Chapter 3

1718 Words
"A-aray teka lang kasi. Ako yung mapapatay ni ano nito. Hear out my explanation first. Chill kalang muna diyan, wala akong gagawing masama sa'yo. Sa gwapo kong t--- aray!" Daing ng estranghero nang hinampas niya ulit ito ng purse. Inirapan niya ito at nirolyohan ng mata. Dinaig pa ang hangin sa sobrang kahanginan sa sarili. Nang makuntento ay ibinaba ni Sapphire ang hawak na purse at humalukipkip. Wala naman siyang ginawang masama pero bakit sunod-sunod ang delubyong dumadating sa buhay niya. He better gives her an acceptable and valid reason for all of this s**t. Muntikan na silang mabangga ng sasakyang humahabol sa kanila at mukhang walang pakialam ang mga 'yun kung babanggain sila nito. Muntik na silang mapahamak at halos mawalan siya ng dugo sa buong katawan habang minamaobera ng lalaking 'to ang sasakyan nila. Nagawa pa nitong mag-biro sa seryosong sitwasyon. Kulang nalang ay iisipin niyang nahagip siya ng isang baliw na nakatakas. "Explain. Huwag mo'kong sinasabihan tungkol sa kagwapuhan, wala ka naman 'nun." Malakas nitong sinapo ang dibdib at parang nasasaktang tumingin sa kaniya. Napangiwi siya dahil sa inakto nito. Baliw talaga. "Eto na! mag-eexplain na. Ang sakit naman nung hindi mo nakikita yung kagwapuhan ko, nakabalandara na nga sa harap mo 'oh." Lumingon siya sa binata at pinukolan ito ng masamang tingin. Tumikhim naman ito at inayos ang pagkaka-upo sa driver's seat. "The brief explanation that I could give you is that you are the person who could help us with our mission. You are suited to be part of it because of your current situation." Nagpantig ang tainga niya sa narinig. A mission? So her hunches are right. Ang arrange marriage ba nito ang tinutukoy ng binata sa kaniya? Why does he seem to know a lot of stuff about her life? Bumilis ang tahip ng dibdib niya at unti-unting sumibol ang kaba at pagkalito. Mukhang nakita nito ang pangamba sa mukha niya kaya nagsalita ito. Should she call Maite and consult her about this? "Don't ask anything, first. There's a particular person who will explain to your questions right now." Matagal siyang hindi sumagot rito. Napasulyap siya kabuuang anyo nito. He looks like not just some ordinary gal lurking. His aura screams elegance and there's something else which she couldn't identify. "Can you just answer this one, please. What is this related to? I never engaged in such events in my life." Usisa niya rito. Pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit gustong-gusto na niyang alamin kung ano ba ang ipinapahiwatig nito. Marami ang mga nag-uunahang mga katanungan sa isip niya pero kaya pa naman niyong maghintay. Kailangan niyang makasigurado sa magiging hakbang niya. "He will be the one to explain it to you. I'll be dead if I said something about it. Alam kong wala sa mukha ko ang mapagkakatiwalaan--- except for the fact that hindi naman ako sinungaling, but I need you to trust me in this one. Or else, we'll be doomed." Seryoso nitong aniya at ibinalik ang tingin sa labas. May sinulyapan itong tao at maya-maya ay tinanguan ito ng kasama niya. Inayos nito ang sleeve na nagusot at tinupi ang manggas hanggang siko. He got his aviators in the dashboard and wore it. This stranger looks so dashing and she couldn't deny that he is handsome somehow. Mayabang ngalang. "P-pano ako?" Angal niya nang makitang lumabas na ang binata sa sasakyan. Matagal siya nitong pinagmasdan at tinignan ang paligid. "You need to come with me and act as if something never happened. Marami ang nagbabalat-kayo sa paligid at kailangan nating mag-ingat. Marunong ka naman sigurong magpanggap diba? Well, incase if you don't know how, just act like a woman who can't get over me. Baliw na baliw sa kagwapuhan ko." Hindi niya mabilang kung pang-ilang irap na ang ginawa niya sa binata dahil sa kahanginan nitong wala naman sa lugar. Pero kahit pa'y naguguluhan at naiirita na sa kayabangan ng lalaki ay sinunod na lamang niya ang sinabi ng binata. Hindi 'rin nakaligtaan ng pandinig niya ang sinabi nitong pagpapanggap. Magpanggap... what a normal word to say but it complicates lots of things. "Why should I trust you about it?" Mahina ngunit segurista niyang tanong rito. "You already trusted me. So it means that I am a trusted person and a trusted citizen." Proud nitong sabi habang sunod-sunuran siya nito. Nagmukha tuloy siyang sekretarya nito na gustong magresign dahil mga kalokohan lang ang laman ng utak nito. Nag-ayos siya ng kaunti at inayos ang nagulo niyang buhok bago lumabas. Pumasok sila sa building at namangha siya sa loob niyon, nakakalula ang mga nagagandahang muwebles at mga kagamitan na naroroon. They were greeted by the personnel there, especially the brute in front of her. Walking like he owned the building and looks like flirting with them. Bukod sa pagkahangin nito ay talento din pala nito ang paglalandi. Wow, a talented guy indeed. Multitasker pa! "He said that he has the answers to your question. Hindi ko rin alam ang tinutukoy niya but you should ask him about it." Nangangahulugan nitong sabi. She creased her forehead, and thought about what he just said. Sino ba ang tinutukoy nito? "I must say that you're good at holding gun. Buti nalang ay hindi mo pinaputok sa mga tao na nasa loob." Nanindig ang balahibo niya sa sinabi nito. She shoot but she don't kill. Is he one of those people who can actually pull a trigger to a person without even blinking? "Oh, just shut up, will you?" Mabuti nalang ay sinunod siya nito. Namayani ang katahimikan sa kanila hanggang pagpasok sa elevator. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at isang iglap lang ay nandito siya sa isang building na walang siyang muwang kung ano ang kakahinantan niya. Nor does she expect that he will meet some random stranger and tell her things that confuse her more. Hindi niya din alam kung bakit siya ang puntirya ng mga ito gayung wala siyang ka-alam-alam kung sino ang mga ito. Wala naman siyang mga kalaban sa buong buhay niya. Natigil siya sa kanyang pag-iisip nang marinig niyang tumikhim ang binata. "Kailangan mo ng mag-impake simula ngayon, I need you to follow us and keep this as a secret. Mananatili ka pansamantala sa farm ng kaibigan ko at siguraduhin mong mataas ang pasensya mo sa pag-intindi sa isang iyon. We will meet him today so be nice. Halimaw iyon kapag nagagalit," nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Pumihit siya paharap at sinalubong ang tingin nito. "I just met you today and you are expecting me to follow you? Are you playing games with me? Ni hindi nga kita kilala at 'yang tinutukoy mo." She felt irritated with all the sudden. Makikita sa mga mata ng binata ang pagkabigla sa pagkainis ng ekspresyon niya. "I'm sorry for rushing things about this. Kailangan ko ang pagtitiwala mo dahil isa kang malaking parte ng misyon na'to. Could I ask for your trust?" Nagdadalawang-isip siyang sagutin ito pero mukhang kampi ata ang tadhana sa kaniya dahil tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na sila. Huminto sila sa harap ng isang malaking pintuan. It's a black teak wood double door that has a design of white parallel lines. May pinindot itong mga numero sa harap ng isang security locking system at awtomatiko itong bumukas. Bumungad sa kanila ang malaking opisina at may malaking glass window na kita ang buong siyudad. The office looks so manly and occupies the whole floor too! May malaking lamesa din sa gilid ng opisina kung saan ipinagdadaos ang mga conferences nito. Sa gilid naman ng main table ay may mahabang sofa at coffee table sa harap. The vibes of the office gives the state of wanting to work yet wants to be homey at the same time. Nice taste. "How 'ya doing fucker?" Aniya ng binata sa isang lalaking seryosong nakatutok ang mga mata sa dokumentong binabasa. Ang kumpiyansa niya sa sarilli ay biglang naglaho at gusto niya na hindi ito salubungin. Matikas ang tindig nito at maugat ang mga kamay. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanila ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Those deep set eyes scream harm and trouble if ever their path will cross. Bigla siyang napa-atras bigla. "What do you think, Rhyle?" Sarkastiko nitong tanong sa kaibigan bago ibinaling ang tingin sa kaniya. Parang gusto niyang lamunin ng lupa dahil sa klase ng pagtitig nito sa kaniya. He looks like someone who could eat you alive! "How long are you planning to keep her, Azariah?" Tanong ng kasama niya sa lalaking nag-ngangalang Azariah. Azariah looked at her again and played the ballpen with his finger. Tila nanliit siya bigla sa klase ng pagtingin nito. Parang kinikilatis nito ang buong pagkatao niya hanggang sa kasulok-sulokan nito. "As long as those motherfuckers don't bug around then everything is planned." Azariah gritted his teeth and clenched his fist. "I'll tell the clan to get ready--- they are everywhere and they attack anytime. Muntikan pa kaming mahagip ng mga kalaban kanina, buti nalang talaga at magaling kaming dalawa. Isa lang silang maliit na motherfucker para sa'kin." Proud na proud na naman nitong tugon. "Alam mo ba, this girl right here is so cool using a gun!" May bahid ng kayabangang aniya ni Rhyle sa kaibigan ngunit tinignan lang siya nito na parang walang pakialam. Mukhang inaasahan na ito ni Rhyle at mahinang natawa. Tumikhim kaagad si Azariah at inayos ang postura. "You." Nag-angat ng tingin si Sapphire nang tinawag siya ni Azariah. Lumukob sa kaniya ang matinding kaba dahil kaharap niya ang ang lalaki. Sulyapan lamang ito ng ilang segundo ay gugustuhin na niyang umiwas ulit. Why is she feeling nervous anyway? Wala naman itong ginagawang labag sa kalooban niya pero bakit ganito nalang ang labis-labis na kaba niya. This man is scary. And she can feel it--- that he is capable of doing something you might not like. "What's your name? come closer." Maawtoridad nitong saad at mas pinalapit pa siya rito. Napalunok siya at humakbang papalapit sa upuan malapit sa lamesa nito. He was watching her intently and her every move. "Sapphire." Mabilis niyang tugon. "Could you leave us for a moment, Rhyle?" Walang pasegu-segundo at sinunod ito ng kaibigan. Leaving the two of them in his office. Ang pagkailang ay lumulukob sa loob niya gayung sila nalang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD