyang sagot habang minamaobera ang sinasakyan nila.
“Woah! Woah! Ang harsh mo naman. Pero, totoo naman di’ba? Yung sa part na gwapo, talented at nag-aara---“ May sariling isip ang mga kamay niya at hindi napigilang kurutin ang binata sa tagiliran. Napakislot naman ito at napanguso.
Gosh! Ang dami na talagang nagbubuhat ng sariling lamesa ngayon. No wonder na hindi nakalusot ang isang ‘to.
“Magmaneho ka na nga! Baka bagyuhin pa tayo sa kahanginan mo dito eh.” Natatawa na rin niyang tugon. Hindi niya maiwasang komplementahin ito ng palihim dahil sino sigurong tao ay madaling maka-jamming ito. He is friendly and easy to get along.
Samahan pa ng bibig nitong sobrang daldal.
“Alam mo ikaw, ang brutal mo, kawawa naman ‘tong gwapong braso ko na palagi mong hinahampas.” Hinihimas pa nito ang brasong hinampas niya. Napasapo nalang siya sa noo dahil sa inakto nito. May susunod na ata sa yapak ng isang baby damulag.
“Magmamaneho ka o ako ang magmamaneho?” Umirap siya sa binata, at umaaktong siya na ang papalit sa pwesto dito.
“Hayyyy buhay nga naman, ano ba ‘tong mga tao na namemeet ko Lord? Bakit ang seryoso s--- aray! Nakakadalawa kana ah! Ang bully niyo talaga sa’kin. Oo na, magdadrive na kamahalan.” May sarkasmo sa boses nito at mas humaba pa ang nguso. Jusko! Bakit ba niya nakakasama itong lalaking may saltik sa utak.
“Pag hindi ka talaga nagfocus diyan sa daan, totoong makikita mo na talaga si Lord!” Asik niya rito at nagpeace sign lang ang gago. Pasalpak niyang nilagay ang airpods sa tainga niya at nakikinig sa mga kanta niya dun.
“Oiii babes, pangit mo naman kabonding.” Naiinis niyang tinignan ito nang kinuha nito ang airpods sa tainga niya at pinatugtog ang music sa stereo nito. He connected his phone to the stereo and opened the youtube.
Ano na naman ang kailangan ng damuhong ‘to?
“Huwag mo’ko tawagin niyan, di tayo close pwede ba.” Umirap siya rito at akmang ilalagay ulit ang airpods sa tainga nang hindi siya nito hinayaan.
Naghanap ito ng music at nang may nagustuhan ay kaagad nito iyong pinalakasan. Napangiwi siya nang marinig ang song choice nito.
“Nung mainlab ako sa’yo! Kala ko'y pag-ibig mo ay tunay, Pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay! Ang ‘yong kilay, mapagmataas at palaging namimintas.” Naaliw niyang pinanood ang binata dahil para itong isang batang hamog na makikipag-rap battle sa kung sino.
Oh gosh, lord be the glory.
“Ayos ka lang ba talaga, Rhyle? Wala ka namang lagnat.” Pabiro niyang sinalat ang noo nito at kunwaring sinusuri kung may lagnat ito o wala.
“So don't be mad! so don't be sad! Lahat ng kabulukan mo'y ilalahad! Kumanta ka nga rin, babes! Stupid! Loveeee, binigay mo sa akin. Stupid! Loveee, pero ‘di mo maamin. Stupid!” Napamasahe siya ng sentido nang madamdamin itong kumakanta na parang nasa isang videoke. But the truth is, he is really bad in singing department.
Rhyle was singing off tune and continued rapping when he slapped his hand lightly.
“Hoy! pag talaga nabangga tayo, ikaw yung ipagkakanulo ko kay satanas.” Pagsasaway niya sa binata dahil mukhang wala lang rito ang pagmamaneho sa daan. Kahit na isa itong propesyonal na racer ay malaki pa rin ang posibilidad na ma-aksidente sila kapag hindi ito nag-iingat.
“Opo, babes, ito na ‘po, titigil na sa pagiging makulit. Pero ang ganda ng kanta di’ba? tagos sa buto’t kalamnan. Stupid Loveee!” In-off nito ang stereo at seryosong itinutok ang mata sa daan.
Naaliw siyang tumingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga maliliit na detalye. Especially the busy city, the heavy traffic and those people who are just constantly moving forward to find their direction.
Akala ko’y tahimik lang sila buong byahe nang magsalita ang binata. “Magpaalam ka muna sa mga magulang mo pansamantala. Tell them that you have an important matter to process regarding about your soon-to-be-husband.” Kinunotan niya ito ng noo. Hindi pa lang siya nito kilala pero sa simula’t sapul ay parang nakaplano na sa isipan nito ang gustong gawin.
So he knew about the arranged marriage part also?
“Paano kung sila mismo ang magtanong sa mapapangasawa ko at malamang hindi pala tungkol sa kaniya ang inaasikaso ko? Your plan will be ruin too.” Imbes na sumang-ayon ay ngumisi lang ito.
“Just trust me, babe. I’m too prepared for it. Walang makakatakas sa isang Rhyle Chlyde.” He let out a lopsided smirk and glanced at her. Hindi na siya nagulat pa sa endearment na tinawag nito sa kanya, she knew too well what kind of a guy he is.
Imbes na magtanong ulit ay bumuntong-hininga siya at kinuha ang cellphone niya. Hindi naman naging problema sa kaniya ang pagtawag niya sa mga ito dahil ilang ring lang ay ang ina na niya ang bumungad sa kabilang linya.
“Hi mom! Inimbita ako ng mapapangasawa ko somewhere, ewan ko kung saan eh. Could you tell him to bug off please? Ayokong pumunta at ayokong makita ang pagmumukha niya. Naiirita ako sa kaniya.” Lies. Pilit niyang inartehan ang boses sa ina niya dahil alam nitong pipilitin siya nito. Umaakto siyang hindi niya gusto ang pagsama sa aasawahin niya ‘kuno’ pero iyon lang ang isa sa paraan para madali niya itong makumbinsi
She can’t understand herself sometimes--- or most of the time. Para niya lang niloloko ang sarili niya. Or is she?
“Anak, please, alam mo naman ang kalagayan natin ngayon. I promise you, after this, hindi kana namin pipilitin sa hindi mo gusto.” That put a smile on her face. It worked. Now, she just needs to do some polishing and end the call.
“Fine mom, but promise me after this, you will just leave me alone m’kay?” Madali itong sinang-ayonan ng ina niya at tinapos na ang tawag. Bumaling siya sa binata at tumango.
“That’s a good one huh.” He complimented her. Hindi naman magbago para sa kaniya iyon.
“Ganiyan naman ako palagi. Lots of people will not continue to talk to me because they find me annoying. Not to self-pity tho, in short, wala akong kwentang kausap.” Pabiro niyang kwento dito. But what she said was true.
She’s not that sociable type, kaya mabibilang lang sa daliri ang mga kabigan niya. She’s not complaining though, as long as her life is at peace then everything’s fine. She’s the wallflower of the family.
Sa kanilang apat na magkakapatid ay siya palagi ang napag-iiwanan. Her three siblings have the same interest while she’s not. She loves cute things while they’re not.
They love to hang out while she’s not. Totally opposite but still, they didn’t let her feel that she’s alone and being left-out.
But today’s situation is different from those sociable thingy. Dapat niya nang sanayin ang sarili niya na lumabas sa mundong hindi niya kailanman inaasahan na roon siya mapupunta.
Her world before was revolving around fairytales and some sort of fun. But all of it turned upside down when these circumstances arose.
Kailangan niyang harapin ang mga masalimuot na katotohanan at ‘hanapan iyon ng kasagutan. No more fairytales, no more happy endings, just reality. A reality that she needs to face and conquer.