After removing my white off the shoulder blouse and boots near the gazebo. I've already went at the falls and without even thinking I jumped not knowing the water is way colder than I thought.
"Woah! Didn't know the water is this cold." I laughed.
Patuloy ako sa paglangoy at pagsisid sa ilalim ng tubig. I found it amuzing. Nang kinailangan ko nang sumagap ng hangin ay hinayaan kong i-angat ang aking ulo at pagkatapos ay sinuklay pataas ang aking buhok dahil tumatama pa ang tumutulong patak ng tubig non sa 'king mukha.
Habang inaayos ko ang manipis na lace ng suot na sports bra ay napatingala ako sa malalaking bato sa itaas may malapad na bato sa gitna non na tila ba'y nagsisilbing flatform non. Iyon din ang inaapakan ng mga kaibigan nila Kuya kanina.
Lumingon ako sa banda nila kuya Ras at ng makitang nagtatawanan ang mga ito'y alam kong wala sa akin ang kanilang mga atensyon. Kaya naman mabilis kong pinuntahan ang gilid kung saan p'wede kang maka-akyat sa itaas, medyo mahirap dahil matarik ang mga bato at medyo madulas dahil na rin sa mga tubig na umaagos mula sa itaas.
Nang makarating ako sa malapad na bato ay marahan muna akong umupo at pinagmasdan ang nasa ibaba. Nilingon ko rin sina Kuya at nakitang hindi parin nila ako napapansin pero ng mapabaling ang aking paningin sa isang direksyon ay kumalabog bigla ang puso ko. He's seriously looking at me habang may panliliit pa ang mga mata kaya mabilis ko na lamang iniwas ang tingin ko rito at tumayo na lamang.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Binuksan ko ang mga mata at nagmamadaling tumalon, baka kasi isumbong niya pa ako sa mga kapatid ko. Pagkaahon muling nagtama ang aming mga mata. He's still staring at me intently. Umiling ito at iniwas na lamang din ang mga mata. He didn't tell them. Did he? Kung oo... hindi pa ako nakakaahon ay ang pagtatalak kaagad nina Kuya ang sasalubong sa akin pero hindi naman nangyari kaya hinuha ko'y hindi niya talaga 'yon pinaalam.
Lihim na lamang akong napangiti at napakagat labi. Atleast, he considered my feelings dahil alam niyang mapapagalitan talaga ako ng dalawa dahil malinaw pa sa sinag ng araw ang pagtutol nila sa kabalbalang naiisip ko.
Nasa tabi ako ng bato at nakaupo nang makita ko ang paparating na magandang babaeng may hanggang bewang ang buhok. She has this straight hair at natural ang pagiging makintab non. Habang naglalakad rin ang babae tila ba'y sumasayaw ang buhok non sa ere. I like her hair. Ang sa akin kasi ay natural ang pagiging wavy nito na hanggang lagpas balikat lang. Next time, I won't cut my hair.
"Maureen, bakit ngayon ka lang?" tanong noong singkit na lalaki.
"Tinapos ko pa kasi ang pagkukumpuni ng mga basket na ginamit nila Daddy." malambing rin ang kaniyang pananalita.
"Oh, ganoon ba. Halika, kumain ka rito." masayang anyaya naman sa kaniya ni ate Ivy.
"Oh, sige. Salamat." aniya. Ang amo rin ng kaniyang mukha. Maputi rin siya. Mas maputi kesa sa akin,
Umupo siya sa tabi ni Alrik. Nginitian naman siya nito at marahang nag usap ng kung ano ang dalawa. Habang pinagmamasdan ko sila ay masasabi kong close silang dalawa sa isa't isa. Kung mag ngitian at tawanan ang mga ito'y aakalain mong may sarili silang mundo.
Nang makaramdam ng panlalamig ay umahon na lamang ako. Mamaya ko na lang siguro ipapagpatuloy ang paliligo. Para kasing nawalan na rin ako ng ganang magbabad pa sa tubig.
Marahan akong lumapit sa kanila habang naka paa. Ayaw ko namang suotin ang boots ko dahil mababasa 'yon. Papalapit pa lamang ako sa kanila ay napabaling na kaagad ang atensyon ng magandang babae sa akin.
"May kasama pala kayong bata,"
Natutuwang aniya na kinaasim naman ng mukha ko. Matangkad ako. Tapos, sasabihan niya lang akong bata? Tama naman 'yon! Pero kahit na, wala siyang karapatang sabihin 'yon! Sa ilang linggo ko rito'y alam ko sa sarili kong hindi ako tulad ng mga batang naririto. Mas malaki pa nga yata ang hinaharap ko kesa sa'yo. Napasimangot na lamang ako, ewan ko ba. Hindi ako natutuwa sa sinabi niya. After I've complimented her in my mind? She's going to say that! I'm offended. Really!
"She's our sister, Maureen."
Sagot ni kuya Ras na nakita ang pag irap ko. Pinanliitan ako nito ng mga mata kaya nginusuan ko na lamang siya.
"You didn't tell me that you have a sister?" dapat pa bang malaman mo?
"Hindi ka naman nag tanong. Paano mo nga naman malalaman?" can't help it but to answered her question.
Napabaling ang tingin nito sa akin at mahinhing tumawa. "Ay, oo nga. Hindi nga naman pala ako nag tanong."
"Ako nga pala si Maureen. Ikaw?" aniya pa.
"Analia." walang ganang sabi ko rito.
"Aww... I like your name," gusto mo sa'yo na!
"Ilang taon ka na?"
"Fifteen." what's with her? Ba't ba siya tanong ng tanong? Hindi pa ba niya nahahalatang ayaw ko siyang kausap.
Nakitaan ko naman siya ng pagkamangha dahil sa narinig. "Wow! I thought you're only thirteen or fourteen. Your height's maybe looks deceiving but your face says otherwise." what the hell!
Sa inis ko'y umiwas na lamang ako ng tingin at lantarang napairap. Wala na akong pakealam kung nakita niya ang ginawa ko. Naiinis ako. Naiinis na ako sa kaniya! Binabawi ko na talaga lahat ng mga papuri ko sa Maureen na 'yan.
"Anyway, you can call me ate Maureen." masayang aniya. Kung ayaw ko? May magagawa ka ba!
Pumikit na lamang ako at huminga ng malalim. Ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko dahil sa pagkairita. Hindi pa ba siya titigil?
Tinignan ko ulit siya... " I'll take that as a yes!" aniya.
Napansin siguro ni kuya Remus na wala akong balak tugunin ang babaeng lumapit pa sa akin kaya nagsalita na lamang siya matapos mapangiwi.
"May ekstrang tuwalya ako sa bag, Analia. Gamitin mo 'yon at baka nilalamig ka na."
Marahang aniya habang tinitignan ako ng makahulugan. Tumango na lamang ako at umikot para puntahan ang gazebo nandoon kasi nakalagay ang mga gamit namin. Hindi pa nga ako nakakalayo nagsalita na naman ang Maureen na 'yan.
"Analia, wala ka bang tsinelas? Baka masugatan ang mga paa mo." pasigaw na aniya. Naku naman! P'wede bang manahimik ka na lang.
Marahas akong lumingon ngunit ang mga mata ni Alrik ang natitigan ko. Napabuntong hininga na lamang ako upang pigilan ang paninigaw. Ewan ko ba, parang umurong iyong matabil kong dila noong nakita ko lang ang seryoso't nanliliit nitong mga mata.
"Kaya ko ang sarili ko."
Iyon na lamang ang sinabi ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nang makalapit ako sa gazebo. Kinuha ko ang tuwalyang tinutukoy ni kuya Remus at ipinatong na lamang 'yon sa balikat para kunin naman ang cellphone na nasa bag ko. May mensahe doon galing sa kaibigan kong nasa U.S at na ngungumusta, nag reply naman ako at muling binaba ang cellphone at ipinasok ulit sa bag.
Umupo ako sa pahabang upuan at sinandal ang likuran ng natatakpang tuwalya. Marahan akong pumikit at nagisip isip. I have to calm myself down at baka hindi ko ma-control ang sarili ko at masigawan ko siya kung ipagpapatuloy parin niya ang pangengealam. Ayaw ko sa lahat ng pinapakealaman ako at ayaw ko ring bini-baby ako. Yeah, I'm only fifteen pero hindi rin naman magtatagal ay mag si-sixteen na ako sa susunod na buwan.
Bumalik ako kila kuya nang makaramdam ng gutom. Nakayapak parin dahil balak ko pang maligo. Alas dos na ng hapon at ilang oras na rin kaming nandito at mukhang wala pa silang balak na umuwi. Sabagay, maaga pa naman.
"Kuya Ras, may pagkain pa po ba?" mahinahong tanong ko rito dahil siya naman ang naabutan kong nakatingin sa akin.
"Yeah, may kanin at ulam din. Gusto mo?"
"Talaga? Gusto ko po. Ginutom ako e." nakangiti na ngayon.
"Sige. Kukuhanan kita. Remus, pakiabot nga ng paperplate." baling naman nito kay kuya Remus. Kausap nito ang kaniyang girlfriend na si ate Rayah.
Nangangalahati na ako sa kinakain ko ng magsalita si ate Ivy.
"Sa Lavizares Academy ka ba mag aaral?" nakangiting tanong niya.
"Opo. Diba doon din iyong kapatid mo?" tanong ko rito. Matanda lang sa akin ng dalawang taon ang kapatid niya.
"Oo doon din 'yon si Ivan. Hayaan mo sasabihin kong sa kaniyang samahan ka sa enrollment para hindi ka mahirapan." masayang aniya kaya natawa ako. I like Ate Rayah better.
"Sige po." natatawa paring turan ko rito.
Tapos na akong kumain ng yayain ako nila ate Ivy at ate Rayah sa talon. Niyaya din nila ang iba pa kaya nagkakatuwaan kaming nagtungo sa talon. Nakuha ko pang itulak 'yong mukhang intsik na lalaki dahil nasa tabi ko siya at ayaw pang tumalon. Nagtawanan kami dahil doon. Tumalon rin ako at nakipag high five kina Ate Rayah.
Natatawa na lang akong sinasabuyan ng tubig nong mukhang intsik kaya ginagantihan ko rin siya. Nakisali na rin sina ate Ivy at iyong iba. Sina Kuya Ras naman ay tatawa tawa lang kaming pinapanood sa gilid.
"Kuyang mukhang intsik... ano pong pangalan mo?" natatawang tanong ko rito.
Tumigil naman siya. "Yuan, mukhang intsik? E, may halong chinese naman talaga ako." nakangiwing aniya.
Tumawa ako at tumango na lamang. Patuloy parin kami sa pagbabasaan ng maisipan ni Ate Rayah na akyatin ang malapad na bato. Nang maka akyat ay sumigaw ito at inutusan kaming tumabi dahil tatalon daw siya.
"Go, Ate Rayah, kaya mo 'yan!" sigaw ko rin pabalik rito.
Tumawa siya at walang pag aalinlangang tumalon at may kasama pang pagtili kaya humagalpak ako ng tawa. Gusto ko ulit gawin 'yung ginawa ko kanina.
"You should try it, Analia." masayang utas ni ate Rayah pagkaahon sa tubig.
"Don't try her, Rayah. She already knew how to do that but not here." kuya Remus seriously said.
"Really?" manghang tanong niya kay kuya. Tumango lamang ito.
"Analia knows some tricks. She's doing that in San Diego." dugtong naman ni kuya Ras.
"Wow! so, you're an athlete too?" manghang baling ni Ate Rayah. Napakibit na lamang ako ng balikat.
•••