At nang halos maglapat na ang mga labi nila ay agad na hinawakan ni Kate ang bibig ni John, pinihit ang nguso nito palayo sa kaniya.
"Ano 'yon, ha?" masungit niyang sabi habang nakapamewang sa harap nito. Maliit lang na babae si Kate at napakatangkad ni John sa kaniya. Halos mapatingala na nga siya habang tinitignan ng masama ito.
Natawa si John habang hawak nito ang kaniyang bibig, "Kiss lang sana. Hindi ba ganon sa mga movies lalo na pag nagkikita ulit yung mag-ex? slow motion and then boom mag-kikiss sila, and after that--"
"Huwag mo ng ituloy kung ano pa ang nasa isip mo." suway ni Kate at mas lalong natawa si John.
Ganon nga sa mga movies, pero realidad 'to. Kahit pa gaano ka-kissable ang lips niya, o sobrang bango niya na halos humalimuyak na ang amoy niya sa buong office na parang nanghahalina ba, ay hindi siya papadala dito.
"Just chill, Kate. Ako lang naman 'to." pang-aasar pa ni John habang napaupo na sa lamesa, naka-cross ang mga braso nito sa dibdib at tinatawanan siya.
"Paano ako mag-chichill? eh ikaw nga 'yan, ikaw pa talaga?"
"Your husband-"
"Ex husband," Pagatatama pa ni Kate. "At hindi ka pa rin talaga nagbabago." irap ni Kate at naupo sa silya.
"Why, Kate? are you still easily affected by my charms? I won't blame you if you're still attracted to me."
"Ulol!" bulalas ni Kate kaya mas lalong natawa si John, "Gago mayabang ka pa rin." anito at muling napairap.
"Grabe ka naman sa akin, pero kidding aside, I'm really glad to see you again, sa dinami-dami ng pwede kong maging secretary, ikaw pa talaga?" ngiti niyang sabi habang tinititigan si Kate na masama pa rin ang tingin sa kaniya. "at least, kilala na kita, alam ko na kung paano ka tatrabahuhin-- ay esta makikipag-trabaho sa'yo."
Sinamaan sya ng tingin ni Kate, "Kapag minamalas kamo." napabuntong-hininga si Kate at pinaningkitan ito ng mata, "Sabihin mo nga sa akin, sinadya mo ba 'to? na ako talaga ang kunin mo bilang secretary? given the fact that you're the president of this company, I know you can still pull some strings, hindi ba?"
napatigil sa pagtawa si John, biglang sumeryoso ang tingin sa kaniya, binabaan siya ng tingin nito sabay tipid na ngumiti, "You know what? yeah for sure I can do that, and yes if ever I know you're just around. I will definitely pull some strings just to see you." seryosong sabi nito habang hindi naalis ang tingin sa kaniya. "But, to be honest, I didn't know. Yes they sent me your profile but hindi ko nabasa. I'm shocked as well, to see you here. That you're my new secretary. Trust me I don't have any idea. And seeing you right now gave me a relief, that I'll be working with you instead of someone else." paliwanag nito habang nakatingin kay Kate na natahimik. "So... I hope, wag kang mag-back out dahil ako ito. Yes, we're exes, but we can be professional right?"
Ilang saglit siyang pinakatitigan ni Kate at napabuntong-hininga. "As if may choice naman ako diba?" aniya at agad naman napasuntok sa hangin si John.
"Yes! Thanks, Kate!"
Saglit na umirap si Kate at agad na binuksan ang bag upang ayusin ang mga kakailanganin niya sa araw na ito. Totoo na may choice sya, na pwede syang mag-backout, na huwag na lang ituloy ang trabaho niya rito. Pero sa kagaya niya na maraming bayarin, na kailangan talaga ang trabaho na ito ay hindi siya dapat magpaapekto, hindi dapat mangibabaw ang emosyon niya.
"Pero alam mo Kate?" tanong nito habang nakatingin sa kaniya.
"Ano?" masungit niyang sabi bago, kinuha ang tablet para makita ang schedule ni John today. "Ano na naman 'yang ngisi mo na 'yan?"
Muling tumawa si John, "Wala pa nga eh."
"John, don't give me a reason to resign today, sobrang tindi na ng rebelasyon ngayon pa lang. Wag mo ng dagdagan,"
"Ito naman, sasabihin ko lang na mas gumanda ka ngayon, you really look good, mas lalo kang sexy."
"Wag kang manyak, baka makalimutan kong boss kita." saway ni Kate at mas lalong natawa si John.
"Manyak agad? pinupuri lang kita, masama ba 'yon?"
"Yes, masama basta sa bibig mo lalabas.'' natatawa pang sabi ni Kate at ipinakita ang tablet sa kaniya, "So Mr.John Rafael Del Monte, here's the list of your schedule today, we need to work."
"Strict naman."
---
"Haay! jusko lord!" bulalas ni Kate habang nasa powder room siya para mag-retouch. Pinakatitigan niya ang kaniyang sarili, kahit ok pa naman ang makeup niya ay pakiramdam niya ay na-haggard siya dahil sa mga nangyari. Naghilamos siya para naman ay mahimasmasan siya.
Sa buong buhay niya na nagtatrabaho, pakiramdam niya ay ngayon ang pinakamahabang oras sa talambuhay niya. Ang haba ng oras ngayong first day niya, ilang oras lang ang lumipas pero pakiramdam niya dalawang araw na siya nandito.
Nasa Marketing department si John ngayon, mabuti na lang din at sumunod ito, kanina ay ang dami pang dahilan gusto lang naman mang-asar.
Napatingin siya sa wrist watch nya, nakita nya na alas dose na ng tanghali.
"Buti naman lunch time na. Mukhang doon na rin naman magla-lunch si John sa meeting nila." Aniya at lumabas na ng powder room.
Kinuha nya ang ilang personal na gamit nya pagkatapos ay nagpunta sa
Cafeteria. Pagkarating nya roon ay marami na rin tao ang nakapila. At medyo dahil sakto lang ang dating nya ay agad din naman syang nakakuha ng pagkain.
Ang daming pagkain na pagpipilian. Mabuti na lamang ay provided ng company ang lunch kaya malaking tipid sa kanya. Lalo pa syang natuwa dahil mukhang masasarap ang mga ito.
"Is that all, Ma'am?" Tanong ng staff na nag-aasist para magsandok ng food. Lalo pa at aside sa chicken adobo, at fried rice ay kumuha sya ng kaunting tempura. Yummy
"Yes, ok na po ito." Sagot nya.
"At least have this, Ma'am" iniabot nito sa kanya ang sliced fruits na nasa platito.
"Thank you po," Gusto man nyang i-try lahat ng pagkain ay nakaramdam s'ya ng hiya lalo pa at may ilang nakatingin sa kanya. Yung iba ay abala sa kani-kanilang lunch pero ang ilan ay mukhang napansin ang bagong mukha siya.
Naghanap sya ng bakanteng table at doon naupo. Nag-uumpisa na syang kumain ng may iilan na umupo sa tabi nya.
"Hi, Miss.. is this occupied?" Tanong ng isang lalaki kaya napaangat sya ng tingin.
Umiling siya at agad naman napangiti ang lalaki at naupo sa tapat nya. "Thank you! I hope you don't mind na tumabi sa'yo." Anito at sumubo ng pagkain. "Bago ka? Parang ngayon lang kita nakita?" Tanong nito sa kanya.
"Today's my first day." Simpleng sagot niya. Dahil sa 'totoo lang ay gusto niya lang kumain ng matiwasay at masulit ang lunch time nya.
"Really?! Welcome to the company. I'? Seb by the way. What's your name?" Pakilala nito at nakipagkamay sa kaniya.
"I'm Kate."
"Nice name, Anong department ka?-"
Bago pa man sya sumagot ay itinaas nito ang kamay na tila may tinatawag. "Hey! Here!" Sabi nito, ilang saglit lang ay may dumating pang tatlo na lalaki na may dalang kanya-kanyang tray ng lunch nila.
"Uy, Seb! Pare!" Sabi ng isang lalaki napatingin naman sa kanya ang lalaki.
"I hope you don't mind, marami naman space." Anito.
Hindi naman siya makahindi at wala na rin naman syang nagawa lalo pa at nagkanya-kanyang upo na mga ito sa tabi niya.
"Mga pars, si Kate pala, today first day niya." Pakilala ng lalaki sa mga kaibigan niya.
Sa isang table, siya lang ang babae, at apat silang mga lalaki na hindi naman niya kilala. Sanay si Kate na may mga lumalapit sa kaniya, may ilan pang lumapit na mukhang kakilala ng mga ito. Ngayon lang ata sya napaligiran ng ganito. Medyo naiilang na siya, gusto lang nyang mag-lunch.
"So anong department ka?"
"Executive department."
Nagtinginan ang mga ito. "Talaga?! Nice one. Sa engineering kami, sila naman sa marketing-"
Hindi na nga nya maintindihan ang ilan sa mga sinasabi ng mga ito dahil sabay-sabay sila nagsasalita.
"Huy, wag nga kayong makulit. First day pa naman ni Ma'am Kate today."
"So Ma'am Kate? Sino pala boss mo sa executive?-"
Pero bago pa man siya makapagsalita ay nagsitigil ang mga ito, sunod ay napatayo at nagsialisan sa tabi niya. Napakunot ang noo niya. Nagkataka, Hanggang sa napalingon siya.
Nasa likod niya si John. At bago pa man siya makapagsalita ay naupo na ito sa tapat niya.
"Naks naman, 1st day pero pinagkakaguluhan ka na." Anito sa kanya ng pabulong.
"Wala, ganon talaga pag maganda, lapitin."