C3: Reserved Only For Leux

920 Words
C3: Reserved Only For Leux Katulad ng sinabi ng manager ni Jocelyn, nagtanong nga ito sa kanya kung anong nangyari at sinabi naman ng dalaga ang nangyari. Pumalakpak ang kanyang manager saka napatawa sa kuwento niya. "Private room ka ulit ngayon ah? At siya pa rin ang customer mo. Gusto niya ring siya lang ang magiging customer mo sa private room gabi-gabi." Nangingiting sabi nito sa dalaga na may pataas-taas pa ng kilay sa kanya. Hindi malaman ng dalaga kung anong pusibleng dahilan ng binatang hindi man lang niya nalaman ang pangalan. Natatakot siyang magtanong baka kung anong isipin nito sa kanya. "Okay po." Sagot naman ng dalaga. "Wait. Magbihis ka ulit. Hindi na daw 'yan ang isusuot mo. Kahit ano na lang daw na kumportable kang isuot. Mukhang malakas ka sa kanya!" Natatawang sabi nito kaya sinunod naman siya ng dalaga na natutuwa din ang kalooban dahil sa kabaitang ipinapakita ng binata sa kanya. Sana ay hindi lang ito isang pagpapanggap o sa simula lang. Nang makapasok ang dalaga sa private room agad niyang nakita ang binata na nakaupo sa sofa at may mga pagkain sa harapan nito, softdrinks at beer. Parang fiesta. Naalala niya ang kanyang kapatid. Sigurado siyang matutuwa ang kapatid kung makikita ang ganitong mga pagkain. "Birthday niyo po ba ulit?" Biro ng dalaga na ikinatawa ng binata. "Naisip kong ngayon na lang mag-celebrate. Let's eat." Pagyaya nito. Naupo naman ang dalaga sa tabi nito saka nila pinagsaluhan ang kaunting inihanda ng binata para sa kanila. May spaghetti, pizza, fried chicken, at burgers. All fastfood. Impusibleng maubos nila ito. "Sir, puwede po bang magtanong?" Nagdadalawang isip na panimula ng dalaga dito. "Go ahead." Sagot ng binata saka niluwagan ang kanyang necktie na suot. "Bakit niyo po naisipang tumambay dito ngayon? Kasama pa ako." She asked full of curiosity. Uminom ng beer in can ang binata saka muling binalingan ng tingin ang dalaga. "To talk to someone. To talk with you." Seryosonng sagot nito. "Huh?" "I have a feeling that a person like you needs someone to talk with too. I don't know why I suddenly want to know you more." He said casually as he drinks his beer again. "Aah." She's speechless. Hindi niya masyado maintindihan ang English ng binata. Napatango-tango na lamang siya saka kumuha ng fried chicken. "Actually, Sir ang naintindihan ko lang po sa sinabi niyo ay gusto niyo ng kausap dahil sa tingin niyo kailangan ko po ng kausap?" Paninigurado ni Jocelyn. "Partly yes. Nevermind." Biglang naisip ng binata na baka tinamaan na agad siya ng alak. Bago kasi siya nagpunta sa bar, nakainom na siya ng wine sa office. "Kamusta naman po ang araw niyo ngayon?" Lakas loob na tanong na lamang ng dalaga. Parang kasing nagiging seryoso masyado ang binata. Napabuntong hininga saka sumagot, "Stressful." Sagot nito saka kumuha ng isang slice ng pizza. "Ay. Hindi po halatang stress kayo." Pabirong komento ng dalaga. "Why?" "Ang pogi niyo po kasi. Nakakapangit po kaya ang stress." Diretsong sagot ng dalaga na ikinatawa ng binata. "I don't think so. Will you stop putting po in everything that you're saying? You're making it obvious that I'm more older than you." "Okay po. Ay. Sige, pasensya na pero kakapalan ko na ang mukha ko. Puwede bang magdala ako nitong pagkain para sa kapatid ko?" Nahihiyang pagpapaalam ng dalaga na puno ng lakas ng loob. "Feel free. It's okay." "Thank you!" Laging handa ang dalaga kaya ang baunan niyang walang laman ang ginamit niya para ilagay ang dadalhin niyang pagkain. "Let me help you. Idadaan na rin kita sa bahay niyo pauwi." "Hala! Talaga? Hindi ba kita masyadong naaabala?" "No. Hindi ako pupunta dito kung naaabala mo ako." Diretsong sagot ng binata saka dinukot ang pitaka niya sa bulsa. Napatingin doon ang dalaga at nanlaki ang mga mata nang makita ang laman nitong may makapal na tig-iisang libo. "Here. Keep this." Hindi niya kinuha napatingin lang ito sa kanya. "This is just a help for your brother. Don't make it a big deal." "Eh 'di ba nagbayad ka na sa manager ko?" "Yes, but this one is for you and your brother." "Hindi niyo naman po ako binibili 'no?" "What? No! Tulong ko 'to sa inyo." Hindi magawang tanggapin ni Jocelyn ang inaabot nitong pera sa kanya. "Sir, 'wag na. Masyado na kayong gumastos para sa akin." "No big deal. I just want to help. Okay. Here the thing, kapag kailangan na kailangan mo na ng pera please don't hesitate to tell me." "Huh?" "Nevermind. Just give me your number." Pagsuko ng binata saka inabot s dalaga ang cellphone niya. "Put your number on it." Ibinalik na lamang ng binata ang pera niya s pitaka niya. "Hindi po ako marunong gumamit niyan." Natawa ang binata saka napailing-iling. Siya na ang naglagay ng number na sinabi ng dalaga sa kanya. "Let's go. I'll take you home." "Huh?" Gulat na sambit ng dalaga. "Ihahatid na kita sa inyo." Paglilinaw ng binata. "Ah. Okay." Napahawak ang dalaga sa kanyang dib-dib. Tumitibok ito ng napakatulin. Isang kahinaan ng dalaga ay ang pagiging mabait ng isang lalaki lalo pa't gwapo ito. Wala naman siyang pakialam noong una niya itong makita pero simula nang makilala niya ito kahit pangalawang beses pa lamang ay para bang nagkakagusto na siya dito. Dati naman ay hindi siya ganito makaramdam sa isang lalaki. Inisip na lamang niyang, baka ganoon talaga ang binata. Malay ba niya, hindi pa naman talaga sila lubusang magkakilala. Hahayaan na lamang muna niya ito pero ayaw niyang abusuhin ang kabaitan. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD