I went outside after I've heard a loud laughters. Probably, my Kuyas friends are here. Dalawang linggo pa lang ako rito ay napapansin ko nang madalas pa lang tumambay ang mga kaibigan nila Kuya Ras at Kuya Remus dito sa mansyon. They are just going to the ranch while riding a horse. Nagtatagal sila doon at hapon na kung minsan bumabalik. Hindi ko rin alam kung saan pa sila nagpupunta pagkatapos tumambay sa rancho.
I do sometimes think... that I want to join with whatever their doings. Na gusto kong makita kung ano nga ba ang madalas nilang ginagawa? Dahil mukhang tuwang tuwa naman ang mga kababaihan nilang kasama. Sila nagsasaya habang ako, mag isa rito at nag mumukmok na para bang inagawan ng laruan.
"Kuya, saan kayo pupunta?" I said while looking at them curiously.
Anim silang lahat at mukhang aalis na rin sina k
Kuya natigil lang nang makita akong parating.
"Daraga Falls, bakit?"
"Puwede bang sumama? Tinatamad na akong pumunta sa dulo nitong rancho dahil sa buong dalawang linggong narito ako ay wala na akong ibang pinupuntahan kundi iyon."
Nakangusong sumbong ko kay Kuya Ras. Totoo naman kasi iyon, at saka nahihiwagaan ako sa Daraga Falls na iyan kaya gusto kong sumama. Sa tingin ko naman hindi ako makakasagabal sa kahit anong gagawin nila. I will behave. Wag lang nila akong iwan dito.
"Para lang 'to sa matatanda, Analia. Dito ka na lang at wag ka nang sumama." seryosong ani naman ni Kuya Remus.
"Hala! Sige na, Kuya. Isama niyo na ako. I promise I won't disturb all of you there..."
Mariin at may panliliit na mga mata nila akong tinitigan kaya ngumiti na lamang ako ng ubod pagkatamis-tamis dahil sa huli ay alam kong papayag din naman ang dalawang 'to. At hindi nga ako nagkamali ng sabay silang magbuntonghininga na para bang sumusuko na sa pakikipag-argumento.
"Fine. Magpalit ka sa taas at magdala ka na rin ng pamalit mo kung maisipan mong maligo."
Buntong hiningang sabi ni Kuya Rasmus matapos silang magkatinginan ni Kuya Remus. Dahil doon mabilis akong tumakbo pabalik sa mansyon para makapagpalit.
"Analia, stop running!" sigaw ni Kuya Ras kaya tumigil ako sa pagtakbo at mabibilis na hakbang na lamang ang ginawa.
Nakabalik ako na may dalang maliit na shoulder bag.
"Ba't ganyan suot mo?" masungit na tanong ni Kuya Remus.
"Uhh... tama lang naman 'tong suot ko sa pupuntahan natin ah." kibit balikat na sagot ko naman.
What's wrong with my clothes? I'm just wearing an off-shoulder blouse and a black short with a black boots at tinali ko na rin ang buhok ko pataas para hindi makasagal sa pangangabayo dahil sa liliparin ito ng hangin mamaya.
"Nangatwiran ka pa talaga." nakairap na aniya.
Huh! Ba't iyong mga babaeng kasama nila mas maiiksi pa nga ang suot ng mga iyan, ah. Hapit na hapit pa ang mga damit nila sa katawan.
"Saan ang gagamitin kong kabayo, Kuya Ras?"
"Ha! Malayo layo ang pupuntahan natin hindi ka puwedeng sumakay sa kabayo ngayon mag-isa." kunot noong aniya.
"Ah ganoon ba. Saan naman ako sasakay niyan?" takang tanong ko pa rito habang napapakamot sa pisngi. Pareho naman kasi silang may katabing babae na nasa harapan nila. So, what about me?
"Am I going to walk?" wala sa sariling nasabi ko na lamang at napamaywang ng 'di oras. Oh, people! I don't even want to walk.
"Silly. Kay Kuya Alrik mo na lang muna ikaw sumakay dahil mag isa lang siya."
Kuya Remus said that made my enchanting orbs widened a bit, at agad napabaling sa tinutukoy nito. Heto na naman siya sa mga tingin niya na para bang parati na lang may nais iparating. Ang magagandang pares ng mga matang malalalim at napakaseryoso kung tumingin. Ang mga matang halos nagpapawala at tila tinatambol ng kung ano ang aking puso.
Nasa tabi pa ito ng puting kabayo at mukhang mapag-pasensyang naghihintay sa naudlot na pag alis.
"Eh, Kuya Ras, kung d'yan na lang po kaya ako sa'yo?" nakangiwing baling ko rito.
"Huh? D'yan ka na. Kasama ko si Ate Ivy mo,"
Balewalang aniya. Kaya napalingon ulit ako sa seryosong lalaking 'yon na ngayon ay nakataas na ang makakapal na kilay. I guess, I don't have a choice.
"Alrik, sumunod na lang kayo. Mauuna na kami."
Turan ni Kuya Ras. Tumango lang naman ang tinutukoy nito at seryoso muli akong tinignan. Kahit nag aalangan ay lumapit na lamang ako rito. Hindi ko na alam kung saan ko pa ibabaling ang paningin ko dahil sa nararamdamang kaba sa t'wing magtatama ang mga mata namin.
"Uhh... I'm sorry for that. Puwede ka namang humindi kina Kuya, eh." Oh, my goddess of them all! Muntik nang magbuhol buhol ang mga sasabihin ko.
"It's fine." tipid nitong sabi.
Tumikhim na lamang ako at tumango. Mabilis akong sumampa sa kabayo kaya muntik pa akong mahulog kung hindi lang niya agad akong nahawakan sa bewang ay malamang sa lupa ako pupulutin. You're such a clumsy girl, Analia!
"Careful," mahina at mariin niyang sabi.
I unconsciously swallowed hard. Ang lapit niya kasi and to think he's towering over me, I can't think properly. Umusod na lamang ako para mabigyan siya ng espasyo sa likuran ang laki pa naman niya baka mahirapan pa siya sa likod.
Pero teka nga! Puwede naman ako sa likod, ah. Nang uusod na ako para pumuesto sa likod ay siya namang pagpigil ng mga kamay nito.
Walang kahirap-hirap niyang sinampa ang sarili sa puting kabayo at nang makaupo ng maayos... he immediately gripped the thick leash. Napaayos ako ng upo ng magtama ang aming mga braso. I don't even care if I looked stiffed, kinakabahan talaga ako't lalo na't magkalapit kaming dalawa.
"Kumapit ka para hindi ka mahulog," mababang boses na aniya kaya ganoon nga ang ginawa ko na agad kumapit sa tali ng puting kabayo.
Nagulat pa ako ng walang pasabi nitong kinabig at pinatakbo ang puting kabayo dahilan upang marahas akong mapasandal rito. I unintentionally closed my eyes because of the impact. His huge and callous hand incircled tightly around my waist. Nang tinanggal nito ang kamay ay lalayo na sana ako ngunit agad niya rin akong pinigilan.
"Stay. If you don't want to fall." ewan ko ba, pero parang double meaning iyong pagkakaintindi ko sa simpleng sinabi niya. I just silently sighed. Hibang ka na, Analia!
Nakalagpas na kami sa dulo nitong rancho at patuloy pa rin sa mabilis na pagpapatakbo itong si Alrik kaya hindi ako matigil sa kakaayos ng off shoulder kong suot dahil marahas iyon bumababa. Hindi ko naman mahawakan gamit ang isa pang kamay dahil baka mahulog pa ako kahit na nakakulong na ako sa mga bisig ng lalaking ito.
Nagulat ako ng magsalita siya malapit sa baba ng aking tainga halos manigas ako dahil tumatama ang hininga niya sa gilid ng aking leeg.
"Stop moving." he seriously said.
"I can't my blouse's keeps on messing around," napapalunok na ani ko.
Napahinga na lamang ito nang malalim. At wala na namang pasabing sinandal ako nito sa kanyang matigas at matipunong dibdib at itinaas ng konti ang off-shoulder blouse ko. Siya na rin ang pumipigil no'n para maiwasan ang pagbaba ng blouse ko.
Hindi ko alam kung ramdam ba niya ang hindi normal na pagtibok ng aking dibdib? Sana nga hindi niya iyon maramdaman dahil nakakahiya. Mas bumilis pa ang pagpapatakbo nito kaya napahawak na rin ako sa kanyang mga braso.
What the hell! Bakit ganito? Tama ba talagang dito ako napunta? O tama pa bang nagpumilit pa akong sumama sa kanila? Sakit sa puso yata ang aabutin ko sa lalaking ito eh!
***
Halos magka-kalahating oras na kami rito sa Daraga Falls at patuloy pa rin sa paliligo sila Kuya, kasama ang mga kanilang katipan na masayang nagtatawanan at nagsisigawan. Pagkarating pa lamang namin dito'y sumilay kaagad sa akin ang pagkamangha. Hindi ko alam na may ganito palang lugar sa Lavizares. Hindi ko pa naman kasi ito napupuntahan. Napakalinaw ng tubig rito sa talon na may malawak din na espasyo nitong hugis bilog, may malalaking bato sa unahan.
At ngayon ko lang rin nalamang pag aari pa pala ng magulang namin ang talon na ito. Dito pala patungo ang pakanan at makipot na daanan sa may dulo ng rancho. Gusto ko ring lumangoy ngunit ayaw ko rin namang makisabay sa kanila. Mamaya na lang ako maliligo pag naisipan na nilang umahon. Lumapit na lamang ako sa mga dala nilang pagkain at iyon na lang ang pinagka abalahan.
Ang sabi ko nga diba—
I won't disturb them, and I will behave like an elegant and charmingly gorgeous princess— that's way too extra for me to say. But truth to be told I won't take it back my words.
Kakain na lang muna ako. Kumakain ako ng chitchirya habang pinapanood silang nagkakatuwaan. Nang nahagip ng mga mata ko si Alrik ay agad rin akong napaiwas ng tingin muntik ko pang malunok ang kinakaing chips dahil sa pagkagulat.
Uminom ako ng tubig. Hindi ko alam kung matutuwa o maiirita na ba ako sa sarili ko dahil napaka weird namang sa kanya lang ako ganito. Ewan ko sa'yo, Analia... kung bakit ka ba nagkakaganyan!
Naubos ko na ang chips na kinakain ng lumapit sila sa kinaroroonan ko. Mukhang kakain na sila kaya tumayo na rin ako.
"Hindi ka ba maliligo?" nakangiting tanong sa akin ni Ate Ivy.
"Ah, maliligo na po. Sige kumain na po muna kayo d'yan." nakangiti ring aniya ko rito.
"Oh, sige enjoy." tinanguan ko ito at lumakad na palapit sa talon.
"Analia, careful wala ka sa US. Stop doing reckless stunts." bilin ni Kuya Ras na ikinanguso ko. Mukhang naisip niya na kaagad ang gusto kong gawin.
"Ay hindi nga po... behave nga po ako 'di ba?" natatawang sagot ko.
"Seryoso ako, Analia. Wag mong susubukan kung ano man iyang nasa isip mo." dugtong pa nito.
"Mabato d'yan kaya sumunod ka na lang." ani rin Kuya Remus.
Uhh...
"I just want to try it here. Bawal pa rin kahit iyong sa mababa lang?" nagbabaka sakaling hirit ko pa.
"No." sabay pang ani nila Kuya Ras at Kuya Remus. Napairap na lang tuloy ako.
Having two brothers like them is also a pain in the ass too. I can't even do what I want to do every time I am with them.
•••