C2: Private Room
"Gusto ko po sanang subukan na ang solo show, Manager." Lakas loob na sabi ng dalaga dito. Kinakabahan pero lakasan lang talaga ng loob sa panahon ngayon.
"Handa ka na ba? Kakadalawang linggo mo pa lamang sa group show ah." Pagtataka nito sa kanya.
"Para sa kapatid ko po." Sagot ng dalaga.
"Wala ka pang slot sa ngayon sa solo show. Puno ang schedule ng solo show eh, but don't worry. Ikaw agad ilalagay ko kapag may nagback-out or may slot na." Komento nito.
"Sige po. Salamat." May pilit na ngiting sagot ng dalaga saka na sila sumalang sa stage para sa group show na nakasanayan na niya.
Sanay na siya sa kabastusan ng mga lalaki doon. Normal na lamang iyon doon kung iisipin. Nasasanay na rin siya kahit papaano sa ganitong gawain. Wala naman siyang magagawa eh, ganito ang buhay na mayroon siya kahit anong pagsisipag ang gawin niya. Hindi naman siya matalino para makakuha ng scholarship. Sinubukan niyang maging scholar pero hindi yata niya tadhana ang mag-aral pa sa kolehiyo.
Pagkatapos ng show ay pinatawag siya si Toneth pagkatapos niyang magbihis.
"May proposal ako sa'yo, Cey! Para hindi ka na matagalan sa paghihintay sa solo show." Excited na bungad nito sa dalaga.
"Ano po 'yon, Manager?"
"May dalawang pogi ang nag-request sa akin sa'yo para sumayaw sa birthday ng kaibigan nila bukas sa private room! Ikaw ang gusto nila!" Masayang balita nito sa dalaga.
"P-private room?" Nauutal na paninigurado niya dito. Bigla siyang kinabahan.
"Oo. Alam mo naman ang nangyayari sa private room 'di ba? Parang solo show din siya pero solo ka din ng customer mo!" Pagpapaalala nito sa dalaga.
"Sayaw at hubad lang din naman po 'di ba?" Nag-aalangang tanong ng dalaga.
"Oo, pero syempre dahil birthday paghandaan mo na ang mga susunod na mangyayari. Ano handa ka na ba?"
"H-hindi ko po yata 'yan kaya." Mahina at may panghihinayang na sambit ng dalaga.
"Ayaw mo? Sayang naman ang 50K na offer nila, mapasaya mo lang ang kaibigan nilang workaholic daw kasi. May additional talent fee pa kapag nalaman nilang napasaya mo nga ang kaibigan nila! Ano? Saan ka pa makakakuha ng ganyan kalaking pera sa isang gabi?" Panghihikayat nito sa dalaga.
Napaisip ng ilang segundo ang dalaga saka napabuntong hininga. Naalala niya ang kanyang kapatid pati na ang sinabi ng doctor noong check-up.
"Sige na nga po. Handa na ako."
"Sureness na ba?"
"O-opo." Halos pabulong na sagot ng dalaga dito.
"That's my girl!" Tuwang-tuwang sabi ni Toneth dito saka siya umuwi.
Nakailang buntonghininga ang dalaga simula nang makauwi hanggang sa trabaho. Napansin ito ng kanyang kapatid pero nginitian niya lamang ito.
Kinagabihan ay dasal na ng dasal si Jocelyn na sana hindi siya galawin ng kung sino man ang kanyang customer sa private room kahit alam niyang impusible 'yon. Lahat ng napupunta sa private room na babae ay nagagalaw at alam niyang mas lalo siyang mandidiri sa kanyang sarili sa kanyang pinasok na trabaho. Kaya ng kanyang isipan pero ng kanyang katawan kaya? Parang gusto na niyang umatras.
"Cey! Ano na? Kanina pa kita hinahanap! Nandito ka lang pala sa banyo! Sampong minuto ng naghihintay sa'yo ang customer mo sa private room. Puntahan mo na bago pa 'yon umuwi." Pagpapamadali nito sa dalaga.
Napalunok ang dalaga saka napabuntong hininga.
"Manager, natatakot po t-talaga ako." Mahinang pag-amin niya dito.
"Aatras ka na lang ba? Kukuha na lang ako ng iba kung ayaw mo kahit ikaw ang request ng mga kaibigan niya." Napapailing na sabi nito sa dalaga.
"H-hindi po ako aatras." Huminga siya ng malalim saka tumayo ng tuwid. "Kakayanin ko po." Lakas loob niyang sabi.
"Good. Heto baka makalimutan mong gamitin. Kakailanganin mo 'yan." Sabi ni Toneth sa kanya saka inabot ng maliit na balot ng kung ano na ngayon lamang niya nakita at gamot na hindi niya alam kung para saan. "Hindi mo ba 'yan alam?" Natatawang tanong nito. "Naku, Cey! Marami ka pang dapat malaman sa buhay. Bago kayo gumawa ng milagro itanong mo 'yan sa customer mo kung paano gamitin dahil wala na tayong oras para magpaliwanagan. Gora na!"
Inilagay ng dalaga ang ibinigay ni Toneth sa kanyang cleavage at muling huminga ng malalim bago tinungo ang private room kung saan naroroon ang kanyang customer. Nilakasan niya ang kanyang loob bago tuluyang pumasok sa private room. Nakamaskara na siya kahit alam niyang aalisin niya pa rin ito mamaya.
Nagtagpo agad ang kanilang mga mata ng kanyang customer na nakapang-opisina pang suot. Naka-suit and tie pa ito. Maluwag na nga lang ang tie nito. May alak at pagkain na nakahain sa table doon.
Nakatitig lang sa kanya ang binata para bang naghihintay sa kung anong gagawin ng dalaga. Lakas loob na nagsimulang sumayaw ang dalaga habang mariing nakapikit at nagpipigil ng kanyang mga luha.
Biglang umiling-iling ang binata saka tumayo at naghubad ng coat niya't lumapit sa dalagang sumasayaw saka ito hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kinauupuan ng binata.
"S-sir? Bakit po? H-hindi niyo po ba ako patatapusing sumayaw?" Sunod-sunod at naguguluhang tanong ng dalaga nang makaupo sila.
Kinuha ng binata ang coat niyang hinubad saka ipinalibot sa likod ng dalaga kaya sobrang ikinagulat ni Jocelyn.
"Bakit? Kaya mo bang tapusin ang sayaw mo? Nang hindi napipilitan lang?" Seryosong tanong nito sa dalaga saka uminom ng beer in can.
"Huh?"
"You know what? To be honest, napasubo lang ako dito dahil sa mga kaibigan ko. Wala sa bukabularyo kong pumunta-punta sa mga lugar na katulad nito at magsayang ng pera sa pansamantalang kaligayahan lang. Mas gugustuhin kong magtrabaho ng magtrabaho."
"Huh?"
Biglang natawa ang binata dito.
"Sinasabi ko ito sa'yo para mawala na ang kaba mo't takot ngayon. Wala akong balak na galawin ka kung 'yon ang ikinaiiyak mo kanina. Pwede bang alisin mo na lang 'yang maskara mo?" Sunod-sunod na sabi ng binata.
"Aah, o-opo!" Tarantang sagot ng dalaga dito.
"What's your name?"
"Cey po. Cey po ang tawag nila sa akin dito."
"So, matagal ka na dito?"
"Magtatatlong linggo pa lang po." Mahinang sagot ng dalaga dahil nahihiya siya.
"Ilang taon ka na?"
"18 po."
"Kung magtatatlong linggo ka na dito bakit naman naiiyak ka pa rin?"
"Ngayon lang po ako napunta dito sa private room. Nasa group show po ako lagi."
Napakunot noo ang binata dahil hindi niya alam ang sinasabi nito.
"Tell me about that group show."
"Marami po kaming sumasayaw sa isang show."
"Then stripping?"
"O-opo." Nakayukong sagot ng dalaga.
"I was just curious. If you don't mind, bakit ka nagtatrabaho dito?"
"May sakit po sa puso ang kapatid ko. Kailangan kong makaipon agad para mapaoperahan siya at mas maganda daw kung sa ibang bansa. Sa ngayon ay passport pa lang namin ang nilalakad ko at gamot niya ang pinagkakagastusan ko dahil hindi pa sapat ang naiipon ko." Naiiyak na kwento nito habang nakayuko sa sobrang hiya.
Napailing-iling ang binata dahil nakaramdam siya ng pagkaawa dito kahit hindi naman talaga siya ang taong madaling maawa.
"Nasaan ba ang mga magulang niyo?"
"Wala na po sila."
"Sorry about that. Kumain ka na ba?" Umiling ang dalaga bilang sagot habang nagpupunas ng mga luha. "Where's your manager?"
Biglang nagulat ang dalaga at natarantang hinawakan ang kamay ng binata dahil naisip niyang baka isumbong siya nito dahil umiyak siya.
"Sir! Maawa po kayo! 'Wag niyo po akong isusumbong! Mawawalan po ako ng trabah--"
"Hindi kita isusumbong at wala akong masamang sasabihin sa manager mo. Kakausapin ko lang siya."
"Talaga po?"
"Oo." Natatawang sagot ng binata saka inilayo ang kamay na hawak ng dalaga. Para kasi siyang nakuryente nang hawakan nito ang kanyang kamay.
"Let me talk to your manager first."
"O-opo."
Lumabas ang dalaga sa private room saka pinuntahan ang manager nito. Bumalik silang magkasama at kinakabahan ang dalaga sa kung anong sabihin ng kanyang customer.
Naghintay sa labas ang dalaga para makapag-usap ang kanyang customer at manager. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ang kanyang manager.
"A-ano pong sabi?"
"Ilalabas ka daw niya. Sumama ka na sa kanya wala naman daw siyang gagawin sa'yo at dinagdagan niya ang bayad sa'yo ng mga kaibigan niya." Nangingitig sabi nito sa dalaga.
"Talaga po?"
"Oo. Bukas na kita tatanungin kung anong nangyari dahil baka mainip siya sa paghihintay sa'yo. Magbihis ka na't hihintayin ka niya dito at saka kayo aalis."
Sinunod naman niya ito agad. Doon niya lamang napagtantong suot pa niya ang coat ng binata. Hawak na niya itong bumalik sa private room.
"Salamat po sa coat." Abot niya dito ng coat.
"Let's go."
Sumunod na lamang ang dalaga. Pinasakay siya nito sa kotse saka pinaandar ng binata.
"Sir, saan po ba tayo pupunta?"
"Hindi ka pa kumakain 'di ba?" Tumango ang dalaga. "Kakain tayo. Nagugutom na rin ako."
Pulutan lamang ang pagkain sa private room at hindi rin sila nakakain doon ng maayos.
Tumahimik na lamang ang dalaga nang yayain siya nitong kumain. Kumain sila sa isang fast food chain saka muling sumakay sa kotse nito. Hindi na sila nagtagal at nakapagkwentuhan pa dahil kumain lang talaga sila doon.
"Saan ka nakatira?" Biglang tanong ng binata dito na ikinagulat ng dalaga. "Ihahatid na kita. Don't worry hindi ko naman ipagkakalat kung saan ka nakatira."
Sinabi na lamang ng dalaga at hinatid nga siya nito.
"Salamat po, Sir." Nahihiya man pero masaya siyang may mabuting taong may magandang puso ang nakilala niya ngayong araw.
Tumango lamang ang binata saka pinaandar ang kotse at umalis na.
-