Chapter 10

1103 Words
"What? Sino?" tumayo siya sa harapan nito at yumuko upang magpantay ang tingin nilang dalawa. Nagsusukatan at walang sumusuko. "I said you--" Siya naman ang pumutol sa sasabihin sana nito. "Sino nagtanong?" pangbabara niyang sagot. Nginisihan niya ito at umigting ang panga nito dahil sa sinabi niya. Malapit na rin itong mapikon base sa reaksyon na pinapakita nito. Tumalikod siya na may ngiting tagumpay sa labi at hinanap ang mga gamit niya sa mga kwarto na naroon. She's even humming a song while finding her way back to the room. Naramdaman niyang may humablot sa kaniya kaya na-alerto siya bigla, ngunit huli na ang lahat dahil napinid na siya ng binata sa pintuan ng kwarto. Itinaas nito ang magkabilang kamay niya at hinawakan iyon gamit ang isang kamay. Habang ang isa naman ay nasa likod ng bewang niya. Mahigpit ang pagkakapit nito sa kamay niya na tila ayaw iyon pakawalan. Kinakabahan siyang nag-angat ng tingin rito dahil sa klase ng titig ng binata sa kaniya. "I-I was just kidding when I said that..." Halos hindi na niya marinig ang sariling boses. Para siyang nanliit na kaharap niya ang binata ngayon. "Too late. Do that again and you will see what a Vitaliano is capable of." Mas nilapit nito ang mukha sa kaniya at halos gahibla nalang ang pagitan nilang dalawa. Ginamit niya ang dalawang kamay upang itulak ito ngunit mas nadiin lamang ang katawan nila dahil sa lakas ng binata. She could smell his minty breathe in her lips and his manly perfume invaded her nostrils. Lakas loob niya itong sinalubong sa mata. "S-should I be scared then?" The side of his lips rose and let go of her, "See it for yourself, Sapphire." "Damn you.' Mura niya sa binata nang pakawalan siya nito. "Bwesit na lalaki yun. Pinaglihi nga sa magandang nilalang, pinaglihi naman sa tiyanak ang ugali." Pabulong-bulong niyang sabi habang tinitignan ang papalayo nitong bulto. "I could hear you from here. Have some rest and we'll have something to talk to. Goodnight." Hindi pa rin ito lumingon sa kaniya at diretsong tinungo ang kwarto nito. So what will happen to the both of them now? They haven't even discussed something yet but she can feel that they can't stand each other's personality. Nararamdaman na niya ang pagiging magulo ng mundo nila. At naamoy niya na din ang lansa ng Azariah na'yun. AZARIAH LET OUT A FRUSTRATED BLOW and close the door behind him. Nang makita ang mga papeles na nasa lamesa niya ay kaagad niyang iniligpit ang mga iyon. What the hell is happening to him? Pinilig niya ang ulo at pilit iwinawaksi sa isip ang nangyari kanina. He was about to lay himself on the bed when he heard his phone rang at the bedside table. Walang gana niyang kinuha iyon at walang ganang sinagot ang tawag. "What is it fucker?" iritado niyang sagot sa tawag. "Woah, what happened to you? Masama ata ang araw mo. Kalmahan mo lang at baka tumaas ang presyon mo. Baka ako pa ang maging dahilan ng cause of death mo." Yeah right. It's because of that girl who's very hard headed. Why the f**k that I did it anyway? "Why did you call?" He asked. Hindi na nag-abala pang sagutin ang sinasabi ng kaibigan. Paniguradong hindi siya nito titigilan kapag sinabi niya pa ang nangyari ngayong araw. "Listen to what I found. Masisiyahan ka kapag nalaman mo ang tungkol rito. It's about Montano's follower, Larry Golido. Alam ko na kung saan ang lungga ng tang inang iyon. Hindi naman pala mahirap i-track ang gagong 'yun, ano siya rebisco? Feeling special?" Gusto niyang isantig rito na hindi siya nakikipagbiruan pero nakuha ng atensyon niya ang sinabi nito. His brows arched and listen attentively. "Send me the information about him. Make sure that it's complete." Utos niya rito. Narinig niya ang pagtipa ng kung ano sa kabilang linya. His plan is just starting. He wants to let them taste their own medicine for what happened three years ago. He wants them to feel his wrath and rage. Hindi siya titigil hangga't hindi niya naipaparamdam sa mga ito ang mga kahayupan nilang ginawa noon. "Copy, beast. And oh, I have another surprise for you." He couldn't see him but he knew that the idiot is grinning. "Spill it." Nang marinig niya ang sinabi nito ay bahagya siyang natigilan. May kutob na siyang tama ang iniisip niya but he still need to confirm if it's true. Ngayon alam na niya na ang totoo, kailangan niyang maging maingat sa bawat hakbang na gagawin niya. Especially that their world is getting closer and closer. "What do you plan to do now?" "Just let it be." He replied nonchalantly. "Sigurado akong kamumuhian ka niya. Habang mas maaga pa ay sabihin mo na sa kaniya ang alam mo, Azariah. I know that you have your ways to open up about it. At sa nangyari noon ay mas naging mahirap sa'yo na buksan ang parteng yun ng buhay mo. But as your friend, I'm just concerned about you. Nag-aalala ako na bumalik ka sa dating gawi mo, but whatever circumstances may arise--- nandito lang kami para sa'yo." He deeply sighed. He is thankful that he has his friends to looked for him. Hindi niya rin gusto na bumalik sa dating gawi niya noon. Na gumawa ulit ng mga maling desisyon at sirain ang pagkatao niya. He already closed that part of his life. "Don't worry, I woud. Pero hindi na muna sa ngayon. Tatanggapin ko kung pagbubuntungan niya man ako ng galit o kamuhian. I want to cross over the mistakes I made before. " "I will support you in that. Huwag mo lang patagalin dahil alam naman natin walang sekretong hindi nabubunyag, Azariah. Always keep in mind that you can't keep that secret forever. And what happened three years ago... don't blame it on yourself. It wasn't your fault that it happened, bud." Inaasahan niya na iyon sa mga kaibigan niya. They didn't want to see him in that state again. He is more than grateful that god has given him people who are ready to stay and understand. Kahit marami siyang naging kasalanan noon. He owe them a lot. "I'm fine. You don't have to worry about anything. Thank you." "You're welcome, fucker. Call me when you need anything." Ibinaba niya ang linya at marahas na bumuntong-hininga. He will not get away with all of the responsibility that may come through. Sisiguraduhin niyang hindi na mauulit pa ang nakaraan. Kahit gaano pa katagal nilang plagpanuhan ang mga hakbang. But he wants to get in their way, by hook... by crook.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD