"Kate I'm serious." Bulong pa ni John sa harap nya.
Nakatingin ang ilang mga nasa canteen, habang ang iba ay sadyang iniiwas ang tingin sa kanila. Iniiwasan na maka-eye contact si John.
Sa kanilang isipan, ano kaya ang ginagawa ng presidente ng kumpanya sa employees cafeteria? Hindi pa nangyari ito simula nang ito ang mamuno sa kumpanya isang taon pa lang ang nakakalipas.
Ang ilan ay may idea na kung sino ang babae dahil may bali-balita na may bagong secretary ang kanilang boss.
Ang ilan ay curious, pero ang iba naman ay ayaw nang makialam.
"Bakit ka ba nandito, Kate?" Tanong ni John sa kaniya.
Napakunot ng noo si Kate at napabulong. "Lunch time na po Sir, Diba? So kaya po ako nasa cafeteria." Sagot niya, ayaw niyang makagawa pa ng panibagong scene kapag pabalang nya itong sinagot.
"Well, yeah it's lunch time. But... you should eat your lunch in the office." Sabi nito sa kaniya.
Hindi niya alam 'yon. Pero sa pagsagot nito alam nyang gawa-gawa lang ni John iyon?
"Sir, it's in the manual that I should eat at the cafeteria. Not in the office po."
"Kate." Napabuntonghininga si at muling bumulong. "Gusto mo ba malaman nila na dati kitang-"
Napatayo ng tuwid si Kate. Binitawan ang kubyertos at napatingin sa kaniya. "I'm done with my lunch, Sir. Babalik na po ako sa office. Pasensya na po." Mabilis niyang sabi at dinala ang tray ng pagkain sa bin area at iniwan doon. Sunod ay dali-dali siyang bumalik sa opisina.
Walang lingon-lingon kay John na naiwan pa rin sa may lamesa.
Nang tumayo si John at sinundan si Kate ay nagkatinginan ang ilan sa mga empleyado. Napabulong sila, "Kawawa naman yung bagong secretary ni Sir Rafael, mukhang napagalitan niya."
"1st day na 1st day, napagalitan na."
-Sa opisina ni John ay agad na dumeretso si Kate sa kanyang table. Ilang sandali lang ay dumating si John at nilapitan siya.
"Kate, bakit ka nag-walk out?" Tanong nya.
Labis ang inis ni Kate. Gusto nyang sigawan ito ng "Obvious ba?" Pero pinipigilan nya ang kaniyang sarili lalo pa ai John ngayon ay kanya ng Boss.
Kung papipiliin lang sya. Sana talaga ay hindi na nya tinanggap ang trabaho nya rito. Kung alam nya lang na kay John sya magtatrabaho ay sana nanatili siya sa dating branch na pinagtatrabahuhan niya.
Pero huli na ang lahat eh. Wala na syang choice kundi ang mag-tyaga dito.
Trabaho lang, at kung ano man ang namagitan sa kanila noon ay dapat mabaon na lang sa limot iyon.
"John kailangan natin pag-usapan ang bagay tungkol sa atin." Aniya ng seryoso sa lalaking nasa harapan nya. "Nakikiusap ako sa'yo. Na sana please walang makaalam kung ano tayo dati."
"So you want to lie?"
"No." Napabuntong-hininga siya. "Hindi sa pagsisunungaling, pero gusto ko iwasan na namaungkat yung dating tayo, na ex wife mo ako. Hindi kailangan magsinungaling kung hindi mauungkay yung nakaraan natin. Kailangan ko ang trabaho na 'to John. Yung dating relasyon natin, tapos na 'yon, nakalipas na. At dapat hindi na ungkatin pa."
Natahimik si John. Nanatili itong nakatitig sa kaniya. May parte sa sinabi nito na hindi siya sang-ayon. Pero naiintindihan nya si Kate. Kung ano ang pinaghuhugutan nito.
"I just don't want people to know about us, hindi lang for me pero para sa'yo na rin, John. Ayoko na pag-usapan tayo, na ma-issue tayo, o kung ano-anong mga kwento pa ang mabuo kapag nalaman ng taga rito ang past natin. I just want us to start over. You ans my Boss, and me simply as your secretary." Napatitig sa mga mata ni John si Kate. "Nothing more, John. So please cooperate with me."
Ilang sandali na hindi sumagot si si John hanggang sa mapatango ito. "Okay, if that's what you want. Walang makakaalam na dati tayong mag-asawa." Ani ni John.
Tila naman napanuntong-hininga si Kate. Nakahinga ng maluwag. As long as mananatili na sikreto ang lahat tungkol sa kanila ay wala syang magiging problema sa hinaharap.
"Sa isang kundisyon."
Napatitig si Kate sa kaniya. Hinintay ang susunod nyang sasabihin. Kinakabahan.
"Sa isang kundisyon. Go out with me tonight. Let's have a dinner."
"John-"
"Kate, limang taon na ang nakakalipas. I don't have any news about you. Hindi naging maganda ang paghihiwalay natin. Gusto kong bumawi, and even though alam ko na hindi sapat ang dinner para mapawi yung mga nangyari noon. I want us to talk about it," napahinto si John lalo pa nang makita nya na napasapo si Kate sa kanyang mukha, tila magsasalita. Pero bago pa man ay inunahan na nya ito. "You said you want us to start over. Na maging simpleng secretary lang kita. Kung gusto mo na maging simple lang ang lahat ngayon, let's talk tonight."
"Pero John, hindi ba pwedeng --"
"Just a dinner, Kate. Nothing more."
----
"Anak ng pucha.. anak ng pucha... Bakit ka kasi pumayag?" Bulong ni Kate habang nasa banyo sya at nagtotoothbrush. Kakatapos lang nya maligo, nakatapis pa sya ng tuwalya at nag-totoothbrush. Kanina pa rin sya mura ng mura. Dahil sa kanyang isipan ay sana gumawa sya ng dahilan.
Maaga ang uwian sa company, at exact 5pm ay natapos na. Lalo pa at may personal meeting si John kasama ang isang kakilala. 9pm pa naman ang usapan nila. Kaya may oras pa syang umuwi at makapag-freshen up.
"Bahala na, basta dinner lang."
Lumabas siya ng banyo at dumeretso sa kanyang kwarto. Nagbihis na siya at nag-ayos.
"Alis ka, Ate? gabi na ah?" Tanong ni Kengkeng na nakadungaw sa gilid niya.
"Yes, may pupuntahan si Ate. Kaya ikaw wag mo iiwanan si Nanay."
Kumunot ang noo ng kaniyang nakababatang kapatid. "Ganda mo ah? May date ka no?"
"Date?! Haha. Asa! May company dinner lang, kasi nga first day ni Ate sa new company diba? Kaya ayon kakain kami sa labas."
"Weh? Bakit ang ganda mo kung kakain lang kayo sa labas? Siguro may crush ka doon? Kunwari ka pa." Asar pa nito at halos matawa siya.
"Ikaw, tigilan mo ako sa kakaasar mo ha? Baka nakakalimutan mo ang edad ko sa edad mo? Daig mo pa si Nanay sa sobrang strict eh." Kinurot nya ang pisngi nito kaya napasimangot ang bata.
"Sige na nga, ok na. Basta, Ate ha? Mag-sharon ka mamaya ha? Gusto mo pabaunin kita ng plastic labo?"
"Kelsy!"
Natatawang tumakbo palabas ang kaniyang kapatid. Rinig niya rin ang kaniyang ina na pinagsabihan ito dahil sa pang-aasar sa kaniya.
Saktong 9pm ng makarating siya sa address kung saan sila magkikita ni John. Ang driver nito ang sumundo sa kanya na sya namang dinala siya nito sa condo ni John.
Huli na nang mapagtanto nya kung saang lugar sila ni John mag-didinner. Para bang nanindig ang kanyang balahibo, ang daming tumatakbo sa isipan niya. Habang nasa harap sya ng unit nito ay nagdalawang isip sya. Siguro ay aalis na lang sya, gagawa ng dahilan, kunwari siguro ay sumama na lang ang kaniyang pakiramdam.
Tama, ganon na nga.
Pero bago pa sya makaalis ay bumukas ang pinto.
"Hi, Kate! Come in."